Download App
78.26% Daydreaming (Filipino) / Chapter 54: Chapter 54

Chapter 54: Chapter 54

"Big Bro?" Tawag ni Justin kay Bryan noong natulala siya habang nakaupo sa sofa sa loob ng dressing room nila.

Kasalukuyang nagpeperform ang ininvite nilang mga guests sa stage kaya nakapagpahinga sila ngayon. Tatlong kanta na lang ang natitirang ipeperform nila para sa mga fans at matatapos na ang pinakahuling concert tour nila.

Pagod siya pero mas pagod ang utak niya kakaisip kung kukuha na ba siya ng ticket ngayon pauwi sa Pilipinas o sa Sunday na lang. But he badly misses his wife and he can't fucking wait to see her and be with her again.

Ilang beses na siyang muntikan ng magkamali habang nagpeperform kanina. Magulo kasi ang isip niya, but luckily nakabawi naman siya.

Binigyan naman sila ng dalawang linggong pahinga ng management nila pagkauwi nila sa Pilipinas kaso mas gusto niyang dagdagan pa 'yon. And the best decision for that is to leave a day earlier than their supposed flight.

"Bry? Anong problema?" Si Nathaniel naman ang tumawag sa kanya.

"I'm thinking if I should book the first flight tomorrow." Sagot niya sa mga ito na ikinamaang ni Justin.

"Why? Big bro naman eh! Pupunta pa tayo ng national garden at Venus Fort, tapos sa Tower! Minsan lang tayo nakapunta dito eh!" Nagmamaktol na sabi ni Justin.

"Justin. He's married, bro." Sabi ni Nathaniel dito.

"Hindi ka pa pagod, 'tol? Tingin ko nga bukas ay hindi na ako makakabangon sa kama." Sabi naman ni Russel.

We are all exhausted with the concert tour, pero mas gusto talaga niyang umuwi na sa asawa niya. Seeing her in the flesh would make all of his exhaustion scram away from his system. He can't fucking wait another day to hug her, touch her, kiss her, and make love to her again. Paniguradong mawawala lahat ng pagod niya because his wife will take good care of him.

Napangisi na lang siya at umiling sa sinabi ni Russel. "I miss my wife, baby Justin." Sabi niya na ikinasimangot ni Justin. "Pasensya na. Kung kayo din magkakaroon ng asawa maiintindihan niyo rin ako."

"We understand, bud." Sabi ni Wilbert na siyang ikinatango nina Russel and Nathaniel, except for Justin na nakasimangot pa din.

He thanked them and patted Justin's shoulder pero nanatiling nakahalukipkip ito. Natawa na lang tuloy siya. Justin is like his wife, isip-bata. Napangiti tuloy siya sa naisip.

"Hmm.. Babawi na lang din ako sa next concert natin dito. Rinig ko kay Lander ay parang magkakaroon naman tayo ulit ng concert sa December. Pipilitin ko ng sumama ang asawa ko sa next concert natin para hindi na ako magmamadaling umuwi sa susunod." Sabi pa niya sa mga ito.

Nakita niya ang pagngiti ng mga kaibigan niya at ni Grace sa sinabi niya. Naramdaman din niya ang magaan na pagtapik ni Wilbert sa balikat niya kaya napabaling siya dito. Sumaludo pa ito sa kanya.

"Mas mainam ngang isama mo si Kyra sa susunod, para hindi ka na mainggit sa 'min ni baby." Sabi pa ni Wilbert sa kanya sabay yakap sa kasintahan na namumula.

"Ulol!" Anas niya sabay tawa, kasi totoo naman ang sinabi nito.

Tangina!

Minsan nga naiimagine na niya na nandito lang ang asawa niya na nag-aabang sa pagbabalik niya sa backstage pagkatapos nilang magperform ng set nila. Minsan nalulungkot na lang siya habang nakatingin sa paglalambingan nina Grace at Wilbert. Kaya nga hindi niya maiwasang i-text or tawagan ito kapag naiisip niya 'yon. Nawawala rin ang inggit niya kapag naririnig na ang boses nito, because he knows that his wife misses him as much as he misses her and that she's also waiting for him to come home.

