Chapter 5
The Nothingness
Adalyn is standing behind Treyton, habang abala ito na nakikipag-usap sa nurses station to inquire about her closed reduction therapy sa araw na iyon.
"Hmmm sir, opo naka-schedule po ngayon si Ma'am Del Fierro may I see her proof of appointment po sir" sagot ng nurse na kanina pang nakangiti habang kinakausap ni Treyton.
Adalyn smirked and tried to mimic the nurses' dialogue.
"So we have to wait to be called, I mean its her first day for the treatment. Narito yung kanyang proof of appointment" very calm and emotionless na sabi ni Treyton sa nurse.
Lumapit pa ito sa counter extending his arm para i-abot ang proof of appointment niya sa araw na iyon.
Napaangat naman ang kilay ni Adalyn nang makita yung tatlong babaeng nurse sa loob ng counter na tila ba sinisindutan ang mga pwet at palihim na nagpapa-cute kay Treyton.
Naningkit ang mga mata niya. She irratedly greeted her teeth.
"Aba naman talaga? ang mga nurse na 'to ang lalantod"sa isip ni Adalyn.
This is her time para umeksena.
Tumabi siya sa right side ni Treyton showing her very intimidating look sa tatlong nurses sa loob ng counter, ang mga ito ay kapwa sabay na umiwas ng tingin at nagkunwaring bumalik sa mga ginagawa nila.
Nakakalokong nagmake-face si Adalyn.
Naiinis lang kase siya, 5 minutes na sila dito sa counter. Kailangan pa nilang hintayin ang confirmation ng doctor na ngayon daw ay kasalukuyang nasa surgical operation. Idagdag mo pa ang mga umaaligid na nurses sa kanila lalo na kay Treyton na walang humpay ang pagpapapansin sa binata.
Malapit kase ang appointment counter sa nurses station kaya naiirita na si Adalyn sa mga babaeng nurses na panay ang sulyap at patweet-tums sa binata.
"Okay sir, I just have to fill-up some information dito po sa aming system... age po ng patient sir?" tanong ng nurse.
Si Adalyn na ang sumagot.
"20 years old po" anito.
"Okay..." nurse.
"Since kayo po ang kasama niyang guardian sir may we ask what is your relationship with the patient?" nurse.
"We're friends" deretsong sagot ni Treyton sa nurse na ngayon ay nakita pa ni Adalyn na yumuko at palihim na namang ngumiti.
Muli na namang naningkit ang mga mata niya. Gusto na niya talagang tusukin ang nurse na ito ng kung ano mang bagay na pointed na makita niya sa counter kung saan ito nakatayo
Hindi naman niya magawang magreact sa sinabi ni Treyton because it was true.
Saying that they were friends is the safest and compatible term to label the nothingness between them.
Ni hindi nga maituturing ni Adalyn na magkaibigan silang dalawa dahil hindi naman talaga sila acquainted sa isa't-isa.
Huminga na lamang siya nang malalim at minabuti na lamang na sagutin pa ang ilan sa mga tanong ng nurse sa kanila.
"Five minutes na lang daw po sir and ma'am makukuha na natin ang confirmation ni Doc. Martinez after that you can proceed sa treatment along with the 8 patients na nasa gawing kanan niyo po, for the mean time you can wait them po" ani ng nurse.
Lumingon naman si Adalyn sa gawing kanan niya at doon ay nakita niya nga ang grupo ng mga pasyente na naghihintay sa appointment nila gaya niya.
"Thank You" Treyton replied to the nurse.
Bahagya pang nagulat si Adalyn ng dumapo sa kanyang braso ang kamay ni Treyton para alalayan siya sa paglalakad.
Bigla ay parang nakiliti ang buong sistema niya pero pinigilan niya ang kanyang sarili.
Ayaw niyang mahalata at mapahiya kay Treyton.
Inalalayan din siya nito hanggang sa makaupo.
"Thanks" pagpapasalamat niya kay Treyton.
Naupo lang din sa tabi niya si Treyton without saying any single word.
She took a deep breath at inayos ang posisyon ng kanyang right arm na may suot pang braces.
