Download App
7.5% THE PINK STENO DIARY (Completed Novel) / Chapter 3: Three

Chapter 3: Three

(Science Garden, Lunchtime)

(Miyaki's POV)

Lunchtime.....

Nandito ako ngayon sa favorite place ko tuwing breaktime, ang Science Garden. Malayo ito sa school building at napakatahimik pa kaya naman ito na ang ginawa kong tambayan tuwing kakain ako ng lunch at maglalaro ako ng DOTA sa laptop ko.

Habang naglalaro ako ng DOTA ay nilalantakan ko na ang lunch ko na dinuguan at kanin na in-order ko kay Aling Bessy kanina. Masarap kasing maglaro ng DOTA habang kumakain dahil bukod sa nabubusog na ang tyan ko, na-e-energize pa ang utak ko.

Habang pinapaslang na ng Viper ko si Traxex ay napansin kong may mga paang tila palapit na sa kinaroroonan ko. Lumingon ako sa bandang likod ko at nakita ko na naman ang tsonggong si Callix at papalapit na naman siya sa akin.

"You again?!" ang iritang tanong ko sa kanya.

"Yeah, ako nga Miyaki." sabay upo ni Matsing sa tabi ko.

"Ano na naman bang kailangan mo? Kulang ba yung bigay ko sayong Mogu-Mogu at Whattatops? Pumunta ka sa Puregold Supermarket at panigurong may makikita ka, kaya pwede ba, umalis ka na at nababalam mo lang ako." ang inis na sabi ko sabay harap ko sa laptop ko. 

"Ga-ganun ba? S-sige.....aalis na ako." at hahakbang na sana siya palayo sa akin nang hinablot ko ang kwelyo ng damit niya sabay paupo ko sa kanya sa stone chair na kinauupuan ko.

"May sinabi ba akong umalis ka?"

"O-oo. D-diba...p-pinapaalis mo ako?" ang sabi pa niya pero binatukan ko siya at sinigawan.

"MAY SINABI BA AKOOOO!!!!" ang pasigaw kong tanong sa panget na 'to.

Halatang natakot si Callix kaya naman di na siya nagsalita pa.

"Sabihin mo, ano na naman ba ang kailangan mo sa akin?" ang mahinahon ko nang tanong sa kanya.

"Wala. Napadaan lang. Alam mo na, umiiwas lang ako."

"Kanino? Sa mga fans mo?"

Tumangu-tango lang siya.

"Eh bakit naman iniiwasan mo sila, dapat nga ay matuwa ka pa kasi ang daming mga estudyanteng humahanga sayo! Haay, kung ako ikaw, magsasawa ako sa overflowing popularity ko sa mga estudyante dito!" ang sabi ko pero malungkot lang siyang umiling-iling.

"Pangit maging sikat. Nakaka-stress na, nakaka-trauma pa."

Nagulat ako sa sinabi niya. "At pano mo naman nasabi yan?"

"Kasi nakakasawa na yung palagi kang sinusundan ng lahat. Inaalam nila ang buhay mo, kilos mo, pati pa yata color ng brief mo, kasali sa mga pilit nilang dinidiskubre. Wala na akong privacy dito sa school na ito. Ang awful nun diba?" Kitang-kita ko sa mga mata niya ang matinding stress na nararamdaman niya.

"G-ganun din ba ang nararamdaman ng Kuya ko?" ang natanong ko sa kanya. Naisip kong member ng F8 si Kuya Ruki at katulad nga ni Callix ay popular din si Kuya dito sa school.

"Oo Miyaki. Halos lahat kaming mga F8, ganun ang pinagdadaanan. Pero hindi na lang namin pinapahalata para hindi na nila kami usisain pa. Kaya pansinin mo, medyo jolly sila Lexie, Dennison, Monique, Marcus at ang Kuya mo, kahit na ang totoo ay sawang-sawa na sila sa too much attention ng mga tao dito."

"Kaya ba nagpapaka-arogante ka?" ang natanong ko pa sa kanya.

"Oo. Pinapakita ko lang ang tunay na ako. Pantakas ko na rin iyon sa mga taong humahabol sa akin."

