Download App
100% Daydreaming (Filipino) / Chapter 69: Wakas

Chapter 69: Wakas

Its been four years simula ng iniwan ni Bryan ang magulong mundo ng show business, at isa 'yon sa pinakatamang desisyon na ginawa niya sa buhay.

Naalala pa niya ang araw na 'yon kung kailan siya nag live broadcast kasama ang asawa. Their manager, some of the other staff of the company, and the president bombarded him with calls and text messages. Pero ang tawag ni Lander ang pinili niyang sagutin.

He begged him to stay and to continue his career until the end of his contract dahil tatanggalin na daw ng mga ito ang clause na nagbabawal sa kanilang magkaroon ng asawa't anak, o ka-relasyon. They are now allowed to show and share their personal relationships to the public.

After his live broadcast that day, ay nagsipost din kasi ang mga kaibigan niya tungkol sa pagreretiro ng mga ito. Even Wilbert posted a photo of him and Grace on his social media accounts. His friends really gave their all out support for him at alam niyang kahit ang mga ito ay gusto na din sanang mamuhay ulit ng tahimik.

And because of that, their fans posted heartbreaking comments and reaction videos about their group of how they love us and how they wanted us to stay. The fans publicly expressed their own opinions regarding the issue and they ensure the company that they will still support the group kahit may nga asawa't anak or apo pa nga daw sila. The fans are planning to boycott the company and not to support the remaining talents that they are managing kung hindi ng mga ito babaguhin ang kontrata nila.

Kaya napilitan na talaga ang company na tanggalin ang clause na 'yon.

Ayaw na rin sana niya pumayag kay Lander at handa naman siyang magbayad sa pagbibreach niya ng kontrata but his wife begged him. Dahil alam daw nito na nasasaktan din siya sa ginagawang pagtalikod sa mga taong naging rason kung bakit siya naging tanyag na music artist at naipakita sa mga tao ang kakayahan niya.

His wife really knows him well.

He talked to his friends, too, and all of them agreed to just retire after their contract ends.

He was really busy during those times, dahil aside sa career niya ay pinagpatuloy din niya ang pag-aaral sa mga business nila. Pero kahit ganunpaman ay sinisiguro niya pa rin na magkakaroon siya ng oras para sa asawa at sa anak nilang lumalaki na sa sinapupunan nito.

Sinabihan pa nga siya ng asawa noong malapit na itong manganak sa panganay nila at kulang dalawang buwan na lang ang kontrata niya na kung gusto pa niya ipagpatuloy ang pagiging celebrity ay payag ito. But of course, hindi siya pumayag. His wife and his family is way more important at isang dekada mahigit na siya sa industry na 'yon. Kailangan na din niyang magfocus sa mga iniwang business ng ama niya at palaguin 'yon para sa kanilang pamilya.

He also won the cases he filed against Georgina, dinagdagan niya pa kasi 'yon ng libel/defamation case and a lot of people can attest to that. Nakalimutan nga talaga ni Georgina kung gaano siya kayaman at kung gaano kadami ang connections ng ama niya. Akala talaga nito ay masisira siya nito at ang pagsasama nila ng asawa niya. Well, she's going to serve two decades and a half in jail and she deserves it.

Nanghingi rin ng tawad ang writer ng article na nag-interview kay Georgina. Kakasuhan niya rin sana ito but he decided to just forgive her instead despite of all the bad things she say towards him. The writer told him na si Georgina daw mismo ang nagpatawag dito kaya nagawa nitong interviewhin ang huli sa loob ng presinto.

After he left show business, everything went well with him, his wife, and their growing family.

Natuloy din ang second wedding nilang mag-asawa at dahil masusunod talaga ang gusto nito ay sinabay na din nila ang binyag ng panganay nila. Their wedding is just simple yet a very magical one for him, his wife and their families and close friends.

It was held in one of the oldest churches in the country. He invited the media too and other personalities to join them on their second wedding, because it marks his final appearance as a celebrity.

Some of his fans also came and he allowed them to join dahil na rin sa pakiusap ng asawa niya. Their wedding became the talk of the town for more than a month, and he's glad that the people are now supportive of his decision to retire.

Naging laman din ng balita ang panganay nilang limang buwan pa lang ng araw na 'yon dahil ito na raw ang pinakacute at pinakagwapong ring bearer ng taon. At sobrang saya din ng asawa niya sa araw na 'yon kaya wala na talaga siyang mahihiling pa.

Today is the 5th death anniversary of his father, kaya nandito sila ngayon sa sementeryo ng asawa niyang buntis na naman sa pangatlo nila, kasama ang dalawa nilang mga anak.

He didn't get his wish for their first child, by the way. Lalaki talaga ang lumabas but he's happy because he looks just like his wife.

Carbon copy talaga.

