Download App
87.5% MULI

KABANATA 5

VICTORIA ISABELLE'S POV

"What the hell are you talking about Ken?" Pagalit na tanong ni tito Felipe sa pamintang si Ken.

"What is this all about Ken?" Tanong ko sa kanya para kunware wala akong alam sa lahat. HAHAHA

"I said, I am gay. Bakla, bading, bayot. Nagkakagusto sa kapwa lalaki." Seryosong tugon ni paminta sa kanyang daddy. Namula na sa sobrang kahihiyan at galit si tito Felipe. I can't blame him kung ganoon ang magiging reaksyon niya. I mean si Ken lang 'yong nag-iisang anak nilang lalaki tapos naging barbie pa.

"Ken, this is just a prank right?" Tanong naman ni tita Amara. Naguguluhan na rin sina mommy and daddy sa mga pangyayari. Napatakip nalang si mommy sa kaniyang bibig at si daddy naman eh medyo nagulat sa confession ni Ken.

"No mom. This is not a prank. Nagsasabi po ako ng totoo." Paninindigan ni paminta.

Woah, bilib din ako sa fighting spirit ni Ken. Alam ko naman, deep inside gusto niya na ring magladlad. Ang hirap kaya 'nong itago for how many years. Even me, hindi ko napansin na isa pala siyang paminta all this time. Naghire lang ako ng isang private detective para manmanan siya and this lead me to know that he's gay. May pa selos2 pa siyang nalalaman tuwing may kausap akong ibang lalaki sa school. Siguro para masabi ng iba na straight siya at para hindi siya pagdudahan ng ibang tao.

"Ken Felix! Stop saying useless things or else kukunin ko 'yung black card mo!" Sumisigaw na ngayon si tito Felipe. Pinakalma naman agad ito ni daddy.

"Felip, huminahon ka muna. Let's hear from Ken." Sabay tumingin si Daddy kay Ken.

"Ijo, kindly explain this to us. Naguguluhan kami sa sinasabi mo."

"Matagal ko nang itinatago ito sa inyo mom and dad. Alam ko naman kapag nalaman niyo na bakla ako eh ikakahiya niyo ako baka nga itakwil niyo pa ako. Ang sakit, ang hirap na ilihim nang matagal ang totoo kong pagkatao. Feeling ko nga rin minsan niloloko ko na nga lang ang sarili ko dahil hindi ko maipahayag sa lahat kung sino ang totoong ako." Tumutulo na ang luha ni Ken habang nagsasalita.

I feel sorry for him. I truly am.

"Naiintindihan ko naman kayo eh lalo kana dad. Public figure ka, isa kang senador na against sa SOGIE Bill tapos ang anak mo eh isa palang paminta. How ironic right? Ano nalang kaya ang sasabihin ng mga tao pag nalaman nila 'yun. Ayokong pagpiyestahan ng media ang pamilya natin. Ayokong masira sa publiko ang pamilya natin kaya kahit mahirap eh itinago ko sa inyo ang lahat pati na ang totoo kong pagkatao. Sana naman maintindihan niyo ako mom and dad. Hirap na hirap na po talaga ako." Sabay napahagulhol si Ken sa sinambit niyang huling kataga. Muntik na nga rin akong maiyak.

This is the second time I saw my mom shed  real tears. Naiyak din siya sa sinabi ni Ken while my dad had a blank expression on his face. I can't read his emotions.

Inalo ni tita Amara ang kaniyang anak na humahagolhol na sa pag-iyak.

"Oh my baby. I didn't know all of this" sabay niyakap niya si Ken habang umiiyak na rin. "Hindi ko alam na may mabigat ka na palang pinagdadaanan anak."

"Stop this nonsense Ken Felix! Hindi na kita kikilalaning anak oras na malaman ng publiko kung anong pagkatao mo!" Umaalingawngaw ang sigaw ni tito Felipe sa loob ng dining area. Galit na galit pa rin si tito Felipe.

"Felipe! Hindi ka ba naawa sa anak mo?" Sigaw din ni Tita Amara.

Since hindi nadala sa madramang confession ni Ken si tito Felipe, I think it's time to drop the bomb.

"Ano dad? Hindi mo tanggap na may anak kang bakla? Ikakahiya mo ako, ganun? Kung itatakwil mo ako bilang anak mo pwes ipagkakalat ko ang mga pictures na 'to sa internet!" Sabay lapag ng isang envelope na may lamang malalaswang larawan. "Kung kanina, sinabi kong ayokong masira ang figure mo sa ibang tao. Binabawi ko na ito ngayon dad." Sabay punas ng luha sa kaniyang mga mata. "Ang selfish mo dad, gusto ko lang namang maging malaya."

Binuksan ni tito Felipe ang envelope at gulat na gulat siya sa nasaksihan. Nabitawan niya ang mga litrato at nagkalat ito sa buong mesa. What a mess!

Gulat na gulat din sina mommy, daddy at tita Amara sa mga nakitang litrato. Nagkunwari din akong nagulat sa aking nakita.

"Ken? What are these things?" Patay malisya kong tanong sa kaniya.

