Download App
57.5% THE PINK STENO DIARY (Completed Novel) / Chapter 23: Twenty Three

Chapter 23: Twenty Three

(EIAS Campus)

(Miyaki's POV)

(One week later.....)

Mula nang maganap ang accidental kiss sa pagitan namin ni Callix ay nag-umpisa na akong mailang ng husto sa kanya. Sa tuwing mag-pa-practice kami ng sayaw ay lagi na lang akong nahihiya at naiilang sa kanya, ni hindi ko na nga magawa pang tumingin ng diretso sa kanya! Pero hindi naman ako galit kay Callix dahil alam kong aksidente lang yun at hindi naman sinasadya ang nangyari.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Oo nga pala, sa Miyerkules na pala ang birthday ko. Ayaw ko sana ng magarbong party pero dahil pinlano na ni Ate Ayako ang party ay sasakyan ko na lang ang mga kabaliwan ng ate kong ewan.

Imbitado sa party ko sina Monique, Lexie, Misha, Marcus, Dennison, Kuya Ruki at Callix. Balak ko rin sanang imbitahan si Calla pero hindi ko naman madaling makita ang baklang yun kung saan saan. Si Ate Ayako na lang ang bahala sa mga gusto niyang papuntahing mga bisita.

Sa totoo lang, ngayon lang ulit ako magce-celebrate ng birthday ko dahil hindi ko ito nasubukan noong second year at third year ako, dala na rin ng malungkot na nakaraan ko. Pero ngayong fourth year na ako, mukhang makakapag-celebrate na ako ng birthday ko lalo pa't unti-unti na akong nagiging masaya kasama ang F8.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(School Gymnasium) 

(Miyaki's POV)

99% kabisado na ang sayaw at puro finishing na lang ang ginagawa namin. Hindi na nahihirapan pa si Misha na ituro ang mga steps dahil halos kabisado na namin ito.

Pagkatapos ng practice namin ay nagkayayaan kaming mga F8 na tumambay sa gym. Siyempre game ako dyan lalo pa't makakapaglaro kami ni Callix ng basketball.

Pero noong nasa gym na kami, nagulat kami nang makita namin ang cheering squad na naghahanda yata para sa kanilang practice. And as usual, pagkakita ng mga member ng cheering squad sa amin ay halos lumindol na sa gym sa lakas ng mga tilian.

"Bah, mukhang may practice ang squad! Masayang manood nyan!" ang sabi ni Marcus sa amin.

"Oo nga noh!" sabi naman ni Monique.

"Parang hindi eh....." ang sabad ko naman sa kanila.

"Bakit naman Miya?" ang sabay na tanong nina Marcus at Monique sa akin.

"May paepal kasi." sabay turo ko sa tatlong babaing nakasuot ng pang-cheering squad at walang iba kundi sina Chiqui, Fruitcake at Yesha.

"Ano naman ang ginagawa ng mga talangkang yan dito!?" ang biglang nainis na tanong sa amin ni Misha.

"Malamang, magpapapansin na naman." Lexie said.

"Yan sila eh. Wala na tayong magagawa pa." sabi ni Dennison.

"Hindi na natin magagawa pang ma-repair ang sira ng mga ulo nila." ang sabi ni Callix na ikinatawa naming lahat.

Nakita naming nagset-up na ang cheering squad habang sina Chiqui naman ay nagpunta sa gitna.

"Ano kayang gagawin nila?" Marcus asks curiously.

"Sasakay sila sa wrecking ball." ang sabi ko na lalong ikinatawa ng lahat.

Nagsimula na ang kanilang instant performance na tinilian ng mga estudyante. Maganda ang acrobats at mga exhibition moves ng squad na maihahanay na talaga sa cheering squad ng NU sa UAAP, kaso lang, sinira ng tatlong wrecking ball na ito ang performance ng squad. Wala namang ibang ginawa ang tatlong yun kundi ang tumalon-talon at iwagayway ang mga pompoms nila. Hay. Kung kumain na lang sana sila ng hilaw na karne ng tao, natuwa pa sana ang mga audience.

Noong natapos ang buwis-patay na performance ng squad at ng tatlong anak ni Miley Cyrus ay lumapit silang tatlo sa amin.

"Hi F8! Do you like our performance?" ang nagpapacute pang tanong ni Chiqui sa amin.

"Okay na sana ang performance ninyo, kaso lang, kayong tatlo ang naging panira ng presentation. Kayo ba eh nag-cheering talaga o lumambitin lang kayo sa invisible wrecking ball ng nanay nyong si Miley Cyrus?" ang nanlalait na tanong ko sa kanilang tatlo.

"M-Miss Miyaki....." ang halos matulalang sabi nila.

"Maganda sana kung di na lang kayo umeksena. Naumay lang ako eh!" ang reklamo ni Marcus sa kanila.

