Download App
68.42% Antitoxicated (항독소) / Chapter 13: 열셋: Begins To Unfold

Chapter 13: 열셋: Begins To Unfold

-- SONG HAE RA –

Hindi pa rin ako makapaniwala sa liham na ipinabigay ni Ryeong sa akin. Kahit papaano pala ay nakaramdam pa rin ako ng..sakit.

Pero kasabay ng lungkot na nadarama ko ay isang pakiramdam na tila ako ay nakawala na sa aking hawla.

Ngayon tuloy..lalong naguguluhan ang aking isip maging ang aking puso.

Napahawak ako sa aking dibdib..

Sino na nga ba ang tunay na nilalaman nito?

Ang prinsepe Ryeong na sinubaybayan ko ng ilang taon?

O si Seo Jeong na.. hindi mawala sa isip ko ngayon?

Naantala ang aking pagmumuni-muni nang biglang narinig kong kumalabog ang pinto ng aking silid. Tila may gustong pumasok at manggulo.

At nagulat ako nang mapagtanto ko kung sino iyon.

Tsk, anong ginagawa niya rito?

"Hwanghu-mama!" Sinusubukan siyang pigilan ng ilang mga court lady.

*Translation: Your Majesty!/Empress!*

"Huwag ninyo akong pigilan! Kailangan kong makausap si Hae Ra!" Rinig na rinig rito sa loob ng aking silid ang paghiyaw niya.

Bigla namang may pumasok na court lady..

"Kamahalan, nagpupumilit po ang mahal na empress na pumasok rito." Sambit niya.

"Sige na, papasukin niyo na siya." Sabi ko at napatango siya.

Bigla namang pumasok ang empress at akmang susugurin ako.

"Nareul dachige hae, hwanghu-mama!" Sigaw ko sa kanya.

*Translation: Try to hurt me, Your Majesty!*

"SABIHIN MO SA AKIN KUNG NASAAN SI RYEONG!" Sigaw niya sa akin.

"Patawad ngunit hindi ko alam kung nasaan s—

"Huwag mo na akong lokohin pa, Hae Ra! Kung hindi mo talaga alam kung nasaan siya, hindi ka mananatili rito sa iyong silid at hahayaang lumipas ang oras nang wala ang iyong mapapangasawa!" Galit niya muling sigaw sa akin.

Napa-buntong hininga ako "Lubhang mapanganib sa labas upang magtungo pa ako roon. Kung umalis si Ryeong ay tiyak na babalik rin siya ka—

Hindi niya muling pinatapos ang sinasabi ko at agad akong sinampal kung kaya't napadapa ako sa lapag.

"Tigilan mo na ang iyong mga kasinungalingan, Song Hae Ra! Nasaan si Ryeong at bakit siya lumisan!?" Sigaw niyang muli, naglabas ng espada at itinutok iyon sa akin. "Malhaejwo animyeon naega neol jug-ilgeoya!"

*Translation: Tell me or I'll kill you!*

Patuloy sa pagpatak ang mga luha ko. Kung ito man ay akin nang katapusan, mas pipiliin ko pa iyon kaysa ipahamak si Ryeong at ang iba ko pang mga kaibigan.

Sandali..

Alam ko na, may naisip akong paraan.

"Sige, kamahalan. Sasabihin ko ang totoong dahilan ng paglisan ni Ryeong ngunit ito ay may kapalit." Sambit ko at binigyan siya ng matalim na tingin.

"Neon manyeo! Anong kondisyon na naman ba ang hihingin mo?" Galit niyang sagot sa akin.

*Translation: You witch! What condition are you going to wish again?*

"Sabihin mo sa akin ng detalyado ang lahat ng plano niyo ni Lee Woo Chan!" Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Huh! Hindi niya ba inaasahan na may makaaalam ng maitim nilang mga balak?

"A-Anong pinagsasasabi mo?" Halatang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko kaya nabitawan niya ang espadang hawak niya.

