Download App
94.73% Reaching My Dream / Chapter 18: Chapter 17

Chapter 18: Chapter 17

Time flies so fast. May on-the-job training kami for fourth year summer kaya hanggang ngayon nasa university pa rin kami. Inaayos na namin mga documents para doon. Sa DPWH- Ilocos Sur ako na-assign kaya sobrang saya ko kasi may time kaming magkita kahit bakasyon. I'll surprise her about it.

"Hoy Laxamana, isama mo na ako sa Ilocos Sur please. Ayaw naman ni Macky doon e. Palit na lang kami."

Si Justin na panay pa rin ang maktol dahil sa Cagayan siya na-assign mag-OJT.

"Okay, palit na lang tayo. Atleast dun makakauwi pa ako sa bahay. Walang hassle."

Walang emosyong sagot naman ni Macky.

"Bakit na ayaw mo doon? E, halos di ka na umuuwi sa bahay niyo a. Ayaw mo ba 'yun gaya ng sabi ni Macky less hassle. Kasi libre na lahat doon."

"Ano namang mangyayari sa akin sa bahay? Makikinig ng mga plano nilang hindi ko naman gusto? No, thanks!"

"Law pa rin ba?"

Tanong ni Andrew na sa Ilocos Norte lang din ang assignment dahil sa isang back subject niya.

Hindi umimik si Justin na nag-iisip pa rin kung anong gagawin para malipat ng OJT assignment.

Ang lakas ni Justin sa OJT adviser namin kaya nakakuha pa rin siya ng slot para sumama sa group na sa Ilocos Sur and assignment. Hindi nga lang sa DPWH yung sa kanya kundi isang construction firm sa Ilocos Sur.

"Yohoo! Ano ka ngayon Cagayan?"

Si Justin na sobrang saya sa nangyari. Nanlibre pa nga siya para daw sa kanyang success.

The next I know, magsisimula na kami sa on-the-job training namin. I haven't told Ailyn yet ang destination ko kasi I am planning to surprise her. Sa weekend ng first ng OJT namin, papatulong na lang ako kila Faye about it.

"Nigel, 'yung phone mo kanina pa nagri-ring! Ay! Si Justin lang pala, ako na sasagot," sigaw ni Macky.

"Ano!? Hayup! Paano?" natatarantang sigaw niya sa phone ko kaya lumapit agad ako.

[Nigel, hindi mo ba sinabi kay Ailyn na start na ng OJT natin at sa Ilocos Sur ang assignment mo? Ang bobo mo naman! Alam mong sa municipality nila ang assignment ko. Ang bobo talaga.]

[Anong bang nangyari?]

[Nagkita kami kanina lunch break ko. She's working part-time tutor sa tutorial center ng cousin niya. Alam mo ba yun? Gulat na gulat siyang nakakita sa akin. Tapos ayun nag-kwento na ako kasi akala ko sinabihan mo siya.]

[Gago! Sana nagtanong ka muna!]

[Gago ka rin, nililigawan mo 'yung tao kaya akala ko in-update mo siya.]

[Anong sinabi niya sa nalaman niya?]

[Parang nagtatampo e, bakit mo ba hindi sinabi?]

[I am planning to surprise her, sa weekend. Tutal nakita ka rin naman na niya, gawin na kitang accomplice. Try to convince her to bring you to their place on Saturday. Puntahan natin siya sa kanila. G ka ba?]

[Copy. Ako na bahala. Huwag mo muna kausapin. Ako na magdadahilan para sa 'yo. I got you, bro.]

[Salamat.]

Sa gabing 'yun nakatanggap ako ng text galing kay Ailyn.

From: Ailyn

Sa Ilocos Sur pala OJT mo, bakit di mo sinabi sa akin? Are we good? Lagi naman tayong nag-uusap, never mo nabanggit.

Dahil may paniniwala akong maayos ang plano namin hindi ko talaga siya kakausapin hanggang Sabado.

