Bigla na lang nagising si Kyra noong pakiramdam niya ay parang hindi na siya makahinga. 'Yon pala ay naiipit na siya ni Bryan sa sobrang higpit ng yakap nito sa kanya. Nakadantay pa ang isang hita nito sa buong bewang niya.
Jusko naman 'tong gwapong halimaw na 'to! Ginawa na talaga siyang human pillow.
Maingat niyang inalis ang hita nito sa katawan niya at natanggal niya nga 'yon ng hindi ito nagigising. Sobrang sarap yata ng tulog ni Bryan.
Tumingin siya sa wall clock nito at nagulat siya ng makita kung anong oras na. Its already 3:15 in the morning! Magtitwelve hours na pala 'yong tulog niya.
Tumingin na ulit siya sa katabi niyang naghihilik at pinatakan ito ng isang mabilis na halik para hindi ito magising. Siya lang din kinilig sa ginawa niya.
'Feel na feel ang pagiging misis ni Bryan ah! Chosera ka!'
Napaismid tuloy siya. Ba't kaya ganoon ang isip niya parati na lang siyang kinokontra! Tss!
Biglang tumunog ang tiyan niya. Nagugutom na pala ang mga alaga niya. Naalala niyang 3pm pa pala ang last niyang kain at sa resort pa 'yon. Naku! Nagwewelga na yata sila kaya nagising din siguro siya.
Maingat siyang bumangon sa kama at napagpasyahang maligo muna bago bumaba sa kusina. Plano niyang magluto na rin ng agahan para sa kanilang dalawa ni Bryan. Babalik na yata ito sa trabaho mamaya. Nalungkot tuloy siya sa naisip. Last day na ng bakasyon ni Bryan kasi. Kaya dapat ngang maipagluto niya ito ng breakfast.
Para ulirang asawa. Pak ganern!
Matiwasay siyang nakapasok ng CR ni Bryan at nangingiti siya sa sarili kasi first time niyang makapasok doon. Pinagala niya talaga ang mga mata niya sa buong CR ni Bryan. May nakita siyang isa pang pinto sa loob at pagbukas niya ay tumambad sa kanya ang magarbong walk-in closet ni Bryan. Puno 'yon ng mga sapatos, mga damit at accessories. Pero mukhang hindi pa nagagamit 'yong iba doon. May tag pa kasi.
Akala niya noon 'yong cabinet nito sa kwarto lang ang lagayan ng damit nito. Mukhang mga lumang damit lang pala nito ang mga 'yon. Patuloy pa rin siyang umiikot doon at napamaang siya ng mapansin ang pamilyar na mga damit na nakahanger at nakatupi sa kabilang bahagi ng walk-in closet nito. Nilapitan niya 'yon at napangiti ng makitang mga damit niya pala 'yon. Pagbukas niya ng drawer ay mas lalo siyang napangiti, nandoon na rin ang mga undies niya.
Grabe! Parang totoong mag-asawa na talaga sila. Nangingiti siyang lumabas doon at naligo na. Baka mamaya magising pa si Bryan eh. Mapurnada pa ang plano niyang gawin.
Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay maingat rin siyang lumabas ng kwarto nila. Its almost 4am na. Panaka-naka siyang tumitingin sa gawi ni Bryan habang humahakbang. Hirap na baka magising ito at hindi na magiging surprise ang breakfast nito na may sangkap ng pagmamahal.
Chos!
'Lawayan ko kaya ang pagkain niya? Baka ma in love na talaga si Bryan sa 'kin ng tuluyan. Haha! Mga tatlong kutsara ng laway. Epektib daw na gayuma 'yon eh.'
Nangingiti niyang sabi sa isip habang mabagal na tinatahak ang pasilyo papunta sa hagdanan. Madilim pa talaga. Isang lampshade lang talaga sa gitnaang bahagi ng pasilyo ang nagbibigay ng liwanag sa dinadaanan niya. At paniguradong tulog pa din ang mga kasambahay kasi usually 5am na sila nagsisimula sa paglilinis. Plano niyang ipagluto na rin si Mr. Sevilla at sabay na silang tatlong kakain.
