Download App
47.5% THE PINK STENO DIARY (Completed Novel) / Chapter 19: Nineteen

Chapter 19: Nineteen

(EIAS Campus)

(Miyaki's POV)

Two days later na rin ang nakakalipas mula nang mapasama ako sa Famous Eight. Sa una ay tahimik ako at hindi ako nagsasalita. Ilang beses ko na ring sinubukang lumayo sa kanila pero useless lang, dahil mas makulit pa sina Monique, Misha at Lexie kaysa kay Kuya Ruki at Callix. Siyempre naiilang ako sa umpisa pero habang tumatagal ay mas gumagaan ang loob ko sa kanila. Hindi naman pala sila ganun kasama tulad ng iniisip ko. Tama nga si Kuya Ruki, dapat noong una pa lang, kinilala ko na sila.

Dahil siyempre member na ako ng Famous Eight, nag-umpisa na rin akong dumugin ng mga fans ko, isa na nga sa kanila ay sina Queen Bee and her two alipores. Hinahangaan ako ng lahat na kulang na lang ay ipagawa na nila ako ng rebulto sa Luneta o di kaya'y isali sa walk of fame ni German Moreno. Maya-maya kasi akong nilalapitan at kinakausap ng mga estudyante mapa-lalaki man o babae kung kaya naman pinapabantayan ako ni Callix sa kanyang personal bodyguard. At katulad nga ng ginagawa ni Callix palagi, dinededma ko na lang ang mga estudyanteng umaaligid sa akin.

Oo nga pala, merong new hired teacher dito sa school. Nung una akala ko, kakawawain din ito ng mga Timbuktu classmates ko. Pero pagpasok na pagpasok pa lang niya sa classroom, halos hindi na makapagsalita ang lahat.

"Hi. I'm Nico Fontanoza, your new Science teacher." pagpapakilala niya nun sa amin.

Well, kahit sino naman ay tiyak na mapapanganga pag si Sir Nico ang naging teacher ninyo. Matangkad si Sir Nico, medyo mestiso pero sobrang guwapo at ang ganda pa ng built ng kanyang katawan, kaya naman yung mga classmates kong mga babae't mga bakla, halos tumulo na ang laway nang dahil sa kanya. Kahit pa nga yung mga nasa ibang section at year level, napapahinto sa paglalakad pag nakikita si Sir Nico. Pati nga si Miss Leila maging yung ibang mga teacher namin ay kilig na kilig sa kanya.....

Except Miss Lanie.

"Sus, guwapo lang yun pero mahangin ang kukote." sabi pa ni Miss Lanie sa akin.

Napangiti naman ako sa kanila. Madalas kasing lokohin ni Sir Nico si Miss Lanie kaya ganun na lang ka-grabe ang inis ni Miss Lanie kay Sir. Pero naku, nararamdaman kong malaki ang possibility na magkatuluyan yang dalawang yan!

------------------------------------------------------------------------------------------------

(School Gymnasium)

(Miyaki's POV)

Nasa gym kami ngayon para sa practice. Para masimulan na ang practice, pinapaliwanag na sa amin ni Misha yung formation namin pati na rin yung steps habang may nag-de-demo na dalawang choreographer sa harapan namin. Pero hindi ko masyadong mapakinggan ang sinasabi ni Misha dahil masyadong maingay si Marcus. Idagdag pa ang mga nananaghiling tingin sa akin ng mga kaklase kong babae't bakla at mga nanlalagkit na tingin sa akin ng mga kaklase kong lalaki.

Inayos na ang formation namin, nasa bandang gitna kami ni Callix. Sa left side naman namin sina Marcus at Lexie habang sa right side naman namin sina Kuya Ruki at Aya. While Monique and Dennison placed in our front.

Habang busy sa pagpapaliwanag nung first step si Misha, si Marcus naman ay bulong ng bulong kay Callix na magpalit na lang ng ka-partner. Dinededma na lang namin siya ni Callix. Pero sadyang makulit talaga ang unggoy na ito.

"Uy, dali na kasi Callix! Palit na tayo ng ka-partner!" pangungulit pa ni Marcus.

"Marcus, listen!" sigaw ni Misha sa kanya.

Haha, buti nga sayo Marcus! Ang kulit mo kasi!