Napatingin lang ako sa kanya. Naisip ko, may punto talaga siya. Masarap na mahirap ang maging sikat. Bukod sa maraming mga taong nakasunod sayo, pilit nilang inaalam kahit na kadulu-duluhan ng pinakainiingatan mong sikreto. Ang saklap naman pala ng experience ng Kuya ko. Ako, nag-e-enjoy sa pagiging loner dito sa school na ito habang si Kuya naman, wala nang privacy sa school na ito. Tsaka, nakaka-stress talaga ang pakikialam sa buhay mo ng ibang tao, para bang alam nila ang lahat ng tungkol sa buhay mo.

"Madrama ka masyado. Kung naaalibadbaran ka na sa mga tao dito, bakit hindi mo itago yang identity mo? Magpanggap ka bilang isang taong invisible sa paningin ng lahat. Ganun kaya ang ginagawa ko. Tsaka, okay lang na magpaka-arogante ka paminsan-minsan, pero wag naman sa puntong pagsusungitan mo na ang lahat ng mga tao dito. Ang mga ito ay payo ko lang, nasa sayo na yan kung susundin mo o hindi." at tinapik ko ang balikat niya. "At least, nakatulong ako sa problema mo. Wag mo na nga lang ipagkakalat sa Kuya ko dahil tiyak na mababatukan niya lang ako." at natigil pa ang sasabihin ko nang tumunog na ang school bell. "Oh pano yan, kailangan ko nang bumalik sa klase ko. Sige, mauna na ako ha." at inilagay ko na ang laptop ko sa bag ko. Iniligpit ko na ang mga plastik ng pinagkainan ko at itinapon ko sa basurahan at saka ko na kinuha ang bag ko. Hahakbang na sana ako palayo nang tinawag niya ang pangalan ko.

"Miyaki, salamat sa oras ha!" ang pasasalamat niya sa akin.

"Walang anuman yun. Sige, mauna na ako." at humakbang na ako palayo sa Science Garden. Nagmamadali na akong bumalik sa IV- Curie, ang third sa eighteen sections ng Fourth Year Department.

As usual, pagpasok ko sa loob ng classroom ay pinagtinginan na ako ng mga kaklase ko na para bang kulang na lang ay mag-transform ako bilang si Leonardo DiCaprio. Kapag tinititigan nila ako ay bakas sa mga mukha nila ang matinding inggit sa akin dahil sa anak na nga ako ng founder ng school na ito, kapatid ko pa ang kasalukuyang principal ng school na si Ate Ayako pati na rin si Kuya Ruki na tinaguriang "The Vocalist Prince." Siyempre nung una, inis na inis ako sa matinding presensya nila sa akin. But as the time goes by, nakasanayan ko na rin ang mga tingin na yun at dumating ang time na wala na akong pakialam pa sa mga kaklase ko.

I walked silently at the far end corner of the room, sa likod, katabi ng air-con. Ito ang palagian kong pwesto dahil bukod sa malamig ang hangin ay lagi pa along nakakatulog kapag bored na ako sa subject namin.

Our afternoon class has started. As usual, dahil first day of class, tamad pang magturo ang mga teachers namin kaya naman kung anu-anong kabaliwan lang ang pinagawa sa amin. Yung matandang Literature teacher namin, pinagsulat lang kami ng essay tungkol kay Niccolo Machiavelli. Yung Math teacher naman namin, kinuwentuhan lang kami tungkol sa summer vacation niya sa Korea. Yung foreign language teacher namin (yes, may advanced subject na ganyan ang EIAS), tinuruan kami ng pagsasabi ng "I love you" using different languages. All in all, walang kakwenta-kwenta ang afternoon quarter sa araw na ito kaya naman halos ma-hayahay na ako nang nag-ring na ang bell dahil uwian na! Sa wakas!

Pagkalabas ng teacher sa classroom ay lumabas na ako ng classroom at dumiretso na sa gate ng school. Paglabas ko ng gate ay naglaro ako ng DOTA sa computer shop at kumain ako ng meryenda sa karinderya ni Aling Bessy, at least, may kwenta pa yun.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login