Hindi alam ni Kyra kung saan siya humugot ng lakas ng loob para sabihin 'yon sa taong mahal niya. Sa taong inibig niya ng lubos. Maybe.. Maybe si baby ang nagbigay sa kanya ng lakas para tanggihan ang pagmamakaawa ng ama nito.
Suko na talaga siya.
Suko na siya sa pagmamahal niya kay Bryan.
Takot na takot siya kanina sa ginawa ni Georgina. Akala niya mawawala ang baby niya dahil dito. Bakit kasi kailangan pang gawin 'yon ni Georgina? Aalis na nga siya 'di ba? Hindi na niya guguluhin ito at si Bryan pero sinaktan pa din siya nito.
Lahat ng hirap at masakit na karanasan niya ay nangyari dahil sa pagmamahal niya kay Bryan. Naisip nga niya na siguro patuloy pa rin siya sa pagiging martyr kung wala ang baby niya. Pero dahil dumating na ito ay kailangan na niyang itigil ang kahibangan niya.
Ang sakit.
Ang sakit makitang umiiyak si Bryan ngayon habang nagmamakaawa ito sa kanya. Pero pagod na talaga siya. At mas gusto niyang mabuhay kasama ang anak niya na walang pangamba. And the best solution for that is to let go of Bryan.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatayo sa pagkakaluhod. Patuloy pa din itong umiiyak at nagmamakaawa sa kanya. Gusto na niyang bumigay kanina lalo na ng sinabi nito ang tungkol kay dad.
Si dad na namatay dahil sa kanya.
Sa totoo lang naaawa siya kay Bryan kasi alam niyang kakamatay lang ng ama nito tapos siya na naman ang mang iiwan dito. Pero naisip niya si Georgina. Nandiyan naman si Georgina para dito. Ang babaeng totoong mahal ng taong mahal niya.
Naisip nga niya na siguro kung hindi lang nalaman ni Bryan na buntis siya baka pumayag din ito agad sa gusto niyang maghiwalay sila. Kaso nalaman nga. Kaya ngayon eto si Bryan, nagmamakaawa sa kanya na huwag niya itong iwan. Pero alam niyang nagmamakaawa lang ito dahil sa baby niya.
"Bryan."
"W-Wife.." Parang umaliwalas ang mukha nito. She can see hope in his eyes.
Akala yata nito ay nagbago na ang isip niya.
Napahugot muna siya ng hangin bago niya pinagpatuloy ang gusto niyang sabihin dito.
"If you're thinking about my baby, huwag kang mag-alala. Hindi ko siya ipagdadamot sa 'yo, ipapakilala pa rin kita kahit hindi na tayo mag-asawa."
"H-Hindi, wife. Ayoko. Hindi ko kaya.. Ikaw at si baby ang kailangan ko.. P-Please.." Sabi nito habang paulit-ulit na umiiling.
"Bryan. Marami ng nangyari. Hindi na 'to maayos kung hindi natin itutuwid lahat ng mali natin. At magiging maayos lang ang lahat kung maghihiwalay na tayo. Our marriage is a mistake. Everything between us is a mistake, except for my baby. Kaya hayaan mo na ako.. Ayokong lumaki ang anak ko sa kasinungalingan.."
"No, no, wife.. Hindi.. Itutuwid naman natin lahat eh pero hindi natin kailangang maghiwalay.. Makakaya nating ayusin ang lahat wife, na magkasama. Mahal na mahal kita, wife. Sobrang mahal kita kaya nabulag ako dahil sa sobrang selos. Naging possessive at selfish ako pagdating sa'yo. Ayokong may ibang taong lalapit sa 'yo, kakausap sa 'yo, lalo na si Arthur, kasi natatakot ako.. Natatakot akong mawala ka. And I know mali 'yon, kasi dahil rin doon kaya hindi na ako nakapag-isip ng maayos. Mali ako, wife. Maling-mali ako. But I'm willing to pay for it, basta nandito ka pa rin. Basta huwag mo lang akong iwan.. Huwag niyo kong iwan ni baby. And if you're really doing this for our baby, hindi ba dapat isipin mo rin ang mangyayari sa kanya sa huli? Na lalaki siyang hindi kompleto ang pamilya? Wife.. Please.. May anak na tayong madadamay dito.. Please.."
Napamaang siya sa sinabi nito. Tama ito sa sinabi lalo na sa part kung saan lalaki ang anak niya sa isang broken family.. Pero masakit pa din kasi.. Natatakot na siya ulit sumugal sa pag-ibig niya kay Bryan..
