Download App
60.78% Online It Is / Chapter 61: Chapter 30.5

Chapter 61: Chapter 30.5

Chapter 30.5:

Abby's POV:

"Do you need some help?" Nakangising tanong ni Rigel habang inilalahad ang kamay niya sa akin.

Pero imbis na abutin ko ang kamay niya ay pinalo ko ito. "No need, I can manage." Tinaasan ko siya ng kilay bago nagpatuloy sa pag-akyat.

Nasa kalagitnaan pa lang kami ng ikalawang round ng pag-akyat namin pero ramdam ko na ang pangangalay ng aking mga kamay at paa. Pero kahit pagod na ay hindi ko ito pinapahalata, baka mas lalo pa akong asarin ng loko.

Kung tutuusin ay kayang-kaya ni Rigel tapusin ang pag-akyat in just a short period of time, pero mas gusto niya atang panuorin ang paghihirap ko, kaya everytime na nakakauna siya ay sandali siyang hihinto para tanungin kung kailangan ko ba ng tulong niya. Paulit-ulit siyang nagtatanong at paulit-ulit ko rin siyang tinatanggihan. 

Nang marating ko ang tuktok at naroon na siya habang nakapameywang. Habang ako naman ay hingal na hingal at nanginginig ang mga binti. Dang, bukod sa taas ng inaakyat namin na isang daang metro ay madudulas pa ang mga bato kaya kailangan kong maging maingat sa pag-akyat. Dahil isang pagkakamali ko lang ay siguradong mag-uumpisa ulit ako sa baba.

"This is it! Ready ka na bang matalo?" Confident na tanong ko kay Rigel kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko ng sumuko. But I can't give up, tinanggap ko ang hamon niya kaya dapat lang na panagutan ko ito. Ayos lang matalo sa huli, ang mahalaga ay hindi ka sumuko at ginawa mo ang lahat ng makakaya mo during the process. Better to take the risk than what if's.

Imbis na sagutin niya ako ay ngumisi na lang siya at saka nagkibit-balikat na parang nang-aasar. Lintik!

Malapit na ako sa taas, kaunting push na lang at makakarating na ako sa finish line. 

Sobrang kaunti na lang at makakapag-pahinga na rin ako sa wakas. 

May pag-asa pa akong manalo hangga't hindi pa nakakarating si Rigel sa itaas. 

Kaya ko 'to! Kaya mo 'to Abby! Malapit ka na matapos, ngayon ka pa ba susuko?

Pero kahit ano'ng pagmomotivate ang gawin ko sa sarili ko ay ang katawan ko na mismo ang sumusuko. Sobrang pagod na ang buong katawan ko, ni uminom ng tubig ay hindi ko pa nagagawa simula ng mag-umpisa kami sa pag-akyat. Tuyo na ang lalamunan ko at ang sakit na rin ng buong katawan ko. Dahil ata sa pagmamadali sa pag-akyat kaya mabilis akong napagod.

Hindi ko na ata kakayanin.

"Hey Abby, are you okay?" Rigel asked. Mga tatlong metro ang agwat namin sa isa't-isa.

"Y-Yeah. Don't mind me, j-just go on." Pagtataboy ko sa kaniya at bahagyang huminto sa paggalaw pero nakakapit pa rin sa mga bato. 

Sandali akong pumikit hanggang sa naramdaman ko na lang ang mabilis na pagkahulog ko pababa.

"Abby!" Rinig kong sigaw ni Rigel sa itaas. Lihim akong napangisi.

"Well done Rigel. Panalo ka na." Tanging naibulong ko sa hangin. 

Nang makaapak ako sa lupa ay agad akong nilapitan ng mga crew na nag-aassist. Tinanong nila kung ayos lang daw ba ako dahil pulang-pula daw ang mukha ko, idagdag pa ang panginginig ng buong katawan ko.

Nang masiguro nilang ayos lang ako ay tinulungan na nila ako sa pagtanggal ng safety gear sa katawan ko.

"Here, drink this." 

"Thanks." Agad kong kinuha ang ang inaabot ni Rigel na bottled water sa akin. Nakababa na pala 'to. Siguro ay tuwang-tuwa ito dahil natalo niya ako, ni hindi man lang ako nakarating sa itaas. Well, alam ko naman na in the very first place na matatalo ako, it's just that ayaw ko lang masabihan na duwag lalo na kung ang lokong 'to ang magsasabi. Nakakairita lang.

Pero iyon na lang ang gulat ko nang sinimulan niyang punasan ang pawis ko sa mukha.

