"Wala bang nakakita sa nangyari?!" narinig kong galit na sigaw ni Dean Basillia sa isang janitor, nanginginig namang umiling 'yung matandang lalaki habang hawak-hawak pa rin ang walis niya. Hindi ko napigilan na mapangisi dahil sa nakikita ko ngayon.
Stressed na stressed ngayon si Dean Basillia, mukhang hindi niya talaga inaasahan 'to. Nakapaligid na rin ngayon ang iba pang mga estudyante rito sa school's ground. Naipasabog na kasi ni Zero ang mga pasabog sa ilalim, naging number eight ang hugis ng pinasabog na lupa, at mukhang nakadagdag pa 'yon sa mga iniisip ni Dean.
Siguradong nasa isip niya na ngayon ang grupo namin—ang 8 Sinners.
"Alhena, let's go," bulong sa akin ni Asmodeus tsaka hinila na ako papaalis d'on sa nakatipon na mga estudyante, mabuti naman at mukhang nakatakas na rin siya sa paningin ni Niana. Akala ko, maghapon na 'yong nakabuntot sa kaniya e. "Kailangan nating bilisan bago pa mapansin ni Dean Basillia na wala tayo sa tabi niya."
Tumango na lang ako bilang tugon sa sinabi ni Asmodeus at nagpahila na sa kaniya. Pumunta kaming dalawa r'on sa tagpuan naming mga Sinners, pagkapasok namin sa kwarto, nakita kong nandito na silang lahat at kami na lang ni Asmodeus ang kulang, pati si Koji ay nandito na rin. Medyo nabigla nga ako dahil ang bilis nilang kumilos. Nakakabilib.
"Kumusta? Gaano na ba kagulo sa labas?" nakangising tanong sa amin ni Zero habang hawak-hawak ang isang maliit na remote gamit ang kanan niyang kamay. Mukhang ito 'yung ginamit niya para mapasabog 'yung mga bomba.
Umalis na rin naman ako sa tabi ni Asmodeus at umupo r'on sa maliit na upuan. Napansin ko kasing nakatingin si Mabel sa aming dalawa ni Asmodeus. Ayoko ng gulo, lalo na't nasa iisang grupo lang kami.
"Sapat na ang eskandalong ginawa natin para lumabas ang totoong ugali ni Dean Basillia. Siguradong nagulat ang ibang estudyante sa hitsura niya dahil pinatulan niya ang isang kawawang janitor," sagot ko. Tumango naman silang lahat.
Tumayo si Koji sa gitna namin at may inilapag na pulang papel sa ibabaw ng maliit na lamesa, nabaling d'on ang atensyon naming lahat. Mukhang invitation card ang dala-dala ni Koji, pupunta ba kami sa isang party?
"Nakakuha ako ng imbitasyon sa isang masquerade party, ang dami pa nga nilang arte dahil kailangan mo pang mag-solve ng codes para lang makapasok sa party. Well, hindi naman natin 'yon problema dahil nandito sa atin sina Asmodeus at Alhena, ang kailangan nating alalahanin ay para sa isang tao lamang ang nakuha kong imbitasyon," saad ni Koji.
Mukhang problema nga 'yon, pero bakit kailangan naming mag-attend sa masquered ball na 'yan? Gusto niya lang bang magkaroon ng kasama?
"Why do we have to go in that party in the first place? E hindi naman nga tayo imbitadong lahat?" nakakunot-noong tanong ni Mabel kay Koji. Napansin kong umiinom na naman siya ng coke, baka magkaroon siya ng diabetese dahil sa ginagawa niyang 'yan.
"We need to be there. Nando'n ang isa sa mga kakampi ni Dean Basillia, si Mayor Andrado Alonzo." Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi niya. Kailangan naming harapin ang isa sa mga tumutulong sa pamilya ni Dean Basillia, sana lang, hindi kami mahirapan sa pagpabagsak sa kaniya.
"Don't worry, maraming baho 'yang si Mayor Alonzo, napakaraming ebidensiyang direktang tumuturo sa kaniya dahil namamalakad siya ng isang illegal na pasugalan," saad ni Calvin habang pinupunasan na naman ang salamin niya.
Kung maraming bahong tinatago ang Mayor Alonzo na 'yan, hindi na kami masyadong mahihirapan sa pagpabagsak sa kaniya. Kailangan lang naming gatungan at ipalabas sa publiko ang mga ebidensiyang nakaturo sa kaniya at dapat isipin niyang ang pamilya ni Dean Basillia ang gumawa n'on. Siguradong lalayuan niya na ang mga Basillia dahil iisipin niyang sila ang dahilan kung bakit 'yon nangyari. Nakakatuwa. Parang ang sarap nilang paglaruan.
"Kailan ba ang party?" tanong naman ni Edith.
"Hindi ko alam, nakasaad naman 'yan diyan sa invitation card, pero sa tingin ko, weekend naman 'yon," anunsiyo ni Koji.
