Download App
76.92% Childish Prince / Chapter 10: The Reconnection

Chapter 10: The Reconnection

JESSICA'S POV

Nakatingin ako ngayon sa condo ni Ms. Yka. At parang may kausap sa phone. Pagkababa niya ay parang nalungkot siya. Habang pinapanood ko siya ay biglang tumunog yung phone ko.

"Hello ,boss. May kausap po siya kanina pero saglit lang. Naging malungkot po ang mukha niya. Sige po. Aalamin ko."

Nakita kong wala na sa condo niya si Ms. Yka kaya dali dali akong bumaba ng hotel. Dapat mauna ako sa school para makita niyang naghihintay ako. Sabi niya kasi hintayin ko siya bago pumasok sa room. Kaya ko naman sana ang tatlong yun pero baka masira pa ang mission ko.

---------*

YKA's POV

Ano ba naman yan. Nasira ang araw ko. Bakit pa kasi siya tumawag. Akala ko pa naman makikipagbati na siya sa akin.

May tumawag kasi sa akin kanina,unknown number.

"Hello. sino to?"

"Hi Yka."

Biglamg bumilis ang tibok ng puso ko. Familiar ang boses niya.

"Chris? Ikaw ba yan?"

"Oo."

"Pano mo nakuha number ko?"

"Basta."

"So ano kailangan mo?"

"Wala. Gusto ko lang ipaalala sayo na humanda ka mamaya."

" Bakit?"

"Basta."

"Bakit ka puro basta? Hindi kita maintindihan."

"Huwag ka nang maraming tanong. Sigurado ako na hindi mo makakalimutan ang araw na to."

"What?"

"Hihintayin kita sa parking area ng Lunch break. Hindi ako aalis hanggang hindi ka dumarating."

"Huh? ba-"

Bigla niyang binaba yung phone. Ano na naman bang gagawin niya? Pahihirapan niya na naman ba ako?

~Hindi na ba talaga kami magkakaayos?~

Bigla akong nalungkot. Bumaba na ako para pumunta ng school.

"Baka hinihintay na ako doon ni Jessica"

Pero bago ako dumiretso ay dumaan muna ako sa Jollibee para bumili ng breakfast ko. Pagdating ko ng classroom ay nakita ko si Jessica na nakatayo sa may tabi ng hallway.

"Good morning Jess, let's go."

Pumasok na kami ng room at nakita kong nakatingin sa amin ang tatlong babae.

"Bakit ba ganyan na lang sila makatingin sa atin? Wala naman tayong ginagawa sa kanila,lalo na ikaw.

"Pasensya ka na dahil baka mapahamak ka pa nang dahil sa akin."

"No worries. I can handle them. Let's just focus on our study."

The discussion goes on habang ako ay iniisip pa rin kung pupunta ako sa parking area.

~pupunta ba ako? Baka ano naman gawin niya sa akin. Pero kung hindi naman ako pupunta baka mas magalit siya,hay~

Napabuntong hininga na lang ako.

"Bakit ms-"

"huh?"

"Bakit Yka? May problema ba?"

Bulong sa akin ni Jessica. Napansin niya ata sa na wala ako sa focus ngayon.

"Wala naman. Okay lang ako. "

"Pwede mo naman sabihin sa akin,baka makatulong ako."

"Mamaya na lang. Baka mapagalitan tayo ni Sir,hehe"

Pagkatapos ng class ay lumabas na kami. Iniisip ko pa rin kung pupunta ako o hindi. Pero gusto ko rin siyang makita. Pero baka masaktan na naman ako sa gagawin niya.

"Ayos ka lang?"

"Ahh, Oo. There's someone kasi na kailangan kong puntahan sa parking area."

"Oh?"

"Pinag iisipan ko pa kung pupunta ako o hindi. Hay! Gusto ko siya makita."

"O gusto mo naman pala, eh bakit parang ayaw mo?"

"It's complicated. Hays! Tara na nga,kumain na tayo."

Hanggang sa canteen ay binabother pa rin ako.

"Hindi ka ba kakain? Lalamig na ang pagkain mo."

"Ahhh,oo nga pala,hehe."

"Alam mo kung hindi mo rin maalis yang taong yan sa isip mo,mabuti pa puntahan mo na lang"

"Ayoko na gusto ko. Bahala na. Ubusin na natin to."

Matatapos na ang lunch break pero hindi pa ako nakakapagdecide. Hanggang sa magsimula na ang first period namin sa hapon ay nag iisip pa rin ako. Tumingin ako sa labas, umuulan ng malakas.

