Download App
90.74% HOT vs COLD / Chapter 48: Chapter 48

Chapter 48: Chapter 48

CHAPTER 48

--AIRA:

Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o kung patay na ba ako. Takte, nasa langit na ba ako? Bakit mukhang anghel ang nasa harapan ko?

Kung titignan ko ang features niya, mukhang kano. At mukhang hindi nalalayo ang edad niya sa edad ko. Yung accent niya, ang ganda, samantalang ako ang awkward sa pakiramdam kapag nagsasalita ako in English way. Buti pa sila Alex, Jacob, Shane at Anthony medyo may accent sila. Hmm, nakakainsecure. Pero alam ko namang matututunan ko din ang letseng accent achuchu na 'yan.

"Hey miss, are you okay?" Naputol na ang iniisip ko nang kumaway si poging lalaki sa harap mismo ng mukha ko. Shems, natulala alng naman ako sa harapan niya. Nakakahiya, naku Aira, umayos-ayos ka ha!

"Ah oh! I'm definitely fine." Nakangiting sabi ko.

"So may I sit here? As you can see there's no other vacant seat." Yes, wala na ng vacant seat. Yung inupuan ko na lang ang may bakante. Pang-apatan na katao kasi ang table na napili ko, so hindi naman siguro masama kung makikishare siya. Hindi ko naman pag-aari 'tong upuan at parehas lang kaming customer.

"Ahm, it's okay for me. Feel free to sit."

"Oh thank you." Saka siya umupo sa harap ng inuupuan ko, so magkaharapan kami.

Habang kumakain kami, napansin kong tinitignan ako or nag-aassume lang ako na may tumititig sa akin. Pagkatingin ko sa harapan ko, hindi pala ako nag-aassume kasi tinitignan ako ni pogi. Feeling ko lahat ng dugo ko napunta sa mukha ko. Bakit niya ako tinitignan habang nakangiti pa siya? Hindi ba niya alam na nakakailang kapag may tumititig sa'yo kapag kumakain ka? May pagkain naman siya, bakit hindi siya doon tumingin?

Nang makaramdam si pogi na naiilang ako ay bigla siyang tumawa. Duh? Ano'ng nakakatawa? Naiinis na ako ha.

"Problema mo?" Pagsusungit ko sa kaniya. Gutom ako kaya 'wag niya akong matitig-titigan.

"Oh nothing, nakakatuwa ka lang pagmasadan." Wait, marunong pala siyang mag-tagalog? Bakit kanina pasya english ng english?

"Marunong ka palang mag-tagalog tapos english ka ng english psh. Tsaka hindi ako joker para pagkatuwaan mo." Saka ko siya inirapan. Nakuu, hindi porket pogi siya, papayag na akong magpa-api.

"Oh it's not like that. Hindi ganyan ang ibig kong sabihin?"

"Eh ano naman?"

"What I mean is natutuwa ako sa'yo kasi napakacare-free mo. Hindi ka nahihiyang kumain ng todo in public, yung iba kasing babae ay nahihiya kumain ng todo sa public. Nakakatuwa ka rin kasi you're straight to the point, napaka-pranka mo. You're one of a kind." Sabi niya habang hindi parin natatanggal ang ngiti. Wow ha masyado naman niya ako finaflatter.

"You know what, alam ko naman 'yan. Hindi nga kasi ako yung sinasabi mong mga ibang babae. Hindi ako sila. So don't dare to compare me to them. Tsaka ayo'kong makipag-plastikan sa iba. At kaysa sa titigan mo ako, kumain ka na lang kaya. "

"Oh okay." Sabi niya saka inumpisahan na niyang kumain. Tinuloy ko na rin ang pagkain ko.

"So what's your name miss?" Akala ko pa naman magiging matiwasay na ang pagkain ko, yun pala dadaldalin niya pa rin ako.

"Aira." Simpleng sagot ko pero hindi ko siya tinignan.

