Download App
100% Behind The Bars / Chapter 4: Kabanata 4

Chapter 4: Kabanata 4

Dumating ako sa terminal ng bus. Agad din akong bumili ng ticket para sa biyaheng pa-maynila. 

Alas 3 pa ang susunod na biyahe at ala una pa lamang ng hapon. Minabuti ko munang mag antay sa waiting area para sa susunod na biyahe, aantayin ko pa kasi si sir Davidson, sabi ni tatay kadabay ko daw silang luluwas. Madami ring luluwas pa-maynila dahil sa sobrang haba ng pila. Buti na lamang maaga ako kung hindi maiipit ako sa pila at baka gabihin pa kami sa biyahe.

Palinga-linga ako sa paligid, baka nandito na pala si sir hindi ko pa alam. Base sa hitsura at estado niya, mukhang mahihirapan 'yon sa ganitong klaseng lugar na matao.

Ilang minuto pa, may dalawang itim na sasakyan ang huminto sa harapan ko, agaw pansin ito, dahil na rin siguro sa tatak noong sasakyan at sa sobrang kintab nito. Kakapalinis lamang siguro. 

Hindi ko inaasahan kung sino ang bababa sa sasakyan. Napatayo naman ako, nailang naman ako sa pagpasada niya ng tingin sa akin. Nahiya ako sa suot ko dahil na rin, ito ay luma at kung ididikit ako sa kanya tiyak mag mumukha akong basahan.

"M-may dala ka pong sasakyan?"

Naiilang kong tanong, kahit alam ko na naman ang sagot. Masyadong nakakaintimida ang presensya niya kaya hindi ko na magawang magkapag isip ng maayos. Inilibot lamang niya ang tingin sa buong terminal at bahagyang niluwagan ang kanyang kurbata. Nakatiklop narin hanggang siko ang kanyang long sleeve. Ang hitsura niya ay pagod at puyat. 

"Come on."

Sabi niya at kinuha ang dala kong backpack at bayong. Naguguluhan ko naman siyang tinignan. 

"Pero Sir, mamayang 3 pa ang biyahe ng binili kong ticket." Sayang ang binayad ko.

Nilingon niya ako at inarkuhan ng kilay. Napasinghap ako. Ang lakas ng dating niya. 

"Sinundo ka na nga dito nag iinarte kapa."

Napapikit naman ako at huminga ng malalim. Sumunod ako sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inilagay sa compartment ng sasakyan ang aking mga bagahe. 

Umikot siya at sumakay na rin. Kasalukuyang magkatabi kame sa likod habang ang driver niya ang nasa harap. 

"Sayang naman ang ipinambayad ko sa ticket" Nanlulumo kong saad. 

"How much?"

Nilingon ko siya at tinignan.

"Sabi ko mag kano?" Tumaas naman ang kilay ko.

Anong tingin niya hindi ko naintindihan 'yon?

"Wan terti." Sana hindi na lang ako bumili kung alam ko lang na may sasakyan pala 'to. Hindi ko naman kasi siya nakitang may dalang sasakyan kagabi papunta sa amin.

Hindi ko na lamang papatulan ang pagiging arogante niya, kapalit ng mga pakunswelo niya sa akin at sa pamilya ko. 

"One hundred thirty lang pala, kung manghinayang ka parang milyon ang nawala sayo."

Nagpantig naman ang tenga ko sa sinabe niya.

"Para sayong mayaman, ang 130 pesos ay piso lamang, pero sakin, samin na mahihirap malaking tulong na ang 130. Bigyan mo naman ng konsiderasyon ang estado ng buhay ko, sa buhay mo ... Sir!"

Nilagyan ko talaga ng diin ang Sir sa dulo para maramdaman niyang nainsulto ako sa sinabe niya. Nakita ko naman na napangiti at napailing ang driver sa harap. 

"Sabagay, mahirap ka nga pala."

Napapikit ako at hindi na pinatulan ng huli niyang sinabe. Kung sabihin niya ang salitang mahirap, puno ito ng pandidiri at pang mamaliit. Matapobre. 

Buong biyahe, tahimik lamang sa sasakyan at walang imikan. Hindi ko rin gustong kausapin ang matapobre kong amo. Dahil wala naman siyang ibang nasasabing maganda puro panglalait at pangmamaliit sa mga gaya kong mahirap lamang. 

Nang nasa syudad na kame, hindi ko mapigilang mamangha. Gabi na at ang syudad ay puno ng iba't ibang kulay. Ganito pala kaganda ang Maynila. Makulay. Ang saya tignan. Sa pagiging abala ko sa pagtingin sa bawat matataas na  bahay, mukhang mga Mansion, hindi ko napansing nandito na kame sa isang garahe, sa harap nito'y isang mataas na building. Ang ganda naman ng Mansion na 'to.

Hindi ko alam kung paano ako bababa sa sasakyan kaya tinignan ko ang driver, kakalabitin ko na sana ito ng pagbuksan na ako ni Sir! Ng kotse. Hindi ko na tinuloy at bumababa na ako. Kinuha ko yung backpack ko at bayong. Kukuhanin sana ni kuya driver pero hindi ko na ibinigay. Kaya ko naman. Hindi maliit ang katawan ko para mabigatan sa ganito lamang. Mas may mabigat pa dito. Naranasan ko na nga magbuhat ng balde e. Pinag iigib ko dati ang mga kapit bahay namin kapalit ng ilang barya para may maitulong kila nanay.

