TRISTAN POV
They arrived in Tristans' home.
"Wow! ba't lalo yatang gumanda ang Mansion ninyo " ani ni Adalyn nang makita ang bukana ng bahay nila.
He smiled seeing Adalyns' amuzement.
"We're here" Tristan.
Ipi-nark niya ang kotse sa bukana ng kanilang Mansion at bumaba ng kotse.
Agad naman na sinalubong sila ng mga katulong at nang family driver nila.
"Goodevening po sir Tristan!" bati sa kanya ng kanilang family driver.
Ngumiti siya dito at ini-abot ang susi ng kotse nila.
"Goodevening din po manong Andy" Tristan.
Pinagbuksan niya ng pinto si Adalyn.
"Oh! Manong Andy! hello po!" ani ni Adalyn pagkababa nito, agad nitong niyakap ang family driver nila.
"Oh ma'am Adalyn kayo ho pala!" manong Andy.
Natawa na lamang si Tristan sa dalawa aakalain mo talagang papa nito ang family driver nila na matagal nitong hindi nakita.
Napaka-close ni Adalyn sa family driver nilang si manong Andy lalo na noong nag-outing sila sa resort nila sa Zambales noong semestral break.
Ito ang palaging kausap ni Adalyn at nagsilbing tour guide nila sa buong panahong pananatili nila sa resort sa Zambales.
"Napano po 'yong kamay niyo ma'am?" tanong Manong Andy kay Adalyn.
"Aksidente po.. pero pagaling naman na" Adalyn.
"Naku.. oh siya sige po tuloy po muna kayo at itong kotse ni sir ay igagarahe ko po muna" manong Andy.
"Sige po!" tugon ni Adalyn.
Tumingin sa kanya si Adalyn.
"Lets go inside" anyaya ni Tristan kay Adalyn inabot niya ang kamay dito.
"Sige" nakangiting tugon ni Adalyn.
Humawak ito sa braso niya habang paakyat sila ng malawak na terrace ng kanilang mansion.
"Goodevening po sir Tristan" sabay-sabay na bati ng mga chamber maids sa kanila pagkapasok nila sa pintuan ng mansion.
"Woaah! feeling ko talaga nasa palasyo ako ng England.. Goodevening din po sa inyo" tugon ni Adalyn sa mga chamber maids at yumuko pa.
Tristan Chuckled.
"Ano ka ba... actually hindi naman namin 'yan sila in-orient nang ganyan, ang Agency mismo na pinanggalingan nila ang nagturo sa kanila ng ganyang paraan ng greeting sa tuwing umuuwi kami ng bahay nina mama" paliwanag ni Tristan kay Adalyn.
Hindi niya mapigilan ang matuwa sa reaction sa mukha nito nang makapasok na sila sa bulwagan sa loob ng kanilang Mansion.
"Hindi ko alam pero sa tuwing pumupunta ako sa bahay ninyo ramdam na ramdam ko talagang parang nasa palasyo ako.." Adalyn.
Tristan chuckled.
It was his mother who designed the entirety of their house. Engineer as well as Architect ang mga magulang ni Tristan, they are both working in the biggest firm in Asia ang Victoria-Guzman Corporation.
Kaya naman nakapag-patayo sila ng ganito kagarang bahay.
"Wait? bago na naman 'yong chandellier ninyo? woaahh" Adalyn.
"Hmm... yeah galing nang Europe 'yan regalo kay mama from her friend" Tristan said.
"Woaah, ang ganda.."Adalyn.
"Oh Honey! nandyan na pala kayo!" ani ng Mama ni Tristan.
"Hi Ma!" Tristan smiled at lumapit sa kanyang ina na galing pa ng kitchen halata naman sa suot nitong apron at nakapusod nitong buhok.
"Hmm... what happened to you? you look like a korean? haha" his mom asks.
"Sort of School activity Ma" Tristan.
"Hi tita!" bati ni Adalyn sa kanyang ina.
"Oh! hey ! Oh.. hindi pa pala magaling ang balikat mo iha? " ani ng kanyang ina kay Adalyn.
Lumapit ang kanyang ina kay Adalyn at niyakap ito.