Kaya nga niloko niya ang asawa niya na ito talaga ang nasarapan at ayaw lang umamin.

He's already four years old and they named him after his father and father-in-law. Eduardo Joseph Sevilla.

Their second child is a girl, his princess. And she's a combination of him and Kyra.

The color of her skin, eyes and lips are from Kyra, while the shape of her face and nose are from him. And they named her after their mothers. Katherina Carmella Sevilla.

She's only three years old pero ngayon pa lang ay kinakabahan na siya dahil masyadong mabilis ang panganay na anak nina Wilbert at Grace na matanda lng sa prinsesa niya ng tatlong buwan. Naghahayag na ito ng damdamin sa anak!

Damn!

Gumaya sa ama na mabilis din. Kaya nga kapag magkikita silang magkakaibigan ay ginagwardyahan niya talaga ang prinsesa niya.

Nagpahinga muna sila ng dalawang taon sa pagbuo ng pangatlo nila dahil alam niyang nahihirapan ang asawa niya sa pagiging hands-on nito sa mga anak at sa kanya. Kahit na tinutulungan naman ito ni mama Selena, na hindi na talaga nakapag-asawa, ni Manang Rosa, at may tig-iisang yaya din ang mga anak nila.

And now, his wife is already 7 months pregnant with their third child. At may hula na naman siyang lalaki ito kasi grabe na naman ang stamina ng asawa niya sa kama kagaya sa panganay nila.

Three more children to go bago macompleto ang basketball team nila, pero baka magiging baseball team talaga 'yon.

Malay natin, 'di ba?

"Dada, pareho kami name ni Lolo." Sabi ng panganay niya habang tinuturo ang lapida ng ama niya.

Ang talino! Marunong na magbasa in just the age of 4. May minana din naman pala ang anak niya sa kanya. Pero loko lang, mana talaga ito sa ina.

"Yes, anak. Your lolo Eduardo is the best dad in the world, along with your wowo Mark and dada. Pareho nga kayo ng pangalan ng lolo pero magiging kamukha mo naman si wowo Mark mo paglaki. Ang damot ni mama eh. 'Di man lang namigay kahit isang parte kay dada."

"Loko mo!" Natatawang anas ng asawa niya sa kanya.

Natatawa ring niyakap niya ito.

Nakaupo silang mag-anak sa makapal na foam na nilapag nila sa sahig sa harap ng nitso ng ama at ina niya.

Ang prinsesa nilang may hawak na barbie ay nakaupo sa kandungan ng asawa niyang anghel na nakalunok na naman ng isang buong pakwan. Sobrang laki na talaga ng tiyan nito.

He looked at his kids and how he wished they wouldn't grow up so fast. Pero kailangan ding lumaki ng mga ito dahil may dadating pa ang mga itong iba pang mga kapatid.

Kakatapos lang nilang magdasal para sa kaluluwa ng mga magulang at kumain na din sila pagkatapos. Nakatulog na ang panganay at ang prinsesa nila habang ang asawa naman niya ay pinahiga niya ang ulo sa mga hita niya.

He's rereading the letter that his father left him. Binigay 'yon ni Arthur sa kanya noong binasa nito sa kanila ang last will ng ama.

From the moment he received it, he always brought it along with him kahit saan siya magpunta, at binabasa niya din 'yon kapag dadalaw siya dito sa sementeryo. His dad's letter gives him more courage and enhanced his determination to become a better husband and father for his own family. Just like his dad. At ramdam na ramdam talaga niya ang presensiya ng ama kapag hawak at binabasa niya 'yon.

Hindi pa rin niya talaga maiwasang mapaluha kahit ilang beses na niyang nabasa ang sulat nito sa kanya.

——

Anak kong Edward Bryan,

Kumusta ka na anak? I hope you're doing good now.

Hindi ko alam kung bakit naisipan kong sulatan ka when I can say it to you in person. Siguro dahil nahihiya pa din akong lapitan at kausapin ka kasi baka hindi ka pa handa? Or maybe life is unpredictable at baka hindi ko na masabi sa 'yo lahat ng gusto kong sabihin.

Just kidding, anak. Pero pinahanda ko na lang talaga ito kung sakali but I hope not because I still want to meet my grandchildren from you and your wife, Kyra.

I hope you will soon understand why I have to enforce you with this. I chose Kyra to be your wife because I can see how precious she is and precious ones are for keeps, anak. Alam ko din na matututunan mo ring mahalin si Kyra because she's a very loveable person, at pinagdasal ko talagang mangyari 'yon.

At nangyari nga. When you came back after your honeymoon ay doon ko na napatunayang tama ang naging desisyon kong pilitin kayong magpakasal. You looked at her with so much love and adoration, and I guess hindi mo pa alam 'yon sa mga oras na 'yon.