Nagiging selfish ba siya ngayon? Dahil parang ang labas ay ang sarili lang niya ang iniisip niya at hindi ang kapakanan ng anak niya?
But is it wrong for her to be selfish?
Naisip niya kasi na kaya naman niyang gampanan ang pagiging ama at ina sa baby niya. Mamahalin niya ito ng sobra at hinding-hindi niya ito sasaktan at pababayaan. Nandiyan naman ang mga magulang niya na alam niyang magmamahal din sa anak niya. Nakpagdesisyon na talaga siya kanina eh.
Pero tama ba talaga ang desisyon niya?
Naging magulo na ulit ang isip niya kaya hindi niya napansin ang pagtayo ni Bryan galing sa pagkakaluhod at agad siya nitong niyakap ng mahigpit.
"W-Wife.. Nagmamakaawa ako.. Please.."
Magulo pa rin talaga ang isip niya. Gusto niya pang mag-isip ng mabuti sa magiging desisyon niya. At alam niyang hindi siya makakapag-isip ng maayos kung kasama niya si Bryan. Gusto niya munang lumayo dito. Kailangan niya ng space at oras para mag-isip ng mabuti.
She pushed Bryan away from her pero masiyadong mahigpit ang pagkakayap nito sa kanya. Namamasa na rin ang balikat niya sa sobrang pag-iyak nito.
Nasasaktan siya dahil alam niyang nasasaktan ang asawa niya dahil sa kanya.
"Please.. I'm begging you, w-wife.." Paulit-ulit nitong sinasabi at napaiyak na rin talaga siya pero hindi niya ito niyakap pabalik.
Patuloy pa rin ito sa pag-iyak sa balikat niya at kung hindi niya ito itutulak palayo sa kanya ay bibigay na siya dito. She was about to push him away ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya at niluwa niyon ang kanyang mga magulang.
"Bitawan mo ang anak ko, at umalis ka na dito Bryan." Galit na anas ng daddy niya at dinig niya ang pagpigil ng mommy niya dito.
Pero hindi pa rin siya binibitawan ni Bryan kahit anong tulak niya at nanatili ito sa pagyakap sa kanya ng mahigpit.
"Didn't you hear me, boy? Umalis ka na! Hindi ka kailangan ng anak at apo ko! Get out! And process the goddamn divorce papers para makawala na ang anak ko sa 'yo!" Sigaw ng daddy niya habang nagmamartsa na ito palapit sa kanila.
Sumunod ang mommy niya dito pero sa sobrang galit ng ama niya ay hindi ito nagpapigil at mabilis na hinila si Bryan sa pagkakayakap sa kanya. Wala na rin siyang naging reaksyon sa nangyayari. Patuloy lang siya sa pag-iyak.
"P-Please.. Hindi ko kayang mawala sila... H-Hindi-" Pagmamakaawa ni Bryan ng napabitaw ito sa kanya.
Tinulak ito palayo ng ama niya sa kanya at akmang susuntukin sana pero agad na pumagitna ang mommy niya. Niyakap nito ang daddy niya.
"Huwag, hon!" Agad na sabi ng mommy niya.
Hindi nga tinuloy ng daddy niya pero kita niya ang pagkuyom ng mga kamao nito.
"Get out!"
"P-Pero.." Sabi ni Bryan na napapatingin na sa kanya na parang nanghihingi ng tulong.
"Umalis ka na, Bryan." Malamig na sabi niya dito na siyang nagpabagsak ng balikat nito.
"I-Iho, umalis ka na lang muna. Both of you need space.. Pakalmahin niyo na muna ang-" Sabi ng mommy niya.
"Hindi, umalis ka na at huwag ka ng babalik, Bryan." Pagpigil ng daddy niya sa gustong sabihin ng mommy niya.
"P-Pero, hon.."
"No! Sinaktan niya ang anak natin, Katherine! Pati ang apo natin muntikan ng mawala dahil sa kagagawan niya! Do you think I will accept him and allow him to be with our daughter and grandchild again? No!" Sabi ng ama niya na bakas sa boses ang paghihinagpis sa nangyari sa kanya, kaya napaiyak siya lalo.
Hindi lang siya ang nasaktan dahil sa nangyari, pati na ang mga magulang niya na walang ginawa kundi ang mahalin at protektahan siya buong buhay niya. So, maybe tama nga ang naging desisyon niyang makipaghiwalay na kay Bryan.
"B-Babawi po ako sa mag-ina ko-"
"No, Bryan. Umalis ka na! Nakapagdesisyon na ako. Hindi na ako babalik sa 'yo.. Tama na 'to.. Its over." Matigas na sabi niya dito na siyang ikinaiyak nito lalo.