"Neon molla-yo?" Natatawa pang sabi ko sa kanya.

*Translation: You don't know?*

"Alam kong kayo ng Crown Prince ang may kagagawan ng mga hindi kanais-nais na nagaganap rito sa palasyo!" Sigaw ko at mukhang lalong nanlaki ang mga mata niya.

"Itikom mo ang iyong bibig! Subukan mo lang magsalita at—

"At ano? Papatayin ninyo ako? Alam ko naman ang magiging kapalit ng gagawin ko kaya kung iyon ang iyong gusto, gawin mo na ngayon!" Pagbabanta ko sa kanya

"Hindi. Hindi ka namin papatayin. Ngunit alam ko na kusang tatahimik ang iyong bibig kapag sinabi ko kung sino makakaranas noon!" Sa sumunod na sinabi niya ay bigla akong nakaramdam ng takot..

"Chief Myun!" Tinawag niya ang hepe ng kanyang mga guwardiya. "Ipadakip si Lady Song, ngayon din!"

"Masusunod po, kamahalan."

A-Ano? Hindi maaari..eomma..

"Manyeo! Uri eommaga aniya!"

*Translation: Witch! Not my mother!*

"Oh ano? Sasabihin mo ba kung anong dahilan nang pag-alis ni Ryeong at kung nasaan siya at mananahimik ka ba sa iyong mga nalalaman!?"

Tuluyan na akong nanlumo. Hindi ko na alam ang gagawin ko..

"Mukhang hindi pa kayang sumagot ng taksil na ito! Dalhin niyo siya kung saan siya dapat dalhin!" Utos ng Empress sa kanyang mga guwardiya.

Ayoko na..

Hindi ko na alam kung ano pang ang mangyayari sa akin..

Patawad, mga kaibigan ko..

-- ZELINE HAN/ HAN SEO NA –

Nasa garden ako ngayon (dun sa nilipatan naming bahay) at nag-aayos ng mga halaman. Habang ito namang kasama ko ngayon, mukhang kanina pa ako iniinis.

Tsk, ba't kasi siya tingin ng tingin sa'kin?

"Hoy!" Sigaw ko at kumaway sa mismong mukha niya. "Sabihin mo nga. May dumi ba sa mukha ko? Ba't mo ba 'ko tinititigan, ha?"

Halatang nagulat siya sa ginawa at sinabi ko. Napa-smirk pa talaga siya.

"Tsh, gumawa ka na nga lang dyan, kung ano-ano pang sinasabi mo eh," Sabi niya pa sa sabay iwas ng tingin.

"Alam mo ikaw rin, kung wala kang magawa, pumasok ka na sa loob at pumirmi ka na dun. Nakakagulo ka pa sa ginagawa ko eh." Saway ko sa kanya at natawa siya.

Tch, anong trip niya? Kumukulong hot na talaga ang dugo ko sa kanya!

Nagulat naman ako nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa'kin. "Ayoko, dito lang ako." Diretsong sagot niya.

Hindi kayo maniniwala sa susunod na nangyari. Alam niyo ba ang ginawa ko? Hahaha! Pinitik ko ang noo niya.

"Argh!" Napahiyaw siya sa sakit.

"Oh ano, guguluhin mo pa ba 'ko o aalis ka na dito?" Sabi ko pa sa kanya.

"Tsh, you're such a brat. Ang sakit nun ah. Siguro kung nasa palasyo tayo ngayon ay pinarusahan na kita. Sinaktan mo ang nakatakdang maging crown prince." Reklamo niya kaya napairap naman ako. Wow ah.

"Pero wala tayo sa palasyo ngayon. Dito, hindi ka prinsepe at hindi ako noble lady, so kaya kong gawin sa'yo ang lahat ng gugustuhin ko. Kahit gawin pa kitang Korean barbecue!" Sabi ko at natawa naman siya sa'kin.

