Download App
53.84% Childish Prince / Chapter 7: Sudden Approach

Chapter 7: Sudden Approach

"Aray ko naman!"

"Ch-Chris?! ano ka ba naman,sulpot ka nang sulpot! Yan tuloy napagkamalan kitang magnanakaw."

"Sa gwapo kong ito, magnanakaw?"

"eh kasi naman tinakot mo ako. Ano ba kasing ginagawa mo dito? Pwede ka naman kumatok di ba o magdoor bell man lang?"

"Alam ko naman na ang password kaya pumasok na ako."

Oo nga pala. Nakapasok na siya dito noong gabing nilibre ako ni Anton sa Jollibee. Hindi na ako nag abalang magtanong kung pano niya nalaman ang password ko dahil hindi niya rin naman ako sasagutin.

"So ano ngang ginagawa mo na naman dito?"

"Wala. Bawal ba?"

"Hindi naman. Pero di ba galit ka nga sa akin kaya mo ako inaasar palagi? Ano namang gagawin ng isang tulad mo dito?"

"Isang tulad ko? Bakit ano ba ako sayo?"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Umiwas na lang ako at aakmang maglalakad papuntang sala pero pinigilan niga ako.

"Ano?!Hindi ka makasagot? Ano ba ako sayo? Kinalimutan mo na ba talaga ako?

Tanong niya habang hawak hawak niya ako sa braso.

Ano nga ba siya? Special siya sa akin kasi kaibigan ko siya.

"Kababata."

Binitawan niya ako. Parang nadisappoint siya sa sinabi ko.

"Special na kababata" dagdag ko.

Napatingin siya sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nasa mga mata niya.

"Panong special?"

"Ahm, yung gusto kitang alagaan, yung parang gusto ko iparamdam sayo ang pagmamahal ng isang kaibigan. Parang ganun,hehe."

Hindi ko maipaliwanag sa kanya kasi kahit ako hindi ko rin talaga alam. Basta yun yung nararamdaman ko.

"Dahil ba lalampa lampa ako noon kaya't gusto mo akong alagaan? Hindi na kailangan dahil hindi na ako tulad ng dati na palaging umiiyak, lalo na kapag iniiwan."

Parang may laman yung sinabi niya.

"Hindi naman sa ganun. Akala ko kasi kailangan mo ako. Kasi di ba ako lang yung kaibigan mo noon? Hindi na kita iiwan. Hindi na ako aalis. Dito la-"

"Pwede ba! Wag ka magsalita ng patapos. Sinabi mo na yan noon at naniwala naman ako! Hindi na ako yung Chris noon na naloloko mo lang! I stood up by myself so no one can ever hurt me anymore. No one!"

Nakikita ko ang galit sa mga mata niya. Nararamdaman ko ang pagkamuhi niya sa akin.

"Chris,alam ko naman na kasalanan ko. Sorry. Hindi ko naman talaga sinasadya yun eh. I'm so sorry. It's not my intention to hurt you. And I understand why you're doing everything para maparamdam mo na kinamumuhian mo ako. Gusto kong bumawi sayo."

Hindi ko inaasahan na iiyak siya. Napaluhod siya sa harap ko at nakayuko.

"You know I-I really really missed you. Everyday I'm hoping for you to come back."

Naiyak na rin ako. Lumuhod na rin ako para mayakap siya.

"I really missed you too, Chris. Im really sorry sa ginawa ko. Umuwi ako dito para sayo, and I will never ever leave you again. I promise. Kahit anong mangyari, kahit anong maging hadlang hinding hindi na kita iiwan. Sorry."

He hugged me back so tightly. Awang awa ako sa kanya. Hindi pa kami bumibitiw sa pagkakayakap. Siguro ganoon namin kamiss ang isa't isa. Hinahagod ko ang ulo niya para kumalma na.

After a few minutes, kumalas na ako sa pagkakayakap at inalalayan siya maupo sa sofa.

"Upo ka muna diyan. Kukuha ako ng tubig." pero hindi niya binibitawan ang kamay ko.

"Don't worry,kukuha lang ako ng tubig at babalik lang. Saglit lang ako.

"Pumunta na ako ng kitchen para kumuha ng tubig na maiinom niya. Ang dami niya kasing iniyak. Pagkabukas ko ng ref ay may nakita akong chocolate. Hindi ako nawawalan nito kasi favorite ko to. Actually,pareho kami ni Chris na mahilig sa chocolates. Kahit anong klase basta chocolate. Kumuha ako at pumunta na ng sala. Naabutan ko siyang nakatingin sa picture namin noon.

"Oh heto na. Inumin mo ito dahil marami kang naiyak kanina. Dinalhan na rin kita nito."

