Download App
29.41% The Hidden God [Tagalog] / Chapter 5: The System

Chapter 5: The System

GAIA's POV

"Zhyke..."

Napatingin ako sa bagong dating at muling napatingin kay Zeira nang bigla nalang siyang umangat.

"Zeira!"

Sigaw ko dito, muli akong tumingin sa lalaki na nagngangalang Zhyke.

"Bitawan mo siya!"

Sigaw ko dito. Pero mas gusto ko nalang bawiin ang sinigaw ko nang tuluyan kong mapansin ang ilaw na lumalabas sa mga mata nito. Kulay ginto, isang God tier.

Nanlilisik ang mata nito habang nakatingin sa akin. Nangatog ang tuhod ko dahil 'dun kasabay nang pagkuyom ko sa aking mga kamao. H-hingang malalim Gaia...

"At sino ka para utusan ako?"

Mahinahon na sambit nito sa akin na may diin sa bawat salita.

"B-bitawan mo na si Zeira... Wala siyang k-kasalanan!"

Zeira save me earlier so i must do a favor in return.

"Z-zhyke p-pakawalan mo na ako!"

Nandilim ang mukha 'nung Zhyke habang nakatingin pa rin sa akin pero unti-unti naman nitong ibinaba si Zeira na muntik na mawalan ng balanse kung hindi ko ito nahawakan.

"A-ayos ka lang ba Zeira?"

Tumango ito sa akin at tiningnan si Zhyke na matalas pa din ang tingin sa amin o sa akin?

"Z-zhyke 'wag mo nang idamay itong si Gaia. I know you will punish me, hindi siya kasali sa gulo."

Agad nangunot ang noo ko sa sinabi ni Zeira.

"P-pero Zeira?! W-wala kang-"

"Gaia please... Hindi mo kakayanin ang parusa."

Sambit ni Zeira sa akin na may pag-aalala sa mukha nito. I suddenly felt warm and it feels like... Agad akong napapikit ng maalala ko na naman iyon.

"Tagging along with an ordinary is very unpleasant to see Zeira. Know your place in this society, you're supposed on the top with us. Stop tagging along with the pawns."

Nakagat ko ang aking labi dahil sa inis sa sinabi ng lalaking nasa harapan namin. Sino ba siya?

"Proceed to the punishment room later Zeira."

Ang huling sinabi ng lalaki bago kami tinalikuran. Narinig kong napabuntong hininga si Zeira.

"Pasensiya kana Gaia at nadamay ka pa sa gulo."

Nagsisimula na ulit kaming maglakad patungong cafeteria. Maraming napapatingin sa amin sa bawat madadaanan namin.

"Ano ka ba! Okay lang ako Zeira, wala namang nangyaring masama sa akin eh. Dapat nga akong magpasalamat sayo eh. Maraming salamat Zeira."

Bukal sa loob kong sambit dito na matagal ko nang di nagagawa. Nginitian ako nito at inakbayan.

"I'm not wrong on choosing you as my friend Gaia."

Bahagiya akong napatigil sa sinabi nito. Friend...

"What's wrong?"

Agad akong umiling-iling at hinila nalang ito papuntang cafeteria. Agad kong pinili ang pwesto malapit sa glass wall, kung saan makikita ang garden ng school. Agad kaming naupo doon, pang apatan ang upuan dito.

May naalala ako kanina sa sinabi 'nung Zhyke na bago sa pandinig ko.

"Ah Zeira, ano palang ibig sabihin 'nung Zhyke sa sinabi nitong pawn?"

Tanong ko kay Zeira matapos naming mag-order.

"Ahh bago ka nga lang pala dito. May sistema dito sa Academy na nagbabase sa lakas ng ability ng bawat estudyante. Sa bawat taon ay may napipiling limang estudyante para pamunuan ang kalakaran sa mga estudyante. Tinatawag na Royalties ang limang iyon, may pangalan na nakataas sa bawat isa sa lima. Iyong lalaki kanina ay si Zhyke Myr Loris, siya ang King. Iyong naghatid sayo kahapon 'yung babaeng may abong buhok ay ang Queen, she's Rania Lintor. Pagkatapos may Bishop, knight and finally a rook which is me. At ang ibig sabihin ni Zhyke sa pawns kanina ay ang mga nasa ibaba o taga sunod sa Royalties."

Namangha naman ako sa sinabi ni Zeira. Di na ako nagulat na kasama siya sa Royalties.

"So uhm may iba pa bang God tier bukod sa King?"

"God tiers are just like 5 over 100 dito sa bansa natin. And nope, si Zhyke lang ang nasa God tier sa Academy na 'to and probably sa buong Academy ng bansa. Kaya talagang kinakatakutan at sinusunod si Zhyke dito, kaya kung maaari ay huwag mong galitin si Zhyke, Gaia. Zhyke's a beast."

Pinipigilan kong mapangisi sa sinabi ni Zeira. He's a beast? So what am I?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login