Noong nasa taas na siya ng hagdanan ay medyo nakaramdam siya ng takot. Medyo madilim din kasi sa baba at nagbibigay lang din ng ilaw doon ay ang tatlong lampshade na medyo dim rin ang ilaw.
'Kaso paano ang plano niya? Wala naman sigurong mumu dito ay! Matapang ka Kyra, matapang ka! Matapang ka, Kyra, matapang ka.'
Paulit-ulit niyang sinasabi sa isip niya habang hinahakbang na ang mga paa pababa ng hagdanan. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdanan ng makaramdam siya ng lamig. Kaso nakabukas naman kasi 'yong malaking bintanan doon kaya siguro lumamig ang paligid niya. Kaya tinuloy na niya ang pagbaba sa hagdanan.
Noong nakarating na siya sa pinakababa ng hagdanan ay napabuga siya ng hangin at natawa na lang sa ginawang pananakot sa sarili.
'Ano ba, Kyra! Hindi totoong may multo, nu!' Saway niya sa sarili.
Nagsimula na sana siyang humakbang papunta sa kusina ng makarinig siya ng isang malambing na boses at tinatawag siya.
"Kyra.. Kyra.. Kyra.."
Napatigil tuloy siya at luminga sa paligid niya.
Baka kasi isa sa mga kasambahay 'yon at nagising at nakita siya. Pero wala talagang tao at hindi naman naulit ang pagtawag sa kanya. Siguro'y nagkamali lang siya at guni-guni niya lang 'yon lalo pa't kanina pa niya tinatakot ang sarili. Nagsimula na ulit siyang lumakad pero bigla na namang lumamig sa paligid niya.
"Kyra.. Kyra.. Kyra.."
Pakiramdam niya'y parang namutla siya. Parang galing kasi 'yong boses sa taas. Kinakabahan na talaga siya pero ginawa niya pa ring lumingon doon noong tinawag siya ulit ng boses na 'yon. Pag-angat niya ng tingin sa taas na bahagi ng fireplace ay nakakita na siya ng laylayan ng puting damit na nakalutang lang.
Imbes na tumakbo ay umangat pa lalo ang tingin niya hanggang sa nakatingin na siya sa isang magandang babaeng nakangiti sa kanya.
Pe-Pero.. N-Nakalutang! N-Nakalutang siya! Nakalutang siya sa hangin!!
Ramdam niya ang panlalamig ng katawan niya habang nagkatitigan silang dalawa. Na para bang ang espirito niya ay gusto na ring lumutang kasama nito. Mas lalong lumawak ang ngiti ng babae habang magkahinang ang mga mata nila.
"Hi, iha.." Bati nito sa kanya sa sobrang lambing na boses.
"AHHHH!" Malakas na tili niya hanggang sa nagdilim na ang paligid niya.
"Nasaan na 'yong white flower!" Dinig niyang pasigaw na boses ng taong nagbubuhat sa kanya. Tunog iritable 'yon na parang nagpapanic na.
"Eto na po, Senyorito!" Dinig niya ring sagot ng isang boses na humahangos.
Naramdaman niya ang paglapat ng likod niya sa isang malambot na bagay.
"Kyra, iha.." Dinig niyang isa pang boses.
Pero parang ayaw niya pang imulat ang mga mata niya. Ang sakit ng ulo niya at kahit 'yong ibang parte ng katawan niya.
Minulat niya ang mga mata niya ng mabagal ng maamoy ang white flower na nilapit sa ilong niya.
"W-Wifey.."
Blurry pa ang paningin niya pero kitang-kita niya ang pag-aalala sa buong mukha ni Bryan na nakatunghay sa kanya.
"A-Anong nangyari?" Sabi niya sabay sapo sa ulo niya at akmang babangon sana pero agad siyang pinigilan ni Bryan.
"Humiga ka muna." Matigas na sabi nito.