"Hindi ka pa rin pala talaga nagbabago. You're still the typical violent Zeline." Sabi niya sa'kin at ginulo ang buhok ko.

Ano bang nangyayari sa kanya at ganito ang ugali niya ngayon? Masyado na siyang touchy at palatawa.

Ganito ba ang epekto ng pagiging runaway groom?

"Hindi ka pa rin naman nagbabago. Ikaw pa rin yung pikon at masungit na Ryxen na nakilala ko." Sabi ko sa kanya ng nakangiti.

Na ngayon ay unti-unti nang nag-iiba. Hindi naman sa ayaw kong mas lalo siyang bumait kaya nga lang, para sa'kin, mas bagay sa kanya yung cold type. Dun nga ako…nagka-crush sa kanya noon eh.

Aish, erase erase! Tapos na yun, wala na yun, hindi na dapat pang iniisip yun! Lalo na ngayon, hindi na ikaw si Zeline, si Seo Na ka na, si Seo Na. Si Zeline yung nagkagusto kay Ryxen/Ryeong at hindi ikaw.

"Oo nga pala, bakit mo nga ba kasi tinakasan yung kasal niyo ni Hae Ra?" Curious kong tanong.

"May maling nangyayari sa palasyo. Alam kong hindi 'to tamang oras para ikasal kami ni Hae Ra." Sabi niya habang nakatingin sa kawalan.

"Pero chance mo na yun. Pag kinasal kayo, magiging official crown prince ka na at hindi magtatagal, ikaw na ang magmamana ng trono ng Emperor," Paliwanag ko sa kanya pero nanatili siyang nakatulala sa kawalan. "At kapag nangyari yun, kapag mas makapangyarihan ka na, magagawan na natin ng paraan ang paghahanap ng cure at makakabalik na tayo sa future."

Napangiti siya ng bahagya pero napailing din.

"Hindi magiging ganun kadali yun." Sabi pa niya.

"Pero..ayaw mo bang maikasal kay Hae Ra? Diba sabi mo dati sa'kin nung nasa present pa tayo, iniisip mo na yung pagpro-propose sa kanya? Kay Hyra. Ngayon may chance ka nang pakasalan siya. Papakawalan mo pa ba?" Sabi ko pa.

"Magkaiba sina Hyra at Hae Ra," Sabi pa niya."Aish, wag na lang nating isipin ang tungkol dun. Lalo na ngayon, hindi ako pwedeng bumalik sa palasyo."

Nakakapagtaka naman. Siguro nga magkaiba ang naging buhay nina Hyra at Princess Hae Ra pero iisa lang sila. At ito pang si Ryeong? Tatanggi na mapakasalan ang babaeng mahal niya? Na'ko, imposible yun.

Aalis sana ako para kumuha ng gamit at ituloy 'tong ginagawa ko nang biglang..

"Aahhh!"

Nadulas ako.

At si Ryeong..

Sinalo niya ako?

Nakatingin lang ako sa kanya at ganun rin siya sa akin.

Dug*dug dug*dug

Bakit ganito?

Bakit parang ang gaan sa pakiramdam? Bakit parang bumabagal an

Bigla naman akong nagising sa katotohanan.

"O-Ok ka lang ba?" Tanong pa niya.

"Ha? Ah, oo.." Sabi ko at bigla naman akong natauhan kaya tumayo ako agad at nagpagpag.

"Sa susunod kasi mag-iingat ka. Ano? Nasugatan ka ba?" Concerned na tanong niya. Bakit ba kasi ganito niya 'ko kausapin ngayon?

"H-Ha? H-Hindi. Oo, hindi. S-Sige, papasok muna ako sa loob." Sabi ko at dali-daling tumakbo papunta sa loob ng bahay at isinara ang pinto.

Bakit naman ganito ang puso ko ngayon? Aish, nagiging abnormal na naman.

Napahawak tuloy ako sa dibdib ko. Jusko, parang may nagkakarerang mga kabayo na naman!

