Download App
43.75% Lethal High: School for Sinners / Chapter 7: Kabanata 5

Chapter 7: Kabanata 5

Araw ng sabado ngayon at nandito kami ngayon sa classroom ng Class B. Tiningnan namin kung tama ba 'yung deduction ko at tama nga naman ako dahil may nakita kaming bakas ng mga pinta sa likod ng classroom nila.

"Ano? Ubos na ba ang tinta ng mga markers niyo?" tanong ni Dexter, sinubukan kong isulat 'yung pangalan ko sa pader ng classroom nila pero wala ng tintang lumalabas. Ubos na nga talaga. Sayang, gusto ko pa naman mag-calligraphy dito ng pangalan ko.

"Unfortunatelty, yes. Mukhang magpapare-paint ang Class B dahil sa ginawa natin," sagot ko. Halos lahat ng upuan nila ay nasulatan na namin, halos din lahat ng pader ay may vandal na.

Gosh, nakakatuwang tingnan.

"Rhia, take a picture of this then i-send mo sa group chat," utos ni Dexter kay Rhia na agad namang sumunod.

I think our work here is done, hihintayin na lang namin kung ano ang magiging reaksyon ng mga estudyante sa Class B dahil sa nagawa namin.

Kung tutuusin, mas malala pa nga 'yung ginawa nila sa amin dahil dalawang beses nilang pinintahan 'yung room namin, masyado kasing mabait 'tong president namin kaya isang beses na lang daw naming gawin. Naawa pa talaga siya, dagdag points din sana 'yon sa klase namin.

"Rhia, bumalik ka na sa dorm mo, susunod kami, may kailangan lang kaming gawin ni Alhena," mariin na sabi ni Dexter, parang wala naman siyang sinabi sa akin na kailangan kong tumagal dito dahil may gagawin pa kami.

"Pero..."

"Sige na, Rhia. Medyo malalim na rin ang gabi." Tumungo nang kaunti si Rhia at umalis na, mukhang ayaw niya pa sanang umalis pero kahit ano kasi ang gawin niya, wala na rin naman siyang magagawa dahil utos na 'yon ng class president namin.

No'ng nasigurado na ni Dexter na umalis na si Rhia ay agad niya akong tiningnan nang diretso sa aking mga mata.

"Alhena, may kailangan akong gawin sa 'yo," seryoso niyang sabi. Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla akong kinabahan. Medyo natakot din ako, sana naman hindi niya gawin kung anong nasa isip ko, dahil sa oras na gawin niya sa 'kin 'yon, masusuway ko ang tanging batas ng eskwelahan na 'to... ang batas na bawal pumatay sa loob ng Lethal High.

"Ano naman ang gagawin mo?" Agad niyang hinawakan ang pulsuhan ko, hinila ko naman 'yon mula sa pagkahawak niya at agad siyang sinuntok sa kan'yang mukha.

"Aray! What the f*ck, Alhena?!" Lumayo ako mula sa kan'ya, hindi na niya ako mahahabol dahil may masakit na sa kan'ya. Pwede na akong tumakas. "What the heck are you doing?!"

Kumunot ang noo ko, habang bakas pa rin sa kan'ya ang sakit dahil hawak-hawak niya pa rin ang pisngi na sinuntok ko.

"Diba may plano kang gawin 'yon sa 'kin? Lalaki ka at babae ako." Medyo nag-loading pa siya at pilit na iniintindi ang sinabi ko. Pakalipas ng ilang segundo, rinig na rinig na sa buong classroom ang tawa niya pero agad naman siyang napatigil dahil masakit pa rin ang pisngi niya dahil sa suntok ko.

Buti nga sa kan'ya, pero mukhang mali 'ata ang naisip ko ah.

"D*mn, I'm not that kind of guy, and besides, you're not my type." Agad ko siyang tinaasan ng kilay, ang sarap niyang suntukin uli. Kung pwede ko lang gawin 'yon e, kaso baka maalis ako sa posisyon ko bilang vice president ng klase namin, bawal kasi naming kalabanin ang mas nakakataas na posisyon sa amin.

"So, ano nga ba talaga ang pakay mo? Bakit mo ako gustong kausapin?" tanong ko sa kan'ya tsaka sumandal sa isang upuan. Umiling-iling naman siya habang nakangiti.

"Nah, nevermind. Mukhang hindi naman ikaw 'yung hinahanap ko." Agad ko siyang tinaasan ng kilay.

Aba, gusto niya akong makausap para sa walang kwentang bagay? Kung hindi ako nagpaiwan ngayon dito, nakapagbasa na sana ako ng dalawang chapters sa librong binabasa ko.

