(EIAS Campus)
(Miyaki's POV)
Habang naglalakad ako sa corridor ay nakita kong palapit na sa akin si Calla. Masayang- masaya ang itsura niya.
"Hi bhe!" ang bati niya sa akin.
"Hello Calla! Tara, kwentuhan tayo sa swimming pool!" at hinaltak ko na si Calla papuntang swimming pool.
Noong nasa swimming pool na kami ay naupo kaming dalawa sa gilid ng pool at nagkachikahan ng mga nangyari sa amin for the past one week.
"Uy bhe, balitado na ng lahat ang tungkol sa birthday mo. Advanced happy birthday sayo!" sabay bigay niya sa akin ng isang box ng regalo. "Hope you like it."
"Salamat Calla!" ang natuwang sabi ko sabay bukas ko ng regalo niya sa akin. Noong mabuksan ko na ang box ay tumambad sa akin ang isang napakacute na personalized album.
"Wow Calla...ang cute naman nito!" ang sabi ko sabay labas ko ng album. Binuklat ko ito at lalo akong natuwa pagkat puro pictures namin ni Calla ang nakalagay sa album. "Pictures pala nating dalawa ang nandito!"
"Oo naman bhe. Inipon ko sa camera ko ang lahat ng selfie pics natin tsaka ko siya inilagay lahat sa album. May cute designs na rin yan ng Minions at One Direction na paboritong paborito mo. Maganda ba?" ang tanong niya sa akin.
"Oo naman. Ito na yata ang pinakaspecial na regalong natanggap ko sa buong buhay ko. Thank you Calla." and I gave him a warm hug. Tumugon naman siya sa yakap ko.
Nang bitawan ko na si Calla ay saktong tinamaan akong bigla ng gutom ko.
"Calla, bili lang ako ng foods sa cafeteria sandali, sama ka gusto mo?" ang yaya ko pa sa kanya pero tumanggi siya at sinabi niyang hihintayin na lang niya ako. Kaya naman bumili na ako ng makakain namin ni Calla sa cafeteria.
(Swimming Pool)
(Callix/Calla's POV)
Habang hinihintay ko si Miyaki ay napansin kong may mga paang papalapit na sa akin.
"Baka si Miya na yun." ang sabi ko sa sarili ko sabay lingon ko sa likuran ko pero nagulat ako dahil nakita ko na naman ang tatlong bubuyog na wrecking ball na papalapit na sa akin at ang tataas pa ng kilay nila sa akin.
"So bakla, gold digger ka pala! Ang kapal talaga ng pagmumukha mo!" ang mataray na sabi sa akin ni Chiqui na nakapameywang pa sa akin.
"Isang elite pa talaga ang pineperahan mo!" sabad naman ni Fruitcake.
"At ang pinakamalala pa sa lahat, isang F8 pa!" sabi ni Yesha sabay duro na sana niya sa mukha ko pero tinabig ko yun.
"Hindi ako gold digger at lalong hindi ko pineperahan si Miyaki! Kaibigan ko siya!" ang pasigaw ko nang sabi sa kanila.
"Ooh, really? Hindi kami naniniwala sayo! Style mo lang yan para maawa ang mga tao sayo!" ang galit na galit na sabi ni Yesha.
"Pero sorry ka, hindi tatalab sa amin yan!" and they laughed.
Sa sobrang galit ko sa mga demonyitang wrecking ball na ito ay nasampal ko si Chiqui.
"How dare you!" sabay sampal sana ni Chiqui sa akin pero nasalag ko ang kamay niya at nasampal ko na naman siya.
"Wala kayong karapatang husgahan ako. Hindi nyo pa kilala kung sino talaga ako." ang nagbabantang sabi ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako.
"Talaga? Oh.....natatakot ako!" sabay tulak sa akin ni Chiqui sa swimming pool. "Ang kapal ng mukha mong pagbantaan kami!" at nagtawanan ang tatlong anak ni Miley Cyrus.
"Eh sino ka ba ha?! Sino ka ba?!"
AKO SI CALLIX JESH BERNARDO NA KINABABALIWAN NINYO......
Pero natigil silang bigla sa pagtatawanan nang makita nila si Miyaki.
"Calla, nasaan ka na?" sabay tingin niya sa pool. Sinadya kong lumikha ng bula para makita niyang nasa tubig ako.
"Calla!" ang halos matarantang sabi niya sa akin nang makita na niya ang bula sa tubig. "Anong ginawa ninyo kay Calla?!"
