Download App
25% Lethal High: School for Sinners / Chapter 4: Kabanata 2

Chapter 4: Kabanata 2

"Class President Dex, ano ang gagawin natin?" narinig kong tanong ng isa sa mga kaklase namin. Mukhang kinakabahan na sila ngayon dahil sa nangyari. Ito kasi ang unang beses na may gumawa sa amin nito, nakakapangamba naman talaga, lalo na't may halong dugo ang ginamit nilang pinta.

"Magpapatawag na po ba tayo ng meeting, Class President?" tanong ni Rhia, ang class secretary namin.

"No. Hindi na rin naman ito bago, nangyari na rin ang ganitong mga pangyayari sa ibang klase, sadyang ganito ang naging reaksyon natin dahil unang beses pa lamang natin itong naranasan. Nag-aaral tayo sa Lethal High, kaya naman dapat ay masanay na tayo sa mga ganito dahil alam kong hindi pa ito ang huli, simula pa lang 'to. Humanda kayo," seryosong sabi ni Dexter, tumango naman ako tsaka bumuntong-hininga.

"Pumasok na kayo, h'wag kayong mag-alala, basta ang alalahanin niyo muna sa ngayon ay kung paano madadagdagan ang puntos natin at kung paano ito mababawasam," dagdag ko pa.

"Opo, Vice President," sabay-sabay nilang sabi. Ngumiti na lang ako bilang tugon, pumasok na sila sa loob ng classroom kaya malaya na naming tiningnan ni Dex 'yung nakasulat sa pader.

"Sa tingin mo, Class A ang gumawa nito?" tanong ni Dexter, umiling naman ako, masyadong cheap ang ganitong mga bagay para sa Class A, knowing them, mas malala pa rito ang gagawin nila. Sila 'yung taong hindi nagdadalawang-isip na pumatay ng kapwa nila tao.

"Why not? May dugo, at sila lang naman 'yung na-encounter natin kanina. Posibleng Class A ang gumawa nito sa atin, wala namang sapat na intention ang Class B at Class C para gawin nila sa atin 'to," paliwanag niya ngunit umiling ako. May ilan siyang pieces na nakalimutan.

"Hindi porque sila lang ang nakasama natin kanina, ay sila na ang gumawa nito. Nanditk tayo ngayon sa Lethal High, lahat ng klase ay magkakalaban, kaya hindi ligtas dito ang Class B at Class C. At sa tingin mo ba, kahit na nananahimik tayo ngayon, hindi nila tayo isasali sa laro? Isasali nila tayo dahil sa pagkakaalam nila, tayo ang pinakamadaling gawing target para makakuha sila ng puntos. At 'yung sinabi mo kanina tungkol sa pagtingin natin ng puntos next week? That would be impossible, lahat ng klase ay may ginagawa, hindi lang naman ang insidente na 'to ang nag-iisang insidente ngayong week. Pwedeng dumagdag ang puntos ng bawat section," paliwanag ko sa kan'ya.

"Wala na rin naman tayong magagawa. Nangyari na ang nangyari." Tumango na lang ako at tsaka isinandal ang likuran ko sa pader habang tinitingnan pa rin 'yung pulang pintang unti-unti nang kumakalat. Mahihirapan na naman nitong maglinis ang janitor. "May gusto akong tanungin sa 'yo."

"Ano na naman?"

"Why didn't you chase after him?" tanong niya, tinutukoy niya 'ata 'yung taong gumawa nito. Ang lakas talaga ng pang-amoy ng lalaking 'to. Alam niya na kaagad kapag may nangyaring mali.

"I just want to enjoy the show," maikli kong sagot, natawa naman siya nang kaunti.

"Kailan ka pa naging direktor?" Inikutan ko siya ng mata, isa na namang kalokohan ang lumabas diuan sa bibig niya. Letse lang, ang sarap niyang sakalin.

"Ewan ko sa 'yo." Papasok na sana ako sa classroom pero bigla akong natigilan dahil sa sunod na sinabi ni Dexter.

"You really want power after all, Vice President Alhena."

° ° °

"Alhena, sa tingin mo ba, makakapunta rin tayo sa Class A?" tanong sa akin ni Rhia habang naglalakad kami papunta sa sarili naming kwarto.

"Maybe? Gusto mo bang maging Class A?" tanong ko naman sa kan'ya pabalik, nakita ko ang malumanay niyang ngiti at ang kan'yang pagtungo, medyo natakpan tuloy ng bagsak niyang buhok ang mga mata niya.

