Download App
37.5% MULI

KABANATA 1

Alas kuwatro pa lang nang umaga, inihanda na ni Marvin ang gagamiting kariton para sa paninda niyang mga diyaryo, sigarilyo, kendi, softdrinks at iba't ibang klase ng sitsirya. Pagkatapos niyang naayos ang kanyang mga paninda ay naligo na siya at nagkape. Bago pa lang pumutok ang araw ay nakaalis na siya ng kanilang bahay para maghanap-buhay.

"Nay, tay, aalis na po ako." sabay mano sa kaniyang mga magulang na nagkakape sa kanilang hapag-kainan. "Nay ipahatid mo nalang kay totoy mamayang alas otso ang inorder kong yelo kay Manang Yuling para pampalamig sa mga panindang softdrinks." Bilin niya sa kanyang ina bago siya tuluyang umalis ng kanilang bahay.

Hindi na pinagtrabaho ni Marvin ang kaniyang mga magulang simula noong nakapagtapos siya ng high school. Lalo na 'nung na heat stroke ang kanyang ama dahil kahit tirik ang araw ay nagbabanat pa rin ito ng buto. Ipinatigil niya ang kanyang ina sa paglalabandera para ito na ang mag-alaga sa kanyang amang na stroke. Mag mula noon ay siya na ang tumaguyod sa kaniyang pamilya. Siya na rin ang nagpapa-aral sa kaniyang nakababatang kapatid na si Richard. Na sa unang taon na si Richard sa kolehiyo sa kursong Bachelor in Secondary Education major in Mathematics. Nakapasok ang kanyang kapatid sa isang unibersidad kung kaya't wala na siyang aalahanin para sa pangmatrikula nito kung kaya't ang allowance nalang ng kaniyang kapatid ang kaniyang pag-iipunan kada linggo galing sa kaniyang munting hanap-buhay.

Nakapwesto ang kariton ni Marvin malapit sa isang pribadong paaralan malapit sa kanilang barangay. Kahit na halos lahat ng mga estudyante sa St. Agnes Medical School ay mayayaman marami pa rin sa kanila ang dumarayo sa kanilang mga puwesto para bumili ng streetfoods. Hindi lang kasi si Marvin ang nakapwesto doon, may nagtitinda rin ng mga streetfoods, dirty ice cream, may maliit na karenderya rin doon, nagtitinda ng sweetcorn at marami pang iba. Nasa humigit kumulang labinlimang tao ang nagtitinda malapit sa paaralang iyon. Hindi naman sila sinisita ng school. Tuwing lunch break at dismissal nila na 5:00 pm ay dinadagsa sila ng mga estudyante. Tapos may mga drayber pa ng toda na tumatambay doon kaya kahit papaano ay nagkakaroon din siya ng income.

"Kuya, ito na po ang yelo. Hindi na po ako magtatagal kasi may pasok pa po ako ngayong umaga." sabay abot ni Richard sa isang malaking supot na may lamang maraming yelo.

"Thank you tol." Isa-isang inilagay ni Marvin ang mga yelo sa isang medium-sized cooler na saktong kumasya lang sa kaniyang kariton. "Siya nga pala Chard, babalik ka pa ba sa bahay?" tanong niya sa kanyang kapatid habang inaayos ang mga softdrinks sa loob ng cooler.

"Opo kuya, magbibihis pa po ako ng uniporme." Nag-abot ng tatlong daan si Marvin sa kaniyang kapatid.

"O heto lang muna tol ah. Magsabi ka lang sa akin kung may mga bayarin o mga project sa school at dadagdagan ko pa iyan pag nakapag-ipon na naman ako ng pang allowance mo."

"Naku kuya, malaking tulong na nga ito sa akin ngayong linggo. Maraming salamat po kuya."

"Oh sige na, umuwi ka na para magbihis at para hindi ka rin ma late sa klase mo tol."