"Para ngang di cheering performance ang napanood namin, parang pamperya ang napanood namin!" inis na sabi ni Misha sa kanila na halos maligo na sa kanilang sariling mga kahihiyan.

"Mahiya naman kayo sa mga nanonood. Mga pabida lang kayo eh!" Lexie said sarcastically.

"Sayang lang ang ipinunta namin sa gym!" sabad naman ni Monique.

"Mga imba kayo!" sabi naman ni Dennison.

"Magsialis na nga kayo!" pasigaw na sabi ni Kuya Ruki sa kanila.

"Get out freaks. Go to hell." ang sabi ni Callix na tila yata kidlat na tumama sa kanila, dahilan para nagsialisan na ang tatlong wrecking ball.

Nang wala na ang tatlong wrecking ball na yun ay nagtawanan kaming lahat.

"That imbas! Seriously, may schizophrenia ba sila?" ang natatawang tanong ni Marcus sa amin.

"Parang eh. Para kasi silang mga baliw." sabi naman ni Misha.

"Hindi rin. Kulang lang sila sa paligo." ang biro naman ni Dennison.

"Anong kulang sa paligo?!" ang sabad ko sa usapan. "Sadyang mga missing daughters lang sila ni Miley Cyrus!"

Nagtawanan lalo ang lahat sa sinabi ko.

"Oo nga noh!" sabi naman ni Monique.

"Wag naman kayong ganyan! Mga wala kayong puso." ang kunwaring nagdadramang sabi ni Kuya Ruki na lalo naming ikinahagalpak ng tawa.

"Eh nasaan ba ang mga puso nila?" sabad naman ni Monique.

"Kinain na sa 'The Conjuring', kaya wala na silang puso." ang sabi pa ni Kuya Ruki na halos nagpasakit na sa tyan namin sa kakatawa.

Nagtawanan kami nang nagtawanan hanggang sa nagyaya na si Monique na kumain na kami ng lunch sa private room.

(Corridor)

(Skyler's POV)

Pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko sa locker room ay lumabas na ako at naglakad sa corridor.

Habang naglalakad ako ay naramdaman kong bumangga ako sa isang tao. At noong lingunin ko ang nakabangga ko ay agad ko siyang tinulungan.

"Oh sorry, okay ka lang ba?" ang tanong ko habang tinutulungan kong makatayo yung nabangga ko.

"Oo. Okay lang ako. Salamat." sabay lingon niya sa akin.

Bigla akong natigilan nang makita ko ang mukha niya.

Dahil babae ang nabangga ko.

Isang napakagandang babae.

Kasabay ng pagkakita ko sa mala-anghel niyang mukha ay halos makakita na ako ng mga puso at kulay pink na paligid na tanging ako lang ang nakakakita.

Hanggang sa.......

"Kuya, okay ka lang ba?"

Nagising ako sa katotohanan at nakita kong nag-aalala na ang itsura ng napakagandang babaing iyon.

"H-ha? Ahm...o-okay lang ako." and I smiled. "I'm Skyler Tiongson." pagpapakilala ko sa kanya. "You?"

"Elize. Elize Perez." ang sabi naman niya.

"Nice meeting you, Elize." ang sabi ko sabay abot ko ng kamay niya para kamayan siya.

"Same to you Skyler." at nakipagkamayan siya sa akin na halos speechless at kinakabahan.

Nagkamayan kami ni Elize at halos speechless ako dahil sa mala-kuryenteng init na bigla na lang dumapo sa kamay ko. Parang ayaw ko na ngang bitawan ang kamay niya.

Hanggang...

"Skyler, medyo nangangawit na ako."

 

"Oh sorry." at napilitan tuloy akong bitawan ang kamay niya. 

"Bago ka lang ba dito?" ang tanong ko sa kanya kasi ngayon ko lang nakita ang mukha niya. Aaminin ko na ka-level niya pagdating sa kagandahan sina Miyaki, Monique, Aya, Misha at Lexie pero para sa akin, siya na ang pinakamagandang babaing nasilayan ko sa tanang buhay ko. 

"Oo. Transferee ako dito. 4th year na ako. Ikaw?"

 

"Matagal na ako dito. Tsaka 4th year na rin ako."

"Ah.....I see. Ahm Skyler, mauna na pala ako ha, makikipagkita pa kasi ako sa new adviser ko. Bye." at naglakad na siya palayo sa corridor habang ako naman ay nakatanaw lang sa kanya.

Nung di ko na matanaw si Elize ay aalis na rin sana ako sa corridor nang mapansin ko ang isang bagay na nasa sahig ng corridor. Pinulot ko iyon at tumambad sa akin ang isang panyo na may initials na E.P. 

"Kay Elize kaya ito?" ang natanong ko sa sarili ko habang hawak ko ang panyong yun. Tinignan ko muna kung babalik pa ba si Elize para kunin niya ang panyo pero hindi na siya nakabalik. Kaya itinago ko na ang panyo sa bag ko at saka na ako umalis ng corridor.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C23
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login