"Hindi ko alam, hindi ko kasi alam kung dapat ko bang paniwalaan 'yung mga sinasabi ng mga estudyante sa 2nd year. Narinig ko kasi ang usapan nila kanina na ang Class A lang daw ang makakaalis dito sa eskwelahan. No'ng ilang taon na rin daw kasi ang nakakalipas, naka-graduate naman daw ang Class B, C, and D, pero walang nakakaalam kung nasaan na sila ngayon," tugon niya. Napansi kong medyo humigpit ang hawak niya sa strap ng bag niya, mukhang apektadong-apektado siya sa mga sinasabi ng mga estudyante sa 2nd year.

"Nakakapangamba nga kung gano'n talaga ang sistema at ang plano ng eskwelahan na 'to sa 'tin, pero gaano ka ba kasigurado na totoo ang mga sinabi ng mga estudyante na 'yon?" tanong ko sa kaniya, kahit kasi sabihin niyang narinig niya 'yon sa mga taong mas may alam tungkol sa eskwelahan na 'to keysa sa amin, hindi pa rin siya nakasisigurado na totoo 'yung sinabi nila.

"I know," mariin niyang sabi at tsaka tumigil sa paglalakad. Tumigil din naman ako at hinarap siya. Nanatili lamang siyang nakatungo pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagbabadya ng mga luha niya.

"Let me hear your reason."

"Alam kong totoo ang mga sinasabi nila dahil isa ang kapatid ko do'n sa mga estudyanteng hindi na nakita. Hindi namin alam kung nasaan siya. Hindi na siya nakabalik sa pamilya niya... sa amin, at kasalanan 'yon ng eskwelahan na 'to. Kasalanan ng eskwelahan na 'to kung bakit nawala si Kuya!"

Halatang-halata ang sakit na nararamdaman niya. I wonder, bakit kaya ganito ang nararamdaman nila? Hindi ko pa naranasan na mawalan ng mahal sa buhay kaya hindi ko alam kung ano ang pakiramdam no'n.

"Iyan ba ang dahilan kung bakit nandito ka ngayon sa eskwelahan na 'to?" mahina kong tanong at lumapit na sa kan'ya, tumango siya at tsaka pinunasan na ang mga luha niya, pero hindi pa rin tumitigil ang mga luha sa paglabas sa kan'yang mga mata. Nagmukha na tuloy siyang dugyutin, ang karespe-respeto niyang aura sa klase namin ay biglang nawala.

"Ang sakit, Alhena. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko."

Hinagod ko ang balikat niya at umiling.

"Tama na 'yan, Rhia. Lalaki lang 'yan, maganda ka kaya hindi niya deserve ang isang tulad mo, may iba pang lalaki diyan na mas magmamahal pa sa 'yo nang sobra," payo ko sa kan'ya, tiningnan niya naman ako habang nakakunot ang kan'yang noo. Magsasalita pa sana siya pero binilugan ko siya ng mata, senyales na makisama na lang siya sa ginagawa ko.

Pumikit si Rhia at pinunasan muli ang mga mata niya gamit ang dalawa niyang kamay. Huminga rin siya nang malalim at ngumiti habang nakatingin sa akin.

"Maraming salamat, Alhena. Isa ka talagang totoong kaibigan. Tara, tulungan na kitang gumawa ng project mo. Ang tamad-tamad mo talaga e!" Gusto ko siyang saktan dahil sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko. May mga mata pang nagmamasid sa amin.

Nagsimula na kaming lumakad papunta sa kwarto ko, pagpasok na pagpasok namin, agad kong ni-lock ang pinto.

"What was that?"

"May mga nakatingin sa atin, hindi ko alam kung sino at kung bakit pero sigurado akong tayong dalawa ang tinitingnan nila," sagot ko. Sana lang wala silang planong gawing masama sa akin, dahil kapag nagkataon, hinding-hindi ko sila uurungan.

"Ano na naman kaya ang gusto ng mga 'yon? Nananahimik naman tayong mga nasa Class D ah." Napangisi na lang ako at tsaka nilagay sa hanger ang blazzer ko, inalis ko rin naman sa pagkatali ang wavy kong buhok.

"Ang baba kasi ng tingin nila sa atin, kaya naman tayo ang palagi nilang target. Akala nila gano'n na lang tayo kadaling matalo. Nakakainis."

"Gano'n naman talaga dapat, diba? Nasa Class D tayo kaya ganito na lang ang mga trato nila sa atin." Nagkibit-balikat na lang ako tsaka umupo sa malambot kong kama, umupo rin naman siya sa upuan na nando'n sa study table ko.

"H'wag kang mag-alala, papatunayan ko sa kanila bukas na hindi tayo basura at hindi tayo kadaling tapakan. Gusto kong ipakota sa kanilang lahat na kaya nating makipagsabayan sa kanila. Gusto kong makita ang mga mukha nilang proud na proud na mukha namang mga kalabaw." Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Rhia sa loob ng kwarto ko. Walangya rin pala ang babaeng 'to, nakikitago na nga lang sa kwarto ko, pagtatawanan pa ako. Aba, walang utang na loob.

