Download App
42.5% THE PINK STENO DIARY (Completed Novel) / Chapter 17: Seventeen

Chapter 17: Seventeen

(F8 Private Room)

(Miyaki's POV)

Pagkatapos ng mala-bombang announcement na pinasabog ng F8 ay agad agad na nila akong hinila sa leisure room para i-welcome daw nila ako ng super bongga.

"Hi Miyaki! Welcome to F8! I'm so glad at ikaw na ang new member ng group natin! Sama ka palagi sa aking mag-shopping ha!" ang masayang sabi ni Lexie sabay yakap niya sa akin.

"Ha? Ah eh....hindi kasi ako mahilig sa shopping-shopping na yan." ang sabi ko pero tinawanan lang ako ni Lexie at sinabi pa niyang mag-e-enjoy daw ako kapag siya ang kasama kong mag-shopping.

"Ikaw naman kasi Lex, bakit mo pinipilit si Miyaki sa mga ganyang bagay samantalang alam naman natin na may pagka-boyish siya! Mas magkakainteres pa siya sa softball. Miyaki, hayaan mo't tuturuan kitang maglaro ng softball. Wag kang mag-alala, madali lang maglaro nun!" ang sabi naman sa akin ni Dennison.

"Sorry ka na lang Den, mas gusto pa niya ang basketball." ang sabad ni Callix sabay kindat niya sa akin.

"Eh kahit pa! Tuturuan ko pa rin siya, wag kang mag-alala, di ko siya aagawin sayo Callix!"

"Huh?!"

Nagulat ako nang biglang piningot ni Marcus si Dennison. "Naku Miyaki, wag mong pagpapapansinin ang isang 'to. Anyways, I'm Marcus. Sama ka sa akin kapag may car exhibition ako ha!" sabay shakehands niya sa akin.

"Sige. Okay ako dyan." ang sabi ko naman.

"Miyaki, kung may problema ka man sa lessons natin, sa akin ka lumapit at tutulungan kita. Welcome to F8!" ang sabi naman sa akin ni Misha.

"Salamat Misha." ang sabi ko naman sa kanya.

"At dahil new member ka na ng F8, sasama ka kay Lexie ngayon para sa isang bonggang makeover!" ang sabi ni Monique sabay akbay niya sa akin.

"Ha? Makeover?! Wag na! Okay na ako sa ganitong ayos ko." ang tanggi ko pero lalo lang akong kinulit ng kinulit ni Monique hanggang sa mapapayag na niya ako.

"Sige na Monique. Payag na ako." ang sabi ko sa kanila.

"Yehey! Tara na sa mall! Excited na akong mag-shopping! Sige guys, mag-ba-bonding pa kami ni Miyaki ha!" sabay hila na ni Lexie sa akin palabas ng private room.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(Gateway Mall)

(Miyaki's POV)

Pagkarating namin ni Lexie sa mall ay dumiretso na kami sa salon na pag-aari nina Misha. Noong nasa salon na kami ay nag-usap pa sina Lexie at yung baklang mag-aayos yata sa akin.

"Gawin mo siyang magandang-maganda ha! Sundin mo lahat ng pinagbibilin ko. Intiendes?" ang sabi pa ni Lexie dun sa bakla.

"Yes Ma'am!" ang sabi naman ng bakla.

Nilapitan ako nung bakla na mag-aayos sa akin.

"Hi Ma'am! I'm Fanny. Ako ang mag-aayos sayo, so better get ready!" at pinaupo na ako ni Fanny sa upuan kung saan ako aayusan.

Guess what kung anong pinagagagawa ni Fanny sa akin?

Simple lang.

Binasa ang buhok ko at saka ito nilagyan ng shampoo at conditioner. Pinatuyo niya ang hair ko gamit ang blow dryer at plantsang para sa buhok. Pagkapatuyo ng buhok ko ay nilagyan niya ito ng gamot na pampabanat ng buhok. Nag-antay pa kami ng isang oras para ma-absorb ng buhok ko ang gamot. Binanlawan niya ang buhok ko at muling nilagyan ng shampoo and conditioner. Pagkatapos niyang mabanlawan ang buhok ko ay pinatuyo na naman niya ito gamit ang blow dryer at plantsa para sa buhok. Pagkatuyo ng buhok ko ay isinunod naman niya ang mga kuko ko. Minasaker-este-nilinis ni Fanny ang mga kuko ko. Nilagyan pa nga niya ng colorless cuticle ang kuko ko. After ng manicure pedicure procedure ay sumailalim sa diamond peel procedure ang mukha ko at pagkatapos nun ay inaplayan na niya ako ng make-up sa mukha ko. Nang matapos na ang lahat ay pinasuot na niya sa akin ang isang skinny jeans, orange tank tops at isang kikay flat shoes. Isinuot ko ang mga yun kahit na ayaw ko.