~`hindi ako aalis dito hanggang hindi ka dumarating`~

Bigla naisip ko ang mga sinabi niya.

~hala pano kung nandoon pa yun? Pero bakit naman siya magpapaulan,pero. . .~

Nag excuse ako at nagpaalam kay Jessica. Tumatakbo ako papuntang parking area habang basang basa na ako at mga gamit ko. Hinanap ko siya. Nandoon siya nakasanday sa may kotse at basang basa.

~hindi niya ba naisip na sumilong man lang sa kotse niya?~

Habang pinagmamasdan ko siya na nakayuko ay hindi ko maiwasan na hindi mag alala. Linapitan ko siya.

"Chris, bakit ka nagpapaulan? Pwede ka namang puma-"

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Akala ko hindi ka na darating."

"Sorry. Akala ko kasi-"

"Idiot. Akala mo sasaktan na naman kita?"

"Ahm,kasi-- asan ba kotse mo? Dapat doon ka na lang naghintay."

"Nandiyan lang. Ayokong pumasok kasi baka hindi mo ako makita."

Nakayakap pa rin siya sa akin.

"Tara na. Basang basa ka na."

Pag aalala ko. Baka kasi lagnatin siya.

Sumakay na kami ng kotse at pinaandar niya ito. Hindi ko alam kung saan kami pupunta hanggang sa makarating kami sa malaking hotel. Hawak hawak niya ako sa kamay habang naglalakad papuntang elevator. Nagtitinginan ang mga tao pati ang mga staff dito. Nasa 74th floor na kami.

"Ahm, sayo ba to Chris?"

Hindi siya nagsalita. Patuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang room. Binuksan niya ito at pumasok kami. Maganda at malaki ang room. Eleganteng elegante.

"Pumasok ka na ng bathroom"

"Huh? ahm, bakit?"

Hindi maganda ang nasa isip ko ngayon.

"Maligo ka kasi basa ka. Diyan sa may kaliwa mo. May mga damit rin diyan,kumuha ka na lang."

"Ikaw hindi ka ba maliligo?"

Shot. Parang iba yun ah. Tiningnan niya ako.

"Gusto mo ba sabay na tayo?"

"Huh?! Hindi ah. Ang ibig kong sabihin kung maliligo ka na, i-ikaw na ang mauna."

Ano ba itong iniisip ko.

"Hindi ko alam na ganyan ka pala mag isip Yka,haha."

"Hi-hindi. A-anong iniisip ka diyan. Mauna na nga ako."

"Sige lang. Meron pa naman sa taas. Doon na lang ako."

Iba ang ngiti niya ah. 'Ba kasing pinagsasasabi mong babae ka. Makaligo na nga.

Pagpasok ko ay naligo na ako pagkatapos ay pumunta na sa wardrobe. Madaming damit. At puro lahat pangbabae.

"Bakit kaya puro pangbabae tong mga damit na to? Omg, nag uuwi ba siya ng ibang babae dito?"

Bigla akong nalungkot. May girlfriend na ba siya?

Hindi maalis sa isip ko yun hanggang sa makalabas ako ng bathroom. Inikot ko muna ang loob ng room. Malaki din ang kitchen niya. May mga laman din ang ref niya.

~Siguro pinagluluto siya ng gf niya~

Hanggang sa makarating ako sa may sala. Glass lang din ang wall doon kaya makikita ang view sa labas.

"Wow. Ang ganda naman dito."

"Mas maganda ka."

Bulong niya sa tenga ko. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya. Napasulyap ako sa likod at nakita ang katawan niya na tuwalya lang ang cover sa baba.

"Ano ba yan! Magsuot ka nga ng damit. Baka may makakita sayo."

"Nasa 74th floor tayo. Sino makakakita sa akin?"

"Basta mag T-shirt ka na."

"Ayaw mo lang ata may ibang makakita ng katawan ko noh?"

"H-huh? Hindi noh. Baka magkasakit ka ka-kaya magsuot ka na ng damit."

"Fine."

Umakyat ulit siya at pumunta sa kwarto.

~Ano ba yan,kakaligo ko lang pero bakit ang init?~

Pinaypayan ko ang mukha ko dahil ang init nito at parang namumula.

~ano ba tong iniisip ko~ (~,~')

Napatingin ako sa isang painting. Nagulat ako dahil ito yung ginawa namin noong mga bata pa kami. Hindi naman siya maganda pero memorable siya. Hindi niya pala tinapon to. Maiiyak na ako.