"Alam mo? Sinayang mo lang ang oras ko," pagrereklamo ko, umayos na ako ng tayo at tinalikuran na siya. "Sa susunod, i-finalize mo muna ang sasabihin mo para naman hindi ako magmukhang ewan dito."

"Sorry, sorry, h'wag ka nang magalit. Ililibre na lang kita sa Lunes, okay ba 'yon?" tanong niya habang kinakamot ang batok niya, napahinga na lamang ako nang malalim tsaka hinawakan 'yung door knob.

"Aabangan ko 'yan," sabi ko, ipipihit ko na sana 'yung door knob para makalabas na ako pero bigla kaming natigilan ni Dexter nang biglang nabasag 'yung salamin. Tumakbo papalapit sa akin si Dexter para hilain ako papalayo do'n sa mga bubog.

Wala naman akong natamo na sugat, mabuti nga at medyo makapal ang mga suot namin ngayon.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Dexter habang hawak-hawak pa rin ako sa mga bisig niya.

"Y-Yeah, you can let go of me now," medyo nahihiya kong sagot, nahihiya ako dahil napakalapit ng mukha namin sa isa't-isa.

Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay, lalo na't lalaki ngayon ang kasama ko.

Mukhang nabasa niya naman ang gusto kong iparating dahil agad siyang lumayo sa akin. Mabuti nga.

"I-I'm sorry, I just want to make sure that you're okay." Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, I don't know why I'm feeling like this, but I certainly don't like it.

"It's okay," sabi ko, trying to sound like I'm fine but I'm not. Naguguluhan ako sa mga nararamdaman ko ngayon, naiinis ako sa sarili ko.

Umiing-iling ako at lumapit doon sa nabasag na bintana. May nakita akong bato na may nakadikit na papel, sinubukan kong kunin ito ngunit may biglang pumigil sa 'kin, hinawakan pala uli ni Dexter ang pulsuhan ko. Hinila niya ako papalayo do'n sa mga bubog at siya na lang ang lumapit.

"Alam mo, pwede mo namang sabihin na gusto mong kunin 'yung bato at ako na lang ang kukuha. Baka masugatan ka pa dahil diyan sa ginagawa mo. Think about yourself sometimes, will you?"

Inirapan ko na lang siya bilang tugon. E dapat sinabi niya muna sa 'kin na siya na lang ang kukuha kung sakaling gusto ko 'yon kunin. "Oh, ito na."

Kinuha ko mula sa kan'ya ang bato tsaka kinuha ko naman do'n 'yung papel. Nakita kong may nakasulat dito pero wala man lang akong maintindihan.

"What's that?" tanong ni Dexter. Ipinakita ko naman ito sa kan'ya. "ASin1ACos. ASinACosX+ACosSEXP."

"Oh ano? May naintindihan ka?" tanong ko sa kan'ya habang nakataas ang aking kilay, ngumuso naman siya at umiling.

"Ewan ko. Hindi ko maintindihan, is this a code or something? Tsaka para sa 'tin ba talaga 'to o para sa Class B?" tanong niya habang pinagmamasdan 'yung papel, nagkibit-balikat na lamang ako tsaka pumunta na do'n sa may bintana, baka makita pa namin ang taong bumato nito.

Akala ko makikita ko ang hinahanap ko pero muntik na nga akong mapamura dahil may nakita akong dalawang tao na may hawak-hawak na flashlight.

Fudge, mukhang may mga taong papunta rito.

"Dexter, may mga taong papunta rito!" Agad kaming yumuko no'ng lumipat ang ilaw ng flashlight sa bintana ng Class B. Dahan-dahan kaming lumabas sa classroom at tumakbo na papalabas ng building.

"Narinig mo ba 'yon?"

Sabay kaming napatingin ni Dexter sa isa't-isa no'ng narinig namin ang sinabi ng isa sa kanila. Fudge, napansin na nilang nandito kami. Lagot na lagot talaga kami nito.

Pero kung sakaling mahuli kami, okay lang din naman dahil hindi naman nakasaad sa school rules na bawal kaming lumabas kapag gabi, ang problema lang namin is paano kung Class B 'yung dalawang lalaki na 'yon? Baka sugurin nila kami bigla kapag nakita nila kami. Ayokong madamay sa isang labanan lalo na't hindi kami handa ngayon ni Dexter.

"What should we do?" kinakabahan kong tanong kay Dexter.

"Ilan ba ang probability na Class B ang dalawang lalaking 'yon?" tanong niya. Sumilip ako nang kaunti para makita ko 'yung dalawang lalaki na nasa kabilang side lang ng building. Napapikit na lang ako no'ng napagmasdan ko ang mga mukha nila. Kung minamalas ka nga naman. "Oh ano? Kilala mo ba?"

