Download App
66.66% The Killer App / Chapter 14: The Killer App 13: Abduction

Chapter 14: The Killer App 13: Abduction

The Killer App 13: Abduction 

Kilala ang pamilya ng mga Go. Isa sila sa may pinakamaraming grocery chain sa Cebu at ibat ibang lugar sa Visayas. Bukod roon, taxi operator din siya ng halos karamihan na makikita mong Taxi sa Probinsiya ng Cebu at Governor ng Cebu ang Daddy ni Terrence. Kaya, kaunti lang ang  10 million sa kanila, kaso ang problema. Nitong mga nakaraang buwan hindi maganda ang relasyon nila ng kaniyang mga magulang, dahil na rin sa mga nangyari at galit sa kaniya ang kaniyang Daddy dahil sa pagkakaroon nito ng relasyon sa anak ng kalaban nilang mga Lacson. 

"Are you out of your mind? Paano kung mahuli tayo, ano nang mangyayari?" hindi gusto ni Dorothy ang ideya kaya hindi na siya sasama sa mga ito at pinaalis na lang siya ni Anastacia dahil naaartehan siya rito. 

"Alam ko na ang mga galaw ng mga tauhan ni Daddy, trust me. Kilalang-kilala ko na sila." paninigurado pa ni Terrence ng minutong iyon. 

Ang plano ay gagamit sila ng bagong simcard at bagong phone na mura lang, at maaring matapon at hindi madaling matrace. Tatawagan nila ang number ng Daddy ni Terrence na si Tyrone Go pero ang unang makakasagot nito ay ang assistant nito, doon na sasabihin nila Dalton gamit ang electronic voice o iyong boses na parang robot, basta magdadownload si Princess ng voice changer na gagamitin nila para mabago ang boses ni Dalton at sasabihin nito sa assistant ng Daddy ni Terrence na dinukot nila ang anak nito. Magpapadala rin sila ng video footage na kung saan kitang-kita sa cctv footage na iyon ang pagdakip sa kaniyang anak. 

Pero, alam ni Terrence na hindi kaagad maniniwala ang kaniyang Daddy Tyrone hanggang hindit ito naririnig o nakakausap. Para mas makatotohanan ang pangyayari ay vivideohan nila rin ang pambubugbog kay Terrence na gagawin nila Bryne at Dalton, mas makatotohanan mas maniniwala ang Daddy niya, lalo na kung mapapanood ito ng kaniyang Mommy kaya padadalhan rin nila ito ng video. 

Tapos kapag nalaman na nang Mommy ni Terrence, doon na niya kakausapin at magmamakaawa sa asawa nito na ibigay na ang kagustuhan ng mga kidnapper. 

"Ano, okay ba?" paliwanag pa ni Terrence sa mga kasama. Sa sobrang pagkamangha ni Anastacia ay napatayo ito at napapalakpak. 

"Thank you!" sabi naman ni Terrence. 

"Excited na ako!" kinikilig namang sabi ni Princess. 

"Simulan na natin!" sabi naman ni Bryne. 

… 

May importanteng meeting na magaganap sa opisina ni Mr. Tyrone Go ng araw na iyon, kaya binilinan niya ang assistant niya na si Danica na huwag siyang istorbohin nito. Isa kasing malaking client ang kakausapin niya at pipilitin na makuha para mas lumago pa ang business nila. 

"Ready?" sabi ni Princess sabay tingin kay Dalton ng minutong iyon. Huminga naman ng malalim ang binata bago niya hinawakan ang isang android phone, saka muling lumingon sa kaibigang si Terrence, na nag-approve na sa kaniya, tapos muling tumingin kay Princess. 

"Ready na ako." saka na dinayal ni Dalton ang number ng Daddy ni Terrence at habang pinindot naman ni Princess ang Voice changer at ginawang kaboses ng isang chinese ang boses ni Dalton. 

Nagring ang Cellphone ni Mr. Go ng minutong iyon at napakunot ang noo ni Danica ng makita ang isanh unregistered number sa phone ng kaniyang boss. Sinagot niya ito at kinausap. 

"Good morning, who's this?" sabi pa ni Danica sa tumatawag sa kaniyang boss. 

"Where is your boss?" boses Chinese pang sabi ni Dalton sa kausap. 

"I'm sorry, he is in the middle of important meeting right now. May i know who's on the line?" 

"Tell him i have his son, and I'm gonna kill him if he will not talk to me!" 

Medyo kinabahan si Danica pero sanay na siya sa mga ganitong klaseng pananakot, kasama na rin kasi ito sa trabaho niya at al na niya kung paano ito iaddress. 

"Okay sir, i just want to remind you that our conversation is recorded and I'm calling the police right now, and if…" 

Nagalit na kunwari si Dalton. 

"I'm not playing games with you moron! Go to your Boss or i will kill this boy beside me!" lumapit na si Terrence at nakahanda na ang acting nito. 

"Hello! Si Terrence ito, please pakausap kay Daddy, hindi sila nagbibiro papatayin nila talaga ako." kunwari pang umiiyak na sabi ni Terrence at nanlaki ang mga mata ni Danica sa kaniyang narinig, tapos napatingin siya sa conference room na kung saan nagsisimula na ang meeting. 

"Please, don't hurt him! Just wait for awhile, I'll just call my boss." nagsimula ng mataranta si Danica ng minutong iyon, nasa harapan na siya ng conference room at napansin siya ng boss niya, at napailing ito at nag-excuse sa kaniyang mga ka-meeting saka ito lumabas sa kwartong iyon at hinarap ang kaniyang assistant na nanginginig ng minutong iyon. 

"What's your problem!" pasigaw pang sabi ni Mr. Go kay Danica. 

"S-sir…" nauutal ang dalaga ng minutong iyon. Hindi alam kung paano niya sasabihin sa kaniyang boss ang mga nangyayari. 

"Danica, ano ba!" giit pa nito. 

"Sir. Si Sir. Terrence po kasi…"

"Fuck! Inistorbo mo ako para lang sa gagong iyon?" 

"Sir. Kinidnap po siya." 

"What?" kunot noong sabi nito sa kaniya. 

"Sir. Nakausap ko po si Sir. Terrence, totoo po. Gusto po kayong makausap ng mga kidnapper."

"Danica, alam mo na ang gagawin sa mga ganitong sitwayon hindi ba?" 

"Pero, sir. Iba po kasi ito, buhay na nang anak niyo po ang nakasalalay." 

"I don't care. Okay, fix that. Call the police if you want." sabi pa ni Mr. Go bago ito muling bumalik sa loob ng conference room. 

Nanginginig parin ang katawan ni Danica na bumalik sa kaniyang pwesto, nag-aantay parin kssi ang mga kidnapper ng minutong iyon. 

"H-hello!" nauutal at takot na takot na sabi ni Danica. 

Tapos biglang nakatanggap ng email si Danica at sinabi ng Caller sa kaniya na buksan niya ito at panoorin. 

Sinunod naman ni Danica ang inutos ng Caller, saka niya dinownload ang video saka pinanood, pagbukas niya ay nakita niya ang anak ng kaniyang Boss at ang dalawang Kidnapper sa gilid nito ang isa ay may hawak na baril na nakatutok sa ulo ng binata at ang isa naman ay pinaputukan na siya sa binti nito. 

Napasigaw ng malakas at umiiyak si Danica ng mapanood ang video na iyon. 

"Ngayon, nasaan na ang boss mo?" 


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C14
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login