"Naalala mo ba yan?"

Niyakap niya ako mula sa likod.

"Oo naman. Ang dami mo ngang pinta noon sa buong mukha mo eh,haha."

Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Napahawak ako sa mukha niya saka humarap.

"I'm sorry."

Umiyak na ako sa harapan niya.

"Saan?"

"For everything. Gusto ko ulit magsorry. Hindi mo man ako mapatawad ngayon, itatry ko pa rin hanggang iaccept mo ang apology ko."

Napayuko ako dahil ayokong nakikita niya akong umiiyak. Iniharap niya ang mukha ko sa kanya. Iba ang nasa mga mata niya. Hinalikan niya ako bigla. Hindi rin ako makagalaw dahil tumututol ang isip ko pero gusto ng puso ko. Pero napatras ako dahil naalala ko ang ginawa niya sa akin noon.

"Ano na naman bang gusto mo Chris? May isusumbat ka na naman ba sa akin"

"I want you."

Pagkasabi noon ay hinalikan niya ako ulit pero ngayon ay diniinan niya na. Pilit akong kumakawala sa kanya pero mas malakas siya sa akin. Hanggang sa hindi na rin ako nakapalag sa kanya. I kiss him back. Nawala lahat ng inaalala ko dahil sa halik niya. Ang lambot ng mga labi niya na nagpapahina ng mga tuhod ko. Sinalo niya ako at inipit sa pader. Hindi kami tumitigil. Parang ang halik niya ay nasasabik. Kinarga niya ako at pumunta sa kwarto at inihiga ako sa kama. Hindi ko na alam ang gagawin. I pushed him back.

"No Chris. We shouldn't do it."

"I-Im sorry. Nadala ako."

Naupo ako sa kama at siya naman ay nakatayo na hindi mapakali. Hinila ko siya sa kama saka hinawakan ang mga kamay niya.

"Im so sorry Yka. "

"It's okay. Ano ba tong lahat ng 'to? Ano ba gusto mong ipahatid sa akin?"

"That I- that i missed you so much."

"I don't believe you. The last time you told me that,you hurt my feelings."

"It's true. Im sorry for what happened that night. Bigla lang nag init ang ulo ko noon. Pero ngayon I really mean it. Please forgive me."

"So this time ba talagang bati na tayo? Yung too Chris kasi ayokong masaktan ulit."

"Yes Yka. Talagang okay na tayo."

"That night, I really wanted to hug you pero naiilang ako kasi hindi ko alam ang iniisip mo."

"Naging ganoon lang ako kasi-- I love you so much."

Napatingin ako sa mga mata niya. Sincere siya sa sinasabi niya.

"Akala ko ba papahirapan mo pa ako?"

"Nasabi ko lang yun dahil galit ako. Hindi ko na kasi mapigilan na hindi ka kausapin. Ayokong lumalim pa ang pagsasamahan niyo ni Anton. Ayokong maagaw ka niya sa akin."

"Kaibigan ko lang siya at hanggang doon lang yun. Sinabi ko naman sayo na hindi na ako mawawala pa sayo. Pero gusto ko lang itanong kung may gf ka na? Kasi yung war-"

"Yung wardrobe ba? Para talaga sayo yun. I wanted you to stay here with me."

"But I can't, yung condo ko."

"Sinabi ko na yun kay Tito and he agreed na ipagbili na yun. Mas mapapanatag daw siya kung kasama mo ako."

"Well kung yan ang gusto niya."

Hinawakan niya ako sa kamay.

"Girlfriend na ba kita Yka?"

"Ano ba sa tingin mo?"

Matagal ko nang gustong malaman ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang akala ko lang noon may obligasyon ako sa kanya dahil kababata ko siya. Pero hindi pala. Ngayon ko lang napagtanto na mahal ko rin pala siya. Infact,I love him so much. I kiss him again and he kiss back.

"I missed you so much, and I love you too."

"Yes! Tayo na? I love you. And i won't hurt you again, I promise, pinky swear."

"Pinky swear."


Chapter 11: The Prince meets the Bestfriend

Habang nakahiga kami sa kama ay hawak ng mga kamay ko ang kamay niya. Nakaharap siya sa akin habang natutulog. Hindi ako makapaniwala na magkatabi kami ngayon at hindi nagbabangayan. I touch his face.

"I've never thought na one day magkakasama tayo. I've never thought na mahahawakan kita ng ganito katagal."