"H-Hey, ako na. No need to do that." Kukunin ko na sana ang face towel pero pinandilatan niya lang ako. 

"Please, just let me do this one. Your hands are trembling, hindi ka makakapag-punas ng maayos." Seryoso niyang sabi. Siguro ay dahil sa pagod ay hindi na ako nakipag-talo pa sa kaniya. 

Inilagay niya rin sa likod ng aking tainga ang mga nakakalat na buhok sa aking mukha.

"May dala ka bang extra t-shirt?" 

"Wala." Bagot kong sagot. Hindi ko na naalalang magdala ng extrang damit dahil sa excitement kaninang umaga. "Pero dala mo naman siguro yung card 'diba? Pwede tayong mag-avail ng damit sa malapit na shop."

"Yeah, I brought it."

"Then good."

"Talikod."

"Ha?" Ano nanamang sinasabi niyang talikod?

"Kung ayaw mo tumalikod, tumihaya ka na lang."

"G*go!" 

"Maglalagay ako ng towel sa likod mo para hindi ka matuyuan." Nakangising sabi nito nang makailag sa pagbatok ko sa kaniya.

"H-Ha? Naku 'wag na. Pinunasan mo na nga pawis ko sa mukha at braso tapos maglalagay ka pa ng towel sa likod ko. Masyado mo naman ata akong iniispoil?" Napangisi ako sa huling sinabi ko.

"Tsk, tumalikod ka na lang." Siya na mismo ang nagpaikot sa akin at agad inilagay ang towel sa aking likuran. 

"Bakit mo ba kasi ginagawa 'to?" Kung sa tingin niya ay may mapapala siya sa pagtrato niyang gan'to sa akin, pwes, nagkakamali siya. Dahil pagkatapos nito ay balik ulit kami sa normal pagkauwi namin ng Pinas.

"Ayaw kong magkasakit ka, kargo ko pa 'pag nagkataon-- OUCH! How's that for?" 

Ayon, binatukan ko pero this time ay hindi na siya nakailag.

"Ayan, lumabas din ang tunay na kulay mo. Kunwari inaalagaan mo ako pero ang totoo ay ayaw mo lang maging liable kapag nagkasakit ako." Nakapameywang sabi ko bago naglakad palayo.

"Hey Abby! That's not the way to shop, it's on the other side!"

Lintik oo nga pala! Ang shunga mo Abby!

"I know right! May tinignan lang ako dito!" Sigaw ko pabalik. Letse, napahiya pa tuloy ako.

Kahit nasa malayo ay kita ko ang pagngisi ng loko. At oo nga pala ulit, nasa kaniya ang card kaya hindi ko siya pwedeng iwan dahil wala akong cash na dala ngayon kung sakali.

"Ano pa lang susunod na gagawin natin?" 

"Akala ko ay galit ka sa akin, then why are you talking to me?" Preskong tanong din nito.

"Alam mo Rigel--"

"Eksena ako. Oo na Abby, matagal ko ng alam na eksena ako." Kumindat ito bago pumasok sa shop.

Alam naman pala niyang eksena siya, tapos kinacareer pa niya.

"I'm sorry sir, but unfortunately, we only have one design left for t-shirt." Saad ng sales lady sa shop na pinuntahan namin.

"Pa'no ba 'yan Abby? Iisa na lang ang design nila, gusto mo ba ay maglibot muna tayo sa iba? Bukas pa raw darating ang mga bagong stocks."

"No need, okay na 'yan. Wala naman tayong choice kasi ito lang naman ang nag-iisang shop na nagtitinda dito ng t-shirt sa buong property right?" 

"Oh okay, if you said so." Nagkibit-balikat ito at saka sinabihan ang sales lady na kukunin na namin ang t-shirt.

Nang mabayaran niya ito ay tinanong ko sa sales lady kung may fitting room ba sila at kung pwede ba na doon na lang ako magpalit. Luckily ay mayroon nga sila kaya hindi na ako nag-atubili at agad dumiretso dito.

Habang inaalis ko ang damit ko ay nahulog sa sahig ang towel na inilagay ni Rigel sa aking likod. Pinulot ko ito at hindi maiwasang amuyin. 

Hmm, amoy pawis! Natawa ako sa sarili, alam ko naman ng pinagpunas ito ng pawis tapos aamuyin ko pa. 

Pero sa kabila ng pawis na naaamoy ko ay ang halimuyak ng pabango ni Rigel na nanggagaling sa towel. Gaya ng dati ay hindi matapang ang pabango niya, sakto lang ang bango at hindi masakit sa ilong.


CREATORS' THOUGHTS
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C61
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login