Download App
50% MULI

Chapter 4: KABANATA 2

Alas singko na ng hapon. Dismissal na ng mga mag-aaral sa St. Agnes Medical School. Excited na excited na si Marvin na makita ulit ang magandang babae kanina.

"Pare, kanina ka pa ngiti nang ngiti ah. Natitimang ka na ba?" sabay hithit ni Edison sa sigarilyo. "May hinihintay ka ba? Kanina ka pa linga ng linga diyan." Tanong ng kaibigan niya habang may lumalabas pang usok galing sa bibig nito.

"Oo pare iyong kinuwento ka sa'yong babae. Iyong magandang bumili sa akin ng mga diyaryo kanina." Bakas ang kasiyahan sa mukha ni Marvin, "Victoria Isabelle E. Velez..." sambit niya ulit sa pangalan ng babae.

"Mahigit sampung beses mo nang inulit ang pangalan ng chicks mo pre ah. Para ka ng isang legit na timang diyan." Sabay tawa ni Edison at itinapon sa kalsada ang kaniyang upos na sigarilyo.

"Tumahimik ka nga diyan pre, paparating na siya oh. Papunta na siya rito." Sabi niya sa kaibigan. At oo nga papunta na sa kaniyang puwesto si Victoria. Ngunit, may kasama itong lalaking nakaakbay pa sa kaniya. Kung titingnan ang kaniyang kasamang lalaki eh di maitatanggi na galing ito sa isang mayamang angkan. Matangkad, matikas ang tindig, mestizo, bahagyang makulot ang buhok na bagay din naman sa mukha nito habang siya eh medyo may pagka maitim ang balat dahil na rin sa araw-araw ay bilad siya sa init, medyo mahaba na rin ang kaniyang buhok at balbas dahil minsan nakakalimutan na niyang magpagupit sa barbero at mag-ahit, matangkad din naman siya pero kung ikokompara siguro siya sa mga type ni Victoria eh wala talaga siyang panama. Wala siyang maipagmamalaki.

"Uy ano ba 'yan pre, taken na pala 'yung chicks mo oh. Kung makaakbay naman 'tong kumag na 'to akala siguro eh aagawin 'yung girlpren niya." Sabi ni Edison sabay dumura sa kalsada.

"Huwag ka ngang maingay pre baka marinig ka pa eh kita mo naman na malapit na sila dito sa puwesto ko." Saway niya sa kaibigan.

Nasa tapat na ng kaniyang puwesto si Victoria at ang boyfriend nito.

"Excuse me po kuya, kukunin ko na po iyong binili kong mga diyaryo kanina." Magalang na sabi ni Victoria sabay ngumiti ito sa kaniya. Ginantihan niya rin ng ngiti ang babae.

"Ay, oo ito na miss byutipol. Inilagay ko na sa supot para 'di na kayo mahirapang bitbitin 'yan." Sabay ibinigay niya sa babae ang isang malaking supot na naglalaman ng mga diyaryo.

"Give it to me babe." Tiningnan ng masama si Marvin ng boyfriend ni Victoria.

"Aba't inaano ka ba ng kaibigan ko? Ba't ang sama ng tingin mo sa kaniya? Kupal ka pala eh." Susugurin na sana ni Edison ang lalaki pero pinigilan siya ni Marvin.

"Don't you dare call my girlfiend again like that dude." Matalim siyang tinitigan nito sa mata. Nakipagtagisan din siya ng tingin sa boyfriend ng babae.

"Here we go again Ken. Stop it!" Suway ni Victoria sa kaniyang boyfriend. "Let's go." Hinila na ni Victoria ang kaniyang boyfriend palayo sa puwesto ni Marvin. Lumingon siya kay Marvin at namutawi sa kaniyang bibig ang salitang 'sorry'. Ginantihan niya lang ito ng tipid na ngiti at pagkatapos ay tinanguan niya ito.

