Download App
87.03% HOT vs COLD / Chapter 46: Chapter 46

Chapter 46: Chapter 46

CHAPTER 46

--ANTHONY:

"Lahat ng atensyon nasa iyo na! Pati ba naman atensyon ni Mau ha?!" Sigaw ko kay Jacob slash Beans na bestfriend ko.

Haha, ang sama ko bang kaibigan? Siguro this time jinajudge niyo na ako kasi ganito ako.

Nasa tiyan pa lang kami ng mga nanay namin ni Mau magbestfriend na kami, kahit wala pa kaming pag-iisip. Hanggang sa lumaki kami ni Mau ng magkasama, halos hindi na kami mapaghiwalay na dalawa. Bata pa lang din kami, mahal ko na siya hindi bilang bestfriend but more than that.

Ni minsan hindi ako umamin sa kaniya kasi gusto kong iparamdam sa kaniya ang nararamdaman ko. Ayaw ko kasing tumulad sa mga taong hanggang salita lang sila. Hanggang sa dumating yung time na marami ng naging kaibigan si Mau. No'ng una, ok pa sa akin, masaya ako kasi nagkaroon na siya ng maraming kalaro. Pero dumating yung time na hindi ko na nagustuhan ang pagkakaroon niya ng maraming mga kaibigan. Selfish na kung selfish pero gusto kong mas maraming time sa akin si Mau kaysa sa iba niyang kaibigan.

Lahat ginawa ko para lang maiparamdam kay Mau na hindi lang bilang kaibigan ang tingin ko sa kaniya. Lahat ginawa ko but still, my afforts are not enough.

Tinawag ko na nga siyang bebs para lang iparamdam sa kaniya ang nararamdaman ko sa kaniya pero wala pa rin. Kaya ang masasabi ko lang, manhid siya or should I say baka nagmamanhi-manhidan siya. Pero that's ok, mahal ko eh.

Handa naman akong maghintay ng tamang panahon para sa kaniya. Kung kailan naman nakapag-desisyonan ko ng maghintay ng tamang panahon saka naman umeksena si Jacob.

Nang maging part si Jacob ng pagkakaibigan namin noong mga bata na kami, feeling ko halos wala ng time para sa akin si Mau. Ang saya ko nga noong nabagok ang ulo niya at nagkaroon siya ng amnesia.

Oo ako na masama. Ako na ang masama kasi naghangad akong maging masaya. Ako na ang masama kasi mahal ko ang taong hindi naman ako kayang mahalin. Ako na ang masama kasi nagmahal ako. Sabi nila hindi masamang magmahal, pero para sa akin, masama ang magmahal lalo na't may mga nasasaktan ka ng iba.

Sa totoo lang ayaw ko namang humantong sa ganitong pagkakataon na sasaktan ko ang mga tinuring kong kaibigan para sa taong mahal ko. Pero nandito na ako eh, kaya papanagutan ko na.

"Kuya Anthony ano ba'ng nangyayari sa'yo ha?!" Hindi ko pinansin si Shane bagkus ay tumingin ako kay Mau na nakatingin lang sa akin ng blanko at saka ko sinabi ang mga katagang matagal ko ng gustong sabihin sa kaniya.

"Mahal na mahal kita Mau, ramdam mo ba 'yon? Mahal kita hindi bilang kaibigan kundi mas higit pa roon. Lahat ginawa ko para lang maramdaman mo 'yon. Am I still not enough?" Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nila.

"Ramdam ko, matagal na." Cold na sabi ni Mau na kahit ako ay kinikilabutan.

"But why? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit kung umasta ka parang hindi mo ramdam? Ano'ng dahilan mo? Tell me why." Tanong ko. Gusto ko ng magkaalaman ngayon, it's now or never.

"Ramdam ko ang pagmamahal mo Anthony pero kinakailangan kong magpanggap na hindi ko ramdam kasi alam kong mawawala rin ang pagmamahal na nararamdaman mo. Walang patutunguhan ang pagmamahal mo sa akin. I don't deserve to be loved by you because from the very first place, you're my bestfriend. Oo mahal kita pero bilang kaibigan. You deserve someone better than me, yung taong mamahalin ka ng higit pa sa pagamamahal na kaya mong ibigay." Mahinhin na sabi ni Mau. Para bang gusto niya talagang ipaintindi sa akin. Hindi ko alam na kahit sa mga panahong ito, hindi pa ako patay lalo na't nasaktan ko ang mga kaibigan niya/namin. Kahit simpleng expalanation lang ang ginawa niya, naramdaman ko ang impact nito sa akin. Parang mga bomba ang mga binatawan niyang salita.

"I'm sorry." Nakayukong sabi ko sabay bitaw ko sa baril ko.

Naramdaman ko ang paglapit ni Mau sa akin. Nag-aabang na ako ng pamatay na suntok pero imbis na suntok ang matanggap ko, isang yakap ang natanggap ko mula sa kaniya. Hindi ko akalain na yayakapin niya ako matapos kong saktan ang mga kaibigan namin. Habang yakap niya ako, nagsimula siyang magsalita.

"Bebs, mahal kita bilang kaibigan tandaan mo 'yan. Alam kong iniisip mo kung bakit hindi kita sinaktan nang saktan mo ang mga kaibigan natin. Pero ang masasabi ko lang, alam kong kinain ka lang ng galit diyan sa loob mo. Gusto man kitang saktan, alam kong wala na akong magagawa para maibalik ang mga pinsalang nagawa mo. Kung iniisip mo na magbabago ang pagtingin ko sa'yo bilang kaibigan, diyan ka nagkakamali. Hindi kailanman magbabago ang pagtingin ko sa'yo bilang bestfriend ko since birth. Ang gusto ko lang ngayon, magpakalayo-layo ka muna. Gusto kong lumayo ka hindi dahil galit ako sa'yo kundi dahil gusto kong makalanghap ka ng fresh air at makapag-isip-isip. At kapag dumating ang time na nakapag-isip-isip ka na, We will welcome you with an open arms because that's what friends are for." Saka siya bumitaw sa akin at kasabay ng pagbitaw niya ng yakap, saka ko naramdaman ang mga malalamig na bagay sa kamay ko.

"Arestado ka." Sabi ni mamang pulis.

Kusa akong sumuko sa mga pulis habang nakaposas ang dalawa kong kamay sa aking likuran. Maybe Mau's right after all, kinain ako ng galit ko.

Nakita ko ring isinakay ng ambulansiya sina Jacob at Shane dahil sa natamo nilang daplis ng baril na nanggaling mula sa akin.

Laking pasasalamat ko na lang hindi na nagsampa pa ng kaso ang mga kaibigan ko at ang pamilya nila matapos ang mga nagawa ko. Kaya naman, napalaya ako agad.

Humingi na rin ako ng tawad sa mga kaibigan ko at napatawad naman nila ako agad. Nagsisisi talaga ako at nagawa ko ang mga bagay na 'yon sa kanila. Handa nila akong patawarin nang walang pag-aalinlangan.

Bilang kabayaran sa kanila, tutupadin ko na ang sinabi sa akin ni Mau. Magpapakalayo-layo muna ako sa ngayon para makapag-isip-isip.


CREATORS' THOUGHTS
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C46
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login