Tumango lang siya ng mahina at pinikit ulit ang mga mata. "Ang sakit ng ulo ko at 'yong balakang ko.." Reklamo niya.
Naramdaman na lang niya ang magaan na paghaplos sa buhok niya na nagpapawi ng kunti sa sakit.
"Does it still hurt?" Nag-aalalang tanong ni Bryan sa kanya.
Tumango lang siya ng mahina. "Ano bang nangyari, hubby?" Tanong niya habang nakapikit.
"We don't know. Ginising ako ni Manang Rosa and told me you fainted. They said they've heard you screamed and found you lying on the floor.."
"Huh?" Tanong niya na nagpamulat sa kanya.
Halos lahat pala ng kasambahay na nakabihis pa ng pangtulog, at si Mr. Sevilla ay nasa likod ni Bryan at puno rin ng pag-alala ang mga mukha ng mga ito.
Wala siyang maalala. My gosh!
Nakita niyang tumango si Bryan at napabuga ng hangin. "Ano ba kasing ginagawa mo dito? Its only quarter 4:30am, wifey.. Nagutom ka ba?"
'Nagutom ako?'
Shit!
Napamaang siya ng maalala na ang lahat! She's supposed to cook breakfast for them! Tapos.. Tapos!
Oh my, ghad!
"Y-You remembered something? Anong nangyari kanina? Wifey? May pumasok bang masamang tao dito? Tell me! Ano nangyari?!" Sunod-sunod na sabi ni Bryan habang nakatingin sa kanya.
"H-Hindi... May.. May nakitang akong multo!!"
"What?"
"Multo!! Multo nga, hubby!!" Nahihysterical na sabi niya sabay hagulgol. "Natakot ako! Tinatawag niya kasi ako! T-Tapos lumamig ang buong paligid! Nakita ko siyang nakalutang! P-Pero ang lambing ng boses niya. Tapos nag-Hi siya. Kaso.. Kaso natakot ako!"
"Huh?"
Alam niyang hindi talaga naniniwala si Bryan at ang lahat ng mga taong nandoon. Sino ba naman kasi ang maniniwala sa multo? Pero siya naniniwala na lalo pa't naexperience niya talaga.
Jusko!
Napamulat na lang siya ng mga mata at tinaas ang kanang kamay niya. "Promise, hubby! Promise nakakita ako! P-Pero ang ganda niya! Tapos she's wearing this white dress na may ruffles sa sleeves at sa skirt, tapos may necklace siyang suot na heart 'yong pendant na color green yata 'yong kulay ng pendant. Tapos... Natakot na talaga ako noong nag-Hi siya. Kaya nahimatay ako! I was planning to cook you breakfast! And then-"
"W-Wait, iha.." Si Mr. Sevilla na pinutol ang pagsasalita niya. "May ruffles ang damit niya? And she's wearing a green pendant necklace?"
"Oo, dad! Promise! Maniwala kayo! A-And her hair was made into a bun yata.. p-pero may tira pong buhok sa isang side. I forgot which side.. L-Left po yata! T-Tapos may anklet din po yata siya... Kaso hindi ko masiyadong makita kasi ang haba po ng d-damit niya kahit naka-"
"It's Carmelita!"
"P-Po?!" Napabaling ang tingin niya kay Bryan at kahit ito ay nagulat habang nakatingin sa kanya.
"Yes, iha! Its your mother-in-law!" Sabi ni Uncle sabay tingin sa family portrait nila.
Napabaling rin tuloy ang tingin niya doon at napanganga.
"S-Siya nga!!"
Shet!
Ang tanga niya! Paanong nakalimutan niya ang mother-in-law niya! Inunahan kasi siya ng takot! Grabe naman kasi! Wala man lang pasabi si mom na magpaparamdam pala! Sana'y nag text muna ito, at least prepared siya! Huhu! Nagiguilty tuloy siya at hindi man lang niya ibinalik ang pagbati dito. Tumili pa siya ng malakas at nahimatay!
My gosh!
