Download App
50% Lethal High: School for Sinners / Chapter 8: Kabanata 6

Chapter 8: Kabanata 6

Kinusot ko ang aking mga mata bago tuluyang dumilat. Nagising ako dahil sa malalakas na katok sa pintuan. Sino ba naman ang kakatok ng gan'yan kalakas? Napakawalang modo.

"Teka lang!" sigaw ko. Naghilamos ako ng mukha bago ko binuksan 'yung pintuan. Hindi na ako nagtaka na ganito ang paraan ng pagkatok niya, simula pa lang talaga kasi, wala na talagang modo ang babaeng 'to.

"Alhenaaaaa, ba't ang tagal mong buksan 'yung pintuan? At bakit kakagising mo lang? Wala ka bang planong bisitahin ang pamilya mo o kaya lumabas man lang sa eskwelahan? Duh, linggo kaya ngayon!" sunod-sunod na sabi ni Rhia.

Ang aga-aga, bunganga kaagad ng babaeng 'to ang sumalubong sa 'kin, kung minamalas ka nga naman talaga.

"No, at bakit ang lakas ng loob mong istorbohin ang pagtulog ko? Sakalin kaya kita? Gusto mo 'yon? Hindi naman ako mapapagalitan ni Dean Basillia dahil legal 'yon sa Lethal High." Namilog ang mga mata niya tsaka umiling-iling. Matatakot din naman pala ang babaeng 'to.

"Ito naman! Nagbibiro lang naman ako do'n sa mga tanong ko e. Magpapaalam lang naman sana ako, baka kasi hanapin niyo 'kong dalawa ni President Dexter, kaya magpapaalam na ako na lalabas ako ngayon sa eskwelahan. May kailangan lang akong puntahan," sabi niya. Tumango na lang din naman ako bilang tugon. Takte, biglang nawala ang antok ko dahil sa boses niyang sobrang lakas. Siguro kung may P. I. O. kami, 'yon ang posisyon niya ngayon. Hanggang secretary lang kasi ang mga officers sa bawat classroom e.

"Ay oo nga pala, bago ako umalis. Ano 'yung nangyari sa inyo ni President Dexter kahapon? Umamin na ba siya na may gusto siya sa 'yo? O kaya may nangyari na sa inyo?" excited niyang sabi. Kaunti na lang, kikinang na ang mga mata niya dahil sa sobrang saya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinuha 'yung nakatagong cutter sa cabinet ko. Itinutok ko ito sa kan'ya kahit na halos dalawang metro ang layo namin sa isa't-isa.

"Kung ayaw mong masaktan, umalis ka na. Magbiro ka na sa lasing, h'wag lang sa bagong gising." Muling namilog ang mga mata niya at dali-daling tumalikod.

"Charot lang, Vice President Alhena. Babuuuush!" sigaw niya tsaka tuluyan nang tumakbo papalayo, napailing-iling na lang ako at muling sinarado 'yung pintuan. Humiga uli ako sa kama at kinuha 'yung papel na nakuha namin kagabi.

Sabi ko sa sarili ko kagabi, ide-decode ko 'to, pero hindi ko inaasahan na agad akong dinalaw ng antok.

ASin1ACos. ASinACosx+ACosSEXP? Ano ba ang pumapasok sa isip ko kapag nakikita ko ang mga letrang 'to? Mahilig akong magbasa tungkol sa iba't-ibang codes kaya naman malalaman ko sana 'to kaagad kung familliar lang ako sa ginamit nilang code. Kaso hindi e, gawa nila ang code na 'to kaya hindi ko mahahanap ang sagot nito kapag ginamit ko ang previous knowledge ko about sa iba't-ibang klaseng codes.

Huminga ako nang malalim at pinaglaruan ang dulo ng buhok ko.

ASin1ACos. ASinACosx+ACosSEXP.

Kapag nakikita ko ang mga 'yan, agad na pumapasok sa isip ko ang subject naming Mathematics o kaya Trigonometry. Ano ba ang mga bagay na konektado sa subjects na 'yon? Ruler, graphing paper, calculator... sh*t, calculator!

Dali-dali kong kinuha ang scientific calcator ko at nagsimula nang pindutin 'yung mga nando'n sa papel.

Alpha Sin 1 Alpha Cos. Alpha Sin Alpha Cos x + Alpha Cos Shift EXP.

Parang binuhusan ako ng isang timba ng napakalamig na tubig dahil sa nakita ko sa calculator.

D1E. DEx+Eπ.

Hindi pwedeng mamatay si Dexter. Hindi siya pwedeng mawala.