Nilingon ko si Sir Davidson na nakatingin lang sa akin. Nag iwas ako ng tingin. Isipin na niya kung anong gusto niyang isipin, ang dignidad ko ay hindi kayang tumbasan ng kahit na sino, maging siya pa man. 

"Ikaw lang kilala kong mahirap na mataas ang tingin sa sarili." Iiling iling niyang sinabe. Mataman ko siyang tinignan.

"Yon lamang ang meron ako. Sabi mo nga mahirap ako... Sir. Kung mayroon man akong kayamanan yoon ay ang pamilya at dignidad ko lamang."

Nasilayan ko naman ng pagliwanag ng kanyang mukha. Sa loob ng ilang oras ngayon ko lamang siya nakitang ngumiti. At ang masasabi ko ay, mas lalo siyang kumisig. Hindi na masama. Mas maamo ang itsura niya kapag naka ngiti. Kung ganyan lamang siya. Edi sana hindi ako nakakapag isip ng masama tungkol sa kanya. 

Parang may dumaang multo sa aming dalawa dahil sa katahimikang namutawi. Tumikhim naman siya at napa-ayos ako ng tindig. Niyaya niya ako sumakay sa... Sinuri ko ng tingin itong parihabang gawa sa bakal na madaming pindutan, pumasok siya doon at naiwan ako sa labas noon. Magsasara na sana iyong parihaba na iyon ng pigilan niya ng kanyang kamay. 

"Ano diyan kana lang? Ngayon ka lang ba nakakita ng Elevator?" Tinignan ko naman siya at tinanguan, napasinghap siya sa pagtango ko. 

"For real?" Tumango ulit ako. Nakangiting umiling siya. 

"Promdi." Saad niya at hinila ako papasok doon sa elevator daw. Napahawak naman ako sa Coat niya dahil sa pag akyat noon. Medyo nahihilo ako sa nginig na nararamdaman ko. Natatawa naman itong katabi ko. 

"Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakasalamuha ng literal na ignoranteng tao. Taga bundok ka talaga."

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ang talas ng dila. 

"Hindi naman bundok sa amin ah. Nasa Syudad din kaya kame, Sir!" Pagmamataas ko. Inismidan lamang niya ako. 

Napatingin ako sa repleksyon namin sa loob ng elevator. Nagtagpo ang paningin namin. Hindi ko alam pero may parang kung ano na ayaw mahiwalay ng paningin ko sa kanya. 

"Bukas, mag uumpisa kana mag training. Habang nandito ka sa akin nakatira, ikaw ang gagawa ng gawaing bahay. Luto, laba at linis. Yun lang ang hihilingin kong kapalit." Sunod sunod naman akong tumango. 

Nang bumukas ang elevator, napasinghap ako sa ganda ng istraktura na ito. 

"Mansion mo ba ito sir?" Mangha kong tanong. 

"Hotel 'to. Hindi 'to Mansion and Yes. Akin 'to." Napalingon naman ako sa kanya. Matapobre na nga mayabang pa. 

Lahat ng nadadaanan namin napapatigil at binabati siya. Sa kanya nga ito, ginagalang siya ng mga tao rito. Nahiya naman ako dahil hindi ako nababagay rito. Parang mas malinis pa yung basahan nila kaysa sa suot ko e. Malaking t-shirt na may tatak ng mukha nang aming konsehal ang aking suot na damit at isang mahabang palda na lagpas tuhod at pares ng lumang tsinelas. Napayuko naman ako dahil sa tingin sa akin ng mga tao. 

"Sana sa likod mo na lang po ako pinadaan, baka napapahiya kita dahil tignan mo naman ang itsura ko sa itsura nitong hotel mo Sir."

Tumigil siya at nilingon ako. Sinipat ako mula ulo hanggang paa. Parang bumigat yung backpack ko at dalang bayong dahil sa intensidad na hatid niya. 

"Konting ayos lang naman sayo wala ka nang pinagkaiba sa mga tao dito. Baka nga mas maganda ka pa."

Namula naman ako sa papuring sinabe niya. 

Trabaho ang pinunta mo di ne Savana. Trabaho. Wag mo hayaang maakit ka sa kakisigan ng taong ito. Mahirap na, alamin mo ang lugar mo. Mahirap ka, mayaman siya. Langit siya, Lupa ka. Nasa kanya na ang lahat, ikaw wala kahit ano. Kaya alamin mo kung hanggang saan ka lang. Kung hanggang saan ang kapasidad mo para sa pag ibig na iyan. Pinilig ko ang ulo ko, anong pinagsasabi ko? Pag ibig?

"Come on. Gabi na, its a long night. Magpahinga na tayo." 

Namula naman ako sa naisip ko. Siguro naman, madami siyang kwarto. Nakakahiya kung magkasama kame sa kwarto.

"Bakit ka namumula?" Napaiwas ako ng tingin. Hay nako. 

"Ma-mainit po kasi." Pagdadahilan ko. Inarkuhan naman niya ako ng kilay 

"Fully air conditioned itong hotel." Napakamot naman ako ng batok.

"Naiinitan po ako kasi hindi naman ako naligo pagka-alis ko." Nilakihan naman niya ako ng mata. 

"Its already 10:09 pm. At hindi ka talaga naligo? Ang haba ng oras mo kanina!"

Pinalobo ko ang pisnge ko. Naligo naman talaga ako pero wala akong ibang mahanap na dahilan. 

"Hehehe!" Tawa kong naiilang. Nailing naman siya. 

"Damn woman."


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login