Download App
33.33% THE GOOD, THE BAD AND THE INNOCENT / Chapter 8: CHAPTER THREE

Chapter 8: CHAPTER THREE

(Casa Go, UESC Condominium, first day of school)

(Eunice's POV)

I REALLY hate Monday! School sucks! Paano ba naman ako gaganahang pumasok kung puro mga stupid students lang ang makakasalamuha ko?! Burn all those stupidents! Plus the teachers who love to talk about their lives! As if I care about their freaking autobiography! Kaya ko sila binabayaran ay para turuan ako at hindi para kwentuhan.

Inis akong nag-blower ng buhok ko sa harapan ng salamin at tsaka ko pinlantsa ang buhok ko. Ugh! Nakakasira talaga ng araw! It's already 7:30 in the morning pero tinatamad talaga ako! I don't feel like dressing up today kaya kinuha ko na lang ang PE uniform ko.

Pagkatapos kong magbihis ay naglagay lang ako ng konting make-up sa mukha ko at saka na ako umalis ng unit ko. Ugh! Bahala na!

(Hereux Academy, 8:00 am)

(Eunice's POV)

KAKABABA ko pa lang sa BMW ko ay pansin kong nakatitig sa akin ang mga stupidents na nasa parking lot.

"What the hell is your problem, dumbheads?" mataray kong tanong, dahilan para agad silang mapaiwas ng tingin sa akin. Na-amaze na naman ba sila sa kagandahang taglay ko? Gee! Ang hirap-hirap talagang maging maganda!

Taas noo akong naglakad papunta sa Fourth Year Building. Halos lahat ng stupidents na nakakasalubong ko ay sinusundan ako ng tingin. Walang sinuman ang nagtatangkang harangan ang dadaanan ko at lahat sila ay nag-gi-give way sa akin. Aba dapat lang. Hindi ako ang mag-a-adjust para sa kanila. Sila ang mag-a-adjust para sa akin.

Habang naglalakad ako ay saktong papalapit na sa akin ang dalawang kaibigan ko na sina Rachel Zanders at Clarissa Lorraine Montecillo. They're both wearing PE uniform like me. Ugh. Nothing changes. Mga gaya-gaya pa rin sila until now. As if namang ikinaganda nila yan.

"Miss Eunice! Long time no see!" sabay yakap sa akin ni Rachel.

"Na-miss ka namin!" sabi naman ni Clarissa sabay yakap din niya sa akin. Oh, how I miss my fellow bitches.

"I miss you both, sizzums!" natutuwang sabi ko. "So, let's go!" at sabay-sabay na kaming naglakad papuntang Fourth Year Building.

(Fourth Year Building, Hereux Academy)

(Eunice's POV)

PAGDATING namin sa entrance ng Fourth Year Building ay nagsitabihan ang mga stupidents na nakaharang sa gitna ng hallway. Napangiti ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nasa kaliwang side ko si Rachel at nasa kanan naman si Clarissa.

Papanhik na sana kami sa hagdan nang masalubong namin ang Dean ng Fourth Year Department na si Ms. Amorsolo.

"Good morning, Ms. Amorsolo." sabay-sabay naming bati sa kanya.

"Good morning. Ms. Go, Ms. Zanders and Ms. Montecillo, how many times do I have to tell you na hindi kayo pwedeng magsuot ng PE uniform every Monday. Now go to the restroom and change your uniform." at umalis na si Ms. Amorsolo. That monster. Eh sa gusto naming magsuot ng PE uniform. Pakialam ba niya?

Napairap na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Pero bago pa kami makaakyat sa hagdan ay napansin ko ang organizational chart ng administration at faculty members ng Fourth Year Department. Naka-post dun ang picture ni Little Monster aka. Ms. Amorsolo. May naisip ako. Ano kaya kung papangitin ko ang itsura niya? Haha. Sounds good.

"Girls, do you have extra pentel pen?" tanong ko sa mga kasama ko.

"I have extra one, Miss Eunice." sabay abot sa akin ni Clarissa ng kanyang pentel pen. "Bakit? Anong gagawin mo dyan sa pentel pen ko?" tanong niya.

"Ano pa? Eh 'di sweet revenge." at sinulatan ko ang picture ni Ms. Amorsolo. Nilagyan ko ng sungay at bigote ang kanyang panget na pagmumukha with matching caption pang #ProudToBeUgly. Tawa naman ng tawa sina Rachel at Clarissa sa ginawa ko.

"Let's go, Miss Eunice. Baka may makahuli pa sa atin." sabi ni Rachel sabay hila niya sa akin paakyat ng hagdan. Ngingiti-ngiti naman akong sumunod sa kanila.