"W-Wife.."
"You heard her, Bryan! Umalis ka na!" Sabi ulit ng daddy niya at akmang lalapit na ulit si Bryan pero mabilis na pinigilan ito ng mommy niya.
"Umalis ka na muna, iho.." Sabi din ng mommy niya dito.
Nagmamakaawa ang itsura ni Bryan habang nakatingin sa kanya, pero umiwas na siya ng tingin dito. Humiga siya ulit sa kama at tumalikod na dito.
Maya-maya lamang ay may narinig na siyang mabibigat na mga yabag palayo sa kanya, at narinig na din niya ang pagbukas at pagsarado ng pintuan. At doon na siya mas lalong napaiyak kaya binaon niya ang mukha niya sa unan.
Alam niyang umalis na ito.
Umalis na si Bryan.
Hindi alam ni Bryan kung saan siya tutungo pagkatapos niyang umalis sa kwarto ng asawa niya. Pakiramdam niya'y nawawala siya, at makikita niya lang ang tamang daan sa piling ng asawa niya. Pero hindi pa rin siya nito pinapatawad. She wanted him out of her life. Completely. Kahit anong pagmamakaawa niya dito kanina, kahit anong paghihingi niya ng tawad dito ay hindi niya napabago ang desisyon nitong makipaghiwalay sa kanya.
Pero hindi siya papayag. Kahit padalhan pa siya nito ng divorce papers ay hindi niya tatanggapin iyon. Hindi siya pipirma doon. Itatapon niya lang 'yon. Susunugin. Pupunitin. But he will never sign it.
Hindi pa rin talaga niya matigil ang mga luha niya habang binabagtas niya ang pasilyo ng hospital. Ang daming taong napapatingin sa kanya, but he doesn't care anymore. All he cares about is his wife. At bonus na lang ang baby nila.
Ngayon nga lang niya naisip na ang sama niya talaga, because he's using their child para hindi siya iwan ng asawa. Pero wala na kasi siyang choice. Kung hindi niya sasabihin 'yon dito at hindi niya gagamiti ang anak ay tuluyan ng magmatigas ang asawa niya sa kanya. Pero hindi pa rin talaga nagbago ang isip nito.
He badly needed someone to talk to.. Kaya kahit nawawalan na ng lakas ang kamay niya ay kinuha niya ang cellphone niya para tawagan ang mga kaibigan niya. He needs their advice and suggestions on how he can win his wife again. At gusto niyang maglasing.
"Bry?" Sagot ni Nathaniel pagkatapos nitong sagutin ang tawag niya.
"Inom tayo. Yayain mo sila. I need some c-company.." Sabi niya dito.
"Sure! Where to?"
"Sa paborito natin." Sabi lang niya dito at agad nitong nakuha 'yon.
Pagkababa niya ng tawag ay napatingin siya sa oras ng phone niya. Its only 4 in the afternoon. That's good then, para mas mapadami niya ang inom niya.
"B-Bryan Lopez?" Sabi ng isang babaeng buntis na lumapit sa kanya.
Naimagine niya tuloy ang asawa niya na ganito na kalaki ang tiyan kaya napangiti siya. Mas lalo itong gaganda panigurado. It gives him comfort while imagining his wife very pregnant like this lady in front of her. Gumaan talaga ang pakiramdam niya.
Tumango siya sa babae.
"P-Pwedeng magpapicture? Idol ka kasi ng panganay ko." Sabi nito sabay turo sa anak nitong babae na nakatago pala sa likod nito. Pagkakita niya sa bata ay kamukhang-kamukha ito ng ginang.
He was never an approachable type of celebrity pero pumayag siya. Wala na siyang paki kung makunan siya nitong mugto ang mga mata.
Sumaya ulit ang pakiramdam niya habang naiisip na sana babae din ang unang anak nila ng asawa. Tapos kamukha din nito.
Damn!
Mas lalo tuloy siyang naging determinado na suyuin ang asawa niya. Naisip na lang niya na baka kailangan nga nila ng space, and he will give his wife tonight and tomorrow. But on the next day after tomorrow ay susuyuin niya ulit ito kahit pagtabuyan pa siya nito. Hihingi muna siya ng tips sa mga kaibigan. Alam niyang tutulungan siya ng mga ito.
Pagkatapos magpicture ng ginang at anak nito sa kanya ay nagpasalamat ang mga ito. Hinalikan pa siya sa pisngi ng bata kaya mas lalo tuloy siyang naiyak. A crowd is already forming and was about to approach him but he immediately walked away.