"Hindi pa po I need to attend therapy session for few more days para maging okay na" Adalyn.
"Hmm.. that's good ..haha sorry iha amoy usok pa ko I was cooking in the kitchen" ani ng kanyang ina.
"Naku okay lang naman po sanay naman po ako"Adalyn.
"Anyway sinasamahan ka ba nitong si Tristan sa therapy session mo? ang sabi ko kase sa kanya samahan ka niya kase tutal naman lagi mo naman siyang tinutulungan sa mga paper presentations niya nag sa ganon eh makabawi manlang siya sa'yo iha" ani ng kanyang mama.
"Ma naman!" saway ni Tristan sa kanyang ina.
Adalyn chuckled.
"Bakit ba totoo naman ah? batang 'to" ani ng kanyang ina.
"Opo naman tita, katunayan nga siya ang sumundo sa'kin ngayon..." tugon ni Adalyn sa kanyang ina.
"Hmmm mabuti naman" ani ng Mama ni Tristan.
And then started talking a lot of things. His mother and Adalyn.
Tristan was just there standing infront of her mother and Adalyn. As if he never exists.
Ganito talaga ang mama niya at si Adalyn kapag nagkikita at nag-uusap, hindi maawat sa isa't-isa.
Siguro marahil dalawa lang sila ng kuya niya na anak at puro pa lalaki ay malamang naghahanap talaga ang mama niya ng daughter figure and that is why close na close ito kay sa kaibigan niyang Adalyn.
"Ma, ikaw na muna ang bahala kay Adalyn I will just go to my room and take a shower okay?" Tristan.
"Okay honey!" sagot naman ng mama niya.
Lumingon pa sakanya si Adalyn at ngumiti.
Sumenyas si Tristan kay Adalyn na aalisna.
Tumango naman ito sa kanya bago ito sumama sa kanyang Mama papunta ng kitchen.
Nakangiti si Tristan habang humahakbang paakyat sa hagdan papunta ng second floor ng bahay nila.
Masaya si Tristan dahil kahit papaano'y nakangiti na ngayon ang kanyang kaibigan.
Kahit alam niyang masasaktan parin ito sa mga panghuhusga na maaari nitong marinig bukas at sa mga susunod pang mga araw.
She wants to protect Adalyn at all cost, lalo na ngayon marami na ang namumuhi sa kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung anong pwedeng gawin ni Trisha kay Adalyn at ng iba pang grupo ng fan club ng Treyton na iyon sa kanyang kaibigan.
Kung kinakailangang bumuntot siya kay Adalyn ay gagawin niya maprotektahan lamang ito.
Alam niya kase kung gaano ka obsessed ang fan club ng Treyton na iyon.
Nakapasok na siya sakanyang kwarto. Hinubad niya ang kanyang hoddie.
Sunod ang kanyang polo at ang sinturon ng kanyang jeans.
He was soaking wet by the rain all over hid body, ang totoo'y tumakbo pa siya para habulin si Adalyn palabas ng University gate ngunit hindi niya ito naabutan nakasakay na ito ng taxi at tsaka bumuhos ang malakas na ulan.
Kinailangan pa niyang mag-stay ng half an hour sa loob ng kanyang kotse para magpatuyo ng kanyang damit, bago siya pumunta ng hospital.
Buti na lamang at naalala niya na may schedule si Adalyn ng therapy session ngayong araw.
He was worried na baka kung anong gawin nito sa sarili pagkatapos ng mga nangyari.
He brushed his hair using his fingers, he needs to wash it para matanggal ang temporary color na inilagay ng mga kaklase niya sa kanyang buhok.
Kumuha siya ng tuyong tuwalya sa loob ng kanyang cabinet. Hinubad niya ang kanyang sapatos at jeans bago pumasok sa loob ng kanyang banyo at binuksan ang shower.
Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Tristan ang ginawang pagbubuhat ng kamay ni Trisha kay Adalyn kanina. Oo, naroon siya ng mga sandaling iyon, hindi lamang siya lumapit kay Adalyn dahil ayaw niyang tuluyan itong kainin ng kahihiyan sa kanyang sarili.
