Download App
100% MULI

KABANATA 6

Third Person's POV

Excited si Marvin ngayong araw dahil isasauli ni Vicky ang kaniyang jacket. Ibig sabihin 'non eh makikita na naman niya ang dalaga.

"Oh, ang lakas ng amats mo diyan 'pre ah. Si miss byutipol na naman ba 'yan?" Sabi ni Edison sabay kumain ng tipipisong sitsirya.

"Sino pa ba 'pre? Alam mo namang kahit crush ko lang si Vicky, loyal ako 'don." Sagot niya naman sa kaibigan.

"Wow! Hanep ka 'pre ah. Vicky na pala tawag mo kay miss byutipol? At kailan naman kayo naging close?"

Muntikan nang masabi ni Marvin sa kaibigan ang nangyaring masama kay Vicky noong nakaraang araw. Mabuti na lang at naalala niya agad ang paalala ng dalaga na huwag ipagsabi sa iba ang nangyari sa gabing iyon.

"Siyempre naman, kahit ganito lang ako 'pre marunong din akong mag ninja moves. 'Wag mong ismolin ang pagiging hokage ko." Kompiyansa niyang sagot sa kaibigan sabay nag pogi pose.

"Aba't kailan ka pa natutong maging hokage 'pre? Isa ka kayang dakilang T-O-R-P-E. Torpe." Pang-aasar niya sa kaibigan sabay tawa.

"Ows? Pareho lang naman tayong torpe eh. At least ako hindi broken hearted, eh ikaw ba?" Bawi ni Marvin sa pang-aasar ni Edison sa kaniya.

Muntikan nang masamid si Edison sa kinakaing sitsirya.

"Nasa stage of moving on na kaya ako 'pre."

"Makakamove-on ka rin sa mukhang pera mong ex. Kapit lang."

"Maiba tayo 'pre, may plano ka bang ligawan si miss byutipol?" Seryosong tanong ni Edison sa kaniya.

"Hindi pa sira ang tuktok ko 'pre para manligaw sa kaniya. Oo, crush ko si Vicky pero hindi ibig sabihin 'non na liligawan ko na siya."

"Sabihin mo 'pre, torpe ka lang talaga. Saan na ba 'yong pagiging hokage mo?" Pang-aasar na naman ni Edison sa kaniya.

"Sira." Napatawa siya sa sinabi ng kaibigan.

"Alam mo 'pre walang lugar ang tulad nating mahihirap sa buhay ng mayayamang tao. Kaya't kahit crush ko lang siya, kontento na ako roon." Pahayag ni Marvin sa kaibigan.

"Sabagay. Pero... ilagay nalang natin na magkagusto rin sa'yo si miss byutipol. Hindi mo pa rin siya liligawan?" Patuloy na pangungulit ni Edison sa kaniya.

"Hay naku! Kung ano-ano nalang pinagsasabi mo diyan. Doon ka na nga lang sa eatery niyo." Saway niya sa kaibigan.

"Asar." Kantiyaw ni Edison.

Nagliligpit na ng kani-kanilang paninda ang mga katabing stall ni Marvin.

"Una na kami sa'yo pre. Ingat!" Paalam ng kaniyang kaibigang si Edison bago pinaandar ang motor. Tumango lang siya rito bilang tugon.

Alas otso y medya na pero hindi pa rin dumadating si Victoria. Naisipan na ni Marvin  na magligpit na rin ng kaniyang mga paninda.

"Siguro may importanteng lakad si Vicky. Di bale na nga, may next time pa naman."

Isa-isa niyang inilagay sa malaking supot ang kaniyang mga panindang sigarilyo, sitsirya, kendi at ang mga display na soft drinks naman ay inilagay na niya sa loob ng cooler. Ang mga diyaryo naman ay inirolyo niya at inilagay sa isang kahon. Abala siya sa pagliligpit nang may marinig siyang isang pamilyar na boses na tumawag sa kaniyang pangalan.

"Vin."

"Vicky?... Akala ko 'di ka dadating kaya nagligpit nalang ako ng mga paninda ko."

"Sorry if i'm late Vin. Alam mo na, finals. Daming kailangan habulin. Gosh, mabuti nalang at naabutan pa kita rito."

"Okay lang 'yon. Imbis na puntahan mo ako rito, umuwi ka na lang sana para magpahinga. Mukhang pagod ka yata."

Nakita ni Marvin sa mukha ng dalaga na medyo pagod ito. Marami din itong bitbit na libro at kung ano-anong papel. Kinuha niya ang bitbit ng dalaga at inilagay sa kaniyang kariton.

"Thanks."

May kinuha si Vicky sa kaniyang bag at ibinigay niya ito kay Marvin.

"Here's your jacket Vin. Thank you for letting me borrow it." Abot niya rito.

