Download App

Chapter 2: Chapter 1

Malapit na namang magpasukan, marami na namang bagong estudyante ang papasok sa dormitory na tinutuluyan ko. Kung praktikal ang hanap mo ay talagang ang Co-Educational Dormitory ng university ang pupuntahan mo. Maraming estudyante na ang tumingin nito na nakikita ko 'nung nakaraan. Alam ko na marami na sila dahil dito halos dito na ako tumira simula ng mag-college ako.

Linggo ngayon at sa Wednesday na ang pasukan kaya marami nang mga estudyante ang nagbabalik at nagpupunta na nang dorm para maglagay ng kanilang mga gamit. Hindi ko maintindihan kung bakit palaging Wednesday ang simula ng classes sa university namin. Don't ask me, I don't understand too.

Nasa terrace ako ng men's building kaya nakikita ko sa baba ang mga abalang mga bagong dating na estudyante. May mga masasayang nagkukuwentuhan at mga mukhang nawawala pa. Ganitong-ganito din ako 'nung first year pa lang ako. Napatigil ako sa pag-iisip ng isang pick-up ang huminto sa baba. Bumaba ang isang payat na bata, magulang niya siguro ang kasama. Nakasuot siya ng jogging pants na may pangalan ng isang state college sa Ilocos Sur at nakasuot ng gray hoodie. Malamig ba? Natatakang tanong ko sa sarili. Tinawag na ako ni Justin, kaklase ko at roommate ko dito sa dorm na naging kaibigan ko na rin.

"Dre, tara miki tayo."

Tumango na lang ako at naglakad na pababa. Paglabas namin ng building ay nakita ko ang bata na hinihintay ang magulang niyang nakikipag-usap sa guard ng dormitory. Lalabas na sana ako pero nakita ako nang guard at sinita dahil hindi ako nagsulat sa logbook. Napakamot na lang ako sa ulo. Nakatitig na 'yung bata sa akin.

"Laxamana, logbook. Kung ganyan ang makikita ng mga bago sa inyo baka ganyan din gagawin kapag nagsimula ang pasukan." Panenermon ne'to sa akin.

Nagsulat na lang ako. Inaasar pa ako ni Justin dahil bad shot na naman ako sa guard ng dorm. Nakita kong nakatingin pa rin 'yung bata sa akin. Tinitigan ko na rin siya. Morena siya, hanggang balikat ang straight niyang buhok, medyo makapal ang kilay ne'to na mukhang never been touched, matangos ang ilong at full ang kanyang labi. Tinawag na siya ng magulang niya at sumunod na rin siya.

Nagsimula na ang pasukan palagi ko siyang nakikita, nakakasalubong. Minsan nakakasabay ko pang siyang lumabas sa dorm at sa sakayan ng tricycle. Napag-alaman kong taga-College of Business, Economics and Accountancy siya dahil suot niyang uniform. Pansin kong tahimik lang siya palagi, nakikisali lang sa kulitan sa dalawa niyang kasama kapag siguro trip niya. Maingay 'yung maliit na palagi niyang kasama kaya lagi silang napapansin dahil kahit tahimik sila 'nung isa pa nilang kasama, iyon namang lakas ng boses at ingay ng kasama nila.

Nagkaroon ng meeting sa lahat ng resident ng dormitory. Lahat ay required umattend para sa briefing. Okay lang naman na ma-late doon kasi simula first year lagi naman nangyayari 'yun. Halos lahat naroon na, nagro-rollcall na ang dormitory manager per room ng napansin kong kadadating lang 'nung bata at ang mga lagi niyang kasama. Sakto namang room na nila ang tinawag kaya nagtaas din sila ng kamay kasama rin 'yung isang tahimik. Taga-Engineering halos lahat ng mga ka-room niya kaya naisapan kong mas madali ko lang malalaman ang pangalan niya. Nagulat ako sa inisip ko, bat ko naman tatanungin ang pangalan niya? Lahat kami ay required magpakilala sa assembly na 'to.

"Hello everyone, I am Ailyn Joyce Somera. Ilocos Sur." Tipid niyang pakilala.

Napangiti ako dahil nahihiya pa siya, masasanay din sila sa dorm na'to. Lumipas ang mga buwan, palagi ko pa rin siyang nakikita mas nagiging comfortable na din siya tignan. Nakikita ko na hindi na lang 'yung dalawa ang nagiging kasama niya kapag lumalabas or ano man. Nakikipagsabayan na rin siya sa kaingayan 'nung maliit. Naging hobby ko na yata ang panoorin siya kapag may pagkakataon.

