Download App
92.3% Childish Prince / Chapter 12: Who Are You?

Chapter 12: Who Are You?

CHRIS' POV

"Okay, Tomorrow I'll be there."

Dami na namang aasikasuhin sa office. Mayroon akong maliliit na business. Nagsisimula pa lang naman kasi ako. At soon ipapaubaya na sa akin ni Dad ang company niya after kong grumaduate. Bumalik na ako ng room kasi baka naghihintay na si Yka.

Wala na siya sa kitchen. Umakyat na ako baka nag aaral siya.

"Yka, gust-"

Nakatulog na pala siya. May libro sa may tabi ng kama. Dahan dahan kong inalis yun saka inayos ang pagkakahiga niya. Naghilamos na muna ako saka tumabi sa kanya. Ang cute ng mukha niya kapag natutulog, ilang minuto ko ring tinitigan ang mukha niya. Sobra ko talaga siyang namiss. Habang nakatitig sa kanya ay kumilos siya ng bahagya paharap sa akin. Inilagay ko ang braso ko sa ilalim ng ulo niya.

"Chris. . ."

Akala ko nagising siya.

"Nasa panaginip mo ba ako?"

Bigla niya akong niyakap. And i hug her back.

"I love you so much Yka, I won't let anyone have you. Akin ka lang."

Pagkasabi noon ay natulog na rin ako.

------*

"Good morning my princess."

Nauna akong nagising para makapaghanda ng breakfast niya kasi sigurado akong kakain na naman to sa fast-food.

"Good morning din."

"Tara na sa baba,nakahanda na yung breakfast mo."

"Oo,maliligo na muna ako."

"Mamaya na. Lalamig na yung pagkain."

"Eh kasi maaga akong pupunta ng school. Kaya susunod na la-"

"No! Kumain ka muna."

Nabigla siya kasi medyo nataasan ko siya ng boses. Iniisip ko kasi na baka magkita na naman sila ni Anton doon. Maaga rin kasing pumasok yung lalaking yun. Hindi ko pa naman siya mahahatid. Hindi sa wala akong tiwala sa kanya, wala lang talaga akong tiwala sa lalaking yun.

"Sorry, bad kasi sa health mo na maligo na wala pang kinakain."

"ahh.. O-okay sige,tara."

Wala siyang kibo habang kumakain kami. Siguro natakot kanina.

"Yka,sorry kanina,kasi-"

"It's okay,Chris."

"Eh kasi hindi ka kumikibo."

"Hindi naman yun yung iniisip ko. Pinag iisipan ko yung gagawin naming project ni Jessica."

Bigla akong nalungkot dahil ramdam ko na medyo natakot siya sa akin.

"Hey, 'wag ka nang malungkot. Wala ka namang ginawang masama, kumain ka na."

Tumango na lang ako.

"Nga pala, hindi muna kita mahahatid kase kailangan ko ring maging maaga sa office,may aasikasuhin lang."

"Ahh,okay."

Pero iniisip ko habang wala ako sa school baka diskartehan siya ni Anton. Habang malalim ang iniisip ko ay naramdaman kong hinawakan ako ni Yka sa kamay.

"Don't worry, hindi ko kakausapin si Anton kung yan ang gusto mo."

Nabasa niya ang iniisip ko. Nakampante naman ako sa sinabi niya. After breakfast ay nag ayos na kaming dalawa.

"Ito na yung taxi, ingat ka papuntang school. Bye."

"Bye,see you."

------*

YKA's POV

~may problema kaya si Chris? Medyo mainit ang ulo niya kanina~

Habang papunta ng school ay nagtext sa akin si Jessica. Hinihintay niya na ako. Pagkarating ay nakita ko agad siya sa may labas.

"Sorry nalate ako."

"Okay lang,ito nga pala yung mga ideas ko para sa project natin. Sabihin mo na lang sa akin ang napili mo "

"Okay. Pasok na tayo."

Pagkaupo namin ay may nakita akong papel na nakafold sa mesa.

"Sayo ba to?"

Tanong ko kay Jessica.

"Hindi, bakit?"

"Wala,hehe."

Binuksan ko na lang at nakita kong nakasulat ang name ko. . . *magkita tayo sa likod ng building mamayang hapon pagkatapos ng klase* yun yung nakasulat.

~Sino naman kaya ang magpapadala nito sa akin?~

Tumingin ako sa paligid pero wala naman akong nakitang nakatingin dito. Hindi ko na lang inintindi.

"Hay salamat,natapos din. Tara kain na tayo."

"Hindi na muna ako sasabay sayo Yka,kailangan kong umuwi."

"Bakit?"

"May problema sa bahay eh. Sorry hindi kita masasamahan."

"Naku okay lang. Sige na baka emergency. Ito pera pamasahe mo."

"Huwag na. Meron naman ako. Sige alis na ako. Ingat ka dito. Lalo na sa tatlong yun."

"Hahaha,oo. Ikaw ang mag ingat. Bye."