"100%. 100% sure ako na Class B ang mga 'yon, siguro narinig nila 'yung pagkabasag ng mga salamin kaya pumunta sila rito. What should we do?"

"F*ck. Bakit ba kasi may bumasag pa ng salamin na 'yon? May dala-dalang armas ang dalawang 'yon, ang problema natin ngayon ay wala man lang tayong dala para sugurin sila. We can't take the risk," sabi niya. Sang-ayon ako, nakita kong may dala-dala silang batuta at kutsilyo, at hindi kami pwedeng sumugod lamang, kahit na nakasaad sa rules na bawal nila kaming patayin, pwede pa rin nila kaming sugatan nang napakalubha. And I don't want that. Ayokong maging mahina.

"What should we do then?" tanong ko, ipinikit niya naman ang kan'yang mga mata at huminga nang malalim, pakalipas ng dalawang segundo, hinawakan niya ang pulsuhan ko at tiningnan ako nang diretso sa aking mga mata.

"We run." Kasabay ng pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay ang paghila niya sa akin papalayo sa building ng Class B.

"Hoy! Tumigil kayo!"

"T*ngina! Bumalik kayo rito!"

Narinig namin ang mga sigaw ng dalawang lalaking 'yon pero patuloy lang kami ni Dexter sa pagtakbo habang bahagyang natatawa. Sinubukan pa nila kaming habulin pero hindi na nila nakaya dahil talagang mabilis kaming tumakbo ni Dexter. Tawa lang kami nang tawa habang tumatakbo. Para kaming ewan.

Napakaganda ng gabing ito, napakaliwanag ng buwan at tumatama sa aming mga mukha ang dilaw na liwanag nito. Kitang-kita rin namin ngayon ang milyon-milyon na mga bituin na talaga namang nagkikislapan sa madilim na langit, ang malamig din na simoy ng hangin ay tumatama sa aming mainit na katawan at hinahangin nito ang aming mga buhok. Malalim na ang gabi pero wala man lang kaming pakialam.

"Dito na lang tayo, sigurado rin naman akong hindi tayo mahahabol ng mga lalaking 'yon dahil ang babagal nilang tumakbo," natatawa pa ring sabi ni Dexter habang hinahabol ang kan'yang hininga. Tumigil kami sa isang malaking puno, malapit na rito ang dorm ng mga babae kaya hindi na ako mahihirapan na makabalik sa room ko, ang tanging problema lang namin ngayon ay kung paano makakabalik si Dexter sa room niya.

Ilang buildings pa ang layo ng dorm nila sa kinatatayuan namin ngayon.

"Maraming salamat, nakuha mo ba 'yung papel na nakuha natin?" tanong ko sa kan'ya, kailangan kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng nakasulat sa papel na 'yon, baka magkaroon ako ng lead sa mga ginagawa ng Lethal High.

Kinuha niya 'yung papel mula sa bulsa niya at ibinigay iyon sa akin.

"Please decode this, Alhena. Can I trust you with this?" maamo niyang tanong sa akin, nginitian ko naman siya at tumango, pakiramdam ko ito ang kauna-unahang tunay na ngiti na pinakita ko mula nang tumungtong ako sa eskwelahan na 'to.

"Don't worry. You can trust me with this, President Dexter Morones," sabi ko, nginitian niya naman ako tsaka ginulo ang aking nakataling buhok.

"Thank you, Vice President Alhena Avis. I need to go now, baka maabutan na tayo ng dalawang lalaki na 'yon, pumasok ka na rin sa kwarto mo, siguraduhin mong walang makakakita sa 'yo. Mahirap na."

"How about you? How can you go back to your room without being spotted?" Ngumiti siya nang napakalawak at pinagpagan ang magkabila niyang balikat.

"Easy. Ako pa ba? I can handle myself." Inirapan ko na lamang siya habang bahagyang natatawa. Napakayabang talaga.

"Sige, papasok na 'ko," paalam ko at tinalikuran na siya, dahan-dahan akong pumunta sa tapat ng kwarto ko at no'ng nakapasok na ako sa loob, muli ko siyang tiningnan at kinawayan.

Kumaway din naman siya pabalik, sinarado ko na 'yung pintuan at siniguradong nakalock na ito nang mabuti. Tiningnan ko 'yung papel na nakuha namin tsaka huminga nang malalim.

"Now, I have to deal with you."

— — —

1 John 3:22

And receive from Him anything we ask, because we keep His commands and do what pleases Him.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C7
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login