"Okay everyone, please face your partner." ang sabi ni Misha. Humarap naman ako kay Callix pero hindi naman ako makatingin sa kanya ng diretso, pano kasi kinakabahan ako, at isa pa, naiilang ako sa napakaguwapong nilalang na ito dahil kahit na kaibigan ko siya, may mga times na nahihiya pa rin ako sa kanya.

Sinusundan namin yung ginagawa ng choreographers sa harapan. Yung next step, hinawakan nila ang magkabilang kamay ng isa't isa. Ako naman, parang di makagalaw sa kinatatayuan ko.

Anak ng tipaklong, ba't ba ninenerbyos ako?!

Napatingin tuloy ako kay Callix at nakita kong nakangiti siya sa akin, dahilan para lalo pang mangatog ang tuhod ko.

"Ahm.....C-Callix.....k-kasi.....parehong kaliwa yung paa ko," ang sabi ko pa sa kanya pero nginitian niya lang ako.

"Okay lang. Eh di tuturuan kita. I know how to dance ballroom."

Tumingin ako sa kanya at nakita kong nanlalagkit pa rin ang tingin niya sa akin kaya napayuko ulit ako.

"P-pasensya na, hindi talaga ako marunong sumayaw eh. Baka maapakan ko pa yung paa mo."

"Then trust me."

Nagulat ako dahil bigla niyang hinawakan yung dalawang kamay ko. Bigla-bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko at parang may kung ano na naman sa tyan ko na hindi ko maintindihan.

Kung saan-saan ako tumitingin kasi nakakailang talaga ang guwapong anghel na ito!

"Kung hindi ka marunong, willing akong turuan ka." and he touched my chin at itinaas ito para matitigan siya. "The first rule in ballroom dancing is create an eye contact with me." at binigyan ako ni Callix ng isang nakakatunaw na tingin. Para akong nauupos na kandila nang magtama ang mga mata namin. At nararamdaman ko ang biglang pag-iinit ng mukha ng mukha ko.

WAAH! BA'T BA AKO NAGKAKAGANITO?!

PAKI-EXPLAIN NGA MISS AUTHOR!

(Author's Note:  Kinikilig ka Miyaki. Hindi mo ba nahahalata? Ayan. Na-explain ko na. Labyu.)

(School Gymnasium)

(Miyaki's POV)

"Yumuyuko ka na naman eh. Look at me." ang malambing na saway sa akin ni Callix kaya naman ibinalik ko agad ang tingin ko sa mga mata niya.

Nasa kalagitnaan na kami ng practice at ngayon ko rin lang din na-gets ang ipinapaliwanag sa amin ni Misha. Tatlong sayaw ang sasayawin namin-chacha, tango at rumba. I-re-remix na lang daw ang tugtog na gagamitin namin. So first yung chacha at dahil nga parehong kaliwa ang paa ko, nalilito ako sa steps at napapatingin ako sa mga paa ko. Kada naman gagawin ko yun, sinasaway ako ni Callix. Pero pag binabalik ko ang tingin ko sa kanya, mas ninenerbyos ako at mas lalo pa akong nagkakamali.

"A-ano kasi...practice pa lang naman ito at talagang hindi ako marunong magsayaw eh. Nalilito ako sa mga steps." pagpapaliwanag ko naman sa kanya kung bakit ako laging nakayuko.

"Just trust me. Pag lagi kang nakayuko, makakasanayan mo yan." and he smiled at me.

Tumingin uli ako sa kanya, pero sa noo niya at hindi sa nakakatunaw na mata niya. Nag-umpisa na kami uling magsayaw. Sumunod lang ako sa bilin ni Callix at nagulat ako dahil nagagawa ko na yung mga steps at di ko na siya naaapakan.

Habang busy ang lahat sa practice, si Marcus at Lexie naman ay busy na mag-apakan sa paa ng isa't isa. Nagtatawanan na yung mga nakapalibot sa kanila dahil sa kulitan nilang dalawa kaya naman na-distract ang practice at nagalit si Misha.

"KAYONG DALAWA! AYUSIN NYO NGA YAN!" sigaw ni Misha sa kanila.

"Sorry po....." sabay na sabi nina Marcus at Lexie.

After na maituro ang ilang mga steps sa amin ay pinag-break muna kami. Dumiretso kami ni Callix sa private room. Nakita ko sina Queen Bee and her alipores na nananaghili na naman sa akin. Parehas lang namin silang inisnab.

Nung nasa private room na kami ay umupo agad ako sa sofa sa sobrang pagod. Tumabi sa akin si Callix at napapikit siya sandali. Napatingin tuloy ako sa kanya at napansin kong basam-basa ng pawis ang buhok niya.

Napansin ko na mas guwapo pala siya pag wet look. Nakababa na gulu-gulo ang buhok niya. Talagang hindi ko maipagkakailang pinagpala siya ni Lord sa itsura. Maganda ang mga pilikmata niya at ang mga pisngi niya, kay sarap sigurong pisilin at halikan dahil napaka-cute ng kanyang baby face na mukha. Sayang nga lang at wala siyang dimples.

Hindi ko namamalayan na nakatitig na rin pala siya sa akin at muli'y nanlalagkit na naman ang titig niya sa akin.

"Why Miya?" he sweetly asking on me.

"H-ha? Ah...e-eh...kasi...ahm...w-water gusto mo?" sabay bigay ko sa kanya ng mineral water.

"Oo naman." sabay kuha niya ng mineral water na hawak ko. "Salamat ha. Pero makita lang kita palagi Miya, nawawala na ang pagod ko." at masuyo niyang hinawan ang ilang strands ng buhok ko. "Makakita lang ako ng diyosang katulad mo, parang nasa langit na ako."

 

Medyo nailang ako sa mga sinabi niya pero tinawanan ko lang siya sabay tapik ko sa noo niya. "Teka lang Callix, ang lalalim yata ng mga pinagsasasabi mo." sabay katok ko ng marahan sa noo niya. "Lasing ka ba?"

"Oo...nalasing na ako ng kagandahan mo...." ang tila wala sa sariling sabi ni Callix na biglang nagpagulat sa akin.

"Huh?!"

Biglang natauhan si Callix kaya naman natawa siya sabay sabing, "W-wala! Never mind. Wag mo na lang pagpapapansinin ang mga pinagsasasabi ko. Dala na rin ito marahil ng pagod ko. Salamat ulit sa mineral water ha." at ininom na niya yung mineral water na bigay ko sa kanya.

Naisip ko na marahil ay pagod na pagod talaga si Callix kaya't kung anu-ano na ang mga pinagsasasabi.

Nang matapos na ang break time ay sabay na kaming bumalik sa gymnasium para sa continuation ng practice.

Nung kumpleto na ang buong klase, nag-start na kaming mag-praktis ulit. Bago kami mag-proceed sa next step, nag-re-cap muna kami mga steps na naituro na sa amin kanina. Sina Marcus at Lexie naman ay patuloy pa rin sa pag-aapakan ng paa ng isa't isa kaya naman napagalitan na naman sila ni Misha dahil mukhang nakukunsume na ito sa kakulitan ng dalawa.

"Pinapasaya lang namin yung practice!" sabi ni Lexie.

"Oo nga naman Mish, wag kang masyadong high blood! Sige ka, papanget ka!" dagdag pa ni Marcus na nagpatawa sa aming lahat. Napabuntung-hininga na lang si Misha at sinabing baka mas lalo siyang magmukhang manang nang dahil sa kanilang dalawa.

Inulit uli namin yung mga steps. Natawa na naman ako kasi nagkakaapakan na naman sina Marcus at Lexie, nauna pa nga sila sa pag-change ng position. Dahil sa taranta nilang makabalik sa dating position nila ay napalakas ang ikot ng dalawa kaya aksidenteng nabangga ni Marcus si Callix Masyadong malakas ang pagkakatulak kay Callix kaya ang akala ko ay sa sahig siya babagsak pero nagulat ako nang mahagip ako ni Callix at matumba kami.....kaya naman....

HALOS MANLAKI ANG MGA MATA KO SA NAGING POSISYON NAMING DALAWA....

"Uy sorry! Callix, Miyaki, okay lang ba----" at hindi na naituloy pa ni Marcus ang sasabihin niya dahil sa matinding gulat niya.....

MAGKADIKIT ANG MGA LABI NAMIN NI CALLIX.....

Nang ma-realize namin ito ay agad kaming humiwalay sa isa't isa. Napahawak na lang ako sa mga labi ko at hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Nagkatinginan kaming dalawa ni Callix at maging siya ay shocked din sa nangyari.

Hindi ko alam kung una niya ito.....

Pero ako?

TALANGKA!

FIRST KISS KO ITO!!!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C19
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login