Kakarating lang niya sa paborito nilang hang-out place ng mga kaibigan. Kilala na nila ang may-ari niyon. Nagtext na ang mga ito sa kanya kanina na nakarating na ang mga ito. Nag order na rin daw ang mga ito ng mga inumin at pagkain kasi gutom na daw si Justin.
Hindi na siya nagsuot ng disguise at basta na lang siyang pumasok sa loob. Rinig niya ang pagtawag ng mga tao pero tuloy-tuloy lang siyang dumiretso sa loob. Nasa VIP lounge na nga ang mga kaibigan niya at agad siyang kumaway sa mga ito habang tinitingnan siya ng seryoso na para bang isa siyang puzzle.
Alam niyang ramdam na ng mga ito na may problema siya. Kaya pagkaupo niya pa lang sa tabi ni Nathaniel ay agad na siyang nagkwento sa mga ito tungkol sa nangyari kanina. Lahat-lahat sinabi niya sa mga ito.
"Damn! Georgina deserves to rot in jail!" Agad na komento ni Russel ng sinabi niya sa mga ito na nakakulong na nga si Georgina.
Inupdate na siya ng abogado niya habang nasa byahe siya and he insisted that it should be a no bail case. Sabi ng abogado niya gusto daw siyang kausapin ni Georgina, but he rejected it, of course. Wala na silang dapat pang pag-usapan. Maayos ang pakikitungo niya dito, pero sinaktan lang nito ang asawa niya and what she did to his wife is unforgivable.
Bakas sa mukha ng mga kaibigan na kahit ang mga ito ay nalungkot at nabahala sa nangyayari sa kanila ng asawa niya. Lalo na ng umiyak siya sa harap ng mga ito.
"Ano na ngayon ang plano mo, Bry?" Tanong naman ni Nathaniel sa kanya.
"Dapat suyuin mo ng maayos si Kyra ganda, big bro!" Sabi naman ni Justin na tinanguan ng lahat.
"Y-Yeah. Kaso sobrang tigas ng asawa ko. Sumuko na siya but I won't. She needed space and I will give her that until tomorrow. Pero babalik at babalik pa rin ako doon. Susuyuin ko siya hanggang sa mapatawad niya ako."
"We can help you, bud." Sabi naman ni Wilbert.
"H-How?"
"Kami ang bahala." Sabi ulit ni Wilbert at nagsimula na nga ang mga ito sa pagplano at nakikinig siya ng mabuti sa mga ito.
He will forever be grateful for his friends. Swerte niya kasi nagkaroon siya ng mabubuting mga kaibigan. Minungkahi pa ng mga ito na unahin niya daw muna ang mga in-laws niya. He needs to win their trust again para matulungan din siya ng mga ito sa asawa niya. And this time, ay itatama na talaga niya ang lahat. Kapag tatanggapin na ulit siya ng asawa niya ay gagawin na niya ang lahat para dito. Hindi na niya uulitin ang mga maling ginawa niya. Hinding-hindi na niya ito sasaktan.
'I will win you back, wife, and you will accept me again. I will make sure of that. Just wait for me..' Determinadong sabi niya sa isip habang patuloy silang nagpaplano sa gagawin niya para sa asawa.
Hindi ko alam kung magugustuhan niyo pa ba ang flow ng story ko, or kung na deliver ko ba ng maayos ang pagkakasulat ko dito. hehe. Kaso eto na talaga ang plot nito. Madrama talaga 'to promise. Thankful pa din ako sa inyo lalo na pagbibigay ng oras niyo para sa pagbabasa nitong gawa ko. Hindi ko ineexpect na may magbabasa talaga kaya laking pasalamat ko na may nagsusuporta nito. Again from the bottom of my heart thank you!!♥♥♥
Paano ba mag move-on?
Mabilis lang ba magmove-on?
Posible bang makamove-on pa siya kay Bryan?
'Yon ang pa ulit-ulit na tinatanong ni Kyra sa sarili niya simula ng tinaboy niya si Bryan sa hospital.
Hindi na ulit nakabalik si Bryan ng gabing 'yon, at lumipas din ang isang araw at ni anino nito ay hindi niya nakita. Though, she received a bouquet yesterday which is quite similar to what he gave her before noong pagkauwi nito pagkatapos ng isang buwang pagkakalayo nila. Wala man lang letter 'yon kaya inassume na lang niyang si Bryan nga ang nagpadala niyon para gumaan din kahit paano ang pakiramdam niya.
Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng pagsisisi sa pagtataboy dito. Dapat ba hinayaan niya muna ito magexplain ng maayos? Dapat ba pinakinggan niya muna ito ng mabuti? Kaso.. masakit pa din kasi at kahit ngayon parang natatrauma pa din siya sa ginawa ni Georgina sa kanya.