Agad akong bumangon at inayos ang sarili ko, pupuntahan ko siya. Kailangan kong sabihin sa kan'ya kung ano ang na-decode ko.

Hindi ko na naitali ang buhok ko, wala na akong oras, pwedeng-pwedeng mawala ngayon si Dexter. Kailangan ko siyang mahanap kaagad dahil nasa panganib ang buhay niya. Kung ito ang paraan ng Class B para makapaghiganti, well, hindi 'to magandang biro. Everybody knows that killing inside the school is prohibited. Hindi 'to simpleng pagbabanta lamang, big deal na 'to.

"Vice President Alhena!" Agad akong napalingon do'n sa taong sumigaw ng pangalan ko, hinahabol niya ang hininga niya at mukhang napakalayo pa ng tinakbo niya.

"Ano ang nangyari sa 'yo?" tanong ko, kaklase ko pala siya, muntik ko na siyang hindi makilala dahil sa hitsura niya ngayon. Napakaraming putik ang nakadikit sa damit at mukha niya. Ano ba ang nangyari?

"Si President Dexter po!" Nabuhay ang kaba sa buo kong katawan no'ng sinambit niya ang pangalan ni Dexter.

"Bakit?! Ano ang nangyari?!" pasigaw kong tanong.

"Nakikipag-away po siya, sinubukan namin siyang pigilan pero ayaw niyang magpaawat," dagdag niya, napasapo na lang ako sa noo ko. Ano na naman kaya ang pumasok sa kukote ng lalaking 'yon?

"Pumunta tayo sa kan'ya. Bilis," sabi ko. Tumango naman siya at nagsimula nang tumakbo papunta kay Dexter, tumigil kami sa tapat ng building ng Class B, nakita kong pinagtutulungan ng tatlong lalaki si Dexter na ngayon ay dumudugo na ang mukha.

"Vice President, baka madamay po kayo sa gulo!" pigil sa akin ng kaklase ko no'ng nakita niyang papunta na ako kay Dexter. Tiningnan ko naman siya habang nakakunot ang aking noo.

I will not let Dexter suffer alone.

"Puntahan mo ang iba pang kaklase natin! Now!" sigaw ko, agad naman siyang tumango at mabilis na tumakbo. Tuluyan na rin akong lumapit kay Dexter at tinulak 'yung tatlong lalaki na bumugbog kay Dexter.

"What the heck are you doing here, Vice President Alhena?" tanong niya sa akin habang pinupunasan ang duguan niyang labi. Napahinga na lang ako nang malalim dahil sa hitsura ngayon ng president namin. Nagmukha siyang kawawa dahil sa kalagayan niya ngayon.

"Bakit pinatulan mo sila?" tanong ko sa kan'ya pabalik. 30 ang estudyante ng 1st year ng Class B, tapos dalawa lang silang Class D, kahit saang anggulo mo tingnan, matatalo talaga ang klase namin.

"Ininsulto nila ang pamilya ko, pati na rin ang buong klase natin. I won't let that pass," sagot niya. Magsasalita na sana ako ngunit biglang sumingit sa usapan namin si President Niana. Suot niya na naman ang headband niyang kumikinang.

"Akala niyo ba papayag kami na hindi kayo pahirapan? Lowest section kayo, hindi kayo pwedeng magtaas-taasan sa eskwelahan na 'to. H'wag kayong umasta na kaya niyo na kaming matalo porque nalaman niyong kami ang nagpinta sa classroom niyo," sabi niya habang nakataas ang isa niyang kilay.

Since na hindi naman kami required na magsuot ng school uniform dahil nga linggo ngayon, nakasuot siya ngayon ng neon na pink na t-shirt na may mga bulaklak, tinernohan niya pa ito ng puting shirt at pink na sapatos. Ang jeje niyang tingnan.

"Maganda sana ang mukha mo at ang peke mong ugali. Kasi sobrang itim ng budhi mo at wala kang sense of fashion!" sigaw ko sabay sampal sa kan'ya, nagulat 'yung mga tao sa paligid namin, isa na do'n si Dexter.

"Walang hiya ka!" Sasampalin niya na sana ako ngunit agad kong hinarang ang kamay niya at sinuntok siya sa mukha. Susugurin na sana ako ng ibang kaklase niya pero biglang dumating ang iba pang kaklase namin. Mabuti naman at hindi sila katulad ng mga pulis na nasa mga teleserye.

