"Magnanakaw! Tulong! Tulong!" rinig kong sigaw ng isang matandang babae na nagtitinda sa labas ng paaralan namin. Nakakaawa siya pero kasalanan niya rin naman 'yon, hindi siya dapat pumuwesto sa tapat ng paaralan na puno ng mga makasalanan. "Ija! Tulungan mo naman ako! Pakiusap!"
Napahinga ako nang malalim, dapat pala umalis na ako kanina para naman hindi niya ako nakita. Ayokong madamay sa ganitong mga bagay, baka mabawasan ang puntos ng section namin. Class D na nga ako tapos babawasan ko pa ang puntos namin? Baka maging negative na 'yan.
"Go, Alhena. Makakatakas na siya, nasa labas naman tayo ng eskwelahan kaya h'wag kang mag-alala," sabi ni Dex, siya ang president namin.
This it too troublesome. Ngayon, wala na akong choice kundi sundin na lamang ang utos ng aming minamahal na class president na wala namang nagawang tama sa buhay ko dahil lagi niya akong pinapahirapan sa pagdakip ng mga targets niya. Tamad na tao talaga siya.
"You're too kind, Class President Dex," maikli kong komento tsaka nagsimula nang tumakbo papunta sa direksyon ng magnanakaw. Medyo maraming tao sa paligid pero hindi naging hadlang para maabutan ko 'yung lalaking nagnakaw sa matanda.
"Kuya, ilang taon ka na bang nagnanakaw?" tanong ko sa kan'ya. Tiningnan niya naman ako, akala ko sasagutin niya na 'yung tanong ko pero hindi pala.
Bastos din pala ang mokong.
Medyo lumapit ako sa kan'ya tsaka sinipa ang tuhod niya na naging dahilan kung bakit siya tumilapon sa lupa. Too bad for him, mabilis pa naman 'yung takbo niya kanina, siguradong malakas ang impact niya sa sahig.
"Kapag tinatanong ka, sumagot ka. H'wag kang bastos." Kinuha ko 'yung maliit na pouch na lalagyan ng pera at tsaka tinapakan 'yung dibdib niya para hindi siya makatayo. Well, mukhang wala naman siyang planong tumakas dahil namimilipit pa rin siya sa sakit. "Oh ano? Hindi ka pa rin ba sasagot?"
"Tatlong taon! Tatlong taon ko nang ginagawa 'to!" Napailing-iling ako muli tsaka siya sinipa papunta do'n sa pader, tumama doon ang likod niya kaya mas nadagdagan pa 'yung sakit na nararamdaman niya kanina. May mga iilang tao na rin na nanonood sa amin pero wala akong pakialam.
"That explains a lot. You need more training," sabi ko tsaka hinablot ang buhok niya. Hindi na naawa ang lalaking 'to sa matanda. Dapat magsikap din siya para maging maayos ang pamumuhay niya, hindi 'yung mandadamay pa siya ng ibang tao para sa mga kailangan niya. How pathetic.
"Finish him." Napatingala ako no'ng narinig ko ang malalim na boses ng lalaki. Binitawan ko 'yung magnanakaw tsaka tinaasan siya ng kilay.
Kilala ko ang lalaking 'to, siya ang cladd president ng Class A. Si Class President Asmodeus.
"Why are you here?"
"Don't change the subject, Class Vice President Alhena." Napaiwas na lang ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Ayoko ng gulo, lalo na't nabibilang ang lalaking 'to sa Class A. Mahirap silang kalabanin.
"This is none of your business, Class President Asmodeus." Tatalikuran ko na sana siya pero bigla niyang hinawakan ang balikat ko.
"Alhena... such a beautiful name. I wonder, why are you in that rotten class?" Inalis ko ang pagkahawak niya sa balikat ko at tiningnan siya nang diretso sa kan'yang mga mata.
"Ikaw? President ka ng Class A, mataas ang tingin sa 'yo ng mga estudyante sa Lethal High, pero bakit ka nagkaroon ng interes sa bulok na klase namin? Threat ba kami sa 'yo?" sunod-sunod kong tanong. Wala naman kasi siyang karapatan na tawaging bulok ang klase namin. Oo, matatalino sila at magagaling, pero sobrang laki rin ng mga ulo nila. Mas importante para sa kanila ang mga rankings.