Hindi. Hindi pwede. Hindi ako pwedeng tamaan na naman ng sakit na 'to.

Kasi matagal na 'kong gumaling..

Matagal na 'kong gumaling sa nararamdaman ko sa lalaking yun..

-- JANG YEON –

"Princess Ye-na! Wag na po kayong umiyak!" Pagpapakalma ko sa batang prinsesa.

Kanina pa kasi siya umiiyak at nagmamakaawa kung maaari niya bang makita ang pamilya Han. Totoo ngang napalapit na sila sa kanya at sila na ang itinuring na pamilya ng prinsesa dahil tinanggap nila siya ng tunay.

Maging ako…

Ako na kahit tagapagsilbi lamang nila ay itinuring nilang parte ng kanilang pamilya. Tunay na napakabuti ni Lady Han at ng kanyang mga anak. Si Master Seo Jeong ay nagsilbing mabuting gabay sa akin kaya hindi ako lubos makapaniwala na magagawa niya ang mga paratang sa kanya. Samantalang si Lady Seo Na naman ay itinuring akong para ng isang kapatid.

Hindi ko rin matanggap na ngayon ay wala na sila rito sa palasyo..

"Jang Yeon-ssi! Dowa jwoyo nae gajog-eul chaj-a!"

*Translation: Miss Jang Yeon! Help me find my family! *

"Mianhe, gongjoo-mama," Naluluhang sabi ko at yumuko sa kanya. "Ngunit hindi ko maaaring gawin iyon. Kahit gustuhin ko man na makita sila muli. Alam kong malaki ang magiging kaparusahan noon. Hindi ako mapapatawad ng Imperial Family, ng totoo mong pamilya."

*Translation: I'm sorry, Princess,*

"Wala na akong pakialam sa Imperial Family! Kailanman hindi nila ako tinuring na parte ng kanilang pamilya!" Umiiyak pa ring hiyaw ng prinsesa. "Ang gusto ko lang malaman ay kung nasaan ang pamilya ko!"

"Patawad, Princess Yena.." Napaupo na ako.

"Eomma mama! Seo Na unni! Seo Jeong oppa!" Umiiyak na sabi niya kung kaya't napayakap na ako sa kanya. "Jang Yeon-ssi, jebal..dowajuseyo!"

*Translation: Miss Jang Yeon, please..please help me!*

Patuloy lang ako sa paghagod sa likod ng kaawa-awang prinsesa..

Naalala ko tuloy sa kanya ang aking nakababatang kapatid.

Ganitong-ganito rin ang kanyang reaksyon nang ako'y lumisan noon sa aming tahanan upang magsilbi sa palasyo.

Nakita ko namang biglang napadaan ang kapatid ni Hong Tal Ro, si Ji Ro. Sinenyasan ko naman ang bata na lumapit sa akin.

Kumalas naman na kami ni Yena sa yakap.

"Ano po ang inyong kailangan, Jang Yeon noona?" Tanong niya sa akin.

"Maaari bang samahan mo muna si Princess Yena sa kanyang silid?" Tanong ko sa kanya.

"Ngunit hindi maaari. Kailangan kong makita ang pam—

Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Huwag kang mag-alala, gongjoo-mama. Tutulungan kita ngunit hindi sa ngayon. Mainit ang mata ng empress sa kahit sinong gagawa ng kataksilan rito sa palasyo. Hahanap ako na tamang pagkakataon upang mahanap sila at makasama mong muli."

Napayuko naman ang prinsesa matapos kong ibulong iyon sa kaniya.

"Sige na, sumunod na lang muna tayo kay Jang Yeon noona. Sumama ka na sa akin." Sabi sa kanya ni Ji Ro, hinawakan ang kanyang kamay at tuluyan na silang umalis.

Hayy, pakiramdam ko ay wala akong silbi…

Ni hindi ko naipagtanggol ang kanilang pamilya..

Nabigla naman ako nang biglang may humawak sa balikat ko.

"Prince Dong Min?"