"Ano ka ba. Wala 'yon." Nahihiyang tugon niya sa dalaga. Parang nagiging pipi siya kapag kaharap ang kaniyang crush. Di niya alam kung ano pa ang pwedeng sabihin dito.

"By the way Vin, i'm starving right now. Kain tayo ng dinner sa labas." Sabi ng dalaga habang hawak ang kaniyang tiyan.

"Ah... Eh ..." Napakamot si Marvin sa kaniyang ulo. "Konti lang kasi ang pera ko ngayon Vicky, medyo matumal ang benta ko ngayon."

"Silly. It's my treat. Bilang pasasalamat ko na rin sa'yo Vin. I won't take no for an answer."

"Per-"

"No buts. Let's go." Hinila ni Victoria ang braso ni Marvin. Pero umangal pa rin ang binata.

"Teka lang Vicky."

"What?!" Iritang saad ng dalaga sa kaniya. Gutom na kasi siya at heto si Marvin nagpapa hard to get pa.

"Kasi hindi pwedeng iwanan ko lang 'tong kariton dito sa daan Vicky eh."

"Gosh, I forgot. Well, papapuntahin ko na lang 'yong driver ko rito para may bantay. Is that a deal?"

"Nakakahiya naman Vicky eh."

"Mamaya na 'yang hiya-hiya Vin. Gutom na talaga ako. Let's go na." Hinila siya ulit ni Vicky at tuluyan na nilang nilisan ang pwesto niya.

Nasa harap na silang dalawa sa isang Japanese restaurant. Isa ito sa mamahaling restaurant sa bansa. Papasok na sana silang dalawa pero nag atubili si Marvin dahil may kamahalan ang restaurant na 'yon. Iginiit niya kay Vicky kung pwedeng sa Jollibee,Chowking or Mcdo na lang sila kumain, pero di nagpatinag si Vicky. Hinila na naman siya nito papasok sa Japanese restaurant.

"Order ka lang Vin. Huwag kang mahiya ha?" Sabi ni Vicky sa kaniya.

"Ah...Kung anong sa'yo, 'yon na rin order ko." Sabay kamot sa kaniyang batok.

Nginitian siya ni Vicky at tinawag na nito ang waitress at nag order na siya.

Nag order siya ng Sushi, Yakitori, Tempura Tamagoyaki, Curry Rice at Wagashi for dessert.

Nag-usap muna sila habang naghihintay sa kanilang inorder.

"This is my favorite restaurant Vin. That's why pinilit talaga kita rito. I just want it to share with you."

"Ah... Okay lang Vicky. Sa susunod ako naman manlilibre sa'yo."

"Sure."

"Pero di ko pa afford na ilibre ka sa ganitong resto." Nahihiyang saad niya sa dalaga.

"Okay lang 'yon uy. Saan mo ba ako ililibre?" Tanong niya rito.

"Uhmmm..."  Nag-isip muna siya kung saan niya pwedeng ilibre si Vicky. "Nakakain ka na b-"

"Mam, sir here's your food. Enjoy!" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil dumating na ang order nilang pagkain.

"Vin let's bless the food before we eat."

Nag-alay muna sila ng maikling panalangin bago kumain.

"Ang dami naman nito Vicky. Baka di natin 'to maubos."

"I'm a big eater and besides I told you earlier that I am starving so don't worry."

Nagsimula na silang kumain at nagtatanong din si Marvin kung ano ba ang tawag sa mga pagkain na inorder nila.

"This is Tamagoyaki or Japanese omellete. You can eat it alone or you can use this as a topping for the sushi."

Nagslice ng konti si Vicky sa Tamagoyaki at inilagay ito sa ibabaw ng sushi. "I like to eat it like this." Sabay kinain ito. "Heaven!"

Sinubukan din ni Marvin ang ginawa ni Vicky at totoo ngang masarap ito.

First time na makatikim ng Japanese food ni Marvin at nagustuhan niya din naman ito. Lalong-lalo na at kasama niya pa ang kaniyang crush.

Pagkatapos nilang kumain ay umuwi na rin sila agad dahil medyo malalim na ang gabi.

Nag take-out din si Vicky ng Japanese food at ibinigay ito kay Marvin. Nahihiya man ay tinagggap din naman ito ni Marvin. Wala naman din siyang magawa dahil iniabot na ito ni Vicky sa kaniya.

"Thanks for the company tonight Vin... Bye!" Paalam ni Vicky bago tuluyang pumasok sa kaniyang kotse.

Inilagay niya sa kariton ang mga ibinigay na pagkain ni Vicky sa kaniya at itinulak na ito pauwi.

Habang binabagtas niya ang daan patungo sa kanila, biglang pumasok sa kaniyang isipan kung magkakagusto rin ba sa tulad niyang isang anak-pawis ang isang babaeng mulat sa karangyaan.


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C8
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login