Kaso grabe naman kasi! Sana magpakita na lang ito kung kailan may kasama siya at hindi naman madaling-araw!
'Hi, mom! Sorry natakot ako! Sorry po!' Usal niya sa sarili habang nakatingin sa mukha nito sa portrait.
"Its really her, iha! 'Yong dinescribe mong damit, 'yon ang suot niya noong l-libing niya.. And her hair is the same, as well. And her jewelry too.. Its her favorites that's why isinama ko.." Sabi ni Mr. Sevilla at nakita niyang parang kumislap ang mga mata nito. "Winelcome ka niya sa family, iha."
Naiyak tuloy siya sa sinabi nito. "Hindi man lang ako nag-Hi back sa kanya..."
Narinig niyang tumawa si Mr. Sevilla. "Its okay, iha. She will understand. Sa sobrang tagal na ng pagkawala niya ay hindi man lang siya nagpakita o nagparamdam sa amin.. Maybe she really wants to meet you and to personally welcome you.." Ngumiti si Mr. Sevilla sa kanya kaya napangiti rin siya dito.
Kahit ang mga kasambahay ay nakangiti din sa kanya, lalo na si Manang Rosa na nalaman niyang matalik na kaibigan pala ni mom Carmelita simula noong naninilbihan ito sa pamilya Sevilla.
Napatingin siya kay Bryan at ito lamang ang tahimik at nakatulala. Noong napansin yata nito na nakatingin siya dito ay ngumiti ito sa kanya ng tipid.
"K-Kumain na tayo.." Yaya nito sa kanya at maingat siyang itinayo sa sofa.
"Okay! Ako na magluluto! Dad, sabay tayo magbreakfast ah!" Maligaya niyang sabi sa mga ito.
"Of course, iha!" Magiliw naman na sabi ni Mr. Sevilla at nagpaalam munang babalik sa kwarto nito habang sila naman ni Bryan na tahimik ulit ay nagsimula ng maglakad papunta sa kusina.
Nawala na din ang sakit ng ulo niya pero masakit pa rin ng kunti ang balakang niya. Siguro'y epekto noong nahimatay siya. Ampf!
"Akyat ka na muna, hubby.. I'll call you later when everything is cooked." Pamimilit niya dito sabay tulak pa sa dibdib nito.
Nakayakap kasi ito sa kanya paharap kaya paano siya makakaluto? Hindi pa rin ito umiimik pagdating nila sa kusina basta lang siya nitong niyakap.
"All right.. Basta.. mag-ingat ka. Do you hear me?" Malambing na sabi nito sabay halik sa sentido niya.
"Opo." Nangingiting sabi niya at akmang tatalikod na sana dito pero hinawakan nito ang likod ng batok niya sabay lamukos ng halik sa mga labi niya. Napatugon din tuloy siya dito.
"Apppetizer done.." Sabi nito pagkatapos siya nitong pakawalan. "I'll wait for my main course." Sabi nito at agad ng tumalikod sa kanya.
Namumula tuloy siya habang tinitingnan ang likod nito. She felt all giddy with the kiss that they've just shared. Nangiti na lang siya ng maalala ang nangyari kanina. Kahit natakot siya ng mother-in-law niya ay masaya pa din siya. Mukhang tama nga kasi si Mr. Sevilla. Winelcome talaga siya nito, nakangiti naman kasi ito noong nagkatinginan sila.. at nakalutang ito. Matakutin lang talaga siya. Sayang! Pero at least na meet niya ito, and it just proves that she is still watching over her family kahit wala na ito.
Napahinga na lang siya ng malalim at agad ng kinuha ang mga ingredients na kakailanganin niya para sa pagluto ng breakfast nila. She's going to make some pancakes, poached eggs, bacon, toasted bread, mixed fruits, and coffee. Typical breakfast lang pero sabi nga niya these foods are going to be prepared and cooked with love!
Cheka!
