Crime
Riri
Umagang kayganda dahil sa masarap na simoy ng hangin ang iyong unang malalanghap.Naligo ako kaagad at bumaba na rin pagkatapos
Nakita ko ang pamilya kong kumakain at mukhang ako na lang ang hinihintay ng mga ito."Magandang Umaga!"masigla kong bati at ngumiti naman ang lahat saakin
Umupo ako sa tabi ni chichay at hinalikan ko ito sa ulo mukhang inaabot nito ang itlog na malayo sa kanya kaya kinuha ko na ang plato niya at nilagay ang itlog sa plato nito ngumiti ito at sinuklian ko rin iyon ng isang matamis na ngiti
"Nga pala Riri sama ka naman sa maisan oh!"ani ni ate liza saakin tumango naman ako at kumain na.Ilang oras ang nagdaan at nagpaalam naman ako na magbibihis lang ako at tumango naman si Ate liza
Pumasok ako ng kwarto ko at tumingin ako sa kanang bahagi dahil nandun ang isang aparador na naglalaman ng damit ko binuksan ko iyon at tumingin sa drawer sa may baba nuon
Kinuha ko ang damit na gagamitin ng makapagbihis na ay kinuha ko ang sumbrero at bota ko at ngumiti bago umalis
Nakarating rin agad kami sa Maisan bumaba sila Mama sa may Bukiran dahil duon ang kanilang napag-usapang gawain habang kasama ko naman si Ate liza at Kuya Lucs
Hanggang ngayon ay di pa rin alam ng Magulang ko ang nangyare pero di na kailangan dahil hiwalay naman kami nung lalakeng iyon
At nandito ako para magsimula ngayon at syempre nandito ako para gumawa ng bagong ako...
"Tila malalim ata ang iniisip ng aking kapatid ah?"tumingin ako kay Kuya Lucs at ngumiti sa kanya lumapit ito at inakbayan ako at nagpunta na kami sa Maisan
Habang kinukuha ko ang bunga ng mga mais ay napatingin ako sa likod ko pakoramdam ko kasi ay may nakatingin saamin mula roon
"Kuya!"tawag ko kay kuya lucs at tumingin naman ito saakin sumenyas ako na lumapit saakin lumapit nga ito
"Kuya pakiramdam ko may nagmamasid sa may bandang likod pumunta ka kuya duon sa may bandang kanan total dun ko rin napansin nung taong iyon wag ka pahalata ah!"sumang-ayon ito at aksidenteng nitong nilaglag ang mais mukhang pakulo lang niya iyon
Tumango na lamang ako dito at pinagpatuloy ang ginagawa ko.Nakikita ko pa rin ang mga nangyayare dahil nakaharap na ako ngayon sa may bandang likod
Nakita kong muling sumilip ang taong iyon at mukhang lalake iyon di pamilyar saakin yung tao na yun ah??
Sino siya?At anong ginagawa niya rito?
Hindi ako nagoahalata na tinitingnan ko ito pero mukhang hinahanap ako nito unti-unti akong naglakad paka-kaliwa para makita ng mas maayos ang mukha nito
Pero siang sigaw ang narinig ko kaya napatingin ako duon at pagtingin ko sa likod ko ay wala na ruon ang taong iyon
"Aishh...Bwesit!"lumabas ako sa pinagtataguan ko at tumingin ako sa direksyon kung san ko narinig yung sigaw na yun
Pagkarating ko roon ay nakita ko Ate Liza na naka-upo sa may upuan na kahoy at may dugo sa kanyang binti
"ATE!!"agad akong lumapit sa kanya at mabilis na pinunit ang aking damit para magsilbing panali sa nagdurugong binti nito
Kakarating lang ni Kuya lucs at nagulat ito mabilis naman nitong inalalayan si Ate Liza para dalhin sa bahay at sa huling pagkakataon ay nakit ko ang taong nakita ko at sa taas at laki ng katawan mukhang isang lalake ito
"Riri tara na!"sigaw ni kuya lucs kaya naman umalis na rin ako sa lugar na iyon
'Sino siya?'