Nang matapos na kami ni Fanny ay lumapit na kami kay Lexie na kasalukuyang nagbabasa ng magazine.

"Ma'am! Mission accomplished!" sabay harap niya sa akin sa kanya. 

Tinignan ako ni Lexie at halos mapanganga siya pagkakita sa akin.

"Miya! Is that you?!" sabay lapit niya sa akin. "Unbelievable! You look so beautiful!" ang humahanga niyang sabi sa akin.

"Ha? Ganun? Hindi naman eh. Ang panget ko kaya."

"Ikaw?! Panget?!" sabay paharap sa akin ni Lexie sa salamin ng salon. "Yan ang sinasabi mong panget?! You look like Riyo Mori kaya?!"

"Hindi lang yan Ma'am! May regal bearing pa siya ni Oxana Fedorova at Jennifer Hawkins!" ang sabi naman ni Fanny.

"Ang ganda mo talaga Miya! Mukhang tatalbugin mo yata kami nina Misha at Monique!"

"Ha? Hindi ah." ang nahihiya ko namang sabi habang nakikita ko sa salamin ang napakalaking pagbabago ko mula sa pagiging tibong nerd papunta sa isang mala-Miss Universe winner na katauhan.

HAHA! SA WAKAS....

TAO NA RIN AKO!! WAHAHAHA!

"Wow..." ang nasabi ko na lang habang nakatingin ako sa salamin.

"Haay Miya, sinasabi ko na sayo, luluhod si Ca----este ang mga tala kapag nakita ka na nila! At kaiinggitan ka pa ng mga girls and gays sa school! Na-fe-feel ko yan!" sabay akbay ni Lexie sa akin.

Napailing-iling lang ako at natawa sa mga sinabi ni Lexie. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Kuya Ruki kapag nakita na niya ang new look ko? Naku, baka mahimatay yun at bigla pang ma-ospital! Eh si Callix kaya, naku baka magwala pa yun sa gulat!

Natawa lang ako sa mga sinabi niya. Sinabi pa nga niya na baka ako na ang susunod na maging Miss EIAS. Siyempre natawa lang ako sa kanya dahil alam kong binibiro niya lang ako.

Matapos kong magpa-makeover sa salon nina Misha ay dumiretso naman kami sa isang malaking boutique sa second floor ng mall.

"QUEEN LEXIE?! Sayo 'tong boutique na 'to?!" ang gulat na gulat kong tanong sa kanya sabay turo ko sa napakalaking boutique sa harapan namin.

"Oo. Bigay sa akin ni Mommy yan nung 15th birthday ko. Sa ngayon ay may ibang nagmamanage nyan pero diretso naman sa bank account ko ang kita nyan. Tara na! Excited na akong mamili ng damit para sayo!" at hinila na niya ako papasok ng boutique.

Pagpasok namin sa boutique ay bumungad sa akin ang sandamakmak na mga damit, sapatos at accessories.

"Mamili ka na ng kahit anong gusto mo, sagot kita!" ang sabi pa niya sa akin.

"Huh? Wag na! May pera naman ako eh."

Nag-insist nang nag-insist sa akin si Lexie at sinabi niyang welcoming gift na rin niya sa akin ito. Hanggang sa pumayag na rin ako. Babayaran ko na lang si Lexie gamit ang bank account ko.

Namili na ako ng damit at tinulungan ako ni Lexie sa pamimili lalo pa't wala naman akong kainte-interes sa mga ganitong bagay. 

Maraming magagandang damit na pinili si Lexie para sa akin. May pang-party, pambahay, panlakad at simpleng panggala lang sa mall.

Habang tumitingin-tingin ako sa mga damit sa paligid ng boutique ay nadako ang paningin ko sa isang color pink na silk cocktail dress na above the knee. May ribbon ito sa gilid at napakaganda ng pagkakagawa.