"That's a good thing. Celena and Calvin, ihanda niyo ang powerpoint presentation ng mga illegal na gawain ng mayor na 'yan. Edith at Zero, siguradong maraming nakabantay na guwardiya sa lugar na pupuntahan natin, kung sakaling magkagulo, kayo na ang bahala, kaya niyo na rin naman sila. Koji and Mabel, dapat makahanap kayo ng paraan para lahat tayo ay makapasok sa venue kahit na pang-isahan lang ang invitation natin. Aasahan ko na kayong dalawa riyan. Kami na rin naman ni Alhena ang bahala sa pag-decode nito," ma-awtoridad na sabi ni Asmodeus, tumango na lamang kami bilang tugon.
Gusto ko ang paraan ng pag-lead niya, sinisigurado niya talagang may participation ang lahat ng miyembro ng grupo. Walang freeloaders.
"Pinababalik daw ni Dean Basillia ang mga estudyante sa kaniya-kaniya nilang mga dorms, kailangan na nating makabalik, baka mapansin nila na wala tayo," sabi naman ni Celena habang hawak-hawak ang cellphone niya. Siguro may nag-text na isa sa mga kaibigan niya.
Mahihirapan kaming gumalaw kapag naghinala sa amin si Dean Basillia, pakiramdam ko nga, sumagi na rin sa isipan niya na maaaring may kinalaman ako sa mga nangyayari pero pinipigilan niya lang ang sarili niya na kausapin ako tungkol dito. Sinabihan ko kasi siya na gagawin ko ang lahat para lang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Dexter.
Nagsimula na rin naman kaming lumakad pataas sa hagyan nang muling nagsalita si Mabel. "Oh, by the way, I almost forgot to tell all of you. Ako na nga pala ang bahala sa mga susuotin natin. May plano na kami ni Edith at Celena para riyan."
"Sige, mabuti na rin 'yon dahil mukhang wala na rin naman tayong oras kung lahat tayo ay maghahanap pa ng susuotin natin," komento naman ni Koji.
Hindi na lang ako nagsalita pa, hindi naman kasi ako mahilig sa pagpili ng mga damit. May sense of fashion naman ako pero ayoko pa rin sa ganiyang mga bagay, si Mama na lang ang pinapapili ko ng mga susuotin ko sa tuwing may sosyal na lakad kami. Nakakatamad kayang mag-isip ng mga susuotin mo para lang mapabilib ang ibang tao.
Inilibot namin ang aming paningin sa buong paligid, at nang makasigurado na kaming walang makakakita sa amin, agad na kaming lumabas tsaka humiwalay na kaagad ng mga landas. Kailangan talaga kasi naming makasigurado.
Pupunta na sana ako sa sarili kong dorm nang may humigit sa akin, nilingon ko 'yon at nakita ko nga ang pagmumukha ni Asmodeus.
"Hoy, Asmodeus! Ano bang ginagawa mo?! Ipapahamak mo tayo e!" sigaw ko at pilit na nagpupumiglas sa kaniya pero mahigpit talaga ang hawak niya sa akin.
Fudge, kung sakaling may makakitang hinihigit niya ako, siguradong magiging malaking issue 'to. Pag-uusapan kami sa buong campus. Dang it, iniiwasan ko ngang magkaroon ng issue kina Dexter at Koji tapos dadagdag pa siya. The heck with this guy!
"Just go with me, Alhena. Don't worry, they won't see us," sabi niya tsaka nagsimula nang tumakbo, gano'n din naman ang ginawa ko. Mukhang kailangan kong bilisan ang takbo ko dahil mabilis din palang tumakbo ang lalaking 'to.
Mabuti naman at hindi siya tulad ng ibang mga estudyante rito na mga lampa.
Dumaan kami sa likod ng mga buildings, yumuyuko pa nga kami sa tuwing may dinaraanan kaming mga bintana. Kung hindi lang seryoso ngayon ang mukha ni Asmodeus, siguro kanina pa ako tawa nang tawa. Para kasing naglalaro lang kaming dalawa, tulad ng mga characters sa mga cartoons na pinapanood ko noon sa tv.
Huminto kaming dalawa sa likod ng building ng dorm ng boys. Nakatingin siya ngayon sa medyo mataas na bintana at mukhang nag-iisip, at mukha ring hindi ko nagugustuhan ang iniisip niya ngayon.
"Oh? Ano na ngayon ang plano mo? Pinapaalala ko lang sa 'yo, ha? Babae ako at nakasuot ako ngayon ng maikling skirt, hindi tulad ninyong nakasuot ng napakakomportableng pantalon," mataray kong sabi habang nakalagay ang mga kamay ko sa aking beywang.
Tiningnan naman ako ni Asmodeus tsaka tinaasan ako ng kilay.