"Sige po kuya. Ingat ka po." Tuluyan nang umalis ang kaniyang kapatid. Tumingala si Marvin sa kalangitan dahil nararamdaman na niyang medyo mainit na sa balat ang init galing kay haring araw.

"Kalma ka lang muna diyan Mr. Sun." sabi niya habang binubuksan ang isang malaking payong na may iba't ibang kulay.

Medyo marami na rin ang bumibili sa kaniya ng softdrinks, karamihan sa mga ito ay mga drayber ng toda at kung minsan naman ay mga dayo. Malakas din ang benta ng sigarilyo at kendi niya dahil halos lahat ng drayber ay mga smoker at iyong ibang tindero at tindera ay sa kanya bumibili. Medyo matumal ang benta niya ngayong linggo sa mga diyaryo dahil kunti pa lang ang umoorder sa kanya.

"Tol pabili ng isang kahang sigarilyo, sampung kendi at isang softdrinks." Pamilyar sa kaniya ang boses ng taong bumibili. Hindi niya kasi ito nakita agad kasi nakatalikod siya para mag refill ng mga softdrinks sa kanyang cooler.

"Edison!" tawag niya sa taong bumili ng kanyang paninda. "Pare, long time no see ah. Kumusta ka na?" sabay bigay nito sa kaniyang mga binili. "Oh libre ko na lang itong softdrinks sa'yo."

"Salamat pare." Sabay abot ni Edison. "Heto hindi ako okay pare. Naghiwalay kasi kami ng live in partner ko kaya naisipan ko na munang umuwi rito sa atin." Kuwento ni Edison na may malungkot na boses.

"Huh? Bakit naman pare? Ang sweet niyo nga sa Facebook eh." Sabay kuha niya sa kanyang maliit na cellphone na may mga crack sa gilid. Pinindot niya ang Facebook lite app at ipinakita niya sa kaibigan ang mga pictures ng live in partner nito. "Oh ano 'to pare, ang sweet niyo pa nga noong isang araw tapos ngayon hiwalay na agad kayo."

"Ipinagpalit niya ako sa iba pare." Sabi ni Edison sa isang malungkot na boses. "Wala raw kasi siyang future sa akin kasi isa lang akong construction worker." Naiiyak na salaysay ni Edison sa kaniyang kaibigan. "Ang matindi pa may nangyari na sa kanila ng kano na 'yun. Kapag pala nagbabanat ako ng buto, may bumabanat na rin sa kaniyang iba. Nakilala niya raw ang kanong iyon sa isang dating site." Biglang tumawa ng pagak ang kaniyang kaibigan at nangingilid din ang luha nito. "Mga walang'ya." Sabay iling.

"Grabe naman pala ang ginawa niya. Marami pa namang iba diyan tol. Makakahanap ka rin ng babaeng karapat-dapat sa'yo." Sabay tapik nito sa balikat ng kaibigan. "Kakarmahin din 'yun tol. Digital na ang karma ngayon."

"Edison! Edison!" sigaw ng nanay ng kanyang kaibigan sa kabilang puwesto, "Tulungan mo muna ako rito sa karenderya kasi malapit ng magtanghalian, dadagsain na naman tayo ng mga tao."

"Babalik nalang ako mamaya tol pag hindi na busy sa eatery." Sabay paalam ni Edison sa kanya.

Tiningnan ni Marvin ang maliit na relo na nakasabit sa kaniyang kariton, alas onse na pala. Unti-unti na naman siyang nag refill ng mga soft drinks sa kaniyang cooler at dinagdagan niya rin ang mga kendi sa loob ng garapon. Kahit na may malaking payong siya ay ramdam niya pa rin ang singaw ng init ng araw na galing sa aspaltong daan. Kinuha niya ang kaniyang kartong pamaypay para kahit papaano naman ay maibsan ang init na kaniyang nararamdaman.