(Fourth Year Building, lunch break)

(Eunice's POV)

PABABA na kami nina Rachel at Clarissa sa hagdan nang makarinig kami ng tawanan at mga bulung-bulungan sa baba. Nung lumapit kami sa kumpulang yun ay hindi na kami nagulat pa dahil nakita na ng mga schoolmates namin ang nakakatawang picture ng feelingerang dean namin. I smirked devilishly. Buti nga sa kanya.

Nang biglang.....

"Hey. What's happening here?"

Speaking of the little monster.....

Lumapit si Dean sa organizational chart at kamuntik na siyang himatayin sa gulat nang makita niya ang nakakatawang itsura niya. Hahaha! One point for me!

"W-who did this? Who?" galit na tanong ni Dean sa mga schoolmates namin.

Walang sumagot maski isa sa mga stupidents na nakakumpol sa organizational chart.

"You think I wouldn't know? We have CCTV here." sabay turo ni Dean sa CCTV camera na nakapuwesto malapit sa organizational chart. "Titiyakin kong mananagot ang may kasalanan nito." sabay sibad ni Dean palayo sa kumpulang yun. Natigilan ako sa mga sinabi niya habang nagkatinginan sa akin sina Rachel at Clarissa.

"Uh oh. Seems that you're in trouble again, Miss." nakangising sabi sa akin ni Rachel. Napabuntung-hininga na lang ako habang ini-imagine ko na ang susunod na mangyayari sa akin.

Guidance office, here I come.

(UESC Headquarters, dismissal time)

(Eunice's POV)

PAGUD na pagod akong sumalampak sa sofa ng headquarters. Ano lang naman ang nangyari sa akin sa araw na ito? Pinaglinis lang naman ako ng hallway sa ground floor ng Fourth Year Building. Pati sina Rachel at Clarissa ay nadamay rin sa sanction ko. Hanggang ngayon nga ay mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Tapos idagdag pang nanlalagkit at amoy pawis na ako. Fvck that Amorsolo witch! Kasalanan niya kung bakit nagkaganito ako! Argh! Bwisit!

Saktong may nakahaing pitcher ng juice at pastries. Kukuha na sana ako nang biglang may tumampal sa kamay ko.

"Who the hell are y---K-Kuya Kyle?!" shocked na sabi ko pagkakita ko kay Kuya.

"Alam ko na ang ginawa mo sa picture ni Dean." tatawa-tawang sabi sa akin ni Kuya sabay upo niya sa tabi ko. "Ba't mo kasi sinulatan ng kung anu-ano yung picture niya dun sa organizational chart?"

"Eh kasi sinita niya kami ng mga friends ko kaninang umaga." sagot ko.

"Ba't naman niya kayo sinita? Ah! Alam ko na. Dahil dyan sa suot mo." sabay turo niya sa PE uniform ko. "Ba't kasi PE uniform ang isinuot mo gayong alam mo naman na tuwing Wednesday isinusuot yan. Pasalamat ka't community service lang ang naging punishment sayo, dahil kung hindi, tiyak na isang linggo kang hindi makakapasok dito. Gusto mo bang mangyari yun?"

"Of course not." sagot ko.

"Bawas-bawasan mo na kasi ang pagiging pasaway mo. Wala namang mawawala sayo kung gagawin mo yun." sabi pa niya sa akin.

"Okay. I'll try my best." wala sa mood na sagot ko.

"Anong you'll try your best? Gawin mo yun nang walang pag-aalinlangan. No ifs. No buts. Do you understand?"

"Oo na, Mr. Student Council President." nakangusong sagot ko sa kanya. He just smirked at me.

"Dahil napagod ka sa first day sanction mo, kainin mo na yang meryenda dyan sa table. Pagkatapos mong kumain ay magpahatid ka na sa driver mo pauwi sa condo. Humanda ka nga lang sa matinding sermon sayo ni Ms. Irene dahil sigurado akong nakarating na sa kanya ang kalokohang ginawa mo kay Dean."

"I know, Kuya Kyle. Sanay na akong masermunan ng impaktang yun." nakangising sagot ko.

* BZZT. BZZT. *

"Sandali lang ha. I'm going to answer this call." at patakbong lumabas ng headquarters si Kuya. Dahil malapit lang ang pinto sa sala ay dinig na dinig ko ang boses ni Kuya.

"Really? B-babalik na siya? S-sa Sunday na? Okay. Thanks for the call." at ibinaba na ni Kuya Kyle ang smartphone niya. Alanganin siyang bumalik sa loob ng sala.

"Sinong tumawag sayo, Kuya?" tanong ko.

"S-si Alice." sagot ni Kuya.

"What about that warfreak Pocahontas?" tanong ko pa.

"Wag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko sayo, Eunice. Alice told me something about Charlize."

"W-what about her?" tila kinakabahan kong tanong kay Kuya.

"Uuwi na siya dito sa Pilipinas."

That unexpectedly shuts me.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C8
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login