Kumikirot parin ang balikat niya.
Hindi alam ni Adalyn kung papano babasagin ang katahimikan sa pagitan nila ni Treyton. Nakaupo lang ito at nakatingin sa malayo at tila ba wala itong balak na kausapin manlang siya.
"Hello!" ani ng cute na batang lalake kay Adalyn.
Nalipat ang atensyon niya sa bata na ngayon ay nagpapacute sa kanya.
"Hi! how are you?" magiliw na bati naman ni Adalyn.
Lumapit sa kanya ang nahihiyang bata at ngumiti.
"Awwee you're so cute" ani ni Adalyn.
"Where are your parents baby?" dagdag ni Adalyn.
Itinaas ng bata sa ere ang kanyang kamay at bungis-ngis na itinuro ang mga magulang nito sa likuran nila Adalyn.
"I'm Adalyn, what's your name?" Adalyn lowered her face to look closely to the child.
"I'm Angelo and I'm 8 years old" magiliw na pakilala ng bata kay Adalyn. Hinawakan nito ang kamay ni Adalyn at sinundot ang kanyang ilong gamit ang maliit nitong hintuturo.
Napangiti naman si Adalyn sa ginawa nito.
"Your nose is pointed..haha your cheeks are read too..hmmm can I be your boyfriend?" ani ng bata.
Napatawa naman si Adalyn sa kapilyuhang ipinakita sa kanya ng bata.
Pinisil ni Adalyn ang pisngi nito dahilan para ito ay tumawa.
"Hmmm..of course, I will be very willing to be your girlfriend baby ang cute-cute mo" Adalyn.
"Hehe really?" anito tsaka nag-pout. Sumandal ito sa mga tuhod ni Adalyn. For once ay tumingin ang bata sa katabi niyang si Treyton.
Nagsalubong ang kilay nito at masama na ang tingin kalaunan kay Treyton.
Treytons' eyes moved to look at the cute child.
"Why baby?" Adalyn asks.
"I don't like him! is he your boyfriend?! I don't like his face he's ugly!" malakas ang pagkakasabi niyon ng bata.
Natawa naman ang mga nurses na nakarinig sa sinabi ng bata.
"Baby, don't be mean okay?" ang sabi na lamang ni Adalyn at hinaplos ang ulo ng bata.
"Yes, I'm her boyfriend dude! ..." out of the blue na tugon ni Treyton sa cute na bata.
Adalyn was flustered sa sinabi nito.
Gusto na lamang niyang lamunin ng lupa sa mga oras na 'yon.
She didn't expect that Treyton will be as childish as the cute child.
Teary eyed naman ang bata na tumingin muli kay Adalyn.
"Huhuhu You already have a boyfriend? huhu" anito.
"Come.. come here baby haha you jealous baby" niyakap ni Adalyn ang bata. Nakatingin sa kanilang dalawa si Treyton at noong magkasalubong ang mga mata nila ni Adalyn ay umiwas ito ng tingin.
"Angelo baby! comeback here " tawag ng ina ng bata.
"Mama" paiyak na sabi ng bata.
"Pasensya na po kayo Miss hehe madaldal talaga itong anak ko eh" pasubali nang ina nito.
Ngumiti na lamang si Adalyn.
"Okay lang po, ang cute-cute nga po niya eh" Adalyn.
"That man said she was his girlfriend mama huhuhu" Angelo.
Di mapigilan ni Adalyn ang manggigil sa expression ng cute na bata.
"Pasensya na po talaga Miss" ani ng ina sabay yakap sa kanyang anak.
"Its okay, he is just being cute lang po" Adalyn.
She was waiting for Treyton to say something pero bumalik lamang ito sa pagiging tahimik gaya kanina. Until they we're called ng nurse na kausap nila kanina.
"Dito po tayo mga Ma'ams and Sir's" ani ng nurse.
Pumasok sila sa loob ng session room sa left wing ng nurses station.
"Let me help" Treyton said, kinuha nito ang bag ni Adalyn at sinamahan siya sa paglalakad.