"Okay, fine. Pasalamat ka at mahal ko si Kyra ganda, big bro." Biglang sabi pa niJustin.

Napangisi lalo siya dito. "Mas mahal ko siya, gago. And she's my wife, Justin, kaya ang sugar mommy mo na lang ang mahalin mo."

Natawa na lang ang mga kaibigan niya, lalo na ng inirapan siya ni Justin.

May 30 minutes pa silang pahinga kaya nagpaalam na muna siya sa mga ito para kausapin ang manager nila na nasa labas ng dressing room para sabihin dito ang napagpasyahan niya.

"Lander. I need to go home to my wife tomorrow. I miss her." Diretso pero pabulong na sabi niya dito.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito, pero agad ding pumayag pagkatapos siya nitong paalalahanan kung ano ang gagawin niya para makaiwas sa press. His manager doesn't need to do that, though. He's going to use Justin's cap with wig on it para hindi siya makikilala ng mga tao. Ayaw rin niyang malaman ng mga tao na uuwi siya because his plan now is to surprise his wife tomorrow.

Ang plano niya, galing sa airport ay didiretso na siya sa mansiyon nila. Wala namang sinabi ang asawa niya na may lakad ito bukas kaya paniguradong nasa bahay lang ito buong araw. Napangisi tuloy siya sa naiimagine na itsura ng asawa niya pagkakita sa kanya. Magtitili 'yon panigurado and she would run to his arms and hug him tightly.

Tangina! Bubuhatin niya ito at ipapasok agad sa kwarto nila. Then, sa Sunday ay pupunta sila sa rest house niya. They're going to stay there for two days, at ang natitira pang mga araw ng bakasyon niya ay bahala na ang misis niya kung saan nito gustong pumunta sila. They can go abroad, or just in Palawan, Boracay, or Cebu. Kahit anong gusto nito, and they're going to treat their trip as their second honeymoon.

Nanlumo pa nga siya kasi hindi pa rin buntis ang asawa niya. Maybe mali ang timing nila kaya hindi ito nabuntis. Pero sisiguraduhin niya na sa second honeymoon nila ay mabubuntis na talaga niya ito. Humanda talaga ang asawa niya sa kanya. Mararanasan na talaga nito ang pagiging the greatest showman niya sa kama. Lahat ng positions na alam niya ay gagawin nila!

Fuck! Thinking about it makes him fucking horny! Damn it! Pinakalma niya muna ang sarili. Lalo pa't hindi pa tapos ang concert nila.

Pagkabalik niya sa dressing room at pagkatapos niyang sabihin sa mga kagrupo na pumayag ang manager nila ay agad na siyang nagcheck ng available flight para sa pag-uwi niya bukas.

'I'm coming home, wife.' Nakangiting sabi niya sa isip pagkatapos niyang mai-book ang napiling flight.

Timing lang din, dahil pagkatapos na maconfirm ang flight niya ay tinawag na sila para lumabas ng dressing room. Inspired tuloy siya habang nagpeperform. He's fucking excited! Mas naging inspired din tuloy siya sa pagpeperform sa stage. And siguro'y nanotice 'yon ng crowd dahil patuloy ang mga ito sa pagchant ng pangalan niya.

He's fucking in love with his wife, and maybe that emotion is practically showing on his whole face kaya siguro mas lalong nasiyahan ang mga fans nila.

Hindi alam ni Kyra kung bakit ang aga niyang nagising ngayong Sabado. She feels very excited and agitated at the same time, at naisip na lang niya na baka dahil 'yon sa magaganap bukas.

Its just 7:30 in the morning, and usually noong nalaman niyang buntis na siya ay nagigising siya ng 10am pasado na.

Hindi pa rin siya bumabangon sa kama at patuloy na hinihimas lang ang tiyan niya. Its already part of her morning routine to sing one of her favorite songs of Bryan and the gang. Kahit boses palaka siya ay patuloy niya pa ring ginagawa 'yon para sa anak nila.