What if kung bumigay nga siya sa pagmamakaawa ni Bryan? Magiging masaya ba siya? Magiging masaya ba sila? Hindi na ba siya ulit sasaktan ni Georgina? Hindi na ba ulit magiging delikado ang buhay nilang dalawa ng baby niya?
Ang hirap.
Ang hirap mag-isip.
Ang hirap mag desisyon.
Pero mas mahirap ang nararamdaman niya ngayon kasi baka sumuko na nga si Bryan at bigla na lang siya nitong padalhan ng divorce papers. Gusto niya man lang sana malaman kung kumusta na ito. O kung tinuloy nga nito ang pagproseso ng paghihiwalay nila.
Kaso kahit sina mama Selena, Manang Rosa, Cindy, Grace, Wilbert, Nathaniel, Russel, at Justin na bumisita sa kanya kahapon ay walang sinabi sa kanya tungkol kay Bryan. Puro pangangamusta lang sa kanila ni baby ang ginagawa ng mga ito tapos iniiba agad ang usapan. Ni hindi ng mga ito minention ang tungkol sa nangyari sa kanya.
Naisip nga niya baka walang alam ang mga ito sa nangyari. Baka pinalabas na lang na aksidente ang lahat para maprotektahan ni Bryan si Georgina.
Nakaramdam talaga siya ng sobrang pagkirot sa puso ng naisip niya 'yon.
O baka alam nga ng mga ito ang nangyari pero iniiwasan ng mga itong masaktan siya.
Kung sakaling sumuko na nga si Bryan sa kanya mas mainam ngang ihanda na niya ang sarili. Hiningi niya 'to di ba? Pero bakit ngayon pa lang ay nakakaramdam na siya ng sobrang sakit at kalungkutan?
Hays.
"Mrs. Sevilla. Pwede ka na makakauwi mamaya. You and your baby are good to go. Basta susundin mo lang lahat ng sinabi ko sa 'yo, ha? At umiwas ka na sa stress, all right?" Magiliw na sabi ng doktor niya sa kanya ng umagang 'yon.
Mrs. Sevilla...
"T-Thank you po, Doc." Sagot niya dito.
"You're welcome. Basta ha? 'Yong pinapaalala ko sa 'yo. Niready ko na rin ang reseta ng mga bibilhin mong gamot para mas lalong kumapit si baby, at ang karagdagang vitamins mo." Pagpapaalala nito ulit sa kanya.
"Okay po. Salamat po ulit, Doc." Sagot niya dito.
Ngumiti lang ito sa kanya at may sinabi pa sa nurse na nakaassign sa kanya na kasama nito sa loob ng kwarto niya. Tinanggal na rin ng nurse ang IV line niya. Hindi pa nakarating ang mga magulang pero nagtext na rin ang mommy niya na papunta na ito at ang daddy niya. Kaya noong may kumatok sa pintuan ang buong akala niya ay ang mga magulang na niya 'yon.
Muntik na siyang mapasinghap ng malakas ng makita ang pagpasok ni Bryan.
My gosh! Sobrang lakas talaga ng tambol ng puso niya ng ngumiti ito sa kanya bago tumingin sa doctor niya.
"Oh, andito na pala ang asawa mo." Sabi ng doctor niya at agad na nakipagkamay si Bryan dito bilang pagbati.
'Ano ba 'yan, Kyra! Marupok ka! Baka iba ang sasabihin niyan sa 'yo kaya bumisita dito at masasaktan ka lang! Bahala ka.' Saway niya sa isip at agad na iniwas ang tingin dito.
"Yes, Mr. Sevilla. Like what I told you yesterday, your wife can go home today." Pagbibigay imporma nito kay Bryan.
Huh? Nag-uusap ito at ang doktor niya? Kahapon?
"Great! I've already settled the bill, doc." Sabi nito sa doktor niya at parang ang sobrang lapit na ng boses nito sa kanya.
Kaya napatingin siya dito at nagulat siya na nakadungaw pala ito sa kanya. Namilog talaga ang mga mata niya at bago pa niya itulak ng pasimple ang mukha nito ay mabilis na siya nitong binigyan ng isang mabilis na halik sa mga labi. Mabilis din itong tumayo ng tuwid at hinarap ulit ang doctor at ang nurse na nangingiti habang nakatingin sa kanila.
Jusmiyo!
Nataranta siya ng maalalang hindi pa siya naka hilamos at toothbrush! Huhu!