"Ano pre reresabakan natin ang kumag na 'yun? Ang yabang-yabang eh akala mo kung sino." Sabay hithit na naman ni Edison ng sigarilyo.

"Huwag na pre. Pabayaan mo na ang kupal na 'yun."

"Sus, pinapapa-iral mo na naman ang pagiging mabait mo pre." Sabay buga nito ng usok.

"Hindi kasi ako sanay pre na maging marahas sa ibang tao. Kita mo naman pamilya ko diba. Iyong nanay at tatay ko mga relax lang, kalma lang parang 'di marunong magalit. Sabi pa ni nanay 'Kapag binato ka nang bato, batuhin mo ng tinapay.' Ganyan kasi kami pinalaki pre."

"Oo nga naman pre. Mabuti pa ermat mo 'di warfreak. Ang ermat ko naman kabaliktaran ng ermat mo. Talak ng talak kahit wala ka namang ginagawang masama. Kaya nga naisipan kong lumayo 'nung naging kami ng ex ko." Sabay tinapakan ni Edison ang naupos na niyang sigarilyo. "Hindi rin ako magtatagal dito sa atin pre. May mga pangarap din kasi ako."

"Saan ka na naman pupunta pre?" Tanong ni Marvin sa kaibigan habang inabutan niya ng sukli ang bumili sa kaniya.

"Mag-aabroad ako pre. Nag-apply ako bilang welder sa Japan. Magagamit ko na rin 'yung natapos ko sa TESDA. Naghihintay nalang ako ng tawag ng agency." Malungkot na napangiti si Edison pagkatapos niya itong sabihin. "Ito sana 'yun eh, ito 'yung sorpresa ko para sa kaniya. Unti-unti na sana naming matutupad ang mga pangarap naming dalawa pero anong ginawa niya? Naghanap siya kaagad ng iba." Malungkot na saad ni Edison sa kaniyang kaibigang si Marvin habang pinagmamasdan ang picture ng dati niyang kasintahan. "Mahal ko pa rin 'tong babaeng 'to eh kaya lang ginawa niya akong gago. Mga hayop." May halong galit na ang kaniyang boses at nangingilid ang kaniyang luha.

Hinawakan ni Marvin ang balikat ng kaniyang kaibigan para i-comfort ito.

"Ibig sabihin lang 'nun pre 'di ka sapat para sa kaniya. Kung mahal ka talaga ng ex mo hinding-hindi ka niya magagawang saktan ng ganyan. Kung mahal ka talaga ng isang tao susuportahan ka niya sa lahat ng mga ginagawa mo sa hirap man o ginhawa." Napayuko si Edison sa sinabi ni Marvin sa kaniya. "Huwag kang mag-alala pre darating din ang babaeng para sa'yo. Iyong tatanggapin ka kung sino ka at tatanggapin 'yung buong pagkatao mo. Iyong babaeng, ikaw lang sapat na." Narinig ni Marvin ang pagsinghot ng kaibigan. "Makakalimot ka rin pre. Empi lang katapat niyan." Tuloy-tuloy pa rin sa pagsinghot si Edison. "Iiyak mo lang lahat pre pero pwede ba pre doon ka na lang sa bahay niyo umiyak ng ganyan. Tumutulo pa 'yung uhog mo eh at pinagtitinginan na rin tayo ng mga tao." Biro niya sa kaibigan. "Oh ito tisyu, punasan mo 'yang mukha mo." Inabot din naman ito ng kaniyang kaibigan.

"Salamat pre ah." Sabay punas ni Edison sa kaniyang mukha at suminga pa ito.

"Kadiri ka pre." Biro pa ni Marvin sa kaniyang kaibigan. Napatawa nalang silang dalawa.

"Edisoooooooon! Halika na rito sa karenderya, tulungan mo na akong magligpit dito." Sigaw na naman ng nanay ni Edison.

"Alis na ako pre. Magtatalak na naman ermat ko nito. Bukas naman. Bye!" dali-daling tumayo si Edison sa kaniyang upuan at tuluyan ng umalis sa puwesto ng kaibigan.