Kinagabihan ay nakarating na rin si Mama galing sa palengke.Siya ang magsisilbing taga-benta ng mga ani sa bayan
"Ano bang nangyare Liza?"tanong ni mama kay ate habang si ate naman ay nakatikom lang ang mga bibig
"Ano kasi Mama nadapa ako eh saktong may matulis na bagay duon tapos ito na yung kinalabasan."napabuntong hininga naman si mama sa narinig nitong paliwanag hinawakan ni Mama ang pisnge nito at ngumiti
"Sa susunod mag-iingat ka ah!"tumango si Ate liza dito at umakyat na ako sa kwarto nang masiguro na okay na si Ate liza
Habang nasa kwarto ako ay di ako makatulog lalo't tungkol duon sa lalake kanina.Ewan ko masama ang kuton ko sa taong iyon
Tumingin ako sa labas ng bintana ko at full moon pa nga yun.Tumayo ako para isarado ang bintana pero may narinig akong isang takbo at mukhang galing sa labas yun
Dumapa ako at pumunta sa kabila upang buksan ang isang kahoy na alam kung kahit sino ay walang makakapansin ginawa ko to nuon kung sakaling may mangyare sa labas ay makikita ko kung sino ang salarin na yun o kung ano man ang nangyayare
Marami ng nagtangka na manghimasok sa bahay pero lagi kaming nag-iingat laban sa kanila
Pagbuksan ko dito ay isang lalake ang nakatingin sa bahay namin sumilip lang ako ng kaunti para di nito mapansin lalo.Nagulat ako ng tumingin ito sa direksyon ko di ko alam pero kinakabahan ako sa di malamang dahilan
"Siya yung lalake kanina!Nakakatiyak ako!"bulong ko sa aking sarili at naglakad ito palayo at sumakay sa sasakyan nito
Nakakapagtaka tiningnan niya lang ang bahay namin tapos umalis na??
Kinaumagahan ay nagising na lamang ako sa isang sikat ng araw na tumatama saaking mukha mukhang nakalimutan ko pang isara ang bintana kakaisip sa lalakeng iyon ah?
Naligo at nagbihis na ako bago bumaba habang naliligo ako ay di pa rin maalis sa isipan ko yung nakita ko kagabi
Hay nako!Umagang umaga iyon ang iniisip ko dapat good vibes lang!
Bumaba na ako at di kumpleto ang lahat dahil may tatlong kulang.Umupo na ako tumingin sa kanila.na mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa
"Pamilya Barcelona anong nangyare?Bakit ganyan mga mukha niyo?"tanong ko nakita kong tumatangis si Chichay kaya naman mas lalo akong nagtaka kung anong nanguare
"Ate Maria ano pong nangyare?Eh sila Mama at Papa pati na rin si Ate Liza nasan po?"di ko alam pero nang mabanggit ko yung mga pangalan na yun kinakabahan ako ng sobra
"Ate riri!"mas lalong umiyak si Chichay di ko alam pero lumandas na rin ang luha ko sa aking pisnge
"ANO BANG NANGYAYARE!?"
"Si mama at papa pati na rin si Ate liza kinuha ng mga pulis!"sagot ni ate maria napakunot naman ako ng noo sa sinabi nito b-bakit??
Anong kasalanan nila?Anong nagawa nila?
"Ha?Anong nangayre bakit sila hinuli gayong wala naman silang krimen na nagawa?"
"Yun na nga!WALA!"
"Mukhang planado ang lahat lahat ng ebidensya laban sa kanila mukhang totoo.Mukhang may sumabutahe saatin at silang tatlo ang ginigipit duon."umiyak ako ng marinig ko iyon di ko lubos maisip anong krimen ang sinakdal sa kanila gayong alam ng lahat na mabait ang pamilya ko
"Pagpatay ang dinidiin sa kanila."malungkot na sabi at tumatangis na si Chichay narinig kong umiiyak ang lolo at lola
"Di ko lubos isipin apo na ngayong panahon pa rin pala na ito kailangan pa rin may madiin sa isang kasalanang nagawa."umiiyak na sabi ni Lola pumunta sa kanya si Kuya Eman at pinatahan baka tumaas ang blood pressure nito kaya naman pinasok na sila ni kuya sa kwarto nito para makapagpahinga
Kinatanghalian,Agad kaming pumunta sa prisento para makita ang mama at papa ko pero bigo kami sinabi nitong sa dalawang araw pa dahil lilitisan pa raw ang mga ito
Habang naglalakad kami patungo sa bahay ay rinig ko ang bulong ng mga tao di pa sinasabi nila kuya at ate kung sino ang pinatay nila
"Alam niyo kaawa-awa sila."
"Totoo bang pinatay nila si Don Fernando?"
"Alam niyo tigilan niyo na yan wala pang ebidensya!"
"Meron na matibay ang ebidensya."
Bumuntong hininga ako at tulala na umakyat sa kwarto ko at buong magdamag na umiyak ng umiyak
Wala akong ganang kumain magdamag.Bakit ba ang malas ko?
"Pwede ba kahit isang kamalasan mawalan ako?"bulong ko at tumingin sa labas alam kong mugto na ang mga mata ko dahil sa kaiiyak
"Sana panaginip na lang ito."