Download App
97.5% THE PINK STENO DIARY (Completed Novel) / Chapter 39: Thirty Nine

Chapter 39: Thirty Nine

(EIAS Campus)

(Miyaki's POV)

(After one month.....)

Matapos ang isang buwan ay usap-usapan na sa buong campus ang tungkol sa nalalapit na search para sa taunang Miss EIAS. Beauty pageant ang tema ng pakontes na ito at maraming mga babae ang aspiring na maging Miss EIAS sa taong ito. Each sections from different levels ang maglalaban-laban sa pageant na parang sa Miss Universe. Pero bago muna ako dumiretso sa iba pang detalye ng pageant, maikwento ko nga muna ang mga nangyari sa mga nakaraang linggo. 

Naghanda ng isang surprise proposal si Marcus para kay Misha sa loob ng classroom namin. Ipinagtapat ni Marcus ang damdamin niya para kay Misha na ikinatuwa naman naming lahat dahil nabatid din namin na mahal din ni Misha si Marcus. Kaya ang resulta, sila nang dalawa.

While Aya and my Kuya Ruki are officially together na rin. Kung bakit, ibinuking namin ni Callix ang love letter ng mokong kong Kuya kay Aya. Sa umpisa ay alangan pa si Aya sa nararamdaman niya para kay Kuya Ruki pero nung lumaon ay na-in-love na rin siya sa Kuya ko, lalo na sa charming voice ng Kuya ko. And at last, pareho na rin silang masaya sa piling ng isa't isa. Sa wakas, nakumpleto na rin ang masayang love team ng mga members ng F8.

Subalit kung may masayang balita, may malungkot ding kasunod. Umalis na sa Pilipinas si Earl kasama si Dr. Cynthia para doon na siya magpagamot sa kanyang sakit at hanggang ngayon ay ipinagdarasal ko na sana ay gumaling na siya sa sakit niya.

Si Arcel naman ay namatay sa kulungan sa sakit na cancer. Stage 4 na ang kanyang cervical cancer na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Ako naman ay masaya at kuntento na sa piling ni Callix. Bagama't minsan ay nag-aaway kami, napag-uusapan naman namin yun ng maayos at madalas pa ngang magpakumbaba si Callix. Ngunit kahit ganun, mahal na mahal namin ang isa't isa at wish ko nga na sana'y siya na nga ang lalaking nakalaan para sa akin.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(IV-Dalton Classroom )

(Miyaki's POV)

Habang hinihintay namin si Miss Lanie para sa first subject namin ay naririnig ko ang malakas na tsismisan ng mga kaklase ko.

"Sino kaya ang mapipiling representative ng section natin para sa Miss EIAS?"

 

"Sana ako....."

 

"Sorry ka pero ako ang mapipili!"

"Anong kayo ang mapipili?!" ang biglang sabad nina Chiqui sa usapan. Natahimik ang mga babaing nagtsitsismisan.

"Hindi nyo ba nakikita ang bagong representative ng section natin?" sabay turo ni Gaga sa sarili niya. "Ako na ang susunod na Miss EIAS!"

Haay naku....nagyabang na naman ang bruha. Mapili na lang ang kahit sinong babae sa section namin, basta't wag lang siya, dahil siguradong ilulubog niya lang sa kahihiyan ang section namin oras na matalo siya.

Natigil na ang mga tsismisan nang dumating na si Miss Lanie.

"Good morning class, will you please take your seats."

 

Inayos naman ng mga estudyante ang kanilang mga upuan at excited na silang malaman kung sino ang magiging candidate ng IV-Dalton sa Miss EIAS.

"Okay class, as we all know, malapit na ang Miss EIAS. Nakapili na ako ng official candidate natin para sa pageant."

"Oh thank you Miss Lanie! Sabi ko na nga ba't ako ang mapipili!" sabay tayo ni Chiqui sa upuan niya at lapit kay Ma'am pero pinamaywangan lang siya ni Miss Lanie.

"Sorry, pero hindi ikaw ang pinili ng section na 'to. Sa tingin mo ba, gagawin kong official candidate ang isang bastos at walang breeding na katulad mo? No. You don't deserve to be part of the pageant." sabay senyas ni Miss Lanie kay Trying-hard-copy-cat na umupo. Napahiya si Chiqui kaya naman mabilis siyang bumalik sa upuan niya habang malakas na nagtatawanan ang buong klase.

"Siya daw ang susunod na Miss EIAS?!"

 

"Kalokohan!"

 

"Nagpapapansin na naman marahil!"

 

"Shut up!" ang pasigaw na sabi ni Chiqui pero sumabad na kaming mga F8.

"Shut up? Shut up mo mukha mo!" mataray na sabi ni Monique.

"Sa tingin mo ba, gugustuhin naming ikaw ang mapili bilang candidate? Naku, wag na. Baka kasi maghagis ka ng explosive wrecking ball sa pageant!" ang sabi ko naman na lalong ikinasakit ng tyan ng lahat sa kakatawa.

