Download App
52.63% Reaching My Dream / Chapter 10: Chapter 9

Chapter 10: Chapter 9

Alam na alam talaga ni Justin kung kailan gagawing awkward ang sitwasyon. Napakagaling niya. Ngumiti lang si Ailyn sa kanya samantalang binatukan ko naman siya. Mabuti na lang at dumating na din sila Faye, Aira at Ace galing market na mga kahapon pa daw dumating dorm para makapaglinis sa room nila.

Nagsimula na classes namin, mas naging busy ako dahil sa napakamadaming plates. Palagi pa rin naman kaming nagkikita ni Ailyn pero hindi na gaya ng dati na matagal. Sabay kumain at minsan lumalabas-labas din.

Nasa library kami nang nakita ko din sila Ailyn sa American Corner ng library na naglalaro ng Cluedo na board game kasama ang kanyang mga kaklase. Nag-aasaran pa sila doon kaya napapagalitan sila sa assistant librarian na maingay sila. Hindi pa niya ako nakikita kasi medyo malayo ang table nila sa mga computers na accessible para sa amin.

"Ailyn, sige na volunteer na tayo sa USC para naman makakita tayo ng ibang lahi, palagi na lang CBEA meals ang nakikita natin." Si Faye na niyuyugyog pa si Ailyn

Tumawa lang ito, "Girl, dami mong time ha."

"Mabuti ka pa kasi may Sirmata ka na kaya hindi mo na kailangan makakita ng ibang meals."

"Gago, anong akala mo sa akin? Lumalandi ang ginagawa? Oh, anong akala mo sa org natin? Dami nating upcoming activties a. Iyon pagtuunan mo ng pansin."

"Happy, happy crush lang no?"

"Nakita ko 'yung crush kong ECE na kaklase ko dati ng ROTC na nag-take ng qualifying exam sa Sirmata. Skl." Tawa niyang nakatutok sa nilalaro nila.

"Ay gago! May fetish ka ba sa mga taga-Engineering ha?"

"Siya lang naalala kong crush ko sa COE."

"Pero may mga lalaki ka sa COE."

"Pinagsasabi mo?"

"Si kuya Nigel."

"Marami ba siya?"

"Ay wala ng deny na lalaki mo siya. SANA ALL." si Aira na nakikinig pala sa usapan nila.

Natawa ako sa pinagsasabi ng mga kaibigan niya.

"Oh ano, Laxamana? Eavesdrop, eavesdrop na lang tayo." Si Justin na nasa tabi ko na pala.

Sa lakas ng boses niya napatingin na ang grupo nila Ailyn sa amin. Lumapit si Justin sa kanila. Sabi ko sa inyo Mr. Congeniality siya.

"Hi bebe girls, bat nandito kayo?"

"Nandito ka rin naman a." masungit na sagot ni Ace kay Justin.

Tumawa si Justin, "May galit ka sa akin no? Sorry na that I can't crush you back."

"Kapal ng mukha mo. Dare nga lang 'yun."

"Okay." Surrender ni Justin.

Nakipag-usap pa siya dun at ginulo ang paglalaro nila doon. Si Justin talaga isip-bata.

"Alam mo Ace, maganda ka naman e, boyish ka nga lang."

"Edi wow. Walang kang karapatang pakialaman ang mga preference ko sa buhay."

"Magkakaibigan ka talaga kayong apat pare-parehong attitude. Alis na nga ako."

"Huwag ka nang bumalik." Si Ace ulit na mukhang asar na asar kay Justin.

Hindi yata nakukompleto ang araw ni Justin ng hindi nakakaasar. Parang magkakasakit siya kapag hindi siya nag-ingay.

"Parang may amats sayo si Ace, Justin. Iba ka na pre." Si Macky na inaasar si Justin

"Over my dead sexy gorgeous body." Gagong sagot niya.

"Samahan ng mga mahihilig sa mas bata kayo?" si Paul naman ang nagsalita ngayon.

"Samahan ng mga pinagtagpo pero hindi tinadhana ka kasi belong no?" balik na tanong ni Macky sa kanya.

"Present. Paoay Kumakaway." Asar ni Justin sabay akbay kay Paul.

"Move on, Candon!" balik naman ni Paul kay Justin.

Hindi na ako umimik baka ako pa ang i-hotseat nila. Mahirap na.