Hindi niya maatim na makita itong umiiyak at napahiya sa harap ng maraming estudyante sa University.
Sinuntok niya ang pader ng shower room kasabay ng lagaslas at pagdaloy ng maligamgam na tubig sa kanyang buong katawan ay ang kanyang galit sa iisang tao na siyang puno't-dulo ng lahat ng ito, walang iba kundi si Tristan.
Ngayon ay buo na ang desisyon niya sa kanyang gagawin, iyon ay ang ilayo si Adalyn dito. Bago pa man tuluyang mahulog ang kanyang kaibigan sa lalaking iyon.
For him, Adalyn is a good woman. She is not capable of inflicting harm to anyone, she was strong but definitely fragile inside kaya hindi makatarungang masaktan ito dahil lang sa walang kwentang lalaki na iyon.
After 30 minutes ay natapos na siya sa paliligo, kinuha niya ang tuwalya at itinapis sa kanyang beywang.
"Tss" ani ni Tristan ng maalalang nakalimutan niyang magdala ng maisusuot na underwear bago siya pumasok sa loob ng banyo.
Binuksan niya ang pintuan ng banyo at dere-deretsong lumabas without even expecting this familiar woman standing inside his room.
"AHHHHHHH!!!" bulalas ni Adalyn.
"AHHHH!!!" bulalas din ni Tristan sabay takip sa kanyang dalawang nipples.
Ngunit kung minamalas nga naman siya ay hindi pala nito mahigpit na nai-tuck-in ang tuwalya sa kanyang beywang kaya't natanggal ito noong gumalaw siya.
"AHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!" muling bulalas ni Adalyn ng makita nito ang hindi dapat nito makita, mabilis nitong tinakpan ang kanyang mga mata ng kanyang kamay.
Mabilis na dinampot ni Tristan mula sa sahig ang kanyang tuwalya at itinapis nang muli sa kanyang beywang.
Lumapit siya kay Adalyn at tinakpan ng kanyang palad ang bibig nito dahil baka may makarinig sa kanila at baka isiping may ginagawa sila sa loob ng kanyang kwarto.
"Adalyn! stop exclaiming... yo-you ! did you see anything?" Tristan said.
"Hmppp!" umiling ito bilang tugon kay Tristan.
Inalis ni Tristan ang kanyang palad sa labi ni Adalyn.
"I'm sorry! hindi ko alam na--" Adalyn.
Tristan chuckled.
Kahit pala tinatakpan ni Adalyn ng kamay ang kanyang mata ay napansin naman ni Tristan na dilat naman ang mata nito sa loob.
"So did you really see something? huh? haha" lumapit pa ng husto si Tristan kay Adalyn para tuksuhin ito.
Tinanggal ni Adalyn ang kamay na nakatakip sa kanyang mata at hinampas siya sa kanyang dibdib gamit ito..
"Ang bastos mo Tris ! eww!" Adalyn exclaimed.
Napamura si Tristan sa kanyang isip ng dumampi sa kanyang chest ang palad ni Adalyn. It took a few seconds bago nito tinanggal ang palad sa dibdib niya.
That was the very first time he was touched by a woman. He was flustered, then he started to feel that unexplainable heat behind his ears.
"Damn! Adalyn, you shouldn't have do that.. that- that is my weakness" Tristan
"Huh?" umatras si Adalyn, napansin ni Tristan na mawawalan si Adalyn ng balanse sa ginawa nitong paglayo sa kanya kaya naman hinabol niya ito and they both ended on top of his soft bed.
Below him is Adalyn na hindi tulala at namumula ang magkabilang pisngi.
They were both shocked looking to each others eyes.
Catching each others breath.
Hindi alam ni Tristan ang gagawin, he was totally enticed of this beautiful blushing woman below him, Adalyn.
His heart is insanely beating so fast.
He bit his lower lips to take control of his self dahil kapag hindi niya iyon ginawa ay baka tuluyan niyang magawa ang bagay na hindi niya dapat gawin kay Adalyn.
"I-I like you, Ad" Tristan said unconciously habang nakatitig sa mga mata ng kaibigang si Adalyn.
.
.
.
.
Itutuloy