'Loka! 'Yan pa talaga ang inisip mo! Dapat awayin mo siya! Haler! Galit ka sa kanya, Kyra Mae! Ano ba!'
Gusto niya tuloy pagalitan ang sarili. Saan na napunta ang galit niya kay Bryan? Ba't sabik ang nararamdaman niya? My gosh! Parang naiinitan din siya. Hormones. Istahp! Sabi pa naman nila lumalakas daw ang sex drive ng buntis. I cannot.
Napatalikod tuloy siya dito kasi paniguradong namumula na naman siya. Hindi na tuloy niya napansin na umalis na ang doctor at ang nurse at naiwan na lang silang dalawa.
"Wife.." Masuyong tawag nito sa kanya.
Galit ka Kyra, ha? Remember! Galit ka!
Napatikhim muna siya at pinilit na gawing malamig ang boses niya. Hindi pa rin siya bumaling dito.
"Ba't ka nandito?"
"I miss you." Masuyong anas nito sabay haplos sa buhok niya. "Hindi mo ba ako namimiss, hmm?"
Ang landi ng boses ni Bryan. Napakagat-labi tuloy siya at mas lalong uminit ang pakiramdam niya. Napalunok siya ng tatlong beses yata. Jusko. Ayaw na niyang magsalita at baka ano pa ang masabi niya dito.
"Hey.." Tawag ulit nito sa kanya. "Kumusta na ang dalawa kong baby?" Sabi nito sabay himas sa tiyan niya.
Napakislot siya sabay tanggal ng kamay nito sa tiyan niya kasi mas lalong nag iba ang nararamdaman niya.
Jusko, Kyra! Ang baby niyo ang hinahawakan niya, hindi ikaw! Parang ikaw na din pero hindi, hindi. Over ka magreact diyan!
Narinig niya ang malakas na pagbuntong-hininga nito.
"U-Umalis ka na.. Parating na si daddy." Pananakot niya dito.
"I know.. Daddy called me."
Huh?
Napabaling tuloy siya dito. Pero nakangisi ito sa kanya. My gosh! Ang makalaglag panty nitong ngisi na naman.
"A-Anong.. Y-You shouldn't call him daddy anymore!" Galit niyang anas dito.
"Why not, wife? Hmm? He's my father-in-law, wife. Oh.."
What the fudge? Umungol ba si Bryan? At bakit ang landi-landi nitong magsalita?
Nakatingin pa rin siya dito na parang naguguluhan at nakangisi pa din ito sa kanya ng biglang kumatok na ang mga magulang niya sa pintuan at agad na pumasok.
"Oh, andito ka na pala, iho." Agad na bungad ng ama niya na siyang ikinamangha niya.
What the?
Nagmano din si Bryan sa mga magulang niya.
"D-Daddy? B-Bakit? Anong-"
"Good morning, baby anak at sa baby apo namin." Pagpuputol ng mommy niya sa sasabihin niya at hinalikan ang pisngi niya. "Hindi ka pa nakapag-ayos?"
"Mommy.. Anong nangyayari?" Pabulong na sabi niya dito habang nakatingin sa daddy at kay Bryan na nag-uusap.
"Well.. Pumunta siya kagabi sa bahay. Nanghingi ng sorry and he explained everything that happened and told us the whole truth." Sabi nito na siyang ikinagat-labi niya.
Nagiguilty siya. Naunahan pa siya ni Bryan sa pagsabi sa mga magulang niya ng totoo. Sasabihin niya naman sana eh kaso natatakot pa siya at dahil hindi matigil-tigil ang pag-iyak niya ay nagtutulug-tulugan na lang siya simula pa kahapon. Its her way na rin para makaiwas na muna sa interrogation ng mga magulang. Ang plano niya sana ay sasabihin 'yong totoo pagkalabas niya ng hospital. Pero wala na. Naunahan na siya ni Bryan.
Kaya pala hindi lumapit ang daddy niya sa kanya.
"S-Sorry, mommy."
Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga ng mommy niya bilang sagot.
"Magbihis ka na, baby anak." Sabi na lang ng mommy niya pagkatapos ng ilang segundo.
"S-Sige po.."
Kahit alam niyang nagtatampo din ang mommy niya sa kanya ay inalalayan pa din siya nito. Pagkatapos niyang maligo at magbihis sa loob ng CR ay 'yon din ang pagdating ng orderly na magtutulak ng wheelchair niya.
"Uhm.. Kaya ko naman po maglakad." Tanggi niya sa wheelchair.
"No. Magwheelchair ka, wife." Sabi ni Bryan bago bumaling sa orderly. "Ako na tutulak sa asawa ko, boss."