Tinignan ko ang presyo at nasa P2,500 ang halaga ng damit. Wow! Mukhang afford na afford kong bilhin ito! May allowance ako kay Mommy na Php 10,000. Mabili na nga!

"Wow, gusto mo yan?" ang sabi ni Lexie na nasa tabi ko na pala.

"Ah.....Oo eh. Maganda di ba?" sabay pakita ko sa kanya ng damit.

"Oo naman noh! Isa sa mga bestselling dress sa boutique ko yang Charmaine cocktail dress na yan. Kukunin ko na yan ha!" at kinuha na ni Lexie yung damit sa estante.

Matapos naming mamili ng mga damit ay pinagsusukat ko naman ang mga ito at puro maganda o di kaya'y bagay sayo ang lagi kong nadidinig kay Lexie, which means, okay sa akin ang mga napamili naming damit.

Sumunod naman akong pumili ng mga accessories at mga sapatos. Simpleng hikaw, bracelet at necklace lang ang kinuha ko at puro mga flat shoes ang pinili ko kasi hindi ako sanay magsuot ng mga high heeled shoes.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(Dairy Queen Ice Cream Parlor)

(Miyaki's POV)

Nasa isang ice cream parlor kami ngayon ni Lexie at kumakain ng ice cream. Nakakapagod at nakakagutom pala ang mamili lalo na't kung isa palang shopping monster ang kasama mo! Akalain mo ba naman na sa bawat boutique na papasukin namin, nakakalimang shopping bags siyang dala! Pero hindi naman ako na-boring sa pag-sha-shopping dahil palabiro at palaging nagpapatawa si Lexie.

"Nakakaenjoy mag-shopping diba?" ang tanong ni Lexie sa akin habang kumakain kami ng cheese eclair ice cream na paborito kong flavor ng ice cream.

"Oo naman. Nakakatawa ka nga eh! Kulang na lang ay pakyawin mo na ang mga damit dun sa mga boutique na napuntahan natin!" and I laughed.

"Haay naku Miya, masanay ka na sa akin, ganyan talaga ako."

Marami pa kaming napag-usapan ni Lexie hanggang sa mapunta na ang usapan namin kay Dennison.

"Haay naku! Palagi niyang ka-holding hands ang softball bat niya! Pasalamat siya't mahal ko siya!" at tumawa si Lexie.

"Ahm Lex....may itatanong lang sana ako, wag ka sanang ma-offend."

"Ano naman yun?"

"Ahm.......k-kayo ba talaga ni Dennison?" ang prangkang tanong ko pero bigla akong natigilan sa mga tinanong ko. "Ahm Lex.....n-nevermind. Wag mo nang sagutin." ang bilang nataranta kong sabi pero napangiti si Lexie.

"Yung totoo? Hindi kami ni Dennison. But I love him. Umaasa ako na balang araw ay mamahalin niya rin ako. Hindi kasi ako yung tipo ng taong may quote na, 'IF YOU LOVE THE PERSON, SET HIM FREE.' Maghihintay ako na mahalin din niya ako."

Natigilan ako sa mga sinabi ni Lexie. Hindi ko akalaing ganito pala niya kung pahalagahan si Dennison.

Napatayo ako sa kinauupuan ko.

"Why Miya, may problema ba?"

"Mamahalin ka rin niya! Naniniwala ako! Mamahalin ka rin niya!"

"M-Miyaki..."

"Mamahalin ka rin niya! Kapag hindi, si Dennison Chua na ang pinakatangang lalaki sa buong mundo!"

"Oh Miyaki...." sabay tayo na rin ni Lexie sa kinauupuan niya. "Thank you. You're so kind." sabay yakap niya sa akin. "Kaya naman pala mahal na mahal ka niya."

"Huh?!"

"Ah, I mean mahal na mahal ka ng Kuya Ruki mo. Kasi mabait ka na nga, concern ka pa." at nakangiting hinaplos ni Lexie ang mukha ko. 

"Salamat." and I smiled.

"Ay halika na Miyaki, pupunta pa pala tayo sa bahay at aayusan pa pala kita para sa welcoming dinner mamayang gabi! Halika na!" at nagmamadali na kaming umalis ni Lexie sa ice cream parlor para sa makeover ko mamaya para sa welcoming dinner ng F8 para sa akin.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C17
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login