"Mukhang galit na galit ka ngayon Mr. Sun ah. Tinodo mo 'yung init ngayong tanghali. Grabe ka naman." Sabay inom niya nga maraming tubig at paypay sa kaniyang sarili. "Wooohhh! Ang init grabe." Inom pa rin siya nang inom ng tubig. Iyon kasi ang bilin ng kaniyang ina. Para hindi siya matulad sa kaniyang amang na heat stroke.

"Excuse me po... How much is this?" sabay turo sa mga diyaryo.

Biglang napahinto si Marvin sa pag-inom nang maraming tubig at pagpapaypay sa kaniyang sarili dahil nabighani siya sa isang magandang babaeng nasa kaniyang harapan. Marami rin namang maganda sa St. Agnes Academy pero iba 'yung ganda ng babaeng nasa harap niya. Iyong tipong artistahin tapos hindi nakakasawa ang ganda. Natural ang ganda kahit na walang make-up. Maliit ang mukha, medyo singkit ang mga mata, maganda ang hugis ng kilay kahit na walang eyebrow make-up, matangos ang ilong kahit na maliit ito, medyo makapal ang mapula-pulang labi na nababagay din naman sa hugis ng kaniyang mukha, makinis ang mukha, wala ni isang tigyawat, kutis porselana ang balat at higit sa lahat ang mahaba nitong kulay dark brown na buhok na mas lalong nagpalitaw sa kutis porselang balat nito.

"Hmmm... Excuse me po? Hello po kuya?" Medyo nilakasan ng babae ang kaniyang boses sa lalaking nakatulala lang sa kaniya. Natauhan naman agad si Marvin ng narinig niya ang malakas na boses ng magandang babaeng kaharap niya.

"Ano po 'yun Miss byutipol?" Medyo naasiwa naman ang babae ng tinawag niya itong miss byutipol.

"Ah, magkano po itong diyaryo?" tanong nito sa kaniya habang itinuturo ang mga paninda niyang diyaryo.

"Etneb ang isa miss byutipol."

"Huh? Etneb?" naguluhan ang magandang babae sa kaniyang sinabi.

"Ah, ibig kung sabihin, twinti pesos ang isa miss."

"Wala po bang discount kuya? Marami po kasi 'yung bibilhin ko, mga 30 pieces." Tawad ng magandang babae sa kanya.

"Siyempre makakatawad ka miss byutipol kung marami kang bibilhin." Nagcompute si Marvin sa kaniyang maliit na calculator. "30 pieces for 600 pesos sana babayaran mo kung walang discount pero malakas ka sa akin eh, 550 pesos nalang." Sabay ngiti niya sa magandang babaeng kaharap niya. Napangiwi ang magandang babae na kaniyang ipinagtaka.

"Eh kuya hindi po ba pwedeng 500 pesos nalang?" Napangiwi rin siya sa pagtawad pa sa kaniya ng magandang babae. Maganda sana eh pero napakakuripot naman. Ito ang pinakaunang costumer niya na binarat siya ng presyo sa mga diyaryo niya. Kadalasan kasi pinapasobrahan pa ng mga estudyante iyong bayad nila pero ito eh nakikipagtawaran pa sa kaniya.

"Ay, lugi na ako 'nun miss byutipol. 530 nalang last bigay ko sa'yo." Nakangiti niyang sabi sa babae.

"Hmmmm... sige, deal." Kinuha nito ang wallet at binayaran siya kaagad ng 530 pesos. "Kukunin ko na lang po 'yan mamayang dismissal namin wala kasi akong kasamang magbibitbit niyan kuya"

"Sige miss byutipol, salamat. Balik-balik ka nalang dito sa akin pag bibili ka ng mga diyaryo ulit." Ginantihan lang siya ng isang matamis na ngiti nang magandang babae na nagpatibok sa kaniyang nahihimbing na puso. Bago pa tuluyang umalis ang babae ay napasulyap siya sa I.D. nito. Napangiti si Marvin...

"Victoria Isabelle E. Velez" mahinang sambit niya sa pangalan ng babae habang tinitingnan niya ito na patungo sa St. Agnes Medical School.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login