Anong ginagawa niya rito?

"Ayos ka lang ba?" Tanong naman niya sa akin.

"Ah, opo. Patawad po kung narito lang ako. May iuutos po ba kayo sa akin?" Sambit ko at yumuko.

"Wala. Nais ko lamang malaman kung ayos lang ba ang pakiramdam mo."

Ha? A-Anong—

Tama ba ang narinig ko?

"P-Po?"

Natawa siya ng bahagya.

"Alam ko kasing ikaw ay isang malapit na tagapagsilbi ng pamilya Han. Alam kong mabigat din sa loob mo ang nangyaring pagpalalayas sa kanila rito sa palasyo. Kaya huwag kang mag-alala, narito naman ako para damayan ka."

Lalo namang nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya. Seryoso ba—

"Namumula ang iyong mga pisngi. Sandali, masama ba ang pakiramdam mo? T—

Akma pa niyang hahawakan ang mukha ko kaya tinabig ko naman ang mga kamay niya.

Yumuko ako. "Hindi po, k-kamahalan. M-Maayos po ako. Salamat po sa inyong p-pag-aalala.."

"Sigurado ka?" Paninigurado niya pa.

"Opo." Sagot ko naman.

"Oo nga pala, anong nangyari kay Princess Yena kanina?" Tanong niya pa.

"Nagdadalamhati ang batang prinsesa dahil sa paglisan ng pamilya Han rito sa palasyo. Hindi niya matanggap na ang kinilala niyang pamilya ay hindi niya na makikita pa." Malungkot na sambit ko.

"Gusto mo ba siyang matulungan?" Biglang tanong naman ng mahal na prinsepe.

"Opo, kamahalan. Ngunit—

"Halika at sumama ka sa akin." Nagulat naman ako nang bigla niya akong hilahin.

Sandali..

Tama ba ang nakikita ko? Hinahawakan ako ng mahal na prinsepe?

"S-Saan po tayo pupunta?" Kinakabahan kong tanong.

"Sumunod ka na lang sa'kin." Sabi pa niya.

Maya-maya naman, huminto kami sa isang tagong lugar.

Anong ginagawa namin dito?

"May kailangan kang malaman." Biglang sabi niya.

"Ano po iyon, kamahalan?" Tanong ko naman.

"Alam ko kung saan pinatapon ang pamilya Han at alam ko rin kung nasaan si Ryeong. Naroon siya, pinuntahan niya ang pamilyang dati mong pinagsisilbihan." Halos maluha ako nang marinig ko ang mga sinambit niya

Totoo ba ang mga ito?

Makikita ko na nga ba silang muli?

"Patawad sa sasabihin ko, mahal na prinsepe, ngunit maaari mo ba akong dalhin sa kanila? Kahit patago at sandali lamang, pakiusap." Pakikiusap ko kay Prinsepe Dong Min.

"Huwag kang mag-alala, Jang Yeon-ssi. Susubukan kong gumawa ng paraan para mapagbigyan ang hiling mo at ni Prinsesa Yena," Sabi niya na labis kong ikinatuwa. "Ngunit hindi iyon magiging madali. Sa ngayon, kailangan muna nating maghanap ng tamang oras para puntahan sila. Lalo na ngayon dahil may kumakalat na epidemya, mas magiging mapanganib ang gagawin natin."

"Naiintindihan ko po," Sabi ko at yumukong muli. "Gamsahamnida, wangja-nim."

*Translation: Thank you, Prince.*

"Ngunit may pabor ako sa iyo, Jang Yeon-ssi. May isa pang tao rito sa palasyo na nakakaalam ng plano." Dagdag niya.

"Sino po ang tinutukoy ninyo?" Tanong ko.

"Si Princess Hae Ra." Sagot niyang muli.

Alam ng mapapangasawa ni Prince Ryeong ang pagtakas ng kaniyang kasintahan?

