Download App
50% HOT vs COLD / Chapter 26: Chapter 26

Chapter 26: Chapter 26

CHAPTER 26

--ALEX:

Weird.

'Yan ang masasabi ko sa ikinikilos ni unggoy these past few days.

Magmula kasi noong dumating kami dito sa bahay na tinutuluyan namin dito sa Pangasinan ay iba na ang pagtrato niya sa akin.

Yun bang ang bait niya sa'kin tapos kapag lalabas ako, gusto niyang sumama palagi kasi daw baka daw kasi mapahamak ako. Hindi niya din ako nililibre sa mga fast food chaina. At kung pwede lang, siya na maging yaya ko sa sobrang sipag niya.

Minsan nga pinapagalitan niya ako kasi humihiwalay ako sa kanya at kapag hindi niya ako nakita kahit saglit sasabihin niya na tinatakasan ko siya. Like duh, ba't ko naman siya tatakasan eh may mission kami.

Minsan nakakairita yung kinikilos niya kasi gusto niya kung nasaan ako, nandoon rin siya. Kulang na lang sabihin niyang samahan niya ako sa banyo. -_-

Tapos andami-dami pang bawal kong gawin. Tulad ng paggamit ng cellphone ko kaya kinapture niya. Kesyo daw andoon daw kami para sa mission at hindi para magcellphone.

Para namang ginagamit ko palagi yung cellphone ko eh minsan lang naman. Tapos nung sabi kong wag niyang kunin yung cellphone ko kasi hindi naman sa kanya 'yon, tinawagan niya ang parents ko, si kuya Brian at si Buzzer.

Ang nakakainis lang eh lahat sila kampi kay unggoy kaya wala akong nagawa kundi ibigay kay unggoy yung cellphone ko. >.<

And about naman doon sa mission namin, parang ako lang ang umeeffort sa paghahanap nung taong hinahanap namin.

Paano ba naman kasi, habang naghahanap ako ng information about doon sa hinahanap namin ay nagpapakahappy go lucky lang siya.

Ang ginagawa lang ata niya sa akin eh bumuntot ng bumuntot.

Katulad na lang ngayon na naglalakad kami sa San Jacinto, isang bayan sa Pangasinan. Heto siya sa tabi ko lingon ng lingon sa paligid, mukhang tanga.

"Wag ka ngang dikit ng dikit sa akin, kung magtanong tanong ka na lang kaya diyan sa tabi-tabi." Sabi ko sabay taboy sa kanya.

"Ayo'ko nga, baka mamaya maligaw ka tapos may dumukot sa'yo edi walang sasagip sa'yo." Kita niyo na?

Napaface-palm na lang ako sa pinagsasabi niya.

Paano naman ako maliligaw eh alam ko naman ang dinadaanan ko tsaka hello?! Ako? Dudukutin? Imposible.

"Bahala ka diyan." Sabi ko sabay irap sa kanya at pinagpatuloy ang lakad ko.

"Nagugutom ka na ba?" Aan nanaman siya, kakakain lang kaya namin one hour ago tapos tatanungin niya ako niyan?

Umiling na lang ako bilang sagot.

"Ale, may kilala po ba kayong Ella Catillo?" Tanong ko sa nagtitinda ng halo-halo dito sa gilid ng kalsada sabay pakita ng picture ni Ella Catillo sa kanya

"Hindi neng eh, mukhang hindi taga-dito 'yan neng." Sagot niya.

Nagpasalamat na lang ako sa kanya at nagtanong tanong pa sa iba.

"Nauuhaw ka ba?" Ayan nanaman siya. -_-

Umiling nanaman ako bilang sagot.

"Naiinitan ka ba?" Ang hangin nga dito sa kinaroroonan namin tapos tatanungin niya ako niyan?

Umiling nanaman ako.

Pagkatapos noon, naglakad na ulit ako. Pero nakaramdam naman ako ng kaba nang mapansin kong wala siya sa likod ko. Tinignan ko naman ang buong paligid ko pero no signs of him.