"Kailangan nating gawin 'to, Alhena. Kapag sa harapan tayo ng building dumaan, siguradong may makakakita sa atin. Okay lang sana kung ako lang kaso kasama kita. Siguradong magiging issue 'yon sa buong campus, baka isipin nilang may plano ako sa 'yo," ani Asmodeus habang bahagyang inililibot ang kaniyang paningin sa buong paligid. Mukhang naghahanap siya ng solusyon sa problema namin—ang makaakyat ako sa bintana nang hindi nakikita ang hindi dapat makita.
"At sino naman kasi ang nagsabing kailangan kong pumunta rito?" Tiningnan ako ni Asmodeus nang diretso sa aking mga mata habang seryoso pa rin ang kaniyang mukha.
"Ako; ako ang nagsabing pumunta ka rito. I am your leader, don't forget that," mariin niyang sabi. Pinanatili ko na lamang na nakatikom ang bibig ko at hindi na nagsalita pa, ayokong mas gatungan pa ang sitwasyon namin, baka kasi may makarinig pa sa pag-aaway namin at mabuking pa kami. "Damn it. We have no choice, iaangat kita para maabot mo ang bintana at makapasok ka sa loob. Sa harapan na lang ako dadaan pagkatapos mo. Huwag kang mag-alala, Alhena, hindi ako interesado riyan sa tinatago mo."
Hindi ko mapigilan na irapan siya dahil sa sinabi niya. Napakakapal talaga ng mukha niya, e wala naman akong sinabi na tingnan niya at mas lalo ko namang hindi magugustuhan kung sakaling ginawa niya talaga 'yon! Baka mawalan na lang ako bigla ng pakialam na leader namin siya at tadtarin siya ng suntok!
"Oh, sige na. Pumunta ka na rito sa likuran ko tsaka kita aangatin," wika ni Asmodeus tsaka yumuko, hindi na ako sumayang pa ng oras at pumatong na sa likod niya. Hindi naman ako masyadong mabigat kaya sigurado akong hindi naman siya masasaktan.
Nang maabot ko ang bintana, ginamit ko ang magkabila kong kamay para suportahan ang sarili kong katawan, medyo nahihirapan pa ako dahil masyadong mahaba ang mga binti ko. Kung pandak lang sana ako, mas mapapadali lang ang pagpasok ko rito.
"Nakapasok na 'ko," mahina kong sabi kay Asmodeus habang nakadungaw sa bintana, tumango na lang siya bilang tugon tsaka nagsimula nang lumakad papalayo. Mukhang papunta na rin siya rito.
Inilibot ko ang paningin ko sa banyo, ito pala ang banyo ni Asmodeus, sobrang bango at linis. Nakatupi pa ang mga damit niyang kailangan niyang labhan, hindi ko na ito tiningnan pa dahil baka may makita akong kakaiba sa basket na 'yan. Like undies and stuffs.
Inayos ko ang medyo nagusot kong uniform at lumabas na sa banyo. Sakto naman na kakapasok din ni Asmodeus sa sarili niyang kwarto. Maayos naman ang kwarto niya rito, at mukhang lagi namang malinis, bakit kailangan niya pang magkaroon ng sariling kwarto sa hideout?
"Huwag mo nang tingnan ang mga gamit ko rito, pumunta tayo rito sa kwarto ko para i-decipher ang code sa invitation card na binigay ni Koji," wika niya tsaka inilapag 'yung inviation d'on sa study table niya. Lumapit naman ako tsaka umupo r'on sa upuan. Kinuha ko 'yung invitation tsaka dahan-dahan itong binuksan.
44-11-22-11-54-44-11-54
RME HOP ORN OHT LE
GD DG XG GX VX FX DG GG
28-14-13-14-23-29-17-18-27-29-34-25-22
Fudge. Mukhang maraming codes ang ginamit ng mga taong 'yon. Kung sabagay, mga importanteng tao nga naman talaga ang dadalo sa venue kaya naman kailangan 'yung mga imbitado lang talaga ang makakadalo.
Pero kung gano'n ang sitwasyon...
Muli kong tiningnan ang mga nakasulat sa invitation.
Bakit mga existing codes na ang mga ginamit nila?
"Mukhang pangkatuwaan lang talaga ang pag-decode sa mga letra at numerong nandiyan sa invitation card. Dahil kung gusto nilang makasigurado na walang makakaalam sa pagpupulong nila bukod sa mga taong talaga namang imbitado, dapat gumawa na lang sila ng ibang paraan para maipamahagi sa mga taong 'yon ang kanilang imbitasyon; 'yung paraan na siguradong walang nakakaalam," narinig kong sabi ni Asmodeus habang inaalis ang necktie niya. Napahinga na lang ako nang malalim tsaka tumango.
He's right. They're letting their guards down and we should use that as an advantage. We can't let our parents' efforts go to waste.
— — —
Psalm 28:6–7
"Praise be to the LORD for He has heard my cry for mercy. The LORD is my strength and my shield; my heart trusts in Him, and He helps me. My heart leaps for joy, and with my song I praise Him."
— New chapter is coming soon — Write a review