"Palibhasa kasi, anak siya ni Miley Cyrus." sabi naman ni Kuya Ruki na lalong ikinatawa ng lahat.

"Ssh....tama na, baka mamaya eh hampasin niya tayo ng wrecking ball!" ang sabad naman ni Callix na mas tinawanan ng lahat.

"Okay class, quiet." ang sabi ni Miss Lanie. Agad naman kaming nagsitigil.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Our official candidate for Miss EIAS is no one other than Miss Miyaki Miyazako."

Ah...si ano naman---

WHAAAAAAAAAAAATTTTTTT!!!!!

Ako....

Ang official candidate ng IV-Dalton?!

"Wow mahal ko, ikaw ang official candidate for Miss EIAS! Congrats mahal ko!" sabay yakap niya sa akin pero naalangan pa rin ako.

"Pero mahal ko, hindi ko background ang pagsali sa mga pageant. Tsaka...baka matalo ako." ang sabi ko pero binigyan ako ni Callix ng isang ngiti. A very positive smile.

"Mahal ko, naniniwala akong kaya mo yan. Mananalo ka. Ikaw pa, eh sa ganda at talino mong yan, tiyak na todas ang mga kalaban mo." and he kissed me on my cheeks.

Nawalang bigla ang lahat ng kaba ko sa heartwarming na sinabi ng mahal ko kaya naman hindi na ako maaalangan pang sumugal. Wala namang mawawala kung matalo ako sa pageant.

"Sige mahal ko, susubukan ko." ang sabi ko na ikinangiti ni Callix.

"Ganyan mahal ko! Wag kang mawawalan ng fighting spirit!" sabay yakap niya sa akin ng mahigpit. Inggit na inggit naman ang mga kaklase ko sa akin.

"Wow, nakakainggit naman si Miss Miyaki, siya ang napili for the pageant."

 

"Oo nga noh, di lang yan, niyakap pa siya ni Prince Callix...."

 

"Sana ako na lang siya...."

Hahahaha! Tanggapin nyo na lang kasi na taken for granted na ang ultimate prince ng school na ito!

Ang F8 naman ay masayang-masaya para sa akin.

"Wow Miya! You're the official candidate for the pageant!" Misha exclaimed.

"Oo nga Miya! Galingan mo para sayo ko na maipasa ang crown ko!" ang sabi naman ni Lexie.

"Oo. Gagalingan ko para sa inyong lahat."

Nagpalakpakan ang buong klase habang nakangiti si Miss Lanie sa akin.

"Okay classmates, dapat nating suportahan ang ating official candidate para sa pageant. Understand!" ang sabi ni Misha na agad sinang-ayunan ng lahat.

"So okay na ang lahat. Si Miyaki ang official candidate natin sa pageant. Okay, so let's start our lesson for this day. Open your book on page 60." ang utos ni Miss Lanie. Binuklat na namin ang books namin at nag-umpisa nang mag-discuss si Miss Lanie sa lesson namin.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(EIAS Swimming Pool)

(Miyaki's POV)

Tanghali at nasa swimming pool kami ni Callix. Habang nakalubog ang paa namin sa malamig na tubig ng pool ay nakayakap ako sa kanya habang siya naman ay nakayakap sa ulo ko.

"Mahal ko, andaming nangyari noh. Puro unexpected." ang sabi ko habang nakakulong ako sa bisig ng lalaking mahal na mahal ko.

"Pero marami naman tayong natutunan." he said sabay haplos niya sa buhok ko.

"Tulad ng ano?" I asked on him.

"Kababaang loob, pagpapakatotoo at pagpapatawad."

"Ang sarap palang magpatawad." ang sabi ko naman.

"Oo nga. Napagtanto ko iyon mahal ko." and he smiled. "Pero masarap mag-hotel sa pool." and he gave me an evil smile.

"Ho-hoy, anong ibig mong sabihin!" ang sabi ko sabay layo ko nang bahagya sa kanya habang siya naman ay palapit na ng palapit sa akin hanggang sa mapatong na siya sa ibabaw ko.

"Miya, I love you." ang very sweet niyang sabi sa akin. Ako naman ay hinaplos ang napakaguwapong mukha niya.

"I love you too Cal." At ang resulta? Isang mainit na halik ang pinagsaluhan naming dalawa ni Callix hanggang sa muli'y may nangyari na naman sa amin.

Masaya na ako ngayon sa buhay ko. May love life na nga ako, may mabubuti pa akong mga kaibigan at mapagmahal na pamilya. Wala na sa akin ang bahid ng nakaraan maging ang galit at poot sa puso ko. Basta ang alam ko, masaya na talaga ako.

Masaya na si Miyaki Kaite Miyazako (futurely Mrs. Miyaki Bernardo, hehe.....wag maingay.)


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C39
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login