Pinakiramdaman ko ang buong paligid ko pero hindi ko talaga mahagilap ang unggoy na 'yon.

Pinagpatuloy ko na lang ako paglalakad ko.

Pero habang tumatagal, wala na talaga siya ehh, kinakabahan na ako.

Kaya nilagay ko muna yung picture ni Ella Catillo sa bag ko at sinimulan ng hanapin yung unggoy.

Tatawagan ko sana si unggoy kaso bigla kong naalala na wala pala sa akin yung cellphone ko. -_-

Nakakainis.

Mag-gagabi na pero heto pa rin ako ngayon naglalakad at hinahanap si unggoy.

Talagang kinakabahan na ako.

"Kuya may nakita ba kayong lalaking, matangkad na maputi, na may pagkamessy yung hair, na medyo red yung eyes niya, maganda din po yung katawan, yung parang pang model, tapos matangos ilong, medyo singkit rin." Tanong ko sa lalaking naglalakad sa gilid ng kalsada.

"Sensya ka na neng, 'di ko kasi nakita jowa mo eh." Sabay ngiti ni kuya.

"Jowa daw ohh. Patawa si kuya oh, hahaha." Naiilang na sabi ko habang tumatawa.

"Ay hindi mo ba jowa yun? Akala ko kasi jowa mo."

"Pa'no niyo naman nasabi kuya?"

"Basta neng, pero itong tao ba na hinahanap mo eh alam kong mahal mo."

"Grabe si kuya oh, lakas trip niyo." Sabay tawa ko nanaman haha. Ewan ko ba natatawa talaga ako kay kuya.

Kanina jowa, ngayon naman mahal? Hahaha.

"Pasensiya ka na neng hindi ko nakita eh." Saka na naglakad papalayo sa'kin ni kuya.

Nakakainis, nasaan ka na ba kasing unggoy ka?

Nagpapapadyak na ako dito sa daan dahil sa frustration. Ewan ko ba, hindi naman ako ganito sa ibang bagay kapag nawawawala sila, nananatili lang akong kalmado kahit papaano. Pero ba't pagdating sa unggoy na 'yon, nagkakaganito ako?

Hanggang sa andami ko ng napagtanungan pero ni isa sa kanila walang nakakita kay unggoy.

Ang nakakainis pa, lagi nilang tinatanong sa akin kung jowa ko ba ito or ano. Nakakainis.

Nakakainis kasi hindi ko alam ang isasagot ko sa kanila.

Yun bang gusto kong sagutin sila na "Oo, mahal ko siya." pero sabi ng isip ko na impossibleng mangyari iyon.

Nababaliw na ako sabi ng isip ko haha.

Hanggang sa hindi ko na napansin ang oras at alas siete na pala ng gabi. Madilim na sa daan. Buti na lang ay may mga street lights na nagsisilbing liwanang ko.

May nakita nanaman ako na batang naglalakad sa lansangan. Sige last na ito na pagtatanungan ko. Kapag sinabi niyang hindi niya nakita si unggoy, uuwi na ako at bukas ko na lang siya hahanapin.

"Neng may nakita ba kayong lalaking, matangkad na maputi, na may pagkamessy yung hair, na medyo red yung eyes niya, maganda din po yung katawan, yung parang pang model, tapos matangos ilong, medyo singkit rin." Matamlay na tanong ko.

"Ah ate, gwapo ba siya?" Tanong ng bata.

"O-oo." Sabay iwas ko ng tingin sa bata.

"Nakasuot ba siya ng color black na shirt at naka pantalon ba siya ate?"

Tumango naman ako at biglang nabuhayan ng dugo.

"Ate, mukhang nakita ko siya." Sagot niya.

"Saan?" Halos tumalon ako sa tuwa sa sinabi niya.

"Siya ba iyang nasa likod mo ate?"


CREATORS' THOUGHTS
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C26
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login