Download App
87.5% Lethal High: School for Sinners / Chapter 14: Kabanata 12

Chapter 14: Kabanata 12

Parang nabalot ng masamang hangin ang loob ng kwarto, sobrang tahimik sa paligid, parang lahat ng tao ay natamaan ng isang nakakatakot na sumpa.

Si Celena ang agad na nakabalik sa kaniyang wisyo kaya tinulungan niya si Mabel na takpan ang hindi dapat makita ng iba. Tumungo na lamang ako at hindi na sila muling sinulyapan ng tingin.

Bigla akong nahiya kapag naaalala kong pinapagawa niya sa kanilang lahat ang pinagawa niya sa akin kanina. Parang nasusuka ako kapag naiisip kong tiningnan 'yon ni Asmodeus! I can't believe it!

Sinulyapan ko si Asmodeus na ngayon ay nakatingin pa rin kay Mabel, grabe, magsama talaga silang dalawa ni Zero. Mag-bestfriend 'ata sa mga kabulastugan ang dalawang 'to, tumulad kaya silang dalawa kina Calvin at President Koji? Para naman magkaroon din sila ng modo kahit kaunti lang.

"Hey, parang mampapatay ka na sa tingin mong 'yan." Napalingon ako kay President Koji nang binulong niya 'yon sa akin. Natawa na lang ako nang kaunti.

"Hindi man lang kasi umiwas ng tingin e. I find it very uncomfortable to show my body in front of a lot of people. Am I right? Or am I just being too conservative?" Nginitian ako ni President Koji at umiling.

"I can't answer that. We all have different perspectives in life, ang tama sa'yo ay maaaring mali para sa akin, at ang mali sa'yo ay pwedeng maging tama para sa akin. We just have to be brave enough to accept other people's opinions in order to keep living," ani President Koji. Matamlay ko na lamang siyang nginitian.

Well, he's right.

"Maraming salamat, President Koji."

"You don't need to call me that anymore. Koji is fine, pamilya na tayo rito. Nakatali tayong lahat sa isa't-isa dahil sa mga magulang natin kaya wala na tayong kawala. Hindi na tayo naiiba sa isa't-isa," tugon niya, magsasalita na sana ako pero biglang sumabat si Asmodeus sa usapan namin. Bastos.

"Hindi na natin kailangan tawagin ang isa't-isa sa mga posiyon natin. Pantay-pantay tayong lahat, hindi importante ang puntos sa ating lahat dahil hindi 'yon ang habol natin dito sa Lethal High," seryosong sabi ni Asmodeus, hindi ko naman mapigilan na mapatingin sa gawi ni Calvin na isang Class B student. Lagot 'tong lalaki na'to, hindi ko makakalimutan na klase nila ang may pakana sa pag-vandal sa classroom namin.

Napatingin din sa'kin si Calvin kaya nagsalubong ang mga paningin namin. Akala siguro ng lalaking 'to, makakalimutan ko na ang pag-vandal ng klase nila sa classroom namin. Well, sorry to burst his bubble pero hinding-hindi ko 'yon makakalimutan.

"I know what you're thinking, Alhena Avis," sabi ni Calvin habang nakataas ang isa niyang kilay. Tinaasan ko naman siya ng kilay habang nakatingin pa rin sa kaniya.

"At ano naman sa tingin mo ang iniisip ko tungkol sa'yo?" Tumayo siya at inayos muli ang salamin niya sabay duro sa akin.

"Alam kong iniisip mo ngayon na parang brand ng brief ang pangalan ko! How dare you?!" Hindi ko mahanap ang boses ko para sagutin siya. What the f*ck?

"Are you stupid? Iniisip ko 'yung pag-vandal ng klase niyo sa classroom namin," saad ko. Natigilan na lamang siya tsaka kinamot ang kaniyang batok.

"Wala akong kinalaman d'on, plano 'yon ni Niana." Inirapan ko na lamang siya bilang tugon. Kahit na si Niana lamang ang nagplano n'on, klase pa rin nila ang gumawa kaya damay pa rin siya.

"Tama na 'yan. Ngayon, Alhena, ituro mo sa amin kung sino ang mga magulang mo riyan," sabat naman ni Zero habang nakaturo d'on sa malaking painting, lumapit ako rito at itinuro 'yung mga mukha nina Papa at Mama. They look so young... they look so innocent.

Ibang-iba na sila ngayon. Hindi ko na makita ang saya sa kanilang mga mata at ang ngiti sa kanilang mga labi.

"Oh, the couple. Hindi namin alam ang complete name nila kaya hindi kami naghinala na ikaw ang hinahanap namin, except na lang siguro kay Asmodeus," komento naman ni Edith. Tama nga naman ang sinabi niya, naalala ko kasi noong may hinabol akong magnanakaw, tinanong niya sa akin kung bakit nasa Class D ako, ngayon... mukhang alam niya na kung bakit hindi talaga ako karapat-dapat na mapunta sa Class A.