"That's enough," sabat ni Dex, lumayo naman ako kay Asmodeus tsaka tumabi sa president namin. Napapansin kong may iilang tao na rin na kumukuha ng pictures at videos sa amin pero mukhang wala talagang pakialam ang president ng Class A at ang president ng Class D. Mukhang mapapasabak na naman sa dyaryo ang eskwelahan namin.
"Dexter Morones," maikling tawag ni Asmodeus, umiling na lang si Dex at tuluyan na siyang tinalikuran.
"Wala kaming oras makipag-away sa 'yo. Marami pa kaming gagawin," sabi ni Dex at tsaka nagsimula nang lumakad, huminga na lang ako nang malalim at sumunod sa kan'ya. Hindi na rin kami pinigilan ni Asmodeus kaya tuluyan na kaming nakabalik sa gate ng Lethal High. Lumapit ako do'n sa matanda at binalik na sa kan'ya 'yung pouch niya na punong-puno ng pera.
"Maraming salamat! Paano ko ba masusuklian ang kabutihan mo?" nakangiting tanong sa akin ng matanda.
"H'wag na kayong magtinda sa tapat ng eskwelahan namin. Delikado ho, iyan lang naman ang mahihingi ko sa inyo." Hindi na siya nagsalita kaya pumasok na ako sa loob ng eskwelahan. Mukhang hindi kayang gawin ng matanda na 'yon ang sinabi ko, siguro bahala na siya, depende na rin naman 'yon sa kan'ya.
"You're really soft, Vice President Alhena." Inikutan ko na lang ng mata si Dex dahil sa sinabi niya.
"Ginawa ko lang kung ano 'yung pinagawa mo sa akin, don't overthink, Class President Dexter," paggagaya ko sa kan'ya. Napansin kong may iilang napapatingin sa amin, 'yung tingin na parang nandidiri. I can't blame them, lowest section kami kaya natural lang na gan'yan ang tingin sa amin ng mga taong makikitid ang utak.
Sa eskwelahan kasi na 'to, sobrang importante ng mga rankings ng bawat estudyante, matataas din ang tingin ng mga natural na estudyante sa mga class officers. Hindi kasi ang mga classmates namin ang pumili sa amin, kundi ang dean mismo. Si Dean Basilla. Siya rin ang nagmana ng lahat ng yaman ng kan'yang ama, at kasama na doon ang school na 'to.
Libre lamang ang pag-aaral sa Lethal High, walang tuition, libre ang paninirahan sa dorm, ang pagkain, ang uniform at kahit ano pa. Pero syempre, wala naman talagang libre sa mundong ito, there's always a catch. Hindi ko alam kung ano ang plano nila, pero kapag mas marami kang nagawang masama, mas magiging mataas ang rank mo sa eskwelahan, ang hindi lang allowed ay 'yung pagpatay, kaya naman takot na takot 'yung mga estudyante na galing sa ibang eskwelahan sa amin. Eskwelahan dae 'to ng mga kriminal, hindi nila naisip na baka gusto lang naman ng tao na 'yon na makapag-aral kaya siya pumasok sa Lethal High, katulad ko, wala na rin naman akong choice kundi pumasok dito.
"Ang lalim naman ng iniisip mo." Nilingon ko si Dexter dahil sa sinabi niya, nandito kami ngayon sa tapat ng classroom namin, sobrang gulo nga ng mga classmates namin, kung saan-saan na sila nakakapunta. Dagdag points din ba kapag magulo ang klase? Siguro hindi, palagi naman kasi kaming magulo pero hindi naman dumadagdag 'yung puntos ng klase namin.
Kalokohan.
"Class President Dexter," tawag ko sa kan'ya habang nakatingin sa mga kaklase ko mula sa pintuan.
"Ano na naman ang itatanong mo?"
"Sa tingin mo, saan sila bumabase ng mga ranks natin? Ano ang mga factors na nakaaapekto sa performance natin? Sabi nila, kapag mas marami kang bagay na ginawa na masama, tataas ang rank mo, pero 'yon lang ba talaga ang plano ng eskwelahan na 'to?" Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Dexter, mukhang na-stress siya dahil sa tanong ko sa kaniya. Tamad kasing mag-isip ang isang 'to, nagtataka nga ako kung paano siya naging president ng klase namin, e.
"Mahirap intindihin ang iniisip ng eskwelahan na 'to, lalo na si Dean Basilla, hindi natin alam kung ano ang kaya niyang gawin. Meron naman siyang nakakatandang kapatid," sabi niya. Hindi lang pala ako ang nagtataka sa pamamahala ng eskwelahan na 'to. "Well, as long as nakakapag-aral tayo nang mabuti at nang libre, walang problema 'yan sa 'kin."