"Alas sais y medya na pala." Nag-unat-unat muna si Marvin bago niya iniligpit ang kaniyang mga paninda para siya'y makauwi na rin.

Tulak-tulak ni Marvin ang kaniyang kariton sa isang madilim na eskinita. Sanay na naman siya ritong dumaan kasi kilala na siya ng mga tambay dito kaya hindi na siya kinakabahan. Habang tahimik niyang tinutulak ang kaniyang kariton ay may narinig siyang boses ng isang lalaking galit na galit.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo ha na 'stop flirting with another men!"

Magpapatuloy na sana si Marvin sa pagtutulak ng kaniyang kariton nang narinig niya ang isang pamilyar na boses, hindi niya lang sigurado kung kanino.

"Anong flirting ba ang sinasabi mo diyan, ang hirap kasi sa'yo lahat nalang ng bagay pinagseselosan mo." Depensa naman ng babae sa galit na lalaki. "Alam mo? Mabuti pang magbreak na tayo. Nasasakal na kasi ako sa relasyong 'to. You're a control freak!"

Naki-usyoso si Marvin sa dalawang taong nag-aaway. Papunta siya sa direkson ng mga 'to pero nagkubli siya malapit sa isang malaking poste para 'di siya makita. Hindi niya masyadong makita ang mukha nang nag-aaway dahil medyo madilim.

"You can't do this to me babe! I'm sorry"

"Babe mo mukha mo. Kainin mo 'yang sorry mo. Parati nalang kitang pinapatawad pero 'di ka naman nagbabago. Lahat nalang nang walang kwentang bagay pinagseselosan mo. We're done and it's final." Naaninag ni Marvin ang anino ng babae, paalis n sana ito ng bigla itong hinablot ng lalaki.

"You can't do this to me! You know I love you so much kaya ako nagkakaganito!"

"Ano ba! Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako Ken!" sigaw ng babae.

Biglang pumasok sa isip ni Marvin ang pangalang Ken. Ito ang pangalan ng boyfriend ni Victoria. Kaya siguro pamilyar sa kaniya ang boses ng babae kasi ito ay si...

"Ano ba! Tigilan mo 'yang ginagawa mo Ken! Bastos ka! Ahhhhhh! Tulong!" malakas na sigaw ng babae habang umiiyak. Pinupunit na kasi ng lalaki ang kaniyang damit. "Tama na Ken please!" pagmamakaawa pa ng babae.

"You're mine Vicky! Only mine!" Tila walang naririnig ang lalaki. Hinahalikan na niya ng marahas ang babae at pinupunit niya rin ang damit nito. "You're gonna pay for doing this to me b*tch!"

"Gago ka!" malakas na sigaw ni Marvin habang tumatakbo papunta sa direksyon ng dalawa. Sinalubong niya nang malakas na suntok sa mukha ang lalaki. Napahiga sa sahig ang lalaki sa lakas ng suntok ni Marvin. Dali-dali niyang hinubad ang kaniyang jacket at ibinigay ito sa babaeng gutay-gutay na ang suot na damit. Pagkatapos niya itong mai-abot sa babae eh hinawakan siya sa balikat ng lalaki at dinambahan siya ng suntok. Mabuti nalang at nailagan niya ito agad at ginantihan niya ng suntok sa tagiliran ang lalaki. Nasapul niya ang lalaki at napaluhod ito sa sahig. "You're gonna pay for this Vicky pati na rin ikaw na pakialamero ka!" banta ng lalaki habang dumadaing ito sa sakit.

Sinamantala nina Marvin at Victoria ang panghihina ni Ken. "Kaya mo bang tumakbo?" tanong niya sa babaeng naginginig pa rin sa takot. Tumango lang ito. Hinawakan niya ang kamay ng babae at hinila na ito papalayo sa bayolente nitong kasintahan.

Tumakbo sila papalayo at dinala ni Marvin si Victoria sa kanilang bahay. 


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login