Download App
38.09% The Killer App / Chapter 8: The Killer App 7: Killer Party 2

Chapter 8: The Killer App 7: Killer Party 2

The Killer App 7: Killer Party Part Two

Ramdam ni Heaven ang mabilis na tibok ng puso ni Topaz ng minutong magkadikit ang katawan nila habang sumasayaw silang dalawa. Ang init ng katawan nito at ang lamig ng kamay ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kaniyang katawan. Para ba siyang isang kandila na unti-unting natutunaw lalo na noong tinitigan siya nito. Dahan-dahan niyang idinikit ang kaniyang ulo sa dibdib ng binata at saka siya nagsalita. 

"This is the best birthday ever!" sabi ni Heaven saka naman sumagot si Topaz. 

"Talaga, bakit mo naman na sabi?" 

"Because, my friends are happy? My family is happy?" 

"Paano ka naman, masaya ka ba?" rinig na rinig ni Heaven ang kabog ng dibdib ni Topaz ng minutong iyon. Tila para bang kinakabahan siya na hindi nito mawari. 

"Sobrang saya. Makita ko lang silang masaya, masaya na rin ako." saka ipinikit ni Heaven ang kaniyang mga mata nang biglang tumumba si Topaz at hinila naman siya ni Dalton ng minutong iyon. Pagtingin niya sa taong sumugod kay Topaz ay nanlaki ang mga mata niya. 

"Terrence?" sambit pa niya ng minutong iyon. Hinawakan siya ng mahigpit ni Dalton at ganoon din ni Anastacia. 

"Pabayaan mo na siya." sabi pa ni Anastacia. 

Saka muling sinugod ni Terrence si Topaz at pinagsasapak ang mukha nito. Hindi maintindihan ni Topaz kung anong nangyayarin sa kaniya at tila para bang nanghihina siya, saka bigla niyang naalala iyong alak na pinainom sa kaniya ni Princess kanina. Kaya wala siyang nagawa kundi ang tanggapin ang mga suntok ni Terrence sa kaniya ng oras na iyon. Tumigil lang si Terrence nang ang Mommy na mismo ni Heaven ang pumagitna at pumigil sa binata. Doon na binitawan nila Dalton at Anastacia si Heaven at dali-daling lumapit ito sa bugbog saradong si Topaz. 

Saka niya sinugod si Terrence na tila parang sabog at para bang nakulangan pa sa kaniyang ginawa. Nakatanggap siya ng malakas na sampal mula kay Heaven at kinagulat ng binata ang inasal ng kaniyang kaibigan. 

"Get out!" sigaw pa niya rito. Lumapit si Dorothy upang pakalmahin si Heaven pero huli na sasabog na talaga siya. 

"I said get out! Umalis na kayong lahat!!!" saka biglang huminto ang tugtog at isa-isa na silang nagsialisan. Tuwang-tuwa naman si Anastacia ng minutong iyon, she even take a video of Heaven habang nagwawala ito at kaagad na pinost sa social media at naglagay ng caption na Best birthday ever! 

"Lets go girls," yaya pa niya sa mga kaibigan niya bago sila umalis ng minutong iyon. 

Pagsakay ni Dalton sa loob ng kotse nito ay tila para bang may naamoy ito na hindi kaaya-aya. Hinanap niya ang amoy at binuksan ang ilaw hanggang sa tumingin siya sa backseat at doon ay napaatras siya at dali-daling nasuka sa kalsada. 

Pasakay palang din sina Anastacia, Princess, Bryne, Dorothy at Terrence nang  makita nila na sumusuka at tila para bang takot na takot itong si Dalton ng minutong iyon.

Lumapit si Terrence, ganoon din si Anastacia at amoy na amoy niya mula sa kinatatayuan niya ang amoy ng tae. Kaya kaagad niyang inilabas ang panyo niya at nagspray sa paligid niya, habang palapit sila sa kinaroroonan ni Dalton. 

"Dude, what happen?" nag-aalalang tanong ni Terrence. 