"Kinakabahan ako, bakit ba nila tayo sinasabak dito e wala naman tayong statistics na subject."

Napalingon ako nang narinig ang nagsalita dahil familiar ang boses. Nagpatuloy pa siya sa pagra-rant sa mga kasama niya. Nakapila sila sa mga nagpapalista para sa mga sasali sa quiz.

"Nakakahiyang sumabak ng walang review. Hindi madali ang statistics e."

"Kayo natin 'to. Nandyan ka naman e. Laboratorian ka nga sa inyo." Pagkomento nung isa pa niyang kasama.

Hindi ko na natiis kaya lumapit na ako sa kanila. Sasali din kami sa contest na sasalihan nila. Statistic Quiz 'yun.

"Here, you can review bukas pa naman 'yung quiz show."

Tumingin siya sa mga kasama niya kung sino ang kinakausap ko sa kanila. Nagkibitbalikat ang dalawang kasama niya.

"I'm talking to you, Ailyn."

Nagulat siya na parang iniisip niya kung saan niya ako nakita. Hindi niya ako kilala. Palagi kaming nagkakasalubong sa dorm. Nagpapapansin pa ako minsan kapag nagsasabay kami sa guard house or sa parking area ng mga tricycle.

"Dorm."

"Ah yes. Ikaw 'yung friend ng pinsan nila ate Chiena, diba kuya? So, we can borrow your reviewer po?"

"Sure, balik mo na lang sa dorm. Room 106."

"Yay! Thank you kuya. Ipapa-photocopy na lang namin. Pwede ba?"

"Sure. See you sa dorm."

She smiled back. She fucking smiled back. Alam ko na sa sarili ko na crush ko siya simula 'nung nakita ko siyang naka-hoodie kahit sobrang init naman ng panahon ng dumating siya sa dorm. I rarely had a crush but if I did, iba!

"Sir, room 106 daw po. I don't his name e. Basta 'yung friend 'nung cousin nila ate Chiena. Civil Engineering din yata."

Nasa may tapat na ako ng store sa dorm nang makita ko si Ailyn na nakikipag-usap sa guard na hawak 'yung reviewer na pinahiram ko sa kanya.

"Basta matangkad po siya tapos medyo singkit 'yung mata niya. Medyo curly din yung buhok." Sabi niya ulit sa guard. Natatawa ako hirap na hirap niya akong i-describe. Pwede naman niya sabihin na yung gwapo sa room 106, ako lang naman 'yun. Naghintay pa ako ng ilang minuto para panoorin siya pero nang makita niya lumabas si Justin ay tinuro niya.

"Kuya diba ikaw 'yung friend 'nung matangkad na medyo may curly hair. Room 106 daw e. From 106 ka ba?"

Nagulat si Justin nang nakita niya ang hawak ni Ailyn. Kailan ko nang magpakita, epal pa naman si Justin.

"Hoy Laxamana, ikaw yata hanap. Magpakilala ka na kasi para madali ka na niyang hanapin." Makahulugang sinabi pa niya sa akin bago mag-logbook para umalis.

Lumapit naman si Ailyn sa akin at binigay yung reviewer. Nahihiya pa siyang iabot 'yung sa akin.

"Uh! Thank you kuya ha. We owe you big time."

"You can pay me!" Nakangiti ring sinabi ko sa kanya.

"Ha? Hindi ako mayaman pero I'll see if kasya sa allowance ko."

I chuckled, "Hindi pera."

"Ha?"

"Your number."

"Bakit?" Gulat pa rin niyang tanong

"Laxamana, bata 'yan!" Natatawang tapik sa akin ni Ron. Isa ring resident sa dormitory.

Tumawa lang ako at humarap ulit kay Ailyn, "Number mo. Cellphone number." Ulit ko at klinaro pa ang sasabihin.

"May ballpen at paper ka po dyan. I'll just write."

"No need. Here." Binigay ko na sa kanya ang phone ko. She types her digits there. Pagkabigay niya tinawagan ko agad ang number niya at tumunog ang hawak niyang phone.

"Save my number. It's Nigel Paul Laxamana pero pwede rin future na lang." tawa ko at pumasok na sa men's building.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login