"Pasok lang po tayo darating na po ang therapist natin" dagdag ng nurse.
Umupo sila lahat sa blue mattress sa center part ng room. Only one patient with guardian ang allowed sa loob kaya naman hindi masyadong naging crowded.
Adalyn and Tristan headed to the middle row of the group.
Nakipagkilala naman sa isa't-isa ang mga pasyente including Adalyn.
Majority sa mga naroroon ay shoulder and arm ang bone injury dalawa lamang sa mga pasyente na kasama nila ang may injury sa paa.
"Napano naman ang balikat mo miss" tanong ni Stella, ang ina ng batang si Angelo na kausap ni Adalyn kanina.
"Uh, actually kasama po ako sa cheerleading squad ng University namin we we're building a tall pyramid as part of our routine po.." pasimula ni Adalyn.
"Aw! I see.. then what happened?" dagdag na tanong nito kay Adalyn.
"May tumama po sa akin na bola ng football habang ako po ay nasa taas ng standing Pyramid namin.. unfortunately I fell po" pagkukwento ni Adalyn dito
" Woaah, so you're an athelete..Ako naman, sa staircase namin... my son, siya sana ang maaaksidente buti na lamang at nakita ko siya sa staircase sa bahay ng lolo at lola niya we fell both sa staircase while hugging my son tight luckily ako lang ang injured at hindi ang anak ko"
"Oh really? awe I feel apologetic... ang cute-cute pa naman ng anak ninyo Ma'am" Adalyn exclaimed.
Stella nodded at her.
"By the way.. is he really your friend?" tanong nito bigla kay Adalyn reffering to the silent guy na half meter ang layo sa kanila. si Treyton.
"Yes po.."Adalyn replied.
"Ahhh.. we thought he is really your boyfriend.. kanina pa kase siya pinagtitinginan sa nurses station.. napansin ko din he is really caring on you" ani nito na sa tonong kinikilig.
"Sus! kayo naman po haha... hindi po kami ganon ma'am" Adalyn said.
"Eh kung gayon..katunayan bagay nga kayong dalawa iha" anito sabay hagikhik.
"Nagbibiro ho ba kayo, hindi pa nga po kami masyadong close niyan... kasama ko po siya sa school club namin" Adalyn.
"Ang gwapo kase niya iha... kinikilig nga yung mga dalaga kanina na nakakakita sa kanya eh... and even my son got insecured by his looks hehe" anito.
Ngumiti na lamang si Adalyn kay Stella.
" I guess so... po" Adalyn.
"Goodafternoon everyone, I will your Rehabilation Therapist for the next 3 weeks" ani ng matangkad na lalake na pumasok sa session room nina kung nasaan sina Adalyn at ang ibang pasyente.
"Goodafternoon din po Doc." sagot naman nila.
Bumalik siya sa tabi ni Treyton na ngayo'y tahimik parin naman walang pinagbago.
"I'am Doc. Zachary but you can call me Doc. Zachy okay?" ani ng therapist sabay magiliw na ngumiti sa mga pasyente niya.
"Pst. ang pogi ni Doc. noh?" kalabit ni Stella kay Adalyn.
"Honey?! Magtigil ka nga!" sita ng asawa ni Stella.
Adalyn chuckled to Stella.
Totoo naman at aminado naman si Adalyn na pagpasok pa lamang ng Therapist nila mula sa pintuan ng session room ay tila ba lumiwanag ang buong paligid at may isang anghel na bumaba mula langit.
"Everybody proceed to the table we will going to have a short briefing kung ano-ano ang mga therapy exercises na gagawin natin for the next three weeks" Doc. Zachy
"Yes Doc.!"
Tumayo na ang iba ganoon din si Adalyn. Tinunlungan naman siya ni Treyton makapwesto ng akyat sa ibabaw ng may katamtamang taas na long table.
"For the next three weeks we will meet 2-3 days a week with 3-4 hours of therapy, so far nakikita ko naman na may mga guardian kayong kasama good to see that dahil ang first week ng therapy session natin ay kailangan talaga ng assistance and support galing sa mga guardian or love one ninyo because this will be going to be tough and painful for you but don't worry I'am here I also have three staffs to join you during your therapy. Consider us your family okay? we will help you a lot" Doc. Zachy.
