Download App
52.5% THE PINK STENO DIARY (Completed Novel) / Chapter 21: Twenty One

Chapter 21: Twenty One

(NAIA Terminal 3)

(Aya's POV)

After ng practice namin sa araw na ito ay nagmamadali na akong pumunta sa NAIA para sunduin si Mommy.

Noong nasa airport na ako ay dumiretso na agad ako sa arrival area ng airport para abangan doon si Mommy. 

Walang ten minutes akong naghintay sa arrival area ay nakita ko na si Mommy na may dalang mga maleta.

"Mommy!" ang sabi ko sabay lapit ko sa kanila.

"Oh Aya!" and Mommy hugged me. "Dalaga na ang baby girl ko ah! Three years din kitang di nakita ah! Kamusta ka na?"

"I'm fine Mom. Anyways, umuwi na tayo at nang makapagpahinga na kayo sa bahay." ang sabi ko pero umiling-iling si Mommy.

"Antayin natin yung kasama ko, parating na yun."

"Sino po ba ang kasama mo? Si Daddy po ba? Si Lolo Mino.....o si--" at natigil ang sasabihin ko sa kanila nang may isang dumating sa arrival area na isang lalaking naka-wheelchair. Kalbo na ang buhok niya at maputla na ang balat. Balot na balot siya ng suot niyang jacket pero mahahalata mong ang laki na ng ibinagsak ng katawan niya.

Lumapit si Mommy sa nagtutulak ng wheelchair at siya na ang nagtulak ng wheelchair ng lalaking iyon na malakas ang kutob kong....

KUYA KO IYON......

Nang makalapit na ang wheelchair sa akin ay tumama nga ang hinala ko.

Si Kuya Earl nga ang kasama ni Mommy.

"Aya, si Earl ang kasama kong umuwi dito." sabay baling niya sa Kuya ko na tila yata may malalang sakit na dinadala.

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Mommy. 

Paanong nakauwi si Kuya Earl dito sa Pilipinas gayong pinagbawalan siya ni Daddy na umuwi dito?

"K-kuya.....anong ginagawa mo dito?" ang halos hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Napauwi ako dito kasi namimiss na kita. Masama bang umuwi paminsan-minsan?" ang sabi niya na bagama't mahina ay maayos pa naman siyang nakapagsasalita.

"OO. MASAMANG UMUWI KA PA RITO. KUNG ALAM MO LANG KUNG GAANO KALAKI ANG GALIT SAYO NG MGA TAO DITO. KUNG ALAM MO LANG." ang bulong ng isip ko.

"Ahm....hindi naman Kuya. Welcome ka pa naman dito. Buti naman at pinayagan ka na ni Daddy na makauwi na dito." ang sabi ko sa kanya habang pinagtatakpan ko ang matinding inis at hinanakit ko sa kanya.

"Oo nga eh. Thankful ako at pinayagan na ako ni Daddy na makauwi na dito sa Pilipinas. Tsaka....gusto ko nang makita si Miyaki. Namimiss ko na kasi siya." ang sabi niya na halos nagpatulig sa buong pagkatao ko.

"NABABALIW KA NA BA KUYA?! HINDING-HINDI KA NA MAKAKALAPIT PA KAY MIYAKI! LALO PA'T SILA NA NI CALLIX JESH!" ang galit na galit na sabi ko na nagpagulat sa kanya.

"Ano Aya? P-pakiulit mo nga ang sinabi mo..." ang tila hindi makapaniwalang sabi ni Kuya sa akin.

"SI CALLIX JESH NA ANG MAHAL NI MIYAKI. MATAGAL NA SILANG MAGKASINTAHAN, SIMULA NOONG WALA KA NA DITO, MAGKARELASYON NA SILA." ang pagsisinungaling ko na biglang nagpatulala sa Kuya ko.

"Hindi totoo yang sinasabi mo Aya. Hindi totoo yan." ang halos ayaw niyang maniwalang sabi sa akin pero pinanindigan ko na lang ang panibago kong kasinungalingan.

"Totoo lahat ng narinig mo Kuya. Pagmamay-ari na ni Callix si Miyaki. Kaya wag ka nang umasa pang makakausap mo pa siya dahil matagal ka na niyang kinalimutan." and I look at my Mommy. "Mommy, ako na ang magtutulak kay Kuya. Mauna na po kayo sa kotse." ang kaswal kong sabi kay Mommy. Sinunod naman ako ni Mommy at nauna na nga sila sa kotse. Habang ako naman ang nagtulak sa wheelchair ni Kuya Earl palabas ng airport.

Kung ano na naman ang motibo ko at nagsinungaling na naman ako, iisa lang ang rason. 

Sina Callix at Miyaki.

Nakikita kong nagkakamabutihan na sila at ayokong masira iyon nang dahil sa Kuya ko. Kilalang-kilala ko ang Kuya ko, gagawin niya ang lahat, mapatawad lang siya ni Miyaki at makabalik sila sa dati. Ayokong mangyari iyon dahil tiyak na masasaktan si Callix at lalong lalala ang galit niya sa amin ni Kuya Earl. Kaya kahit alam kong masakit pagsinungalingan ang sarili kong kapatid, gagawin ko...

WAG LANG SILA PARE-PAREHONG MASAKTAN.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C21
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login