Download App
62.5% MULI

KABANATA 3

"S-salamat." Tipid na sabi ni Victoria kay Marvin.

"Naku, wala iyon. Kahit sino naman siguro gagawin din iyong ginawa kong pagtatanggol sa'yo kanina."

"Ano pala name mo?"

"Ha?" Medyo nabigla si Marvin sa tanong ng dalaga. "Ah... Eh... Ako nga pala si Marvin. Vin for short"

"I'm Victoria, you can call me Vicky." Sabay lahad ng kaniyang palad sa binata at nagbigay ng isang ngiti.

Inabot naman ni Marvin ang palad ni Victoria kahit medyo nanlalamig ito dahil sa kaba at tuwa. "Pasensya kana V-Vicky at makapal 'yung kalyo ko sa kamay." Nahihiyang pahayag ni Marvin sa dalaga.

"Sign lang 'yan na nagsisipag ka sa trabaho kaya no worries hindi naman ako maarte."

Napahanga si Marvin sa ipinakitang kabaitan ni Victoria. Mas lalo niya itong gustong kilalanin pa.

"By the way Vin, I like your house. It's cute and cozy." Habang pinagmamasdan ni Victoria ang loob ng bahay. "Ang linis din ng bahay niyo. Everything is all in the right place." Puri ni Vicky sa simpleng bahay nina Marvin.

Made of light materials lang ang bahay nila Marvin. May dalawang kwarto, maliit na sala, kusina, hapag-kainan at banyo. Wala silang masyadong gamit, bukod sa isang surplus na T.V., portable speaker na nasa tabi rin ng T.V., bamboo sala set, at electric fan.

"Naku, ang liit nga lang ng bahay namin kung ikokompara sa bahay niyo. Siguro sa isang malaking mansion ka nakatira."

"What's the use of living in a fancy house if my life is as miserable as hell?" nakayuko si Vicky habang nagsasalita, mararamdaman mo ang lungkot sa kaniyang boses. "Palagi nalang nag-aaway ang parents ko. I don't know why they are like that."

Nahabag si Marvin sa kwento ni Vicky. Oo nga naman, nakatira ka sa isang magarang bahay at may marangyang buhay pero hindi ka naman masaya. Mas mabuti pang maging isang simpleng tao pero masaya namang namumuhay.

"Ngapala Vin. Whatever happens, huwag mong ipagsasabi kahit kanino ang ginawang kagaguhan ni Ken sa akin kanina." Medyo lumapit ng bahagya si Vicky sa kinauupuan ni Marvin at hininaan niya ang kaniyang boses. "Don't even tell it to your parents. Even to your closest friend. Ken's family is influential; I don't want you and your family to get involved in this."

Napakunot ang noo ni Marvin sa sinabi ng dalaga. "Huh? Bakit naman? Baka ulitin pa ng gagong iyon ang ginawa niya sa'yo Vicky."

"Don't worry. I can handle him." Sabay pakawala ng isang matipid na ngiti. "Huwag ka na ring mag-alala na baka balikan ka ni Ken sa ginawa mong pagligtas sa akin. Ako na ang bahala sa kaniya."

"Nag-aalala lang ako Vicky baka saktan ka niya ulit." May bahid ng pag-aalalang sabi ni Marvin kay Victoria.

Umiling lang si Victoria bilang tugon. "I can really handle that jerk."

Tumunog ang phone ni Victoria. Kinuha niya agad ito sa kaniyang bag.

"Gotta go Vin, nandito na 'yung driver ko." Sabay kuha sa kaniyang bag. "By the way, I'll return this jacket tomorrow." Sabay pakawala ng isang ngiti.

"Ihahatid na kita sa labas Vicky."

"No thanks, mas mabuti pang magpahinga ka na lang Vin." Tumayo na si Vicky at naglakad papuntang pinto. "See you tomorrow... and thanks for the concern."

"P-pero..."

"Bye!" sabay bukas ni Vicky ng pinto at tuluyan na itong lumabas ng bahay nina Marvin.

VELEZ' RESIDENCE

"Where's Mom and Dad, Manang Senya?"

"Si Sir David po mam may business meeting. Si Mam Ynez naman po nagpunta sa Casino kasama 'yung mga kaibigan niya."

Napailing nalang si Vicky sa narinig niya kay Manang Senya. What's new diba? Palagi nalang wala ang parents ni Vicky everytime umuuwi siya galing school. Kinabukasan naman, ang almusal niya ay ang away at sigawan ng kaniyang ama't ina.

"Mam Vicky, ipapainit ko muna kay Jelay 'yung ulam para makakain ka na po ng hapunan."

"Huwag na po Manang. Kindly tell Jelay nalang po na magpapahatid nalang ako ng gatas and some cookies sa kwarto ko mga 30 minutes from now."

"Okay po mam Vicky."

Pumunta na agad si Vicky sa kaniyang kwarto upang magbihis at mag-shower. Kalalabas lang niya galing ng banyo at saktong may kumatok.

"It's open." Malakas na sabi ni Vicky sa kung sino mang tao ang kumatok.

"Heto na po 'yung milk at cookies mo mam Vicky." Sabay lapag ng kasambahay sa isang tray na may gatas at cookies sa side table.

"Thanks, Jelay. Ikaw rin magpahinga ka na, it's almost 11 pm na oh." Sabay turo sa wall clock. "Huwag kang masyadong magpupuyat diyan sa mga oppa mo."

"Mam naman eh, sila na lang nagpapakulay sa boring kong buhay, ipagkakait mo pa sila sa akin." Sabay naka pout pa si Jelay.

"Duh, whatever basta pag 12 midnight, WiFi is already off." Umupo si Vicky sa kaniyang drawer table at nagsuklay ng kaniyang buhok.

"Sige po mam. Kdrama and Kpop is life po kasi mam." Sabay pakawala ng mahinang tawa. "Wala na po ba kayong ibang ipag-uutos mam?" Umiling lang si Vicky bilang tugon sa tanong ni Jelay. Napangiti naman ang kasambahay at biglang...

"Kyaaaaaaaaaaaaah! Maipapatuloy ko na ang panonood ng Crash Landing On You. Captain Ri I'm coming... Bye po mam" Sabay bukas nito sa kaniyang pinto at lumabas na ng tuluyan sa kaniyang kwarto.

"Sira ulo." Napangiti na lang si Vicky sa inasal ni Jelay kanina. "Nowadays, marami talagang nababaliw diyan sa Kpop at Kdrama. I don't know why." Sabay pahid ng night cream sa kaniyang mukha.

Pagkatapos na kumain ng cookies at uminom ng gatas ay agad namang nakatulog na ng mahimbing si Vicky.

Natupad na niya ang matagal niyang pinaplano para kay Ken.... Well, everyone has its darkside ika nga.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login