"Pagpasensyahan mo na ang boses ni mama, anak. Bukas uuwi na si dada mo and for sure mas masisiyahan ka kapag siya na ang kakanta sa 'yo. Kanta 'yon nina dada mo. Bukas malalaman na ng dada mo that you're already growing inside me. Pinaghirapan ka ng dada mo. Ginalingan pa- Ay jusko! Ano ba yang nasabi ko." Natatawang sabi niya dito habang patuloy 'yon hinihimas. "We love you, baby."

Umupo muna siya sa kama ng ilang saglit at pakiramdam niya'y parang may hinahanap siyang pagkain na gusto niya. Naku! Alam na alam na yata ng baby nila na pauwi na ang dada nito. Naghahanap na ng pagkain.

Parang gusto niya ng mango tapioca na may sili. Kaso pinagbawalan siya ng doktor niya na kumain ng maaanghang at matatamis.

"Baby, naman. Baka pagalitan tayo ni Doc niyan. Pero dahil love ka ni mama ay isesekreto na muna natin pero isang beses lang 'to, anak ha." Sabi niya sabay tayo na sa kama para maligo.

When she's finally done ay bumaba na siya para maghanap ng ingredient ng gagawin niyang dessert. Easy lang naman kasi gawin 'yon ang problema ay wala silang stocks na sago.

"Ipabili mo na lang kay Myrna, iha. Meron yata diyan sa clubhouse." Sabi ni Manang Rosa sa kanya habang iniinom niya ang gatas na tinimpla nito.

"Hindi na, Manang. Gusto ko din pong maglakad-lakad." Sabi niya dito at hindi na rin siya nito napilit na ibahin ang naging pasya niya.

Pumunta muna siya sa kwarto ng father-in-law niya para bumati ng magandang umaga at magpaalam dito at nagulat siya na makitang nandoon pala si Arthur sa loob. May seryosong pinag uusapan yata ang mga ito.

"Hi. Good morning dad, and Arthur." Magiliw na bati niya sa mga ito at agad na lumapit sa kanya si dad para yakapin siya.

"Good morning sa pinakamagandang daughter-in-law ko at sa apo ko." Magiliw naman na sabi ni dad sa kanya.

Natawa na lang siya at sinabi na dito ang gagawin niya.

"Naghahanap po talaga siya ng desserts, dad. Kaso gusto lagyan ng sili." Reklamo niya sabay himas sa tiyan.

Nakita niyang dumapo din ang tingin ni Arthur sa tiyan niya.

Natawa tuloy si dad sa sinabi niya. "Naku, iha. Si Carmelita noong pinagbubuntis si Bryan, 'yan din ang hinahanap. Ginataang bilo-bilo din 'yon na may halong cayenne pepper. Nagmana talaga ang apo ko sa dada niya."

Namangha tuloy siya sa nalaman. "Talaga, dad?"

"Yes, iha." Nangingiting sabi nito. "Magpasama ka na kay Manong Andres, iha, kung gusto mo talagang bumili. Malayo pa ang lalakarin mo papunta doon, at paano kung wala silang stocks ng sago."

Naisip niya rin 'yon kaya pumayag na din siya sa sinabi nito pero bigla na lang nag volunteer si Arthur na ito na lang ang sasama sa kanya. Nasiyahan tuloy siya. Mukhang gusto na din ni Arthur na bumalik ang pagiging friends nila dati. Pumayag na din si dad sa minungkahi nito at agad na silang tumalima ni Arthur.

They were already inside his car pero nanatiling tahimik pa din ito. She needs to say something to him.

"Thank you, Arthur, ha?"

Napabaling ito sa kanya at ngumiti kaya mas lalong gumaan ang pakiramdam niya.

"Sure, no problem." Sabi lang nito.

Bigla siyang nakaramdam ng awkwardness ng natulala ito habang nakatingin sa mga labi niya or sa leeg niya ba? Kaya napatikhim na lang siya kaya nakita niyang natauhan din ito.