Mahina kong sabi kasi baka magising siya. Hinalikan ko siya sa noo. Gumalaw siya at niyakap ako. Para talagang bata ito matulog. Natulog na rin ako dahil maaga pa ako bukas.

-----*

Nasisinagan ng liwanag ng araw ang mga mata ko kaya napamulat ako. Nakita kong wala siya sa tabi ko. Bigla akong napabuhat sa pagkakahiga ko.

~panaginip lang ba yun?~

Pero imposible kasi nasa ibang kwarto ako.

Biglang may kumatok sa pinto.

"Gising ka na pala. Maaga pa,matulog ka na muna."

Napangiti ako. Nakasanday siya sa may pinto saka lumapit sa akin.

"Bakit? May problema ba?"

"Wala naman. Akala ko kasi panaginip lang yung kagabi."

Hinawakan ko ang kamay at mukha niya.

"Hindi ito panaginip. Nandito ako. Siya nga pala pinahakot ko na ang mga gamit mo sa condo mo para mamaya dito ka na tumuloy."

"Ahm,okay."

"Gusto mo na ba magbreakfast? Nagluto na ako."

"Sige."

Bumaba na kami para kumain.

"Wow. Ikaw nagluto ng lahat nang to?"

"Oo naman. Alam ko kasi na hindi ka marunong magluto at palaging sa fast-food ka lang palagi kumakain kaya pinag aralan ko ang pagluluto."

"Talaga? Thank you."

"You're always welcome my princess."

Pagkatapos mag almusal ay nag ayos na ako para pumunta ng school. Sabay na kaming pumunta ng school gamit ang kotse niya. Paglabas ko ng kotse ay pinagtitinginan kami ng mga studyante. Nailang tuloy ako.

"Pabayaan mo sila. Ngayon lang kasi sila nakakita na may kasama akong babae. You know,hindi pa ako nakipagdate kahit kaninong babae, hinihintay kasi kita."

"Alam ko naman na wala ka pang nadidate."

"Pano mo nalaman?"

"Famous ka kaya,lahat alam nila tungkol sayo."

"Baka nga yung mga fans mo pagdiskitahan ako eh."

"Don't worry, hindi yan mangyayari dahil may magbabantay sayo."

"huh? sino?"

Tumawa lang siya at tumuloy lang kami sa paglalakad. Natatanaw ko na si Jessica.

"Jessica. Good morning."

Nagkatinginan lang yung dalawa.

"Ahm,Jessica this is Chris,Chris ito naman si Jessica. She's my friend."

"Nice to meet you Jessica,please take care of her while Im not around."

"Ano ka ba. Ihahabilin pa ako. Ayos lang ako. Sige na baka malate ka pa. Bye "

Umalis na nga siya pero nakatingin pa rin sa akin ang ibang students lalo na yung tatlo.

"Pasok na tayo. Oo nga pala. Pasensya na kasi iniwan kita kahapon."

"Ayos lang,nasa mabuti ka namang kamay."

"Huh?"

"Ahh,ang ibig kong sabihin hindi ba siya ang kasama mo kanina? Siguro naman hindi ka niya pinabayaan."

"Hindi naman. Kababata ko siya. Dati hindi kami okay pero ngayon nagkaayos na."

"Ahh,mabuti naman yan. Ito nga pala yung notes sa naiwan mong subject kahapon."

"Ay thank you ahh. Hulog ka talaga ng langit. Siya nga pala,hindi na ako doon sa condo nakatira, lumipat na ako kay Chris."

"Ahh ganoon ba? Mabuti naman para safe ka."

"Huh?Safe saan?"

"Ahhh,ahm, doon sa tatlong yun."

Tinuro niya yung tatlong babaeng kanina pa nakatingin sa amin.

"Huwag mo na nga sila intindihin."

Habang pinag aaralan ko yung notes ni Jessica,tumunog yung phone ko.

"Naku si Rebecca, sagutin ko muna to."

Lumabas ako para sagutin ang tawag niya.

"Hello Becca?"

"Hoi bruha! Saan ka?"

"Nasa school,bakit?"

"Pumunta ako sa condo mo pero wala ka na doon. Pati mga gamit mo. Saan ka ba lumipat?"

Oo nga pala. Hindi ko pa nasabi sa kanya ang tungkol kay Chris.

"Mahabang story Becca, I'll tell you the details mamaya. Itext ko na lang sayo yung hotel na tinitirhan ko ngayon. I have to go,nandito na kasi prof namin."