Bigla siyang namula sa sinabi ko. Ang cute niya. Para pa ring bata.

"Thank you."

Habang kumakain ng chocolate ay pinagmamasdan ko siya. Napangiti ako dahil bumalik na ang dati kong kababata. Maiiyak na naman ako.

"Oh bakit? Bakit ka naluluha? Yung chocolate ba? Sorry naubos ko eh." pag aalala niya.

"Hindi. Masaya lang ako na nandito ka. Masaya ako dahil bati na tayo."

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil pisil ito. Ang lambot ng kamay niya. Parang pangbaby. Narinig kong tumunog yung phone ko na nasa mesa malapit kay Chris,pero hindi ko yun inintindi. Nakayuko ako habang pinaglalaruan ang mga kamay niya nang bigla niyang inalis ang isang kamay at itinoon sa baba ko. Nang pag angat ko ng ulo ay nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ako nakagalaw agad. Hinalikan niya ako. It's my first kiss. Nang magising ako ay umiwas ako.

"Sorry. I just, i just can't help it."

"Ahm, It's my fi-first kiss,Chris."

"Talaga? So hindi ka pa nahalikan ng Anton na yun?"

"huh? What do you mean? Kilala mo si Anton?"

"Yes. Classmate ko siya dati. Kaaway ko siya dati pa. At lalong kumulo ang dugo ko nang nakita kong kasama ka niya. Well ako naman ang nauna sayo kaya hindi niya pa rin ako mauungusan.

Biglang nag iba ang awra niya. Nasampal ko siya.

"So you thought that I'm an easy girl? Ganoon ba Chris?! Kaya ba inapproach mo ako ngayon para siguraduhin na nagkiss kami ni Anton?! Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin?!

"Well I'm sorry kung nasira ko ang kasiyahan mo ngayong gabi. You think na ganyan lang kadaling makalimot sa ginawa mo sa akin?! No fuckin' way. Pahihirapan pa kita."

Biglang bumagsak ang mundo ko nang marinig ko lahat ng sinabi niya. Akala ko pa naman ayos na kami. Tumayo na siya para umalis.

"And one more thing, 'wag kang sumama kung kani kannino kung ayaw mong masabihan na easy girl lalo't hindi mo pa kilala ng lubusan."

"Does it apply to you too?"

Galit na sabi ko sa kanya. Hindi na siya nagsalita at umalis na. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko na siya kilala. I hate him. Buong gabi akong umiyak.

Nagising ako kinaumagahan nang masakit ang ulo at mugto ang mata. Hindi ko na namalayan na sa sofa na pala ako nakatulog. Hindi muna ako gumalaw at nakatingin lang sa kisame. Naluluha na naman ako dahil naalala ko ang nangyari kagabi. Hindi ko akalain na aabot sa ganoon ang pag uusap namin. Habang nakatulala ay may narinig akong ingay sa may kusina. May narinig din akong piniplay na music ni Shawn Mendez. Alam ko na kung sino. Pumunta na ako sa kusina. Nadatnan ko siya na nag aayos na ng pagkain sa mesa.

"Oh gising ka na pala. Ano bang ginawa mo kagabi at ganitong oras ka na nagising? Mag wa-one na kaya ng hapon. Halika at tikman mo itong niluto ko. I'm sure magiginhawahan ka dito sa inihanda ko. Tara na at baka luma-"

Nagulat siya nang makita niya ang mukha ko.

"Yka?! What happened? Bakit mugto yang mga mata mo? Tell me!"

Basa na ata ako ng laway dahil sa sigaw niya. Umupo na ako at nag lighten up yung mukha dahil sa pagkain na niluto niya. My favorite burger steak. Alam na alam niya talaga ang mg favorite kong pagkain. Nagagaya niya nga yung mga pagkain sa Jollibee eh kaya minsan nagpapaluto na lang ako sa kanya doon sa America. Kumain agad ako. Sa sarap ng pagkakakain ko ay nakalimutan kong nandito pala si Becca. And yes matalim na naman ang mga mata niya.

"eh,hehe, kain na Becca baka nagugutom ka na."

"Naghihintay ako ng sagot. 'Wag mo akong paghintayin at baka kunin ko pa yang kinakain mo."

"Haynaku,ito naman. Sasabihin ko namam sayo. Pagkatapos ko nang kumain,hehe."

Iniiwas ko talaga na sabihin sa kanya kasi ayaw ko naman na madisappoint siya kay Chris. Hinahangaan niya pa naman ito.

"Fine,then. I'll wait. Hindi ako aalis dito sa condo mo hangga't hindi mo sinasabi sa akin lahat."