Masyadong mataas ang tingin ko sa sarili ko, pakiramdam ko lagi akong kinakalaban ng ibang tao. Na-realize ko ang lahat ng pagkakamali ko dahil sa sinabi sa akin ni Asmodeus, ngayon, alam ko na kung ano ba ang dapat kong gawin at hindi ko hahayaan na mapunta lamang sa  wala ang pagkamatay ni Dexter.

"Ano ba ang complete name ng mga magulang mo?" sunod namang tanong sa akin ni Celena habang hawak-hawak ang kulay violet niyang cellphone. Magkamukhang-magkamukha silang dalawa ni Calvin, makikita talaga ang pagiging magkapatid nilang dalawa. Sa totoo nga, kung nakasuot din ngayon ng salamin si Celena, napagkamalan kong magkambal sila.

Tumikhim na lang muna ako bago ko muling tiningnan ang mga mukha ni Papa at Mama sa painting.

"Matteo and Gina Avis," maikli kong sagot. Kahit na anong pilit kong tago, mapapansin pa rin talaga ang pait sa tono ng aking pananalita.

"Alam mo ba na silang dalawa ang pinakamatalino sa buong grupo? Kasama nila ang ama ni Asmodeus sa pagplano ng pagpabagsak nila sa eskwelahan, akala nila sapat ng ang pagpatay nila sa dating dean para matinag ang mga taong namamahala sa eskwelahan na'to, pero nagkamali sila. Mas malala pa ang nangyari. A tooth for a tooth, and a life for a life," sabi naman ni Calvin habang pinupunasan ang salamin niya gamit ang dala-dala niyang panyo.

A tooth for a tooth, and a life for a life...

"Hinahanggan niyo sila? Pero parang hindi naman kahanga-hanga ang mga ginagawa nila ngayon, pumapatay sila ng mga tao," sabi ko, nakita kong napatingin sa gawi ko si Mabel. Nasa tabi na siya ngayon ni Asmodeus at sobrang lapit niya rin sa kaniya. Sigurado akong nasisiyahan ang lalaking 'to sa sitwasyon niya ngayon.

"Hindi lang naman ang mga magulang mo ang inutusang pumatay ng tao, pati rin ang mga magulang namin." Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Inutusan? Sino namang mga tao ang mag-uutos sa kanila ng gano'ng gawain? At kahit na inutusan lamang sila na pumatay ng ibang tao, may choice pa rin silang tumanggi.

"Pwede silang tumanggi, pwede nilang hindi gawin 'yon at sumumbong sa mga pulis o kaya sa mga kataas-taasan. Marami silang pwedeng gawin para hindi pumatay ng ibang tao, pero hindi pa rin nila ginawa. Mas pinili pa rin nilang magpa-control sa mga taong masasamang bagay ang pakay." Nakita ko ang pagkakunot ng mga noo nila dahil sa sinabi ko, pati si Koji ay hindi na rin napigilan ang sarili niya.

"Don't you understand? Wala silang choice, may mga bagay na mawawala sa kanila kapag hindi nila sinunod ang mga landas nila. Nag-graduate bilang mga Class A students ang lahat ng mga magulang natin, alam mo ba kung ano ang kapalit ng apat na taon na pag-aaral nang libre sa eskwelahan na'to? Kailangan mong ialay ang sarili mong buhay para sa kanila. Kailangan mong sumunod sa mga sinasabi nila at kailangan mo ring gawin ang mga bagay na gusto nilang ipagawa sa'yo, kahit na gaano karumi o ka-illegal pa 'yon," saad ni Celena.

"They were trapped in a cage that has no padlocks, no keys, they couldn't find a way to get out," mahinang sabi ni Koji pero sapat na ito para marinig ko.

"Wala na silang magawa, tayo na lang ang pag-asa nila. Pinagkatiwalaan nila tayo sa isang bagay, at 'yon ay ang pabagsakin ang eskwelahan na'to para wala ng estudyante ang madamay pa sa gulong sinapit ng mga magulang natin," dagdag pa ni Celena.

Unti-unting nag-sink in sa akin ang lahat ng mga sinabi nila. Unti-unti kong naramdaman ang guilt, pakiramdam ko, ang sama-sama ko na dahil hindi ko inintindi ang side nila, gusto ko silang puntahan ngayon para kausapin at humingi ng tawad pero nahihiya ako.

Hindi ko sila kayang harapin ngayon. Ang tanging bagay na lamang 'ata na magagawa ko para sa kanila ay ang gawin ang lahat ng makakaya ko para lang mapabagsak ang eskwelahan na'to. 'Yon ang gusto nila, at 'yon din mas makakabuti, kaya 'yon dapat ang gawin ko.