"Sana naman, bago mo ipagmayabang 'yang suot mo, isipin mo muna kung kayabang-yabang ba 'yan. Maawa ka naman sa sarili mo," pang-aasar ko sa kan'ya habang nakangisi. Tiningnan niya ako nang masama at sinipa ang tiyan ko na naging dahilan kung bakit natumba ako sa lupa, umibabaw siya sa 'kin at sinabunutan ako. Hindi naman ako nagpatalo at kinalmot ang mukha niya.

"How dare you punch me, b*tch?! Akala mo kung sino ka na?! Isa ka lang namang Class D student, hindi ka reyna ng eskwelahan na 'to kaya h'wag kang umastang sobrang ganda at talino mo!"

Isinipa ko ang tiyan niya, agad akong tumayo at tinapakan ang over sized niyang dibdib kaya napasigaw siya dahil sa sakit.

"Never underestimate me, as*hole!" sigaw ko tsaka tinapakan ang kan'yang mukha. Susuntukin ko pa sana siya pero may kamay na biglang pumigil sa 'kin, tiningnan ko kung kaninong kamay 'yon at tumambad nga sa 'kin ang nakakasawang mukha ni Asmodeus.

"That's enough," mariin niyang sabi. Binitawan niya ang kamay ko at tinulungan na makatayo si Niana. Hindi ko naman mapigilan na mapairap dahil sa ginawa ni Asmodeus na pagtulong kay Niana.

Nakakabadtrip silang dalawa, magsama silang dalawa na parehong mukhang ulupong.

"Do you know that this is none of your business, President Asmodeus? Your class isn't involved," sabi ko habang masama siyang tinitingnan. Lalo pang kumulo ang dugo ko no'ng kumapit pa si Niana sa mga braso niya.

Jeje na mga, malandi pa. Aba, all in one.

"Kilalanin mo muna kung sino ang kinakausap mo," malamig niyang sabi, lalo namang kumapit sa kan'ya si Niana. Magsasalita pa sana ako pero pinigilan ako ni Dexter.

"Hindi magiging ganito ang sitwasyon kung hindi nakipaggulo 'yang girlfriend mo, nananahimik ang klase namin. Gusto lang namin makapagtapos ng pag-aaral pero ginugulo niyo kami," depensa ni Dexter, agad na kumunot ang noo ni Asmodeus at inalis ang pagkahawak sa kan'ya ni Niana. Kawawang babae.

"She's not my girlfriend. Kung ayaw niyo ng gulo, you should've used your head in the first place," mariin naman na sagot ni Asmodeus.

Wala namang patutunguhan ang usapan namin dito, kung ipagpapatuloy lang namin 'to, baka mas laki lang maging magulo ang sitwasyon, tsaka ayokong makalaban ang mga Class A students. Siguradong talo na talaga kami kapag kinalaban pa namin sila.

"Dexter, let's go. We're just wasting our time here," suwestiyon ko, tumango na lang si Dexter at sinabihan na ang mga classmates namin na bumalik na sa kan'ya-kan'ya nilang mga kwarto.

In the end, takot pa rin talaga akong masangkot sa gulo. I don't want to be like this.

Tinalikuran na namin sina Asmodeus at Niana tsaka nagsimula nang lumakad papabalik sa kwarto ko, inaya ko si Dexter sa dorm para magamot ko ang mga sugat niya at para na rin sabihin sa kan'ya ang tungkol do'n sa na-decode ko kanina.

Gusto ko kasing makasigurado na wala munang makakaalam na may natanggap na death threat si Dexter. Ayoko nga rin sanang ipaalam kay Rhia e.

No'ng nakarating na kami sa loob ng kwarto ko, kinuha ko na ang first aid kit ako na nasa ilalim ng kama para naman masimulan ko nang gamutin ang mga pasa niya.

"I can do this on my own. You don't have to do this," sabi ni Dexter, idiniin ko naman nang kaunti 'yung bulak na may alcohol sa sugat niya kaya bigla siyang napasigaw. "Dahan-dahan naman!"

"Sa tingin mo ba, pinapunta lang kita rito para lang gamutin ka? I also want to talk about the message that I decoded," mahina kong sabi. Nakita ko ang biglang pagbago ng ekspresyon ng mukha ni Dexter, bigla itong naging seryoso at mukhang handang-handa siyang malaman kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng nakasulat do'n sa nakuha naming papel.

"What is it? Tell me." Huminga ako nang malalim at sinalubong ang mga titig niya.

"Just make sure that you'll protect yourself at all costs, Dexter. Protect yourself for us."

— — —

James 1:2–4

Consider it pure joy, my brothers and sisters, whenever you face trials of many kinds, because you know that the testing of your faith produces perseverance finish its work so that you may be mature and complete, not lacking anything.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C8
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login