To: Justin

Ayusin mo 'yung plano natin a, hindi ko muna rereplyan si Ailyn.

From: Justin

Yeah, got it. Kinuntsaba ko na rin 'yung pinsan niya. Lakas ng charms ko. Akala ako jowa e. HAHAHAHHA

To: Justin

Tangina ka! Bakit hindi mo sinabi na sa lugar nila Ailyn ka napunta? Hayop ka. Akala ko ba Candon 'yung sayo?

From: Justin

Selos ka naman! Palit na lang tayo? Nilipat ako e. Nagulat nga ako 'nung nakita ko siya.

To: Justin

Basta, ayusin mo 'yan a. Dala mo kotse mo diba? Pasundo na rin kami sa Sabado hahahaha

From: Justin

Hayup! Ako na nga gumawa ng paraan ako pa magiging driver. Sige, sige. See you! Hapon ng Friday pupunta na ako dyan.

Hapon ng Friday nasa dorm na si Justin. Nadatnan namin siya sa harap ng dorm namin na nakikipag-usap sa dorm manager namin. Pinaalam na rin namin na matutulog siya dito ngayon. Iba talaga ang powers ni Justin to allure people kasi binigyan pa siya ng space for parking.

"Anong plano Justin? Napapayag mo ba si Ailyn na pumunta ka sa kanila?" tanong ko kay Justin.

"Oo naman, ni-reason ko na gusto ko makita 'yung falls nila. Tapos sabi ko kung hindi niya ako sasamahan paano ako makakapunta doon?"

"Diba may trabaho siya? Paano 'yun? Anong gagawin namin?"

"Pinaalam ko na din siya sa pinsan niya. Ang gawin mo na lang i-prepare ang mga ibibigay mo kung meron man at tsaka sarili mo. Tapos susunduin ko siya sa work niya tapos hintayin niya na lang ako sa sasakyan. Then, dala na din tayo foods. Nakakahiya naman na pupunta tayo ng walang pasabi. Hindi nakapag-prepare si mama at papa sa atin," tawa ni Justin sabay akbay sa akin.

We decided na 10:00 am na susunduin si Ailyn para makabili din kami ng dadalhin sa bahay nila ang pupuntahan na din namin 'yung falls sa kanila para sulit naman ang pagpunta namin doon. Nasa sasakyan kami ni Justin, hinihintay namin siya. They decided na sa passenger's seat kami ni Ailyn para makapag-usap kami at ma-explain ko daw ang side ko dahil palagi daw siyang nagra-rant kay Justin about sa hindi ko pakikipag-usap sa kanya.

The mere fact that she is getting paranoid by my absence makes me feel happy. I think the days I'm fighting the urge to update her about my whereabouts will be worth it. Nakita kong palapit na sila ni Justin sa sasakyan kaya kinuha ko na ang dala kong bouquet of chocolates for her. Pinagbuksan na siya ni Justin at nang makita niya ako ay nalaglag ang kanyang panga sa gulat. Almost three minutes have passed pero nakatayo pa rin siya doon, hindi nagsasalita.

"Surprise!" sigaw ni Justin at Macky.

"Hi, kumusta?" baba ko at lumapit na sa kanya para yakapin siya pero lumayo siya tsaka niya ako inirapan.

"Bakit ka nandito? Wow, buhay ka pa pala?" masungit na sumbat niya sa akin.

"Sorry na, can I have a hug now? I'll explain. I miss you," lumapit ulit ako sa kanya.

Lumapit na siya sa akin and she hugs me, "I miss you, too."

Umiiyak na siya ngayon habang nakayakap sa akin. Tumawa ako at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya.

"Sana all!" sigaw ni Justin na naghihintay na sa sasakyan, "sasakay pa ba kayo o iiwan ko na kayong dalawa. Hinihintay na ako ni mama at papa."

Things aren't official yet but I am meeting her family and I will do everything to make them like and love me.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C18
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login