Download App
75% Lethal High: School for Sinners / Chapter 12: Kabanata 10

Chapter 12: Kabanata 10

Nanatili lamang akong nakatingin sa sahig, ilang minuto na rin ang nakalipas simula nang iniwan ako rito ni Asmodues. Pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak, lalo na't maraming tao sa paligid ko. Inayos ko ang papel na hindi ko namalayan na nalukot ko na pala.

Naiintindihan kong gusto niya munang makasigurado na ako nga 'yung kailangan nila, pero sobrang nasaktan lang ako sa mga bagay na lumabas sa bibig niya kanina. Natamaan ako nang sobra. Am I really overestimating myself? Masyado na bang mataas ang tingin ko sa sarili ko?

Siguro tama nga talaga si Asmodues, gusto ko palagi akong hinahangaan ng ibang tao, gusto ko palaging isipin ng ibang tao na mas nakakataas ako sa kanila at gusto ko ring tumaas ang estado ko sa buhay. 'Yon siguro ang dahilan kung bakit gustong-gusto kong makapunta sa Class A, gustong-gusto kong ipakita sa kanila ang totoo kong kakayahan. Mali ba 'yon?

I don't know. Maybe? Naguguluhan ako. Wala akong maintindihan.

Tumayo na ako at iniwan na lang doon ang tira kong pagkain, kung kanina ay gutom na gutom ako at ganang-gana ako sa pagkain, ngayon naman ay parang nawala ang lahat ng gana ko dahil sa sinabi ni Asmodeus. Parang unti-unti nang nag-iiba ang pagtingin ko sa sarili ko. Unti-unti nang bumababa ang pagtingin ko sa 'kin. Ganito ba talaga ako kadesperada sa kapangyarihan?

Kung gano'n, wala na akong pinagkaiba sa mga magulang ko. Parang pinapatay ko na rin ang sarili ko.

Binuksan ko na ang pintuan ng kwarto ko at pumasok, ini-lock ko naman ito pagkatapos at diretsong humiga sa kama ko. Tinitigan ko ang binigay na papel ni Asmodeus.

Matalino ang mga magulang ko, mahilig sila sa mga codes kaya naman nagkaroon rin ako ng interes dito nang bata pa lamang ako. Palagi nilang sinasabi sa akin noon na mag-aral ako nang mabuti dahil ang katalinuhan lamang ang tanging yaman na hinding-hindi makukuha sa 'kin ng ibang tao.

Ginawa ko ang lahat para palaging maging top 1 sa klase namin, sinakripisyo ko ang lahat para maging proud sila sa 'kin. They were not pressuring me, ako ang nagpre-pressure sa sarili ko na mag-aral. Sa mga oras na 'yon, d'on ko napantanto na rerespetuhin ka lamang ng ibang tao kapag mataas ang estado mo sa buhay. Rerespetuhin ka nila kapag naipakita mo na sa kanila na may narating ka na, at kapag nalagpasan mo na ang mga achievements nila sa buhay.

Dahil kahit sabihin na nilang nirerespeto ka lamang ng ibang tao kapag nirespeto mo sila, may iilan pa ring tao na kahit na ibinigay mo na sa kanila ang lahat ng respetong hinihingi nila, hindi ka pa rin nila rerespetuhin hangga't sa makamit mo ang kapangyarihan at ang posisyon na mas nakakataas sa kanila.

That's how life works.

Sa sitwasyon ko ngayon, kahit na ilang kilometro pa ang lamang sa akin ng mga magulang ko, hindi ko pa rin magawang respetuhin silang muli dahil sa mga nalaman ko. Nang nahuli kong may kausap si Papa at Mama, at pinag-uusapan nila kung paano nila papatayin 'yung next target nila, nawala na ang lahat ng respeto ko. Itinatak ko sa isipan ko na kailangan ko silang lagpasan para ako naman ang respetuhin nila. I despise them a lot.

Tiningnan ko muli ang papel na ibinigay sa akin ni Asmodeus at napahinga na lang nang malalim.

OIRWHCFWI, 4:30 PM.

Mukhang gusto niyang makita ako sa lugar na 'to bukas. May specific na oras na nakalagay kaya ang ibig sabihin, lugar ang kailangan kong i-decode. Pero ano naman ang posibleng codes na ginamit niya? Vigenere Square? Rot 1? Rot 13?

Kumuha ako ng isang pirasong papel at ballpen, sinubukan kong gamitin ang Rot 1, mukhang hindi naman kasi gagamitin ng isang tulad niya ang Vigenere Square, wala siyang key na ibinigay at mukhang hindi naman sapat ang oras kanina para makapag-isip siya ng mahirap at ma-effort na code.

