Download App
4.16% THE GOOD, THE BAD AND THE INNOCENT / Chapter 1: PROLOGUE 1.1
THE GOOD, THE BAD AND THE INNOCENT THE GOOD, THE BAD AND THE INNOCENT original

THE GOOD, THE BAD AND THE INNOCENT

Author: JhaeAnn_16

© WebNovel

Chapter 1: PROLOGUE 1.1

(Upper East Side Club Headquarters, Hereux Academy)

(Third Person's POV)

(Year 2015)

TULALA si Charlize sa kanyang kinauupuan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nakipaghiwalay sa kanya ang boyfriend niyang si Timothy. Bagama't tatlong araw na ang nakalilipas matapos ang kanilang break-up ay masakit pa rin sa kanya ang nangyari.

"Charlize....."

Wala sa sarili siyang napalingon sa pintuan ng headquarters at nakita niya ang best friend niyang si Eunice. Nag-alala ang itsura nito.

"E-Eunice....." malungkot na banggit ni Charlize sa pangalan nito.

"Alice told me that Timothy broke up with you." sabay lapit nito sa kanya. "Kamusta ka na? Okay ka lang ba?"

"Okay? Do you think I'm okay? Of course not! I'm not okay!" umiiyak na sagot ni Charlize. "Eunice, Timmy broke up with me without telling his reason!"

"Sssh, Char. Tahan na. Everything is gonna be alright, hmm." sabay yakap ni Eunice sa umiiyak na kaibigan.

"Bakit ganun, Eunice? Minahal ko naman si Timmy. I gave him everything that I have, tapos basta-basta na lang niya akong tatalikuran?" at napailing-iling si Charlize. "This is so unfair!"

"Don't say that, Char. Don't say that." sabay haplos nito sa buhok niya. "It's his loss, not yours. Kaya wag mo siyang pag-aksayahan ng luha, because he doesn't deserve you. Remember, you are someone's prayer request, so don't beg for love." at muling niyakap ni Eunice si Charlize. Umiiyak na sumandal ang dalaga sa balikat ng kaibigan.

Nang biglang.....

"Miss Charlize."

Agad na inayos ni Charlize ang sarili niya nang pumasok sa loob ang personal secretary ng Upper East Side Club na si Danica.

"Danica, napasyal ka. Anong atin?" tanong ni Eunice rito.

"May sasabihin po sana akong importante kay Miss Charlize. Confidential." sagot ni Danica.

"Ganun ba?" sabay tingin ni Eunice kay Charlize. "Labas muna ako saglit ha. Mukhang mahalaga itong pag-uusapan ninyo ni Danica." at lumabas ng headquarters si Eunice.

Nung wala na sa headquarters si Eunice ay agad na pinaupo ni Charlize si Danica sa upuang katapat nito.

"Kamusta na ang investigation mo, Danica? Nahuli mo ba kung sino ang babae ni Timothy?" diretsahang tanong ni Charlize rito.

"Nahuli ko pong magkasama silang dalawa kanina, Miss Charlize, but unfortunately, hindi ko po namukhaan yung babae. Schoolmate natin siya dito sa Hereux." sagot ni Danica.

"R-really? Dito nag-aaral sa Hereux Academy ang babae ni Timothy?" tanong pa ni Charlize.

"Yes, Miss Charlize. Nakasuot siya ng school uniform natin. Sayang. Makikita ko na sana ang mukha ng babaing yun kaso lang umalis kaagad sila ni Young Master Timothy." at napapalatak sa sobrang panghihinayang si Danica.

"That's okay, Danica. Thanks for your help. At least, may idea na tayo para mabilis kong mahuli kung sinuman yung haliparot na babaing yun. Wag na wag lang siyang magpapahuli sa akin, or else, it might be her end." Charlize said while gritting her teeth.

Saglit lang na nanatili sa headquarters si Danica at kaagad itong umalis. Habang nakatitig si Charlize sa malawak na bintana ng headquarters ay hindi pa rin maalis-alis sa isip niya ang mga sinabi ni Danica kani-kanina lang.

"Kung ganun, taga-rito sa Hereux Academy ang babaing lumalandi sa boyfriend ko." at napangisi si Charlize. "Kung sino ka mang babae ka, sisiguraduhin kong hindi ka na sisikatan pa ng araw sa gagawin ko sayo."