"M-Miss Miyaki...." ang natatakot nang sabi ng tatlong wrecking ball.
"ANONG GINAWA NINYO KAY CALLA?!!!" ang galit na galit nang sigaw ni Miyaki sa kanila.
Habang nasa tubig ako ay tinanggal ko naman ang wig ko at pinalutang ko sa tubig.
"Calla!" ang mas lalong naghisterya nang sabi ni Miyaki. "Nandyan na ako! Sasagipin kita! Sasagipin kita!" at tatalon na sana sa tubig si Miyaki nang mapasigaw si Fruitcake.
"Chiqui, look!"
"What the----" at napatulala sila nang lumutang na ako sa tubig, hindi na bilang si Calla, kundi si Callix Jesh.
(Swimming Pool)
(Miyaki's POV)
"Calla!" ang halos mataranta ko nang sabi habang nakikita kong lumulutang-lutang ang wig niya. "Nandyan na ako! Sasagipin kita! Sasagipin kita!" at papatalon na sana ako sa pool nang marinig ko ang tili ni Fruitcake.
"Chiqui, look!"
"What the----" ang pasigaw na sabi ni Chiqui sabay tingin namin sa pool at halos mahubaran kaming apat sa nakita namin.
Nakita kong umahon sa tubig si Calla. Wala na ang kanyang wig, sira ang kanyang make-up at ang nakapagpapagulat pa sa aming lahat, hinilamos niya ang nabasang make-up sa kanyang mukha at gulat na gulat kami nang matanaw na namin ang tunay na si Calla.....
"P-PRINCE CALLIX?!!" ang halos magimbal nang sabi ng tatlong bulateng garuda nang makita nila.....si Callix. Habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nakita ko....
SI CALLA AY SI CALLIX?!
SI CALLIX AY SI CALLA?!
PANONG NANGYARI YUN?!!
Lumapit si Callix sa tatlong wrecking ball at galit na galit niyang hinila si Chiqui.
"P-prince Callix, Prince Callix! Waaaaagggggg!!" ang halos makiusap nang sabi ni Chiqui kay Callix pero hindi siya pinakinggan nito.
"Di ba sinabi ko na sa inyo, mag-ingat kayo sa kung sino ang kinakalaban ninyo. Pero hindi kayo nakinig. Ngayon, magdusa ka!" sabay tulak ni Callix kay Chiqui sa swimming pool.
Gulat na gulat ako sa ginawa ni Callix habang nanginginig na sa takot sina Fruitcake at Yesha.
Isinunod namang hinila ni Callix sina Fruitcake at Yesha at katulad nga ng ginawa kay Chiqui ay itinulak din silang dalawa sa swimming pool.
"Hindi lang yan ang matitikman ninyo sa akin. Marami pa. At mas malala pa dyan. C'mon Miyaki." at hinila na ako ni Callix palayo sa tatlong wrecking ball na yun.
Habang papaakyat kami sa rooftop ng building ay lalo lamang naguguluhan ang isip ko. Si Calla ay si Callix. Si Callix ay si Calla.
WAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!
PANO TALAGA NANGYARI YUN?!!
Noong nasa rooftop na kami ay tumigil kami sa isang abandonadong storage.
"Callix, pakilinaw mo nga ang lahat sa akin.....pano ka naging si Calla?" ang kalmado pero naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Kaya lang ako nagpanggap bilang si Calla ay dahil hindi ko na matiis pa ang panghihimasok nila sa buhay ko. Di ba ikaw na rin ang nagsabi na kung sawa na ako sa buhay ko dito sa school, itago ko ang pagkatao ko sa lahat at magpanggap ako sa ibang katauhan. I did it. And I'm satisfied. Pero nang sagipin mo ako mula kina Chiqui, naisip kong magpanggap na lang sa harapan mo, dahil alam kong iyon na ang huling pagkikita natin. But when I saw you crying because of him.....kinausap kita bilang si Calla dahil alam kong ipagtatabuyan mo lang ako kapag nagpakita ako sayo bilang si Callix. Sinabi ko ang lahat ng nais kong sabihin sayo bilang si Callix..... dahil....dahil ang totoo nyan......ay mahal kita." ang pagtatapat ni Callix na biglang nagpatulig sa pagkatao ko.
Gulat na gulat ako sa mga huling sinabi niya.
"A-ano? M-mahal mo...ako?" ang tila hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Oo Miyaki. Mahal kita. Mahal na mahal kita."