"P-Pero-"
"Huwag ka ng tumanggi, baby anak. Sige na." Sabi ng mommy niya sa kanya, while her dad is just silently looking at her.
Naiiyak tuloy siya. Alam niyang nagtatampo talaga ito sa kanya. Naiinis tuloy siya kay Bryan. Inunahan siya, eh hindi naman sila magkakabalikan ah. Ayaw na niya, di ba? Maghihiwalay na sila, di ba?
'Talaga lang, Kyra Mae, ha?'
Umupo na lang siya sa wheelchair at agad na 'yon tinulak ni Bryan, habang hawak-hawak din ang bag niya. Nakasunod naman ang mga magulang niya sa likod nila.
"Y-You don't have to do this, Bryan.." Mahinang sabi niya dito na alam niyang sakto lang sa pandinig nito.
"Hmm? Why not, wife?"
"M-Maghihiwalay na tayo, Bryan."
"Sorry, can't hear you." Malokong sabi nito sa kanya, napairap tuloy siya.
Doon lang siya naging aware sa paligid nila. Pinagtitinginan sila ng mga tao, at doon lang din niya naalala na walang suot ni isang disguise si Bryan.
"B-B-Bryan.."
"Yes, wife?" Masuyong sabi nito na medyo malakas.
Nadinig yata ng mga tao kaya nagsinghapan ang mga ito.
Hala!
"A-Are you out of your mind?! May mga tao! Nakikilala ka nila!" Asik niya dito.
"Hmm.. I don't care, wife.. I love you." Mas nilakasan pa nito ang huling sinabi kaya dinig na dinig niya ang pagbulungan ng mga tao at malalakas na mga singhapan ulit ng mga ito. May nagpicture at nagvivideo na din yata sa kanila!
What the fudge, Bryan?
Napayuko na lang tuloy siya ng ulo kasi paniguradong namumula na talaga siya. My gosh! Kinikilig siya! Pero hindi pwede! Hindi 'to pwede! Ano ba 'tong pakulo ni Bryan! Jusko!
She can feel the walls that she's trying to build around her that can protect herself from giving in to Bryan crushing and crumbling down. But still! Kailangan niyang itayo ulit ang mga 'yon! Ayaw niya pa bumigay dito!
Ang dami tuloy pumapasok sa isip niya habang binabagtas nila ang daan palabas ng hospital. At kung hindi pa tumigil si Bryan sa pagtulak sa kanya ay hindi niya pa nalaman na nasa labas na pala sila ng hospital.
Inangat niya ang paningin niya sa harapan pero agad siyang yumuko ulit ng makitang andami pa ring mga taong nakatingin sa kanila. Pero mukhang hindi mga agresibo ang mga taong nakakilala kay Bryan kasi hindi man lang lumapit ang mga ito. O baka na starstuck sila sa halimaw na nasa likod niya? Ay ewan. Pero may mga guards din na nagpaalis sa mga ito.
"Mauna na kami, iho. Take care of my daughter and grandchild." Pamaalam ng daddy niya na siyang nagpaangat ulit ng tingin sa kanya.
W-W-What?
"Daddy!" Tawag niya dito at tumayo sa wheelchair.
"Wife, uuwi tayo sa mansion." Pag-iimporma sa kanya ni Bryan.
"Ayoko!" Pasigaw na sabi niya dito at agad na kumapit sa mommy niya.
"Wife..."
"Baby anak.. You should go with your husband.." Bulong ng mommy niya sa kanya.
"Ayoko po, mommy. Sa bahay ako uuwi.. Please po, daddy.." Pagmamakaawa niya sa mga magulang.
"Doon ka dapat sa asawa mo. Hindi ka na bata-" Pangangaralan sana siya ng daddy niya ng bigla itong pinutol ni Bryan.
"Okay lang, daddy. Kung ano ang gusto ng asawa ko. Bibisita na lang po ako." Sabi nito na ikinairap niya dito.
"Hindi ka pwedeng bumisita doon!" Asik niya dito.
Nakita niya ang pag-iling ng mga magulang niya at ikinalungkot ng mukha ng asawa niya pero bigla itong ngumisi.
"We'll see." Mayabang na sabi nito na ikinamaang niya. Pero mas lalo siyang napamaang at nataranta ng bigla siya nitong binuhat.
"Hub- Bryan! Put me down!" Asik niya dito sabay piglas ng katawan but he's holding her so tight.
"Stay put, wife! Baka mahulog ka!" Saway nito sa kanya. "Sa 'kin na siya sasakay, daddy, mommy." Pagbibigay imporma nito na sinang-ayunan naman ng mga magulang niya.