"Walang'ya kang bakla ka!" Tumayo si tito Felipe sa kaniyang upuan at sinugod nang suntok si Ken.

"Filipe tama na!" Awat ni tita Amara sa kaniyang asawa.

Inawat din ni daddy si tito Felipe. Napatayo rin ako at si mommy sa ginawang pagsuntok niya sa kaniyang anak.

"Now you already called me bakla. I think you're starting to accept me for who I am." Sabi ni Ken habang nakangisi.

MISSION SUCCESS!

------------------------------------------------------------

Papauwi na kaming tatlo sa bahay. Nasa backseat kami ni mommy at nasa front seat naman si daddy.

Bago kami umuwi, humingi nang maraming pasensya si tita Amara sa mga nangyari kanina. She also said na pupunta silang dalawa sa Japan ni Ken, doon daw muna sila titira for a couple of years para pakalmahin ang mga pangyayari. And the most important thing na sinabi niya sa parents ko is wala nang kasalang magaganap. Napagdesisyunan daw nila agad ito ni tito Felipe sa kahihiyang ginawa ni Ken. She said sorry to me many times especially sa parents ko. Tinanggap din naman nila mom and dad ang desisyon ng pamilya Ortega.

"Well, Vicky ok lang ba sa'yo na hindi na matutuloy ang kasal niyo ni Ken?" Tanong ni mommy sa akin. Hindi pa ba obvious 'yong sagot sa tanong? Geez!

Tumango lang ako bilang tugon at para wala na rin akong masabing masama.

"Don't worry marami rin naman kaming kakilala ng daddy mo na mga bachelors from a well-off family." Walang kagatol-gatol na sabi ni mommy. Nainis ako sa sinabi ni mommy, para niya lang akong ibinubugaw sa ibang lalaki.

"Mom! Let's not talk about this please."

"Ija, hindi ka namin pwedeng ipagkatiwala sa kung kaninong lalaki lang. Maraming opurtunista sa panahon ngayon." Sabi naman ni daddy. "You'll understand our point if you will grow older." Dagdag pa niya.

Napayuko na lang ako sa sinabi ni daddy. Wala talaga akong kakampi sa kanilang dalawa kung pag-uusapan ang love life. Kung sa ibang aspects naman suportado nila ako gaya ng pagpili kung anong gusto kong kurso at kung saang school ko gustong mag-aral, pagsuporta nila sa pagmamahal ko sa arts, (Yes! Nagpapaint din ako), at sinusuportahan din nila ang hobby ko sa photography. They even bought me an expensive camera and they also enrolled me in a photography class.

Pero anong silbi ng mga 'yan kung makakasal lang din naman ako sa lalaking hindi ko mahal. If I would start to imagine it, I think my life would be miserable. Kaya siguro palaging nag-aaway sina mom and dad kasi resulta rin sila ng arrange marriage. Kulang sila sa pagmamahal sa isa't isa. Ayokong maging katulad nila kapag nagkapamilya na rin ako.

"Just drop me here." Sabi ni mommy. Nasa harap kami ng isang 5 star hotel and casino.

"Ynez, magka-Casino ka na naman?" Pagalit na tanong ni daddy kay mommy.

"I'm stressed David." Sabay lagay ng lipstick. "Sa nangyari ba naman kanina, sinong hindi ma iistress diba? At isa pa pera ko naman ang ginagastos ko dito no. Don't worry hindi pa mauubos ang pera ko."

"But-" magsasalita na sana si daddy pero lumabas na si mommy sa sasakyan. Nag wave nalang si mommy sa amin bago tuluyang tumalikod at pumunta sa entrance ng Casino.

Napabuntong-hininga nalang kaming dalawa ni daddy.

"She's still a spoiled brat even at her age." Sabi ni daddy.

Nang nakarating na kami sa bahay ay nag quick shower muna ako bago nagbihis ng pantulog. Gosh, i'm so tired.

I just stared on the ceiling for a while. At nang bumangon ako, nahagip ng aking mata ang jacket ni Vin. Good, nalabhan na pala ni Jelay. Supposedly, ngayon ko isasauli ang jacket ni Vin kaso natagalan kami doon sa bahay nina Ken, so bukas na lang.

"Teka nga lang, baka may facebook account si Vin. Mag memessage nalang ako sa kaniya kung bakit hindi ko nasauli 'yong jacket niya. Baka kasi naghihintay 'yong tao."

Tinap ko ang seach bar at itinayp ko ang name niya.

Marvin Flandez

Nakita ko agad ang account niya. I clicked it at nag add friend ako sa kaniya.

Marvin Flandez (Cool Guy)

Ang cute-cute lang ng nickname niya. Napasmile ako ng konti.

Tinap ko ang message button.

Marvin Flandez (Cool Guy)

Active 5 minutes ago

Sayang di ko sya inabot na naka online. Di bale mag leleave nalang ako ng message.

"Hi Vin! It's me, Vicky. Hindi ko pala nasauli iyong jacket mo ngayong araw kasi may importante kaming lakad ng parents ko. I hope you'll understand. Bukas ko na lang 'to ibabalik sa'yo. Goodnight :)"

After I sent him a message, I turned off the WiFi and went to dreamland.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C7
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login