"S-si… S-si…" nauutal na sabi ni Dalton habang tinuturo ang kotse nito. 

"What's that smell? Smell like shit!" inis pang sabi ni Anastacia. 

"Ano bang mayroon dito?" sabi naman ni Bryne saka niya tinignan ang loob ng kotse ni Dalton at katulad niya, napaatras din siya at nasuka sa kaniyang nakita. 

"Si Miles!" sigaw ni Bryne. 

"Ahhhhhh!" napasigaw na rin si Princess ng minutong iyon. 

Sa loob ng kwarto ng Mommy ni Heaven ay narinig niya ang sigaw ng isang babae at pamilyar siya sa tining ng boses nito. 

"That, bitch!" inis pa niyang sabi.

Tinulungan siya ng mga kasambahay nila na ipasok sa kwarto nito si Topaz, sinabi na kasi ni Heaven na dadalhin niya ito sa hospital pero ayaw pumayag ni Topaz, nagpupumilit pa nga itong umuwi pero hindi pumayag si Heaven, kaya nagdecide nalang siya na doon nalang sa kwarto ng dalaga ito dalhin at lapatan ng first aid. 

Doctor ang Mommy ni Heaven kaya nagamot at nalinisan na rin naman kaagad nito ang mga sugat ni Topaz. 

"Thank you, Mrs. Zabala." sabi pa ni Topaz sa Mommy ni Heaven habang ginagamot siya nito. 

"You seem so special to my daughter." sabi pa ng Mommy ni Heaven habang nilalagyan niya ng plaster ang ulo nito. 

"Po?" kinagulat na sabi ni Topaz. 

"Nevermind, magpahinga ka na muna, okay. Gusto mo, tawagan natin ang parents mo, ako nalang ang magpapaliwanag sa kanila sa nangyari." 

"Wala na po akong mga magulang," nalungkot naman bigla ang Mommy ni Heaven.

"I'm sorry to hear that. Uhm, any person na pwede kong makausap o kaya guardian mo?" 

"Ako nalang po mag-isa." dagdag pa nito. 

"Sorry, uhm tatawagin ko lang si Heaven, baka masyado na siyang nag-aalala." saka ito lumabas kasama ng mga gamit na ginamit niya sa panggagamot niya kay Topaz. 

Lumabas ang Mommy ni Heaven at pumunta ito sa kaniyang kwarto na kung saan nandoon ang dalaga at sinabihan ito na okay na ang gwapong bisita niya. 

"Mommy! Marinig ka noong tao!" inis pang sabi ni Heaven sa kaniyang Mommy. 

"Well, gwapo naman talaga siya ah? Kung liligawan ka noon, pasado na siya sa akin." saka siya kinindatan nito bago muling umalis. 

"Mommy, shut up!" napailing nalang na lumabas ng kwarto si Heaven at pumasok naman sa kwarto na kung saan nagpapahinga si Topaz. 

"How are you, Pretty Boy?" ngiting tanong pa ni Heaven kay Topaz. 

"Buhay pa!" ngising sagot naman ng binata sa kaniya. 

"Look, I'm sorry sa nangyari. Hindi ko naman.." 

"It's okay. I understand." kalmadong sagot ni Topaz kay Heaven. 

"Paano ka nagiging ganyan ka kalmado sa mga nangyari. I mean, okay lang naman na magalit ka sa friends ko, deserved naman nila iyon kasi mga bitch sila at asshole." sabi pa niya rito. 

"Ayoko nang lumaki pa ang issue, besides it's your birthday. Sabihin na natin na birthday gift ko na rin itong mga sugat sa mukha ko." Ngising sagot pa ni Topaz saka naglakad palapit si Heaven at umupo ito sa tabi niya. 

"Hindi mo deserve na itrato ka nang ganyan. Promise, bukas kakausapin…" hindi naituloy ni Heaven ang sasabihin niya dahil biglang pumasok sa kwarto si Dorothy na humahagulgol sa iyak. 

"Miles is dead!"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C8
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login