"At nasisiguro kong nasa panganib ang buhay niya. Nagsimula siyang paghinalaan simula noong sinubukan niyang ipagtanggol si Seo Jeong." Dagdag pang muli ni Prince Dong Min. "Maaari mo ba munang obserbahan ang kalagayan niya?"

Yumuko akong muli. "Masusunod po, kamahalan."

Tumakbo na ako agad matapos sabihin sa akin ni Prinsepe Dong Min ang tungkol dun.

Kailangan kong pumunta sa silid ni Princess Hae Ra.

Dali-dali sana akong papasok ngunit biglang may lumabas mula roon.

At ang taong iyon ay hindi ko inaasahan…

Ang empress.

Anong ginawa niya sa kwarto ng mahal na prinsesa?

At ang kataka-taka pa rito ay walang kahit sinong guwardiya o court lady ang nagbabantay sa labas.

Agad naman akong tumakbo at pumasok na nga sa kwarto.

Pagpasok ko..

Walang tao roon.

"Princess Hae Ra?" Sinusubukan ko siyang tawagin ngunit walang nakaririnig sa'kin.

Ngunit ang kanyang kwarto ay napakagulo. Maraming mga gamit na nahulog.

Ngunit nasaan si Princess Hae Ra?

Agad akong lumabas sa silid. Masama ang kutob ko.

Nag-desisyon naman akong sundan ang empress.

At nagpunta siya sa..

Bodega? Anong gagawin niya roon?

Nang may makita akong maliit na bintana, naisipan kong umakyat sa maliit na bakod roon para masilip ko kung ano ang nasa loob.

At laking gulat ko nang makita ko..

Sina Princess Hae Ra at Lady Song!

Nakagapos sila at may gapos ang bibig. Sandali, anong nangyayari?

Maya-maya pa, bigla muling lumabas ang empress. At nagdesisyon muli ako na sundan siya

Hanggang sa pumasok siya sa isang..

Laboratoryo..

Parang ngayon lamang ako nakarating sa lugar na ito.

May maliit muling bintana sa taas kung kaya't tumuntong muli ako para sumilip roon.

At nakita ko..

"Yeobo, bogoshipeo.."

*Translation: Honey, I miss you..*

Si Empress Ji Hyo..

Nakayakap kay..

Crown Prince Woo Chan?

"Nado bogoshipeun, Nan sarang."

*Translation:I missed you too, my love.*

Anong ibig sabihin nito? May relasyon sila?

"Nakakapagod ang araw na ito. Yeobo, kailangan na nating mag-ingat. Dumarami na ang nakakaalam ng ating plano." Sabi ng taksil na empress.

"Bakit? Sino pa ang dumagdag kay Seo Jeong?" Medyo inis na sabi ng Crown Prince

"Si Hae Ra. Sinasabi na nga ba't marami rin siyang alam." Sabi pa ulit ng Empress.

"Malamang ay kailangan na rin iyang i-dispatsa kagaya ng nangyari kay Seo Jeong." Nakita ko namang kinuyom niya ang kanyang palad.

"Huwag mo na masyadong alalahanin iyon, mahal ko. Ginagawan ko naman na ng paraan." Sabi muli ng empress at minasahe sa likod si Prince Woo Chan.

Hindi ako makapaniwala…

Tunay na inosente ang pamilya Han lalo na si Master Seo Jeong, at ngayon may masama pa silang balak kay. Princess Hae Ra.

Ang dapat sa kaparusahan ay ang mga lapastangang ito!

Kailangang malaman ng mahal na Emperor ang kataksilan ng kaniyang asawa't kapatid.

Tatakbo na sana ako nang ng bigla kong mabangga ang isang pasok malapit sa may pinto.

"Sino iyon!?" Dinig kong sigaw ni Prince Woo Chan.

Napahawak ako sa aking bibig..

~~~~~~~

Now that the hidden feelings and secrets are beginning to unfold, what will happen to the toxicated world?

[ TO BE CONTINUED..]


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C13
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login