"Napakatamad mo talaga kahit kailan, 'no?" Nagkibit-balikat na lamang siya at umupo na sa sarili niyang upuan, tumabi na rin naman ako sa kan'ya dahil magkatabi lang naman ang mga upuan namin. "Napansin mo ba 'yung mga mata ni Asmodues kanina?"
Tiningnan ko naman siya habang nakakunot ang aking noo.
"Bakit? Anong meron sa mga mata ng ugok na 'yon?" Medyo natawa siya dahil sa sinabi ko. Ipinikit niya rin ang kan'yang mga mata at isinandal ang kan'yang likuran sa upuan.
"Nothing. I might as well enjoy the show." Hindi ko na lang siya pinansin. Ang labo naman kasi ng sinabi niya. Tinanong niya ako, tapos sinagot ko siya tsaka tinanong ko siya pabalik, pero hindi na siya sumagot. Napakadaya lang. Kung hindi lang class president ang isang 'to, baka kanina ko pa siya binugbog. Well, bahala na rin naman siya, pabor na rin naman 'yon sa 'kin dahil hindi ko na kailangang mag-isip ng sagot sa tanong niya.
Napagdesisyunan kong magbasa na lang habang nagpapalipas ng oras kaya kinuha ko na ang libro ko. Ito ang pinakapaborito kong libro, maganda kasi ang pagkakasulat.
"Alhena," tawag na naman ni Dexter. Letse rin talaga, kung kailan magsisimula na akong magbasa, tsaka naman siya mang-iistorbo.
"H'wag mo 'kong istorbohin, Dexter. Wala akong pakialam sa sasabihin mo, lalo na't mukhang wala namang kwenta 'yang lalabas sa bibig mo," mataray na sabi ko. Ngumisi naman si Dexter bilang tugon.
"Bakit ayaw mong napunta ka sa Class A? Mas maganda ang opportunity na makukuha mo doon. You have the skills and the brains, kaya naman nakakapagtaka talaga na nandito ka sa Class D." Huminga ako nang malalim at napailing-iling. Sinasayang ko lang ang energy ko sa lalaking 'to, e.
"Naging magkaklase pa lang naman tayo last week, tapos you expect na kilala mo na kaagad ako? Are you nuts?" nakakunot-noo kong sabi at inilipat ang pahina ng librong binabasa ko, mas interesting pa 'tong libro ko keysa sa mga lumalabas diyan sa bibig ni Dex.
"See? You're brainy."
"I'm not. I just have that thing called common sense, pero mukhang wala kang gano'n kaya sorry ka na lang," pang-aasar ko sa kan'ya. Magsasalita pa sana siya pero nakuha ng isa naming kaklase ang atensyon naming dalawa.
"Class President Dexter at Class Vice President Alhena! Kailangan niyo pong makita 'to!" hinihingal na tawag sa amin ni Arthur, tumayo na rin naman kami ni Dex at sumunod na sa kan'ya, mukha kasing may nangyaring masama.
Paglabas na paglabas namin sa classroom, napatingin kami sa nakasulat sa pader. Nakasulat ang pangalan ng klase namin gamit ang pulang pinta, may iilan pang pinta na tumutulo kaya hindi pa ito tumagal ng limang minuto, meaning... nasa kabilang hallway pa lamang ang gumawa nito.
"Alhena," tawag sa akin ni Dex tsaka lumapit sa pader, sumunod na rin naman ako sa kan'ya. "What do you think?"
"Hmm... obvious na rin naman na hindi pa nakakalayo ang gumawa nito, pero ang tanong, anong klase naman ang gumawa nito sa 'tin?" Napangisi naman si Dex dahil sa tanong ko.
"Common sense, Vice President Alhena. Kung anong klase ang tumaas ang puntos ngayong week, 'yon na 'yon."
"We're not so sure about that. And there's something bothering me here, can you smell that?" tanong ko sa kan'ya tsaka kumuha ng kaunting pinta gamit ang daliri ko.
"Yeah. Kaunti lang, pero amoy na amoy ko.
Hindi lang kasi pure red paint 'to, dahil kahit kaunti lang ang nilagay nila, amoy na amoy pa rin namin ni Dex ang dugong hinalo nila sa pinta.
— — —
Lamentations 3:22–23
Because of the LORD's great love, we are not consumed, for His compassions never fail. They are new every morning; great is your faithfulness.