Rot 1, ang ibig sabihin ay rotate 1. Kapag "A" ang gusto mong isulat, papalitan mo ito ng letrang "B". Madaling intindihin kaya madali lang itong i-decode ng ibang tao.

Pakalipas ng dalawang minuto, nakuha ko na ang mensahe ni Asmodues.

NHQVGBEVHZ, 4:30 PM.

Wala pa rin akong maintindihan. Mali ba ang code na ginamit ko? Or... possible ba a dalawang codes ang ginamit niya?

Tiningnan ko nang maigi 'yung nakuha ko habang pinaglalaruan ang dulo ng aking mahabang buhok. Napangisi na lamang ako nang nalaman ko na ang ikalawang code na ginamit ni Asmodeus.

Rot 13. A simple letter substitution cipher that replaces a letter with the 13th letter after it, isinulat ko ang letters A to M, at sa baba nito ay isinulat ko naman ang mga letrang N to Z. Kung ano ang katapat ng letrang ginamit, 'yon ang kukunin ko.

Inilapag ko na ang ballpen ko at tinitigan 'yung nakasulat d'on sa papel, ito na ang sinabi sa 'kin ni Dexter na pinapahanap niya, kung anong bagay man ang malalaman ko sa lugar na 'yon, gagamitin ko 'yon para makamit ang hustisya. Kailangan kong alamin ang lahat.

° ° °

Tiningnan ko ang wrist watch ko tsaka muling napahinga nang malalim. 4:15 pm pa lang pero nandito na ako sa tapat ng auditorium. 4:30 ang usapan namin ni Asmodeus pero mukhang wala pa siya rito, 4:00 pm naman ang dismissal namin kaya bakit wala pa rin siya hanggang ngayon?

"Well, you're early." Napalingon ako sa aking likuran para makita kung sino ang nagsabi n'on, tumambad sa 'kin ang mukha ni President Koji na todong-todo ang ngiti ngayon.

Kapag nakikita ko siya, naaalala ko kung paano bumuhos ang luha niya nang namatay si Dexter. Sa likod ng ngiting pinapakita niya sa 'kin ngayon, alam kong naghihinagpis pa rin siya dahil sa pagkawala ng matalik niyang kaibigan.

"Ikaw pala, President Koji. Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ko sa kan'ya. Lumapit naman siya sa 'kin at hinawakan nang mahigpit ang pulsuhan ko.

"Nandito ako para sunduin ka. Tara na, kailangan na nating makapunta sa kwarto, h'wag na nating hintayin na may makakita pa sa 'tin," mahina niyang sabi sabay hila sa 'kin, magpupumiglas pa sana ako pero nakita ko ang kahoy niyang purselas. Oo nga pala, pareho pala kaming may gano'n, ibig sabihin, alam niya rin ang mga bagay na alam nina Asmodeus at Dexter.

Hinila niya ako papunta sa likuran ng auditorium, tiningnan niya muna ang paligid para makasigurado siya na wala ngang nakasunod sa amin. Nang okay na ang lahat, may tinanggal siyang isang piraso ng semento sa pader, may lumabas d'on na door knob, pinihit niya iyon at muling binalik 'yung semento.

Muntik na akong mapasigaw nang nakita kong tinulak ni President Koji 'yung pader na parang isang pintuan, pumasok siya rito at dali-dali akong hinila papasok. Sinarado niya naman kaagad 'yon na naging dahilan kung bakit dumilim ang buong paligid.

"Kailangan nating bilisan ang galaw natin para walang makakita sa 'tin," mahinang sabi ni President Koji habang binubuksan ang flashlight ng cellphone niya. Tiningnan niya ako at sinenyasan na sumunod sa kan'ya.

May binuksan pa siyang isang pintuan at may napakahabang hagdan d'on papunta sa ibaba. Napakadilim ng paligid, it reminds me of how life works.

We are walking towards a path that we cannot see, everything is unknown, and the only thing we have is bravery.

Sa buhay, kapag mahina ka, talo ka. Kapag hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, tatapak-tapakan ka lamang ng ibang tao.

Makalipas ang ilang minuto, may binuksan uli si President Koji, at tumambad nga sa amin ang isang malaki at maliwanag na kwarto. May sofa, may bar at may walong stools na nand'on. May piano, gitara, at mga libro. Muntik na akong mapanganga dahil sa ganda ng paligid.

Pinaghalong modern at traditional ang design ng buong kwarto. Sobrang ganda talaga, I can stay in this place for a whole month without getting bored.

"Welcome, Alhena Avis. Mukhang nakuha mo nga talaga ang talinong taglay ng mga magulang mo," nakangiting salubong sa akin ni Asmodeus, tumango na lang ako bilang tugon. Ayokong mas lumalim pa ang usapan namin tungkol sa mga magulang ko. Mas okay na malaman niya ngayon pa lang ang mga limitations niya.