Nilingon naman ni Adalyn si Treyton na ngayo'y nakaupo sa likuran niya na nasa ibabaw din ng long table.
Seryoso ito sa pakikinig sa briefing ng Doctor at hindi pa kumukurap.
Palihim na ngumiti si Adalyn, hindi kase nito napansin na nakatingin siya sa kanya, nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon na matignan nang malapitan ang mukha nito, she became very concious the way Treytons' adams apple make its downward and upward movement inside his throat.
That cynical view made her mind lost for several seconds.
Lumukso bigla ang puso niya nang biglang salubungin ni Treyton ang kanyang tingin. Tumaas ang dalawang kilay nito na tila ba may gustong itanong sa kanya.
"Uhm? nothing hehe" ibinalik na lamang ni Adalyn ang atensyon sa therapist na nagsasalita sa harap
Sinapo niya ang kanyang dibdib. Nagwawala na naman ang tibok ng puso niya. Pumikit siya ng mariin at ginising ang sarili mula sa kanyang pantasya.
"Okay, for our first set of therapy today I want all the patients to lie facing the table, all the gaurdian assist them sa tatlo na may injury sa paa you will be assisted by our staff for you will have a different set of therapy exercise..." Doc. Zachy
"Remove your casts and braces everyone... be careful.. take a deep breath before lying down on your stomach on the table" dagdag ng Doctor habang umiikot ito sa mga pasyente.
In-nunlock ni Adalyn ang cast sa kanyang braso.
"Let me help" Treyton.
"Thanks" Adalyn.
Tinulungan siya nitong tanggalin ang kanyang casts and braces.
Napangiwi naman si Adalyn dahil iyon ang unang pagkakataon na tinggal sa balikat niya ang braces at agad na sinukob na siya ulit ng kakaibang kirot mula sa kanyang injured na balikat.
"Don't move, It will hurt you.." Treyton said habang maingat pa nitong tinatanggal ang isa pang lock ng cast niya sa kanyang balikat.
Damang-dama ni Adalyn ang lalong pag-iingat nito sa kanya. She didn't knew na bukod sa pagiging cold looking nito ay may parte din pala ito ng personalidad nito na maginoo at matulungin.
Maingat at matagumpay naman na naka-nakahiga si Adalyn sa ibabaw ng long table.
"Your injured arms hang them down on your side at the edge of the table...gently" Doc. Zachy.
Huminto ang Doctor sa part nina Adalyn at Treyton.
"Mister... assist your girlfriend carefully okay?" tinap nito ang balikat ni Treyton.
Isinubsob na lamang ni Adalyn ang mukha. Halos ata ng mga tao dito sa hospital napagkakamalan silang mag-girlfriend/boyfriend.
"Here... hold her injured arm from her palm ang gently press her ball socket although she might not be able to do this atleast you can give her assistance okay?" pagbibigay ng instruction ni Doc. Zachy na siya namang ginawa ni Treyton. He held Adalyns' palm and gently pressed her ball socket sakanyang balikat.
"Hmm.. natutuwa talaga ako kapag may mga couple akong pasyente.. you know mabilis matapos ang therapy kapag malapit sa puso ang sumusuporta" Biro ni Doc. Zachy kay Treyton.
"Uhh.. we're not in-a-relationship by the way Doc." Treyton uttered.
Doc. Zachy chuckled.
"Oh sorry! I thought you were hehe anyway she's very lucky to have an assistance coming from you regardless of your relationship on her" Doc. Zachy.
Nagpatuloy na ito sa pag-iikot sa mga pasyente. Habang si Adalyn ay pilit na isinisiksik ang mukha sa table upang hindi makita ni Treyton ang pumumula ng kanyang mga pisngi.
That was very cruel, Treyton declared twice that day na magkaibigan lang talaga sila even though ang mga nakakapansin sa kanilang dalawa ay napagkakamalan silang mag-girlfriend/boyfriend.
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy