Download App
45% THE PINK STENO DIARY (Completed Novel) / Chapter 18: Eighteen

Chapter 18: Eighteen

(Bernardo Royalties)

(Callix's POV)

"LEXIE! WHERE THE HECK ARE YOU?!" ang naghihisterya nang tanong ni Ruki kay Lexie sa cellphone.

"Chillax Ruki! Nandito na kami sa hotel. Nasa elevator na kami at malapit na kami dyan!" ang sabi naman ni Lexie na medyo nagpapanatag na sa amin ni Ruki.

"Okay. Just keep fast! Alam mo naman kung gaano na kami ka-excited makita ang new look ng kapatid ko! Okay, bye!" sabay baba na ni Ruki sa cellphone niya.

"Cal, don't you worry, nandito na pala sila sa hotel, nasa elevator nga lang sila kaya 'di ko gaanong marinig ang boses niya. Pero nandito na sila." ang sabi ni Ruki.

"Oh....thank God at ligtas silang nakarating dito." ang sabi ko naman.

"Ano, parating na dito sila Lexie?" sabad ni Misha sa amin.

"Oo. Mamaya lang, nandito na yung dalawang yun." Ruki said.

"Haay, ano kaya ang new look ng new member natin?" ang excited nang tanong ni Monique sa amin.

"Baka ganun pa rin, tibo pa rin." ang sabi ni Marcus.

"Grrr....may tomboy pa ba na tomboy pa rin ang look?!" sabay batok ko sa may katok na ulo ng sira-ulong si Marcus.

"Sorry na! Binibiro lang kita eh..." ang sabi pa ni Marcus sabay taas niya sa mga kamay niya na para bang hinoholdap.

"Pwes di nakakatawa yang biro mo." at inirapan ko siya.

Sasagot pa sana si Marcus nang biglang bumukas ang pinto sa loob ng event's hall.

"Good evening guys!"

Napalingon kaming lahat at nakita namin si Lexie na nasa loob na ng hall, pero wala si Miyaki.

"Wait, where's Miyaki?!" ang tanong ni Misha sa kanya.

Hanggang sa may pumasok na isang babae sa hall. Straight ang mahabang buhok niya, nakasuot ng pink cocktail dress, white flat shoes at blue corvette necklace. Halos mahubaran ako sa gulat nang mapagtanto ko kung sino ang napakagandang babaing ito...

"M-Miyaki....." ang halos matulala kong sabi habang nakatitig ako sa mala-Riyo Mori niyang mukha.

Lumapit si Miyaki sa amin at lalo akong natulala nang makita ko sa malapitan ang nalantad niyang kagandahan.

"Miyaki? Is that you?!!" ang halos magwala nang sabi ni Monique.

" O-oo. Ako nga si Miyaki." ang sabi naman niya.

"Miya....." sabay lapit ko sa napakagandang anghel na ito. "You look like an enchanting fairy."

"Ha? Ah...eh...hindi naman." ang tila nahihiyang sabi niya sa akin.

"Anong hindi?" and I smiled. "Miyaki..." and I touched her lovely face. "Anatawa kirei desu." (you look so beautiful)

"S-salamat Callix." ang tila namatandang sabi niya.

"Mauna na kami sa dining hall ha," at nauna na sina Monique sa dining hall ng hotel.

Naiwan kaming dalawa ni Miyaki sa hall.

"Miya, napakaganda mo talaga. Sobra." ang humahanga kong sabi sa kanya.

"S-salamat." ang sabi naman niya.

Dahil inatake na naman ako ng matinding pagmamahal ko sa kanya ay hindi ko na nakuntrol pa ang sarili ko. I hug her. A very very warm hug. Siya naman, bagama't nagulat siya ay tumugon din siya ng yakap sa akin. Parang gusto ko na lang na makulong sa piling niya nang mga sandaling iyon. Ayokong maputol ang masarap na sandaling ito sa pagitan naming dalawa. Ayoko. 

Hanggang sa...

"Cal, halika na. Tayo na lang yata ang hinihintay nila."

"No...please...dito ka muna." ang wala sa sariling sabi ko.

"Huh?"

"Ah.....I-I mean...s-sige. Halika na." at binitawan ko na siya sa pagkakayakap ko sa kanya. Magkahawak-kamay kaming naglakad papunta sa dining hall kung saan nakaupo na sina Monique.

(Bernardo Royalties)

(Ruki's POV)

Nasa dining hall kaming lahat at kasalukuyan kaming kumakain ng dinner na pinahanda ng mommy nina Callix at Monique. Habang kumakain kami ay napapansin ko ang mga malalagkit na tingin ni Callix kay Miyaki. Ni hindi pa nga niya nababawasan ang pagkain niya. Si Miyaki naman, hayun at tila nahihiyang tumingin kay Callix. At mukhang hindi lang ako ang nakakahalata sa kilos nilang dalawa, kundi pati na rin ang buong F8.

"Ehem...." ang parinig ko kay Callix na halatang natamaan at ipinagpatuloy ang pagkain niya. Pero makalipas ang ilang minuto, napapatingin na naman siya kay Miyaki. 

Haay....ang lakas talaga ng tama niya sa sister ko! He already!

"Guys, anong masasabi nyo sa new look ni Miya?" ang tanong ni Lexie sa amin.

"Beautiful." sabi ni Dennison.

"More beautiful." sabi naman ni Marcus.

"Anong more beautiful? Most beautiful kaya!" Misha said. "Di ba Miya?" sabay baling niya kay Miyaki.

"Ikaw ang may sabi nyan." Miyaki said.

"Maling-mali ka Misha. Hindi lang basta-basta most beautiful si Miyaki. She's stunningly beautiful!" ang sabi ni Monique na lalong nagpamula sa mga pisngi ni Miyaki.

"Stunningly beautiful? Pwede na rin, pero mas maganda kung gorgeously beautiful." sabi ko naman.

"Wow! Like ko yan! Eh ikaw naman Callix....anong masasabi mo sa new look ni Miyaki?" ang tila nanunuksong tanong ni Lexie kay Callix.

Callix smiled and said. "Perfect. Perfectly beautiful."

Napa-WHOA kaming lahat sa sinabi ni Callix. Si Miyaki naman, lalong namula ang mukha niya sa sinabi ni Callix.

"Haha! Super like ko yan!" at tumawa si Lexie. "Mukhang kay Miyaki ko na nga maipapasa ang title ko sa August!"

"Tama! Na-fe-feel ko na yan!" ang sabi naman ni Monique sabay appear nilang dalawa ni Lexie.

Nagtawanan kaming lahat at ipinagpatuloy namin ang pagkain namin kasabay ng masayang kwentuhan namin.

(Bernardo Royalties Parking Lot) 

(Callix's POV)

Pagkatapos ng welcoming dinner namin kay Miyaki ay napagpasyahan na ng lahat na umuwi na kami dahil may pasok pa kami bukas.

Nauna nang umuwi sina Lexie at Dennison habang nagsabay naman sina Misha at Marcus. Si Ruki at Monique naman ay nagsabay na ring umuwi kaya ang resulta, kami ni Miyaki ang naiwan sa parking lot. Nagprisinta akong ihatid siya pauwi sa kanila, buti naman at pumayag siya.

Sumakay kami sa kotse ko at nag-drive na ako palabas ng hotel. Habang nasa byahe kami ni Miyaki ay marami kaming napagkwentuhan tungkol sa iba't ibang bagay, hanggang sa madako na ang usapan namin sa love life ko.

"Cal, may girlfriend ka ba?" ang tanong ko sa kanya.

"Girlfriend? Wala. Wala akong girlfriend. Pero first love, meron." and I slightly blushed.

"Ayiee! Sino siya?" ang nang-aasar na tanong ni Miyaki sa akin.

"IKAW." ang nais sabihin ng puso ko pero nagpigil lang ako at sinabi kong..... "Taga-probinsya. Kaibigan ni Monique." ang alibi ko na lang.

"Ah ganun ba...." and she nodded. "Pero in fairness ha, ang daming may gusto sayo pero wala ka man lang pinansin kahit na isa sa kanila."

I smiled at her and said, "Bakit ko naman papansinin yung mga yun, EH IKAW LANG ANG NAG-IISANG BABAE SA PUSO KO...." ang bulong ko pero mukhang narinig niya yata.

"Huh? Ano yun?" ang sabi niya na halos ikataranta ko na sa sobrang hiya at nerbyos.

"H-ha? Ahm.....w-wala. Never mind." ang sabi ko na lang tsaka ko ipinagpatuloy ang pagmamaneho ko.

Nag-drive lang ako at nang nasa tapat na kami ng bahay nina Miyaki ay itinigil ko na ang kotse.

"Miya, were here." sabay lingon ko kay Miyaki at halos mapanganga ako nang makita kong mahimbing nang natutulog ang aking mahal.

Tinitigan ko si Miyaki. Medyo nakaharang ang ilang strands ng buhok niya sa mukha niya kaya hinawi ko ito at mas naaninag ko ang mukha niya habang natutulog. Napaka-peaceful ng mukha niya at kay sarap titigan.

"Miyaki." ang bulong ko sa kanya. "I love you." I lean on her and I gave her a kiss...on her lovely cheeks.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C18
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login