Natapos na rin siya sa pagluto at inuna muna niyang puntahan si Bryan bago si Mr. Sevilla para makasabay nilang bumaba ang huli mamaya. Pagkapasok niya ay agad niyang narinig ang pagkanta ni Bryan sa loob ng CR. He's singing one of their greatest hits na paborito rin niya. Napangiti tuloy siya habang sinasarado ang pintuan.
Grabe! Ganda talaga ng boses ng mister niya!
Nangingiti siyang inayos ang kama nila habang sinasabayan din ang pagkanta nito.
Who would've thought, 'di ba? Idol niya ng ilang taon ang lalaki tapos asawa na niya ngayon!
Paikot-ikot pa siya habang kumakanta. Kabisado niya kasi ang sayaw ng mga ito sa kantang 'yon, ganoon siya kaadik dito.
When she twirled around for the last time ay muntik na siyang mabuwal ng makita itong nakatayo na sa nakabukas na pintuan ng CR. Nakatapis lang ito ng maliit na tuwalya below his waist!
Jusko!
Hindi niya napansin na hindi na pala ito kumakanta. Sobrang na engrossed yata siya at feel na feel ang boses niyang tunog palaka naman at ang pagsasayaw niyang ewan kung maganda bang tingnan!
Nahihiya tuloy siyang napakagat labi. Hindi niya rin napigilan ang sariling mga mata na bumaba 'yon sa katawan nito at dumapo sa pandesal at sa gitna nitong parang nakatayo.
Jeskelerd!
Nataranta siya ng bigla itong lumakad palapit sa kanya. Pero hindi pa rin niya inaalis ang mga mata niya sa ano nito na parang lalabas na sa gitna ng pinagtagpong tuwalya.
Naka standing ovation si manoy!
Napatikhim muna siya bago niya tiningnan ito sa mga mata. "Uhm.. M-Magbihis ka na, hubby.. Luto na ang agahan. Hehe." Sabi niya at akmang hahakbang na sana papunta sa pintuan pero naabutan agad siya nito.
Napatili na siya ng itinapon siya nito sa kama at agad na dinaganan. Tumutulo pa ang tubig galing sa buhok nito papunta sa mukha niya.
"H-Hubby!"
"Hmm?" Sagot naman nito sabay halik sa leeg niya.
"A-Amoy ulam ako..." Sabay pigil dito sa dibdib nito pero hindi naman niya ito tinulak.
Ramdam niya ang pagngisi nito. "Kaya nga mas lalo kang sumarap, wife.. I'm ready for my main course.." Nakakalokong sabi nito at agad na hinubaran siya.
Hindi na siya nagprotesta kasi gusto naman niya. Okay? Honest siya, nu! Gustong-gusto niya.
Mabilis itong tumayo ng tuwid bago tiningnan ang kabuuan niya. Hindi na rin siya nakaramdam ng hiya dito. Total ilang beses na rin naman nito nakita ang katawan niya.
"So delectable.." Anas nito bago nito inangat ang mga hita niya at ipinatong sa mga balikat nito. Lumuhod ito sa paanan ng kama at yumuko sa gitna niya para paligayahin siya gamit ang mga labi at dila nito.
Wala na! Kahit 'yong mga alaga niyang kanina pa nagwewelga ay tumahimik na rin. Gustong-gusto din yata ng mga alaga niya sa tiyan. Aysus! Naging manyak na din sila!
"Isa pa, wife?" Malambing na tanong nito sa kanya pagkatapos nitong labasan sa loob niya.
Loko siya! Hinihingal pa nga eh!
"Tama na, hubby! Baka lumamig na ang niluto ko.. Tsaka gutom na talaga ako.." Sabi niya dito sabay himas sa tiyan.
'Pero busog na 'yong ano ko..' Dagdag pa niya sa isip.
Yikes!
Gusto niya tuloy kutusan ang sarili sa pagiging berde na nito, tapos kinokontra naman siya minsan ng isip niya. Tss.
"All right. Gutom na nga talaga ang misis ko." Sabi nito sabay halik sa mga labi niya bago nito tinanggal ang alaga nitong nakatayo pa din sa loob niya at bumangon sa kama. "Bihis lang ako, wife."