"Ang savage mo talaga 'no? Ano ba ang plano mo? Share mo naman sa 'kin!" Inirapan ko na lang siya.

"I rather not. Masyado ka ng maraming alam," pagtatanggi ko, tinarayan niya rin naman ako pabalik.

"Duh, natural lang naman na marami akong alam. Secretary nga ako, diba?" Natawa na lang ako nang kaunti dahil sa sinabi niya, pero pagkatapos nito, nabalot kaming dalawa ng nakakabinging katahimikan. Siguro dahil ramdam na ramdam namin ngayon ang bumabalot na tensyon sa loob ng eskwelahan.

Sobrang complicated kasi ng pamamaraan ng Lethal High, hindi ko na nga alam kung ano ang tama at kung ano ang mali. Maraming tanong ang lumilipad sa isip ko pero natatakot akong malaman kung ano ang sagot nito. Baka hindi ko magustuhan, o kaya naman baka hindi ko makayanan.

"Hey, Alhena," tawag sa akin ni Rhia, napatingin ako sa kan'ya. Malumanay lang siyang nakangiti habang nakatingin sa sahig.

"Hmm?"

"Bakit napagdesisyunan mong mag-aral sa eskwelahan na 'to? Alam mo na kung ano ang rason kung bakit nandito ako, kaya dapat malaman ko rin ang rason mo para fair tayo." Huminga ako nang malalim at tumingin sa bumbilya na nasa kisame. Nakakatamad namang sagutin 'yang tanong niya.

"Si Dexter muna ang una mong tanungin, hindi rin naman natin alam kung bakit siya nandito sa Lethal High at kung paano nakapasok ang tamad na lalaki na 'yon sa eskwelahan na 'to. Idagdag mo na rin 'yung matagal-tagal ko ng tanong kung paano siya naging president ng Class D," mahaba kong sabi. Natawa naman si Rhia at napailing-iling.

"Grabe talaga ang hinanakit mo kay Dex 'no? Umamin ka nga, Alhena. May something ba kayo ni Dexter?" tanong ni Rhia habang nakangiti nang nakakaloko. Ma-issue talaga ang isang 'to, ang sarap hampasin sa kan'ya ang isang galong tubig.

Like duh. Ako? Magkakagusto sa mokong na 'yon? I rather kill myself.

"Tumigil ka nga, Rhia. Kapag napikon talaga ako sa 'yo, hindi ako magdadalang-isip na ipakain ang buong katawan mo sa buwaya." Namilog ang mga mata niya dahil sa sinabi ko, marunong din naman palang matakot ang babaeng 'to. Gusto niya pa 'ata akong pahirapan.

"H'wag naman, Alhena. Jusko, maawa ka naman sa 'kin. Ghad!" takot na takot niyang sabi, kulang na lang tumakbo na siya ngayon papalayo sa akin.

"Ewan ko sa 'yo, Rhia."

"Heh, ano nga ba talaga kasi ang plano mo? Baka may plano kang patayin ah, alam mo namang labag 'yon sa school rules." Umiling-iling ako bilang tugon. I will never do that, hindi naman ako mamamatay tao, hindi ako katulad ng mga magulang ko.

"Hindi ko 'yan gagawin, at wala naman akong planong gawin 'yon kaya huminahon ka." Mukhang nabinutan naman siya ng napakalaking tinik. As if naman gagawin ko 'yon.

"Mabuti naman, nakakatakot ka pa naman, kahit na hindi ka galit, nagmumukha kang galit. Gano'n ka nakakatakot, kaya please... ngumiti ka naman kahit kaunti! Walang magkakagusto niyan sa 'yo-- Ay wait, meron pala! Si Class President Dexter Morones! Kyaaaah! Aray!" Ibinato ko sa kan'ya ang isa kong unan, saktong-sakto 'yon sa mukha niyang mukhang ewan.

"I am not interested with relationships."

"E ano nga kasi ang plano mo?" pangungulit niya pa. Grabe, hindi talaga marunong sumuko ang babaeng 'to pagdating sa mga chismis.

"Don't worry. It's just a simple plan that will surely change their mindsets."

— — —

1 Corinthians 4:16–18

Therefore we do not lose heart. Though outwardly we are wasting away, yet inwardly we are being renewed day by day. For our light and momentary troubles are achieving for us an eternal glory that far outweighs them all. So we fix our eyes not on what is seen, but on what is unseen, since what is unseen is eternal.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login