(UESC Condominium Lobby, 6:00 pm)
(Eunice's POV)
"UUWI NA SIYA DITO SA PILIPINAS."
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-get-over sa sinabi sa akin ni Kuya Kyle kanina. I thought, dun na siya permanenteng maninirahan sa France, based from what I heard from Ate Courtney last time she mentioned her.
Bakit kasi kailangan pa niyang bumalik? Para ano? Para makaganti siya ulit sa akin? Para ipamukha niya ulit sa akin ang mga kasalanang ginawa ko sa kanya? Para pahirapan at sirain niya ulit ang buhay ko tulad ng ginawa niya noon?
Napakasama mo talaga, Charlize. But I cannot blame you in the first place.....dahil ako ang may kagagawan kung bakit naging kasinlamig na ng yelo at kasintigas na ng bato ang puso mo. Kahit papaano, nakukunsensya pa rin ako sa ginawa ko sayo.
Wala sa sarili akong naglakad papasok sa lobby ng condominium.
"Good afternoon, Miss Eunice."
I rolled my eyes. As usual, sino pa bang inaasahan kong babati sa akin bukod sa mga katulong at butlers? Wala namang bago. They will bid me goodbye with the smile on their faces and they will welcome me with their fake smiles and start killing me inside their heads. Hindi ko naman sila masisisi, sa araw-araw ba naman na tinataray-tarayan at pinagtataasan ko sila ng kilay, paano nila ako magugustuhan?
Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Papasok na sana ako sa elevator patungo sa unit ko nang bigla na lang sumulpot na parang kabute si Impakta, ang intrimididang head chaperone ng UESC na kung umasta, akala mo maganda.
"Nakarating na sa akin at kina Sir Charles ang ginawa mong kalokohan sa school." pagbibida niya.
Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa, despite on the fact that she's a big eyesore. Wala namang nagbago sa itsura niya. Panget pa rin siya.
Ugh. Here we go again. Seeing her ugly face makes me feel weak! Kung ako lang ang masusunod, matagal ko na siyang sinipa palabas ng condominium na ito. Kaso lang, tanging mga magulang lang naming mga UESC members ang may karapatang paalisin siya, kaya ang lakas ng loob niya. Malakas din ang kapit niya sa mga magulang namin, palibhasa kasi, sipsip. But someday, mapapaalis ko rin siya sa lugar na ito. At kapag nangyari yun, ako ang unang-unang magdiriwang.
"Did I gave you a permission to speak?" mataray na sagot ko.
"Hindi ko kailangan ng permiso mula sayo. Baka nakakalimutan mong may karapatan akong kuwestyunin ka." Oh diba? Ang kapal ng mukha.
"Ahh, so kasama na pala sa job description ng mga chimay na tulad mo ang maging pakialamera."
"Hindi ako basta katulong lang."
"Katulong, chaperone, butler, driver, hardinero, janitor o housekeeper ka man, iisa pa rin ang trabaho nyo, ang pagsilbihan ako at ang mga co-members ko. So what's your difference between them?" sabay pamaywang ko sa harapan niya.
"Baka gusto mong isama ko sa report ko sa Daddy mo ang ginagawa mong pakikipag-away at pagbubulakbol." pananakot pa niya.
The nerve of this ugly woman! Masyadong malakas ang loob para kalabanin ako. Palibhasa kasi, siya ang nagsisilbing mata ng mga magulang ko. Ini-re-report niya ang lahat ng mga ginagawa ko sa araw-araw. Kailangan akong i-monitor ng mga magulang ko na kasalukuyang nasa Ireland. Baka kasi may gawin na naman akong bagay na makakasira sa reputasyon nila. Magiging isa na naman akong malaking dissappointment sa kanila oras na dungisan ko ang pangalang iniingatan nila.