"Okay. Bye."

After school ay pumunta na ako sa parking area para hintayin si Chris. Sabi niya kasi dumiretso ako dito at hintayin siya. Ayaw niya daw na umuwi akong mag isa. Habang naghihintay ay nakita ko si Anton na papalapit sa akin.

~Oh my. baka makita siya dito ni Chris,siguradong mag aaway sila pagnagkaganoon~

I tried to ignore him pero nakalapit na siya.

"Hey kanina pa kita kinakawayan,hindi mo ba ako nakita?"

"Oi Anton, ikaw pala. Sorry hindi ko napansin." Ano ginagawa ko dito?"

Hindi ako mapakali. Ilang minuto na lang nandito na si Chris.

"Okay ka lang, parang hindi ka mapakali."

"Ahh ,ehh. Wala naman. May hinihintay lang ako."

"Si Chris ba?"

"How-"

"Kalat na kaya sa campus,hahaha. Don't worry hindi ako magpapakita sa kanya. Alam ko na alam mo na ang alitan naming dalawa. At kaya hindi ka mapakali dahil darating na siya."

"Hehe, pasensya na ah. Ayaw ko lang na mag away kayo. Kaibigan kita kaya ayokong pag initan ka niya."

"Ano ka ba. Sanay na ako sa kanya. Ikaw ang mag iingat. Hindi mo siya lubusang kilala."

"Huh? what do-"

"Hey, What are you doing here with my girlfriend?"

Ayan na si Chris. Nanlilisik ang mga mata niya.

"Wala yan. Aalis na si Anton,di ba?"

"Dinidiskartehan mo ba siya?!"

"Pano kung sabihin kong oo?"

"Anton,ano ka ba?"

"Ahh,hehe, nagjojoke lang yan si Anton."

Sininyasan ko siya na umalis na.

"Mabuti at nandito si Yka,kung hindi-"

"Ano? Hinahamon mo ba ako?!"

"Umalis ka na kasi Anton."

Umalis na nga si Anton. Pero hindi pa rin naalis ang galit ni Chris.

" Bakit mo pa siya kinakausap? Alam mo naman na kaaway ko siya!"

"Eh lumapit siya. Saka kaibigan ko siya, Huwag ka nang magalit sa kanya."

"Pinagtatanggol mo ba siya?"

"Hindi naman. Relax ka lang. "

Sinusundan niya pa rin ng tingin si Anton.

"Hey, tumingin ka sa akin, please."

Tiningnan niya naman ako.

"Don't worry,kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Ikaw lang. Di ba pinag usapan na natin to. Huwag na tayong mag away."

Hindi siya sumagot. Pumasok na siya ng kotse.

Sumunod na rin ako. Sa daan tahimik kaming dalawa. Hindi pa siya okay. Hindi umiimik.

"Galit ka pa ba? Kung ayaw mo sa kanya hindi ko na siya kakausapin. Iiwasan ko na siya, wag ka nang magalit."

Tiningnan niya lang ako pagkatapos ay nagfocus ulit sa pagdadrive.

~Hayyyyy. Kailangan ko pang alamin kung ano ang mga gusto at mga ayaw niya para hindi na kami mag away~

Pagdating sa hotel nauna siyang naglakad at ako naman ay hinahabol ang mga yapak niya.

~ang hirap niya palang iplease kapag nagagalit. Pero ang cute niya kapag nagtatampo~ (^,^')

Hanggang sa makarating kami sa room ay hindi niya pa rin ako kinikibo. Hindi ko na muna siya kinulit baka mas magalit siya. Pumasok na muna ako ng kwarto para maghilamos. Paglabas ko ay hindi ko siya nakita.

"Asan ba yun? Baka lumabas."

May nagdoorbell. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Becca.

"Becca,hi. . . ahm, pasok ka."

"Dito ka na pala. Ang layo sa condo ko ah. Ang laki naman nito para sa isang tao."

"Ahh,ehh kasi Becca, may- may kasama ako dito."

"What?! Sino?"

"Huwag kang magpapanic ah. Kasi- kasi ang kasama ko dito yung kababata ko."

"Huh?! Yung nananakit sayo?! At bakit ka naman sasama sa kanya?!

"Hinaan mo lang ang boses mo. Kasi ipinagpaalam niya ako kay Daddy. Saka ayos naman na kami."

"It doesn't matter. Hindi kasi alam ni tito kung ano pinaggagagawa niya sayo,pag sinumbong ko si-"

"Isusumbong?"