"Ano ba ang kailangan nating gawin?" tanong ko sa kanilang lahat.

"Simple lang naman ang kailangan nating gawin—simpleng intindihin pero mahirap gawin. Kailangan nating ipabagsak ang eskwelahan na'to, para mabigyan natin ng hustisya ang namatay na miyembro ng dating Sinners, at para na rin hindi na madamay ang ibang tao sa mga planong nasa likod ng Lethal High," sabi ni Koji. Huminga naman ako nang malalim tsaka sinalubong ang mga tingin niya.

"Why not try telling all of these to the police? Marami na rin namang ebidensiyang nakaturo sa eskwelahan na'to, mas mapapadali ang trabaho natin kung isusumbong na lang natin sila," suwestiyon ko, ngunit umiling si Zero.

"Kung kaya lang naman pala ng mga magulang natin na isumbong ang eskwelahan sa mga pulis, matagal na sana nilang nagawa, but since umabot tayo sa ganitong sitwasyon, ibig sabihin, ang mga taong nasa likod ng eskwelahan na'to ay sobrang taas ng posisyon dito sa lipunan. At wala nga tayong ebidensya na direktang makakaturo sa kanila," paliwanag niya.

So, ang mga kasama ni Dean Basillia sa pamamahala ng eskwelahan na'to ay posibleng involved sa politics. Kung mahigpit ang kapit nila sa mga posisyon nila, mahihirapan talaga kaming ipabagsak ang buong eskwelahan.

Ang options lang 'ata na meron kami ngayon ay ang kausapin namin sila nang masinsinan o kaya patayin na lang sila nang diretso. Ayokong umabot 'to sa ikalawang option, kaya hangga't maaari, gusto kong idaan na lang ang lahat ng 'to sa isang seryosong usapan.

I think it's better that way.

"What should we do then?" tanong ko sa kanila. Nakita kong may kinuha si Asmodeus sa isang cabinet d'on sa may stool, mag kinuha siyang papel na may mga nakasulat na pangalan ng iba't-ibang tao.

Tiningnan ko 'yon isa-isa. Lahat ng taong nakalista r'on ay mga makapangyarihan. May iilan akong kilala, mga taong involved sa politics at sa business world. "Sino ba ang mga 'to? Ano ang koneksyon nila sa plano natin?"

"Lahat ng mga taong 'yan ay may koneksyon sa eskwelahan na'to," sagot ni Mabel habang binubuksan 'yung isang bottle ng coke na kinuha niya sa cabinet, medyo na-bother pa ako dahil mas masarap talaga sana ang coke kung mas malamig ito.

D*mn, Alhena, you're being a perfectionist again.

"Ano ang gagawin natin sa kanila?" Ngumiti si Celena tsaka umiling.

"Wala tayong oras para patayin isa-isa ang mga taong 'yan. Para tuluyang gumuho ang eskwelahan na'to, kailangan muna nating alisin ang lahat ng mga taong pwedeng hingan nila ng tulong. Mas maganda talaga kung sa pinakamababang posisyon kami magsisimula, we will destroy this school little by little until it crumbles.

Kinuha ko 'yung papel at tiningnan si Asmodeus. "Reliable ba ang information na'to? We can't afford to make a mistake, ayaw naman nating madamay ang mga taong wala naman talagang kinalaman sa gulo natin."

"Si Koji ang kumuha ng data na 'yan, don't worry, his sources are reliable," sagot naman sa akin ni Edith. Nilingon ko si Koji na ngayon ay nakangiti habang nakatingin din sa akin. Well, may tiwala naman ako sa kaniya kaya ayos na rin 'yon.

"Huwag kang mag-alala, Alhena, magtatagumpay tayo kung magiging smooth lang ang takbo ng plano natin. We have everything planned," saad ni Calvin. Gusto ko nang matapos ang lahat ng 'to, gagawin ko 'to para kay Dexter, para sa mga estudyante na nandito sa Lethal High at pati na rin sa mga magulang ko.

"Dahil kompleto na tayong lahat, kailangan na nating ipaalam kay Dean Basillia na handa na tayo," nakangising sabi ni Asmodeus. Seriously? Mas maganda kung hindi na nila malaman na gumagalaw na kami, mas makakagalaw kami nang maayos. "Don't look at me with that face, Alhena. The show should be exciting!"

Inirapan ko na lang siya tsaka nagkibit-bakikat. Wala na akong magagawa, planado na rin naman ang lahat e, may magagawa pa nga ba ako para pigilan sila?

"Naka-set up na ang mga pasabog, magsisimula ang plano natin sa susunod na araw kung kailan magmi-meeting ang lahat ng mga class presidents kasama si Dean Basillia. Let's get this started."

— — —

Psalm 37:23–24

"The LORD makes firm the steps of the one who delights in Him; though he may stumble, he will not fall, for the LORD upholds him with His hand."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C14
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login