"Ows. Dapat ba akong kabahan dyan sa sinasabi mo o dapat akong matawa dahil mukha kang tanga? Anong tingin mo sa akin? Kindergarten pupil? Trying to scare a seventeen year old lady? Tutal, magsusumbong ka na rin lang naman, ano kaya kung samahan na kita para mas masaya?"
"Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit ka pa inampon nina Ma'am Catherine at Sir Charles, gayong kung tutuusin ay napakasama ng ugali mo. Mabuti na lang at nandyan si Loisse. May isa pa silang anak na maipagmamalaki nila kaysa sayo. Hindi ko sila masisisi kung bakit iniwan ka nila dito sa Pilipinas, kasi nga, napakasama mo."
I already snapped my string sa mga sinabi niya. Ang ayaw na ayaw ko pa naman sa lahat ay yung ikinukumpara ako sa lecheng Loisse na yun, not only because she's the legitimate child of my parents, kundi dahil nabubwisit ako sa pagiging santa-santita niya. Idagdag pa si Charlize na walang ibang ginawa kundi ipaalala sa akin ang mga bagay na ayoko nang maalala pa. Silang dalawa ang mga bwisit sa buhay ko!
I glare at her sabay sampal ko sa kanya ng back-to-back, dahilan para mapasubsob siya sa sahig.
"Serves you right, ugly creature." I said while gritting my teeth.
Sapo ang magkabila niyang pisngi, mabilis siyang umayos sa pagkakatayo sabay tingin niya ng masama sa akin.
"Makakarating ang lahat ng ginawa mo kay Sir Charles! Kaya humanda kang bata ka!"
"Then go ahead, ugly creature! Magsumbong ka hangga't gusto mo! The hell I care! Kung isang tulad mo rin lang naman ang gagalangin ko, maigi pang magpakamatay na lang ako. You don't deserve my respect! At kung sobra kang proud sa amo mong santa-santita, ba't 'di mo siya sundan sa Ireland or much better kung gumawa kayo ng sarili nyong langit-langitan tutal ay pare-parehas naman kayong nagbabait-baitan!" sabay talikod ko sa kanya. Gigil akong pumasok sa elevator sabay pindot sa close button. Sa sobrang inis ko ay pinaghahahampas ko ang gilid ng elevator habang nagsisisigaw.
Ibang klase ka talaga, Catharina Loisse Go. Nasa Ireland ka na pero nagagawa mo pa ring sirain ang araw ko. Salamat sa impakta nating head chaperone dahil pinaalala na naman niya sa akin kung gaano ka kagaling at kung gaano ako ka-walang kwenta.
Ang anak na maipagmamalaki daw ng pamilya Go. The perfect daughter daw, mabait, achiever, role model, blah, blah, blah, according to them. Siya ang palaging tama at ako naman ang palaging mali. She's the good one and I'm the bad one. Everyone loves her and everyone hates me. Nasaan ang hustisya?! This is so unfair!
Eh 'di siya na ang bukod tanging pinagpala sa lahat! Hakutin na niya ang lahat ng awards! My God! Bakit kailangan pa niyang dumating sa buhay namin?! Hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon kung bakit ipinanganak pa siya sa mundong ito.
AAARGGGH! BWISIT KA TALAGA SA BUHAY KO, CATHARINA LOISSE GO!
(UESC Condominium Lobby)
(Third Person's POV)
MULA sa 'di kalayuan ay nasaksihan ni Charlize ang harap-harapang pambabastos ni Eunice sa head chaperone nila na si Irene. Dahil sa insidenteng yun ay muli na namang sumulak ang kanyang dugo sa dating kaibigan.
"Hinding-hindi ko na papayagan pang maulit ang ginawa mo kay Miss Irene pati na rin ang pang-iinsulto mo kay Loisse at sa pamilya mo, dahil sa muli nating paghaharap, sisiguraduhin ko sayong titiklop ka ulit sa akin.....tulad ng dati." at isang inosente pero mapanganib na ngiti ang rumehistro sa kanyang maamong mukha.