Bigla namang dumating si Chris. Hindi siya kita ni Becca kasi nasa likod niya ito. Kaya pagharap niya.

"Isusumbong ki-huh? siya ang kababata mo Yka?!"

"Ahhh,oo eh. Becca siya si Ch-"

"Chris Alvin Mendez. OMG! Ikaw nga. No way!"

"Ako nga. Kababata niya noon, boyfriend niya ngayon,ikaw sino ka?"

"A-ako si Rebecca Montefalco, bestfriend ni Yka."

Hindi maalis ang mata ni Becca kay Chris. Di ba nga hinahanggaan niya ito.

"Shot ka naman Yka, hindi mo agad sinabi."

Bulong niya sa akin.

"Wait. Akala ko ba isusumbong mo siya kay Daddy?"

Biglang nag iba ang mukha niya.

"So ikaw pala, ikaw ang nananakit sa damdamin ng bestfriend ko. Hindi mo ba alam na muntikan na si-"

Pinigilan ko siyang magsalita. Baka masabi niya yung tungkol sa trauma ko.

"Muntik nang ano?"

"Wala yun. Ah ,hehe."

"Huwag mong sabihin sa kanya Becca please."

Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Haynaku! Pag ikaw sinaktan pa nito,makakatikim talaga yan sa akin."

"Kumain ka na ba Becca? Magluluto si Chris,hehe."

Pero hindi ako sure kung magluluto talaga siya. Hindi niya pa ako pinapansin eh.

"Hindi na. May dinner kami ng mga classmates ko. Aalis na ako. Tawagan mo ako kapag may nangyaring hindi maganda."

Pagkasabi noon ay tiningnan niya si Chris na matulis saka lumakad papuntang pinto.

"Siya nga pala, kakausapin pa kita Yka. Pagweek end, text nalang kita,bye."

"Sige,bye. Ingat ka. Mag enjoy ka."

Pagkaalis niya ay susubukan ko sana siyang kausapin pero umalis siya at pumunta ng kusina.

(>,<')

Sumunod ako sa kanya sa kusina. Naghahanda siya ng dinner namin. Habang naghihiwa ng patatas ay pumunta ako sa likod niya at niyakap siya.

"Sorry na."

Ilang minuto akong nakayakap sa likod niya hanggang sa hawakan niya ang kamay ko at humarap sa akin.

Hinalikan niya ako sa noo.

"I'm sorry din. Hindi ko lang mapigilang hindi magalit. Nag iinit talaga kasi ang ulo ko sa kanya. And maybe he's planning to steal you from me."

"That's not gonna happen. I told you na ikaw lang talaga,promise. Kaya huwag ka nang magalit."

Niyakap niya ako ng napakahigpit. I love the smell coming from his T-shirt.

"I love you so much,Yka."

"I love you more."

He kiss me sincerely. At bago pa humantong sa malalim ang halik niya,pinutol ko na.

"Oppss, magluto ka na please. Gutom na ako."

"Hahaha. sige."

Umupo ako at pinanood siyang magluto. Ang galing niya. Pwede na siyang maging chef.

Habang kumakain ay nagkwentuhan kami at nalaman ko na palagi niya akong pinapasundan mula noong umuwi ako dito sa Pilipinas.

"Hahahaha,talaga ba? So selos na selos ka na noon?"

"Oo. Sa lahat kasi ng makikilala mo ay si Anton pa."

"At isa pa,naalala mo ba yung unang araw na nakita mo ako. Nasa likod ako noon. Akala ko may boyfriend ka na kasi may tinatawag kang babe."

"Hahaha, si Becca yun. Tawagan namin."

"Huwag mo na siyang tawagin na ganoon. Ako na lang."

"Ayoko nga,hahaha."

"Ako na lang please."

"Ayoko."

Habang kinukulit niya ako may tumawag sa phone niya.

"Wait lang."

Lumabas siya saglit pagkatapos ay bumalik na siya.

"Yka, kailangan ko munang umalis. Emergency meeting lang. Tungkol sa business ko."

"Ahh .Sige. Ako ng bahala dito. Ingat ka."

Hinalikan niya ako sa pisngi tapos umalis na.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan namin. Then tumaas na ako para magreview. May quiz kasi kami bukas. Makalipas ang isang oras ay nahiga na ako. Wala pa rin siya. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C10
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank 200+ Power Ranking
Stone 0 Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login

tip Paragraph comment

Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.

Also, you can always turn it off/on in Settings.

GOT IT