"I-Ibaba mo na ako.." Sabi niya dito na hindi na nga pumiglas at ibinaon na lang ang mukha sa dibdib nito lalo pa't nakarinig na naman siya ng singhapan at bulungan ng mga tao.
Juskolerd! PDA!
"No, malayo ang pinarkingan ko ng sasakyan. Ayokong mapagod ang asawa kong matigas ang ulo. Pumayag na akong uuwi ka sa inyo ngayon, kaya hayaan mo na akong ihatid ka." Sabi nito na may mapaglarong boses at agad na ngang humakbang papunta sa sasakyan nito pagkatapos magpaalam ng mga magulang niya.
True to his words, malayo nga ang sasakyan nito. O baka mabagal lang itong maglakad? Ay ewan! Pinabigat niya tuloy ang katawan niya habang buhat-buhat siya nito pero hindi man lang ito nagreklamo.
Nakakainis!
Nang tumigil na ito ay alam niyang nasa gilid na sila ng sasakyan nito pero hindi pa rin siya nito binaba.
"Ibaba mo na ako, Bryan." Malamig na sabi niya dito at inangat ang ulo niya para tingnan ito pero ang hindi niya alam ay nakadungaw pala ito sa kanya.
Bigla tuloy siya nitong hinalikan sa mga labi at hindi na siya nakaangal.
Magnanakaw ang halimaw! Magnanakaw ng halik! Arrghh!
Hindi niya tuloy napigilan at tinulak niya ang mukha nito palayo sa mukha niya. Ang ikinainis pa niya ay tumawa pa ito. Pinagtatawanan siya! Loko 'to ah!
"Masyadong mainit ang semento, wife. Hmm.. Pakikuha ng susi sa bulsa ng shorts ko, please."
Ang landi, my ghad!
"Ano ba! Hindi mainit, nu! Ibaba mo na kasi ako, at ikaw na ang kumuha ng susi mo!" Sabi niya sabay piglas sa bisig nito.
"Wife, stop squirming! Ang baby natin!" Pagbabanta nito sa kanya na siyang ikinamaang niya.
"Eh, bitawan mo na kasi ako!"
"C'mon, wife. Kunin mo lang. Hindi tayo aalis dito kung hindi mo susundin ang sinabi ko. Bahala ka." Nanunuksong sabi nito sa kanya.
Gusto niya tuloy bigwasan ito! Kakainis! Wala na tuloy siya magawa kundi ang sundin na lang ang gusto nito.
"Saan ba kasi 'yon?!" Sabi niya habang kinakapa ang shorts nito.
"Wife, easy.. Baka may magising.."
Namula tuloy siya sa sinabi nito. Kakabwisit! Nilalandi at iniinis siya kanina pa! Nahohor- What the fudge! Shut up, Kyra!
'Akala siguro ni Bryan, siya lang ang marunong maglaro ha. Tingnan natin.' Sabi niya sa sarili ng may malokong ideyang pumasok sa isip niya.
Pinasok niya ang mga daliri niya sa bulsa ng shorts nito kung saan niya nakapa ang susi nito kanina. Kanina pa niya nahahawakan 'yon pero sinadya niyang iwasan ng daliri niya at mas pinasok pa ang kamay niya sa loob ng bulsa nito.
Narinig niya ang pagsinghap nito at hindi na naging maayos ang paghinga nito ng sinasadya niyang padaplis-daplis na hinahawakan ang ano nito. Matigas nga kanina pa pero mas lalong tumigas ngayon. Juskolerd!
"Wifey!" Asik nito sa kanya.
"Bakit ba? Hindi ko makuha eh!" Asik niya kuno dito at pinigilan talaga ang sariling ngumisi.
"Ah, ganoon, ha? Kunin mo na, kung ayaw mong mag loving-loving tayo ora mismo." Banta nito sa kanya sa tenga niya mismo gamit ang malanding boses nito.
Nagreact talaga ang katawan niya! Nainis tuloy siya at mabilis na kinuha ang susi nito at nilahad dito.
"Ayan oh!" Sabi niya sabay irap, pero tinawanan lang siya nito.
"Ikaw na magbukas, wife.. Oh." Umungol pa!
Gusto niya tuloy sabunutan ang sariling buhok o mas maganda siguro kung ang buhok nito ang sabunutan niya! Pero agad na din niyang ginawa ang gusto nito para makauwi na siya. Naasar na talaga siya dito!
Malapit na!
Malapit na siyang bibigay!
Shocks!
Paragraph comment
Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.
Also, you can always turn it off/on in Settings.
GOT IT