Nakaalis na siya at ako naman ay pumunta na ng canteen. Nakita ko doon si Anton, susubukan niya sana akong lapitan pero lumayo na ako. Parang naintindihan niya rin kaya umalis na lang siya ng canteen. Pagkakain ko ay bumalik na ako sa room. May nakita na naman akong papel sa table ko. Binuksan ko ito. . .* dumating ka mamaya dahil may sasabihin ako tungkol sa boyfriend mo *. . .

~Sino kaya to? Parang alam niya na hindi ako pupunta~

Pagkatapos ng class ay naghanda na ako para pumunta sa likod ng building. Walang masyadong pumupunta doon kaya medyo natakot ako. Pagkadating ko doon ay nakita ko si Anton.

"Anton? Ikaw ba ang nagpapunta sa akin dito?"

"Oo, may sasabihin sana ako."

"Kaibigan kita Anton pero hindi tayo pwedeng mag usap kasi magagalit si Chris. Alam mo naman yun di ba? Naiintindihan mo naman ata ako?"

"Naiintindihan ko, Just here me out,please "

"Bilisan mo lang. Maya maya nandito na yun."

Natatakot ako kasi pagnadatnan niyang wala ako sa parking area hahanapin ako noon ,baka makita niya pa kami ni Anton.

"Gusto kita Yka, gustong gusto. Ako na lang ang piliin mo. Hindi ka mapapabuti kay Chris."

"Teka,ano bang sinasab-"

Palapit siya ng palapit sa akin.

"Ako na lang ang mahalin mo, huwag na siya. Sasaktan ka lang niya."

"No. Si Chris ang mahal ko. Huwag ka namang ganyan Anton. Magkaibigan tayo."

This time hinawakan niya na ako ng mahigpit. Biglang nag iba ang mukha niya.

"No! Prinoprotektahan lang kita,kaya please-"

Nasampal ko siya dahil sa takot. Masakit na ang pagkakahawak niya sa akin.

"Stop it Anton. Hindi magbabago ang isip ko. Bitawan mo na ako,ang sakit na."

"No!

Para na siyang baliw.

"Hindi mo lubusang kilala si Chris! Kaya habang maaga pa, hiwalayan mo na siya!!"

"Aray ko Anton,bitawan mo ako!"

Naiiyak na ako sa takot,baka kung anong gawin niya sa akin. Biglang tumunog yung phone ko. Tiningnan ko at tumatawag na si Chris. Sasagutin ko na sana pero kinuha ni Anton at tinapon.

-----*

CHRIS' POV

"The person you are calling is not availab-"

"Bakit hindi niya sinasagot? Nasaan na ba siya?"

Trinay ko ulit na tawagan pero nakaoff na. Kinakabahan ako. Nagsimula na akong maghanap sa campus. Ilang minuto lang ay nakita ko si Anton na lumabas ng building namin. Para siyang aligaga. Trinay ko siyang habulin pero malayo ako sa kanya kaya hindi ko siya naabutan. Pumasok ako ng room namin pero wala doon si Yka.

"Asan ka na ba Yka?"

Naglibot ako sa building namin pero hindi ko siya nakita. Magkakalahating oras na pero hindi ko pa siya makita. Tinawagan ko ulit ang number niya pero wala talaga. Hindi ako tumitigil sa pagkakanap. Naisipan kong pumunta sa building nila. Wala ng tao dito. Pero may narinig akong ingay sa may likod.

"Ykaaaa? Nasaan ka ba?"

Pumunta ako sa likod para icheck yung ingay. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakahiga siya sa lupa at malayo sa kanya ang phone niya.

"Yka? Anong nangyari?"

"C-Chris. . "

Bigla siyang nawalan ng malay.

"Hey,hey! Yka?! Sh*t sino bang may gawa sayo nito?!"

Madali ko siyang isinakay sa kotse at dinala sa malapit na hospital. Inasikaso naman siya ng mga doctor at nurses doon.

~kung sino man siyang gumawa nito sa kaniya,makakatikim talaga sa akin!~

Bigla kong naisip si Anton.Tinawagan ko siya.

"Nasaan ka?! Hintayin mo ako diyan!"

Papunta na ako sa bar na sinabi niya. Habang nagdadrive ay tinawagan ko muna si Rebecca,nakuha ko sa phone ni Yka.

"Hello Rebecca. Si Chris to. May nangyari kay Yka,nasa hospital siya ngayon. Pakibantayan muna siya kasi may sisingilin lang ako."

Malapit na ako sa bar. Nanggigigil na ako sa galit. Pagkababa ko ay dumiretso agad ako sa loob. Nakita ko siya na umiinom.

"Oi Chri-"

Bigla ko siyang sinuntok. Sunud sunod ang suntok na binigay ko sa kanya. Hindi siya makalaban dahil nakainom na.

"Oi pare tama na yan"

May ibang umaawat sa akin pero hindi nila ako kinaya.

"haha,ano bang problema mo?"

Tumatawa pa siya habang pinupunasan ang dugo sa labi niya.

"Anong problema ko?! Eh tarantado ka pala eh. Anong ginawa mo kay Yka?!"