Muli kong inilibot ang paningin ko sa buong kwarto, may nakita pa akong tatlong babae at dalawang lalaki. Pamilyar ang mga mukha nila, pero hindi ko alam kung ano talaga ang mga pangalan nila. Parang nakita ko na ang iba sa kanila sa Class A at ang iba naman ay sa Class B.

"Sino sila?" tanong ko. Tiningnan nila akong lahat tsaka pinakita ang mga kahoy na bracelet na nakatago sa ilalim ng kanilang blazer. 'Yung dalawang lalaki naman ay isinuot ang mga bracelets nila sa kanilang binti para hindi ito madaling makita.

Lumapit sa 'kin 'yung isang lalaki na may band aid sa kan'yang pisngi tsaka inilahad ang kan'yang kanang kamay.

Teka, kilala ko ang lakaking 'to. Class A student siya at siya 'yung nagbukas ng pintuan para sa amin noon.

"Kukunin mo ba ang kamay ko o tititigan mo na lang ako buong araw?" nakataas-kilay niyang tanong sa 'kin, inirapan ko na lamang siya at tinanggap na 'yon. Kung hindi lang ako nahiya sa iba pa naming kasama, kanina ko pa siya sinampal dahil sa attitude niya.

"Nice to meet you, Alhena Avis. We are the 8 sinner," nakangisi niyang sabi. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na tingnan sila habang nakakunot ang aking noo.

Sila? Sila ang anak ng mga taong kinatatakutan ng mga tao sa Lethal High noon?

"Kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila. Lumapit naman sa 'kin si Asmodeus at inakbayan ako, magpupumiglas pa sana ako pero mukhang wala siyang planong alisin 'yung braso niya sa balikat ko. F*ck this guy, ang bigat-bigat pa naman ng braso niya.

"Correction, Class D President Alhena. Tayo ang 8 sinners, ngunit 'yan ay kung mapatunayan mo nga sa 'kin kung ikaw ba talaga ay anak ng isa sa mga 8 sinners dati," pilyong sabi ni Asmodeus tsaka itinuro 'yung napakalaking painting na nakasabit sa likuran ng couch. Nakita ko kaagad ang mga mukha nina Papa at Mama doon sa painting.

Gan'yan pala ang hitsura nilang dalawa no'ng pumapasok pa sila sa eskwelahan, hindi man lang nila nasabi sa 'kin na dito rin pala sila nag-aaral dati. Kaya gano'n na lang kalaki ang gap namin sa isa't-isa.

"Paano ka ba mapapatunayan 'yan sa 'yo? Ituturo ko lang ba kung sino ang mga magulang ko doon?" tanong ko ngunit umiling siya. Kinabahan tuloy ako dahil alam kong iba ang ipapagawa niya sa akin at hindi ako sigurado kung safe ba 'yon o buwis buhay.

"Come with me," sabi niya at inalis na 'yung pagkaakbay sa akin, nagsimula na siyang lumakad papunta sa isang kwarto at binuksan 'yon, nagdadalawang isip pa ako kung susunod ba ako sa kan'ya, pero wala na rin naman akong nagawa dahil naramdaman ko ang mahinang pagtulak sa akin ni President Koji.

"Go, Alhena. Don't worry, he's harmless," nakangiti niyang sabi. Huminga na lang ako nang malalim at dahan-dahang pumasok d'on, panghahawakan ko na lamang 'yung sinabi sa 'kin ni President Koji na harmless ang taong 'to.

Nang tuluyan na akong nakapasok sa loob ng kwarto, ini-lock niya na ang pintuan, nilibot ko ang paningin ko at nakita kong may napakalaking kama, cabinet na puno ng mga libro at study table. Mukhang simple lamang ito pero napakagandang pagmasdan dahil sobrang linis, wala man lang akong masinghot na alikabok.

"Tapos ka na bang tingnan ang buong kwarto ko?" tanong niya sa akin. Muli ko siyang inirapan dahil sa sinabi niya, ang sama talaga ng ugali niya kahit kailan. Kailan ba siya magbabago? Kapag pumuti na ang uwak?

Napabuntong-hininga na lang ako tsaka tiningnan siya nang diretso sa kan'yang mga mata. "Ano na ba ang gagawin ko?"

Sumilay sa kan'yang mga labi ang isang nakakalokong ngisi na nagdulot ng kaba sa buo kong katawan.

"Now... strip for me."

— — —

Mark 10:27

"Jesus looked at them and said, 'With man this is impossible, but not with God; all things are possible with God.'"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C12
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login