Hindi talaga 'to maawat. Kapag gusto niya ngayon,ngayon dapat. Inubos ko na ang pagkain ko at naligo muna saka pumunta ng sala. So naghihintay pa rin siya.

"Becca, hindi ka pa uuwi? Wala ka bang assignments?"

"Tapos ko na lahat yun. 'Wag mong ibahin ang usapan dahil naghihintay pa rin ako ng sagot."

"Fine, I'll tell you pero kalma lang huh?"

"Bakit,masama ba ang nangyari?huh?!"

"Wala pa nga. Makareact na man ito. Kalma nga lang sabi."

"Hmmm. Sige. "

"Naalala mo ba yung binabanggit ko palagi sayo noon na kababata ko?"

"Yes, what about him?"

"Well,you see,kaya ako umuwi dito dahil sa kanya. Para bumawi sa pag iwan ko sa kanya noon."

"OMG! Don't tell me patay na siya? Kaya ka umiyak kagabi? Im so sorry for your lost."

"Parang ewan 'to. Patapusin mo muna ako,pwede? Hindi pa siya patay,ok."

"Ayy,sorry. haha. So anong nangyari?"

"So yun nga,ahm, nakita ko na siya. Ilang beses na ,actually. Hindi ko lang nasabi sayo."

"So anong connect ng pag iyak mo? Di ba dapat masaya ka kasi finally you found him. Ahhh, alam ko na . Tears of joy yan kaya ka naiyak. Pero OA ang pag iyak girl ah, masyadong mugto yang mata mo para sa tears of joy."

"Shhhhhh! Ano hindi ko na tatapusin yung kwento ko? Singit ng singit. Pektusan kita diyan eh."

"Ay hindi ba tears of joy?hahaha, sorry naman. Sige continue."

"Well,hindi ko inexpect na magiging ganoon siya. Ibang iba na siya sa dating kababata ko. He keeps on annoying me every time na magkikita kami. Galit siya sa akin dahil sa ginawa ko noon. Pinaliwanag ko naman sa kanya pero parang hindi siya nakikinig. Inintindi ko na lang siya kasi alam ko naman na may kasalanan din ako. Siya ang dahilan kung bakit bumalik yung trauma ko. Iniwan niya ako sa gitna ng kalye. That's where I ask yo-."

"wa-wait,what?! Asan yan ngayon at susugurin ko! Namggigigil ako ehh. Sasampalin ko lang. Saan siya nakatira?!"

"hey,hey. Relax. Sabi ko naman sayo kalma ka lang. "

"what the heck?! Muntik nang may mangyaring masama sayo tapos pakakalmahin mo ako. At hindi ka mo man lang talaga sinabi sa akin."

"Kaya nga hindi ko sinabi sayo kasi look at you. You're not even relax. Alam kong ganito magiging reaction mo."

"Well,syempre ganito ako dahil bestfriend kita. And i won't let anyone,even your childhood friend, hurt you! I promised you that,remember?"

"Yah i know. And I'm very greatful for that. Ayoko lang na mastress ka. At isa pa nahandle ko naman di ba?"

"Yeah right,nahandle mo nga"

Sarkastikong sabi niya.

"So ano nangyari kagabi?"

"ahm,pumunta siya dito,akala ko nga magkakaayos na kami. Akala ko bumalik na yung dati kong kababata na mabait,maamo. But it turns out na inapproach niya lang ako para iconfirm na hindi pa ako nahalikan ni Anton."

"What? Kilala niya si Anton?"

" Yes. At akala niya nagdidate kami. at akala niya rin na nagpahalik ako kay Anton. Hinalikan niya ako Becca para hindi daw siya maisahan ni Anton."

Dumaloy na ang luha mula sa mga mata ko. Hinsi ko na napigilan na umiyak na naman.

"Kaaway niya daw kasi noon si Anton at mas nagalit siya ng makita niyang kasama niya ako. He even told me that I'm an easy girl, I hate him."

"Shhhhh,tahan na. Hayaan mo at ipaghihiganti kita."

"'wag na please. Ayoko na ng gulo. Ayoko na rin siyang makita. Please don't do such rush decision Becca. Please."

"Fine. Kung hindi lang talaga dahil sayo. Tatadyakan ko talaga ungas na yun. That bastard!"

"Ano ba name ng lalaking yun?"

"Chris. He is Chris Alvin Mendez."

"Whaaaat?! you mean the one that I mention to you a few days ago? Yung may ari ng building na tinitirhan ko?! Eh baliw pala yun eh!"

"Ngayong alam mo na kung sino siya,wag mo na lang siyang kausapin please."

"Fine."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C7
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login