Download App
40% THE PINK STENO DIARY (Completed Novel) / Chapter 16: Sixteen

Chapter 16: Sixteen

(EIAS Campus)

(Miyaki's POV)

Two days passed ay usap-usapan pa rin sa campus ang tungkol sa naging pag-alis ni Aya sa F8 maging sa announcement ng bagong member daw ng F8. Kung sino man ang bagong member, swerte niya't sikat na siya!

Marami ngang mga estudyanteng gustung-gustong maging member ng F8 kung kaya naman kuntodo pa-impress na sila kina Monique pero wala silang napapala dahil nga may bago nang recruited na member ang pinakacharing na grupo sa Pilipinas.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(Locker Room)

(Miyaki's POV)

Habang naglalagay ako ng mga gamit ko sa locker ay narinig ko ang usapan nina Queen Bee and her Stinging Alipores.

"Nakakagulat talaga noh! Wala na sa F8 si Miss Aya. Sino naman kaya ang new member ng F8?" ang sabi ni Fruitcake habang naglalagay siya ng make-up sa mukha.

"Oo nga ano, I'm just curious." Yesha said.

"Haay naku, ba't pa ba kayo naghuhulaan dyan?! Hindi nyo ba nakikita na nasa harapan nyo na ang bagong member ng F8!" ang mayabang na sabi ni Chiqui sabay turo niya sa sarili niya.

"Huh?! You mean..."

"Ako na ang bagong member ng Famous Eight. Nafe-feel ko na yan!" ang pagyayabang pa ng talangkang Koreanang hilaw na ito.

Wow! High ambition ah! Push mo yan! xD

"Omigosh Chiqui! Nakakainggit ka naman."

Hmp! Mga ambisyosang bubuyog nga naman....

Kaysa makinig pa ako sa napaka-walang kwentang usapan ng mga ambisyosang ito ay minabuti ko na lang na dumiretso na sa gymnasium para sa flag ceremony.

Pagkarating ko sa gymnasium ay sinalubong ako nina Kuya Ruki at Callix.

"Good morning Kuya! Good morning Callix!" ang bati ko sa kanila.

"Good morning din sayo baby sister ko!" ang bati rin sa akin ni Kuya.

"Good morning din Miya." ang nakangiti namang bati sa akin ni Callix.

"Ahm Kuya, Cal, since member kayo ng F8, totoo bang umalis na si Aya?" ang curious na tanong ko sa kanila.

"Oo. Umalis na si Aya." my Kuya said sadly.

Nakita kong blangko rin ang expression ni Callix, siguro malungkot din siya dahil wala na si Aya.

"Ah....since umalis na ang bru--este si Aya, totoo naman ba ang haka-haka ng mga tao dito na may recruited member na kayo?" ang tanong ko pa sa kanila.

"Yes. Pero di ko alam kung sino. Di naman kasi sinasabi ni Monique sa akin eh." sabi ni Callix.

"Eh ikaw Kuya Ruki, alam mo kung sino?"

"Ah, hindi rin eh. Pero malalaman naman natin mamaya. Ay, andyan na pala si Ate Ayako." sabi ni Kuya Ruki.

Saktong pagdating ni Miss Ayako (our eldest sister) sa gym ay inumpisahan na ang flag ceremony. After ng flag ceremony ay nagsalita si Ate Ayako tungkol sa Dance Festival at sa nalalapit na 1st Grading Examinations after ng festival.

Nang matapos nang magsalita si Ate ay nagsiakyatan sa stage sina Monique, Lexie, Misha, Marcus, Dennison, Kuya Ruki at Callix, dahilan para magtilian ang mga estudyante sa gym. Iniabot nung teacher kay Monique ang microphone. Huminga muna ng malalim si Monique bago siya nagsalita.

"Good morning to all of you. As we all know, umalis na si Aya Tomines sa F8. But before she leave our group, may isang pabor siyang hiniling sa amin. She wants us to have a new member and she recommended this person to us. Dahil malapit ang taong ito sa amin ay di na kami nag-atubili pang gawin siyang new official member ng group. Students, faculties and employees, let us all welcome, the new Famous 8 member, Miss Miyaki Miyazako!"

Nagulantang ang buong studentry sa narinig nilang announcement habang ako naman ay halos mahubaran sa mga narinig ko......

WAAAAAAAAAAAAAAH!!!!

Tama ba talaga ako ng dinig?!

Ako.....

ANG NEW F8 MEMBER?!!!

Gulat na gulat akong napatingin sa stage. Nakita kong nakangiti sina Monique, Lexie, Misha, Marcus, Dennison at Kuya Ruki. At noong makita ko ang reaksyon ni Callix ay gulat na gulat din siya sa pasabog ni Monique.

"S-si Miyaki...s-siya ang new member natin?!" ang tila hindi makapaniwalang tanong ni Callix kay Monique.

"Yes Kuya! Si Miyaki na ang new member ng F8!" ang masayang pahayag ni Monique kay Callix.

Mula sa matinding gulat ay napalitan ng galak ang reaksyon ni Callix at sa sobrang tuwa niya ay bigla siyang bumaba sa stage at niyakap niya ako ng napakahigpit. Habang ako naman ay nananatili pa ring shocked sa mga sinabi nila.

"Miyaki, sa wakas, member ka na ng F8! Member ka na ng F8!" Callix said happily habang yakap-yakap pa niya ako.

"Ako? Member ng F8?! Wag nyo nga akong pinaglololoko!" 

Nakita kong bumaba si Kuya Ruki sabay lapit niya sa amin. "Baby sister ko, first and foremost, hinding-hindi ka namin ginu-goodtime! Totoo ang lahat ng narinig mo. Ikaw na ang new member ng F8. Tsaka isa pa, may kontratang pinirmahan ang buong F8. Si Ate Ayako ang pumirma sa panig mo dahil alam namin na hinding-hindi ka papayag. Kaya naman whether you like it or not, member ka na ng F8! Welcome to F8, baby sister ko!" ang masayang sabi ni Kuya Ruki na tuluyan na yatang nagpapreno sa tibok ng puso ko.

Mula sa gulat ay napalitan ng confusion at samu't saring consequences ang isip ko kasabay ng pagdagundong ng isang katotohanan sa pagkatao ko....

TIYAK NA MAWIWINDANG NA ANG MAGULO KONG BUHAY!!!!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C16
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login