(Manchester Road, 6 pm)

(Third Person's POV)

PAUWI NA si Charlize sa kanilang mansyon sakay ng kanyang Porsche Panamera nang biglang nag-vibrate ang phone niya. Nang tignan niya ito ay nag-pop up ang unread message sa Messenger mula sa mommy ni Timothy na si Lucy. Dali-dali itong pinindot ni Charlize at binasa.

@LucyPeñaflor: Good evening, my dear. Pasensya na kung naistorbo kita. You have to know something important. Tungkol ito kay Timothy at sa babae niya.

Biglang kinutuban ng hindi maganda si Charlize sa nabasa niyang chat message ni Lucy.

@QueenCharlize: Sino ang babae ni Timothy, Tita?

Message sent.

Walang isang minuto ay agad na dumating ang reply ni Lucy.

@LucyPeñaflor: Wag ka sanang mabibigla sa pangalang babanggitin ko sayo, hija.

Dali-daling nag-reply si Charlize.

@QueenCharlize: Who the hell is that girl? Tell me, Tita Lucy. Sino ang malanding babaing yun?!

Message sent.

Walang ilang minuto ay agad na dumating ang reply ni Lucy.

@LucyPeñaflor: Si Eunice. Siya ang babae ni Timothy.

That shuts her.

Sa kabila ng kanyang pagkagulat ay nagawa pang mag-reply ni Charlize sa chat message ni Lucy.

@QueenCharlize: Si Eunice? Imposible. Kaibigan ko siya. Hindi niya magagawa sa akin ang ganung klaseng bagay.

@LucyPeñaflor: I'm telling the truth, Charlize. Si Eunice ang babae ni Timothy. Nakita silang magkasama ng mapagkakatiwalaan kong source.

@QueenCharlize: I'm sorry pero hindi ako maniniwala sa sinasabi ninyo hangga't wala kayong solid evidence na magtuturo kay Eunice.

@LucyPeñaflor: Kung ayaw mong maniwala sa akin, then why don't you see it to yourself. Ibibigay ko sayo ang address ng resto-bar kung saan sila madalas magkita.

Walang isang minuto ay agad na dumating ang isa pang message mula kay Lucy.

@LucyPeñaflor: Harvard Restaurant ang pangalan nung resto-bar. Malapit yun sa Upper East Side Club Building at sa Hereux Academy.

Agad na nag-reply si Charlize.

@QueenCharlize: Thank you for the information, Tita.

@LucyPeñaflor: You're welcome, hija. Hindi ko na kasi masikmura pa ang mga kalokohang pinaggagagawa ng anak ko sayo kaya minabuti kong sabihin na sayo ang totoo. In behalf of my son, humihingi ako ng tawad sa lahat ng ginawa niyang hindi maganda sayo.

@QueenCharlize: Thank you, Tita, but it was Timothy who supposed to do that thing.

@LucyPeñaflor: I know, hija. Haay. Ewan ko ba sa kanya. Lately, sinasagot na niya ako ng pabalang at palagi na siyang umuuwing late sa bahay. Napapabayaan na rin niya ang pag-aaral niya nang dahil sa malanding babaing yun. O siya, magpapaalam na muna ako ha. Aasikasuhin ko pa kasi ang mga investors sa company. Magpakatatag ka palagi. At wag na wag kang magpapatalo sa babaing yun. Kung kinakailangang sampalin at sabunutan mo siya, gawin mo, baka sakaling layuan niya ang anak ko. Tandaan mo ang mga binilin ko sayo, ha?

@QueenCharlize: Yes, Tita. I will. Thank you for your concern.

Conversation ended.

Frustrated na napabuntung-hininga si Charlize sabay tingin niya sa kanyang personal driver.

"Manong Lar, wag nyo munang idiretso ang kotse sa Upper East Side Village. Punta muna tayo sa Harvard Restaurant. May importante akong gagawin dun." utos ni Charlize sa kanyang personal driver na agad nitong sinunod. Nag-U-turn ang kanyang sasakyan papunta sa Northshore Avenue kung saan nandoon ang restaurant na tinutukoy ni Lucy.

Habang mabilis na umaandar ang sasakyan ay hindi maalis-alis sa isip ni Charlize ang kanyang best friend maging ang mga sinabi ni Lucy sa chat patungkol rito.

"Si Eunice ang babae ni Timothy."

"I hope it's not true." impit na dasal ni Charlize sabay tingin niya sa kawalan. "Sana hindi totoo ang sinasabi ni Tita Lucy na siya ang babae ni Timothy."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login