"Nakapagsumbong agad sayo si Yka?hahaha. "

Pinagsusuntok ko ang mukha niya hanggang sa di na siya makilala. May umawat sa akin na bouncers. Inilabas nila ako. Galit pa rin ako. Hindi ko talaga alam ang magagawa ko kung hindi ako naawat ng mga bouncer na yun. Nagpalamig muna ako sa kotse ko. Napapasuntok na lang ako kapag naalala ko ang itsura ni Yka kanina.

~dapat inagahan ko ang pagpunta kanina sa school!~

Naiyak ako sa sama ng loob sa sarili ko. Isang oras din ako sa kotse nang tumunog ang phone ko.

"Hello? Oh Rebecca. Talaga,okay na siya?"

Agad akong pumunta sa hospital.

"Ano bang nangyari sa kanya?! Ikaw na naman bang may kasalanan?!" Ang dami dami niyang pasa sa braso at binti. "

"Hindi ko nga rin alam. Nakita ko lang siya na nakahandusay sa likod ng building. "

"Sino kaya ang gumawa nito?! Kawawa naman ang bestfriend ko. Ang dami dami niya ng pinagdaanan mula ng nakabalik siya dito. Pangalawa niya nang maadmit dito sa hospital."

"Huh? Mayroon pang isa? Anong nangyari sa kanya?"

"Ahhhh,ehhh, wala . Ahm,ikaw, bakit ganyan ang itsura mo?"

"Wala ito. Sige uwi ka na. Ako na magbabantay sa kanya."

"Sure ka? eh sa kalagayan m-"

"I'm fine. Sige na."

"O-okay. Text mo na lang ako kung may kailangan siya,bye."

Pumasok na ako ng room niya pagkaalis ni Rebecca. Naupo ako sa malapit sa kanya

"Kung sana hindi ako nalate sa pagsundo sayo,hindi sana to mangyayari sayo."

Kawawa ang itsura niya ng makita ko.

Naalala ko ulit ang mukha ni Anton. Wasted na siya ng pumunta ako doon. Natatawa pa siya. Bigla akong napayuko habang iniisip yun. Walanghiya siya.

"Chris. . ."

Napaangat ako ng ulo nang marinig ko ang boses niya.

"Yka,may masakit ba? Teka lang at tatawagin ko yung doctor."

"Huwag na. Okay lang ako. Dito ka lang."

"Pano ka naging okay?! Tingnan mo nga ang kalagayan mo ngayon. Sobra akong nag alala sayo!"

Maluluha na ako.

"Shhhh. Ayos lang talaga ako Chris. Pasensya ka na kung napag alala kita. Trinay ko naman na sagutin yung phone pero. . ."

"Bukas ka na magkwento. Magpagaling ka na lang. May gusto ka bang kainin?"

"ahm,meron."

"Sige. Bibili muna ako."

"Wait, hindi ko pa sinasabi yung gusto kong kainin."

"Alam ko na. Hintayin mo ako dito."

Pumunta ako ng Jollibee para umorder ng paburito niyang pagkain. Dinamihan ko na kasi sure ako na gutom ma gutom na yun. Pagbalik ko ay nakita ko siyang may kausap sa phone.

"Ayos na ako Becca. Thank you ah,bye"

Pagpasok ko ay bigla siyang natuwa ng makita niya ang dala dala ko.

"Waaahhh. My favorite."

Pagkaabot ko sa kanya ng pagkain ay hindi niya na ako initindi. Parang hangin na lang ako sa tabi niya. Natutuwa ako na kahit nagkaganoon siya ay masiyahin pa rin siya. Nakangiti akong nakatitig sa kanya. Tumigil siya ng mapansin niya nakatingin ako.

"Ahh,heh. Gusto mo? "

"Hindi na. Sige ubusin mo,parang kulang pa sayo."

"Hindi naman. Para kasing matagal na akong hindi nakakakain nito,thank you."

"Your welcome."

Pagkatapos niyang kumain ay pinagpahinga ko na siya.

"Matulog ka na."

"Ikaw,saan ka matutulog?"

"Dito lang ako,babantayan kita."

Malaki naman ang nakuha naming kwarto kaya may extrang higaan para sa nagbabantay.

"Sige na,matulog ka na. Ako nang bahala sa sarili ko."

Natulog na siya at ako naman ay nakayuko at nakaupo sa tabi niya. Nakapikit na sana ako nang marinig ko siyang nagsalita. Nananaginip siya.

"No. . . please."

"Hey,Yka. Wake up. Hey"

Inaalog ko siya para magising. Nagising naman siya at nang makita ako ay naiyak. Napayakap siya sa akin.

"Don't worry,nandito lang ako. shhhh."

"Chris. . . dito ka na lang sa tabi ko please. Natatakot ako."

"Okay,okay."

Malaki ang kama kaya nagkasya kami. Nakayakap lang siya sa akin habang hinahagod ko ang likod niya. Eventually,nakatulog ulit siya.

~humanda talaga sa akin ang Anton na yan. Hindi ko papalagpasin ang ginawa niya kay Yka~


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C12
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank 200+ Power Ranking
Stone 0 Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login

tip Paragraph comment

Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.

Also, you can always turn it off/on in Settings.

GOT IT