"Let's go?" Tanong nito sa kanya at agad rin siyang tumango.

Kahit hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niyang pagkaawkward sa kanila ni Arthur ay pinilit niya pa ring iwaksi 'yon at pinagaan ang pakikipag-usap dito habang nasa biyahe sila. Ang tipid nitong sumagot at hindi man lang siya binabalingan but at least sumasagot ito.

Buti na nga lang at nagpasama talaga siya kay Arthur kasi wala ngang sago na available sa clubhouse kaya ang nangyari tuloy ay napunta pa sila sa tatlong grocery store bago siya nakabili ng sago. Meron naman doon ready to eat na na mango tapioca pero mas gusto niyang siya ang gumawa niyon para sa baby nila ni Bryan.

Matiwasay naman silang nakauwi ni Arthur sa mansiyon. Dumiretso agad siya sa kusina at ginawa ang dessert na gusto ng anak niya, habang si Arthur naman ay bumalik na ulit sa loob ng kwarto ni dad.

Noong natapos na siya sa paggawa ng mango tapioca ay agad na siyang sumandok ng parte niya at nilagyan 'yon ng toppings na isang tinadtad na siling labuyo. Agad siyang nakaramdam ng kaginhawaan noong naubos niya 'yon. Nasayahan yata ang anak niya sa gawa niya kaya napangiti na din siya habang hinihimas ang tiyan niya.

'Cravings satisfied ba, baby?' Sabi niya dito sa isip.

Binigyan niya na din ang mga kasambahay at si Manang Rosa, at hinatiran na din ng mango tapioca sina dad at Arthur sa kwarto.

"Magpahinga ka na muna, iha. Tatawagin ka na lang mamaya kapag magtatanghalian na." Sabi nito sa kanya at agad rin siyang pumayag sa mungkahi nito.

Malapit na siya sa pinakataas na baitang ng hagdanan ay siya ding paglabas ni Arthur sa kwarto ni Mr. Sevilla.

"Uuwi ka na?" Sabi niya dito ng nakangiti.

"Yeah. Thanks for the mango tapioca. Its delicious." Sabi nito sa kanya.

"Thank you! Ingat ka ha? Tsaka bukas Arthur, ha? I hope makakapunta ka talaga." Pagreremind niya dito.

Tumango lang ito at agad ng tumalikod sa kanya kaya dumiretso na siya sa kwarto nila ni Bryan. She went inside and was about to close the door ng biglang may tumulak niyon.

Its Arthur and he's practically glaring at her.

"A-Arthur.."

Napamaang na lang siya ng bigla siya nitong niyapos ng mahigpit at hinalikan ng mariin sa mga labi niya.

Kinakabahan na siya lalo pa noong naramdaman na niya sa likod niya ang kalambutan ng kama nila ni Bryan. She tried to wriggle her body but Arthur is holding her so tight na kinakabahan din siya para sa anak niya kung gagalaw pa siya ng malakas. Nakadagan ito sa kanya. She tried to scream but she can't do that dahil sakop na sakop ni Arthur ang mga labi niya. Napaiyak na siya habang patuloy si Arthur sa paghalik sa kanya.

'Help me. Bryan! Help!' Daing niya sa isip habang nawawalan na siya ng pag-asa na makawala kay Arthur. Mas malakas pa si Arthur kaysa kay Bryan. Mas lalo siyang kinabahan dahil nagawa din nitong itaas ang damit niya kahit nakakulong siya sa mga bisig nito.

"WHAT THE FUCK?!"


CREATORS' THOUGHTS
Aybeeming Aybeeming

Pasensiya na at medyo busy po ako ngayon. Tsaka nireready ko din ang sarili ko sa magaganap kina Bryan at Kyra HAHAHAH sabi ko nga medyo cliche 'tong story ko. Bitinin ko muna kayo. Peace guys! Thank you ulit sa inyo ♥♥♥

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C54
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login