"Tahimik ka Nigel, wala ka bang new love interest? Galaw-galaw naman tayo dyan. Ano stuck na lang?" si Andrew naman ngayon ang nagsalita.

"Wala ng tinik sa girls, nawalan nang sparks sa girls. Ibalik niyo si Nigel."

"Loyal ako." Sagot ko na lang sa kanila.

"Sana siya rin loyal sayo." Si Andrew ulit na parang may alam na hindi ko alam.

Naging laman ng isip ko ang makahulugang sinabi ni Andrew kanina. Alam kong kay Faye lang ako makakakuha ng information kasi siya ang pinakamadaldal sa kanila. Suhulan mo lang ng pagkain magsasalita na 'yun e.

To: FAYEmaypay

May tanong ako.

From: FAYEmaypay

Kung about kay Ailyn, wala kang makukuha sa akin.

To: FAYEmaypay

Name your price.

From: FAYEmaypay

Huwag ganun!!! Sige, deal. Value meal sa Jollibee tsaka wintermelon milktea sa Infinitea.

--

Nag-order muna ako ng pangsuhol ko kay Faye bago ko siya pinapunta sa lobby para manguha ng information.

"What's up?" tanong niya sa akin.

"May bago bang crush si Ailyn or may nakukwento ba siya sa inyo na lalaki?"

"I'll be honest with you, 'nung summer break lagi silang magkausap 'nung co-member niya sa Sirmata. Parang nagpaparamdam daw ng feelings si boy pero ang sabi naman niya sa amin, she won't assume unless clearly stated ang intentions. Pero hindi natin sure ang mga galaw ng mga dahon baka mamaya sila na. Malihim pa naman si Ailyn."

Natahimik ako, hindi alam ang sasabihin.

"Hoy! Niloloko niyo ba si Ailyn? Bakit kayo ang magkasama? Change of heart?" si Justin na parang kabute na laging sumusulpot.

"Tumahimik ka nga kuya Justin. Naririndi ako sayo. Tsaka excuse me? Si kuya Nigel, seryoso ka ba dyan? Loyal 'to. Idol hindi gaya mo walang jowa pero maraming babae."

"Excuse me rin ha! At least hinahabol hindi naghahabol." Mayabang na sagot niya.

"Excuse me." Iniwan ko na silang dalawa doon.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Should I make my intentions clear para magkaroon din ako ng chance para sa kanya. Ayaw kong masira 'yung friendship namin pero ayaw ko din namang hindi masabi sa kanya ang nararamdaman ko. Pinag-isipan kong mabuti kong susugal ba ako sa nararamdaman o hindi. Ayaw kong mawala siya sa akin dahil lang sumugal ako sa nararamdaman ko pero hindi naman pwedeng hindi ko malaman kung anong nafi-feel niya sa akin. Manalo man o matalo, susugal na ako para sa amin. It is now or never.

May meeting kaming mga volleyball varsity ng university para sa nalalapit nang university games. Sa Physical Education department ang meeting kaya nagpunta na kami ni Justin sa Teatro. Nasa first floor ng Teatro Ilocandia ang PE Department. Nasa kalagitnaan kami ng meeting ng pumasok si Ailyn kasama ang isang lalaking member din siguro ng Sirmata. Ang office kasi ng Sirmata ay nasa first floor din ng Teatro. Mukhang masaya silang nag-uusap papasok, napansin kong nakahawak pa sa siko ni Ailyn ang lalaki dahil hinihila siya ne'to para tingnan ang hawak netong picture. Nagtagal ang tingin ko sa kanila pero pumasok na rin sila sa office nila. Lumabas ulit ang dalawa na may dalang dslr camera at mga equipments para siguro sa publication nila this semester. Hindi na ako makatiis dahil sobrang lapit 'nung lalaki kay Ailyn nai-invade na ang personal space niya dahil lang may tinitingnan sila sa camera. Tumayo ako na ginagulat ng teammates namin at lumapit sa kanila. Hinila ko si Ailyn.

"Seeing you close with other guys makes me furious. I am done watching. I will make you mine." Mariing sinabi ko kay Ailyn.

Nagpalakpakan pa ang mga team mates ko sa ginawa ko at ang ibang mga taga-Sirmata ay nagsilabasan din dahil sa commotion na ginawa ko.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C10
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login