Both of you are really meant for each other and I'm glad na ako ang naging tulay para magkatuluyan kayo. Alam kong sasaya ka sa kanya, anak, kaya sana patawarin mo ako sa pagpipilit sa inyong magpakasal.

Sana patawarin mo rin ako sa lahat ng pagkakamali 'ko sa 'yo at alam kong nag-iwan talaga 'yon ng malalim na marka sa 'yo kaya hindi mo ako magawang patawarin hanggang ngayon. Pero sana maintindihan mo rin kung bakit 'ko nagawa 'yon. You were so broken and in the verge of self-destruction when your mother left us, and as a father ay hindi ko maatim na hayaan kang magkakaganoon.

Ikaw ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko pero nagawa kitang saktan dahil sa mga maling desisyong ginawa ko.

Ang dami kong what ifs, anak. Pero alam kong hindi ko na maibabalik pa ang nangyari. Ang hinihiling ko na lang sana ay ang kapatawaran mo at ang pag iintindi sa nagawa kong kasalanan sa 'yo.

Kaya kong mag-antay, anak, hanggang sa mapatawad mo na ako. And I know you will, when the right time comes.

I'm very proud of all your achievements, anak. And I'm very proud to be the father of a very successful celebrity in the country. And always remember that your father, Eduardo Sevilla, will always be here for you. Kahit mangyari mang na wala na ako sa mundong 'to ay nandito pa rin ako para sa 'yo.

Be happy, anak, because you deserve all the best things in life, especially your wife, Kyra. Mahal na mahal kita anak. Ingatan at mahalin mo ang asawa mo at ang mga apo ko.

Ang ama mong lubos na nagmamahal sa 'yo,

Eduardo Sevilla

-——

Sumisinghot-singhot na naman siya pagkatapos niyang basahin ang liham ng ama niya. At kahit nahihirapan ang asawa niyang bumangon sa pagkakahiga ay nagawa pa rin nito para lang mayakap siya.

"I love you, wifey.." Sabi niya dito habang niyayakap niya rin ito pabalik.

"I love you more, hubby. Stop na iyak baby damulag kong halimaw. Mahal na mahal ka din ni dad. At sabi nga niya 'di ba? Nandito lang siya parati para sa 'yo." Sabi ng asawa niya habang hinahagod ang likod niya.

Tumango lang siya dito pero patuloy pa rin talaga sa pag-agos ang mga luha niya.

Ikikwento niya talaga sa mga anak niya paglaki ng mga ito ang tungkol sa ama at ina niya.

He will make sure that his dad will be known by his children and their grandchildren and so on and so forth. Ibibida rin niya na ang lolo ng mga ito ang naging daan para magkatuluyan sila ng ina ng mga ito kaya nabuo sila.

"Thank you, dad, mom." Usal niya habang palipat-lipat ang tingin sa mga lapida ng mga magulang.

Kakabalik lang niya sa loob ng mausoleum. Niligpit at inayos na niya ang mga gamit nila sa likod ng sasakyan nila dahil malapit ng gumabi at uuwi na sila.

"Let's go, dada.." Malambing na sabi ng prinsesa niya habang hinihila ang isang kamay niya.

Alam niyang nagpapabuhat na ito kaya yumuko siya para mabuhat na ito ng maayos.

"Say bye-bye to lolo and lola na mga anak." Utos ng asawa niya sa mga ito na siya ring sinunod ng mga anak nila. Nakahawak ang panganay nila sa kamay ng asawa niya.

"Bye dad, mom. Bibisita na lang po kami ulit bago ako manganak dito sa pangatlong apo ninyo." Paalam din ng asawa niya sa mga magulang niya.

Nangingiti siyang tumingin dito at ngumiti din ito pabalik sa kanya.

"Tara na?" Tanong niya sa asawa na tinanguan nito.

At nagsimula na nga silang humakbang papunta sa sasakyan nila.

-end-


CREATORS' THOUGHTS
Aybeeming Aybeeming

At dito na po nagtatapos ang story ni Kyra at Bryan. HAHA! Hindi ko na talaga kinaya hanggang chapter 70. I hope magugustuhan niyo kasi medyo nahirapan ako sa ending part. hehe.

Lubos po akong nagpapasalamat sa inyo, sa mga nagbabasa, nag-aantay ng updates ko, nagbibigay ng PS, sa mga comments and reviews. Lalo na kay @Daoist342670 na sinuportahan talaga ako noong sinisimulan ko pa lang 'to hanggang sa natapos ko na nga. At last! Tapos na, sis!

Pasensiya na at hindi talaga ako pro-writer. hehe. but I hope susuportahan niyo ako ulit sa mga susunod ko pang mga story. Pero baka matatagalan pa. Medyo busy na talaga.

Again from the bottom of my heart, maraming salamat!

Kyra and Bryan is now signing off.♥♥♥

Load failed, please RETRY

The End Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C69
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login