"Hi Aira, nice to meet you. I'm Konrad." Saka niya inabot ang kamay niya sa harapan ko na parang nakikipag-shake hands. Hindi naman ako peymus para isnobin siya kaya tinanggap ko na rin ang kamay niya at nakipag-shake hands sa kaniya.

"Nice to meet you too, Konrad." Saka ako ngumiti.

After kong kumain, ay tapos na rin pala siyang kumain.

"Where are you going?" Tanong ni Konrad nang makita niya akong patayo na ng upuan ko.

"Ahh, aalis na?" Ano pa ba'ng gagawin ko kung tapos na ako kumain? Alangan namang tutunganga ako doon sa Mcdo.

"I mean, saan ka pupunta? 'Di ko tinatanong kung ano'ng gagawin mo." Then he smirked. The nerve of this guy!

"My business is not yours. You don't have the right to know where the hell I am going." Hindi ko alam kung bakit bigla ko siyang nasungitan.

"Oh easy there Aira. Okay, I'm sorry. I just want to be your friend but sinusungitan mo ako so I have nothing to do with that. 'Di kita pipilitin makipag-usap sa akin kung ayaw mo." Nakangiting sabi niya. Ba't parang naguilty ako sa sinabi niya? Hmm, bahala na nga!

"Okay, gotta go." Paalam ko saka na ako tumalikod a kaniya at dumeretso na sa pupuntahan ko, teka saan ba ako pupunta? Bahala na, kahit saan na lang.

Hoo, this is the day! Ngayon na ang alis ko papuntang Puerto Rico.

Nandito kami sa airport, kasama ko ang parents ko, si Alex, Shane, at si Jacob.

Ang dami nga nilang bilin sa akin eh. Para namang magtatagal ako doon. Well, sabi ko nga, 'di ko pa sinasabi sa kanila na sandali lang ako doon.

"Anak, ingat ka doon ha. 'Wag mong kakalimutan ang mga vitamins mo. Lagi ka ring mag-exercise at dapat healthy diet. Kapag dumating yung time na mamimiss ka namin ng sobra talaga ng daddy mo at hindi na kami makatiis susunod kami doon para kamustahin ka. Binilinan ko na rin ang tito at tita mo na alagaan ka nila ng mabuti doon." Naluluhang sabi ni mommy. Nakaka-touch fo. Kesyo minor pa daw ako kaya ingatan ko daw sarili ko.

"Yes mommy, I'll keep that in mind." Saka ko sila niyakap.

"Aira, take care." Sabi naman ni Jacob at niyakap niya rin ako.

"Thanks, ikaw din."

"Bye ate Aira. Kahit sandali palang tayong nagkakasama napalapit ka na sa akin kaya mamimiss din kita." Sabi ni Shane saka din niya ako niyakap.

"Mamimiss din kita babygirl."

"Hoy pren, see you. Mamimiss kita ng bongga. Alam ko namang kahit 'di mo sabihin ay mamimiss mo rin ako. At oo magtitino ako doon kaya 'wag kang mag-alala." Saka ko niyakap si Alex. Kahit naman hindi niya sabihin alam ko namang mamimiss ako ng pren ko.

"Ikaw na, sa'yo na ang korona. Mamimiss din kita pren." Naluluhang sabi ni Alex. Haiisst. 'dibale, uuwian ko siya ng madaming pasalubong. Alam ko naman kasing nagtatampo siya. Ilang araw din kaya niya akong hindi pinapansin magmula nung sinabi kong aalis ako.

"Ahh Aira sinong hinahanap mo?" Tanong ni Jacob nang mapansin niyang palinga-linga ako.

"Si Ants?" Mukhang nagulat sila sa tanong ko kaya naman agad kong iniwas ang topic.

"Ahh, 'dibale na. Hahaha."

Nakakalungkot lang kasi matagal ko ng hindi nakikita si Ants. Haiisst. Kung ano man ang reason niya, naiintindihan ko.


CREATORS' THOUGHTS
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C48
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login