Naghuhumindig pa talaga 'yon kaya napaiwas na lang siya ng tingin. Inabot nito sa kanya ang tissue bago ito pumasok sa CR. Ni hindi man lang nito sinuot ang tuwalya.
Jusko.
Mabilis rin niyang inayos ang sarili. Pagkatapos nilang kumain mamaya ay maliligo na lang siya ulit. Ramdam na ramdam niya pa rin ang nilabas ni Bryan sa ano niya. Kaso baka matagalan pa kasi siya at lumamig na talaga ang pagkain nila kaya mamaya na lang talaga.
Pagkalabas ng CR ni Bryan ay nakabihis na ito at agad na silang tumalima para tawagin si Mr. Sevilla. Masaya siya kasi kahit paano ay maayos na ang pakikitungo ni Bryan sa ama nito, lalo na noong kumakain na sila sa mesa. Kusa nitong inaabutan ng mga pagkain ang ama nito nang hindi nakatingin sa huli. Pero kitang-kita niya kung gaano pa rin kasaya si Mr. Sevilla, lalo na nang tumingin ito sa kanya. Her father-in-law silently mouthed thank you to her and that made her so happy with her decisions.
"Pupunta ako sa sementeryo, mga anak. Bibisitahin ko si Carmelita." Maligayang sabi ni Mr. Sevilla sa kanila noong patapos na sila sa pagkain.
"Sama kami, dad!" Bigla niyang sabi at agad napabaling kay Bryan sa tabi niya. "Hubby.. Sama tayo.."
"No." Matigas na sabi nito.
"H-Huh? Sama na lang ako kay dad, kung ayaw mo.."
"I said no." Sabi lang nito at tumayo na sa inuupuan.
Agad na rin itong umalis sa dining nang hindi man lang nagpapaalam sa kanila.
Napamaang tuloy siya sa pagtanggi nito. Kahit si Mr. Sevilla ay nagulat sa pag-iba ng mood ni Bryan. Ngumiti na lang siya ng tipid dito.
"N-Next time na lang ako sasama, dad." Sabi niya na tinanguan naman ni Mr. Sevilla na parang nalungkot na din.
Pagkaalis ni Bryan sa dining area nila ay pumunta siya sa gazebo. He badly needs some fresh air to think.
Sa totoo lang hindi siya naniniwalang nakita ng asawa niya ang ina niya noong una. Baka lang natakot lang ito sa dilim o baka guni-guni lang nito ang lahat. Hindi rin siya naniniwala sa multo. Pero lahat talaga ng sinabi nitong description ay tama.
Sila lang ng ama niya ang nakakaalam na pinasuot nito sa yumao niyang ina ang paborito nitong necklace at anklet. Hindi naman kita sa salamin ng kabaong nito ang necklace kasi itinago 'yon sa loob ng burial dress nito kaya nagulat talaga siya sa sinabi ng asawa niya.
Kahit 'yong ama niya ay nagulat din kaya paniguradong hindi rin nito nakwento 'yon doon. Nakaramdam siya ng tampo sa totoo lang kasi paanong nagpakita ang ina niya sa asawa niya at sa kanya ay hindi. Inaamin niya kahit nakakahiya, mama's boy kasi talaga siya. Siguro'y tama nga ang ama niya gusto nga talagang makita at mabati ng ina niya ang asawa niya.
Pero kahit nakaramdam siya ng tampo sa yumaong ina ay natuwa pa din siya kasi ibig lang sabihin niyon ay nakabantay pa din ito sa kanila kahit na nasa kabilang buhay na ito.
Pero nagulo rin ng kunti ang isip niya. Kaya nga wala siyang masabi kanina pero hindi naman niya maiwasang halikan at maglambing sa asawa niya. Lalo na noong nagboluntaryo itong magluto ng agahan nila at noong kinakanta at sinasayaw nito ang isa sa pinakakilalang kanta nila ng grupo niya.
Kahit hindi maganda ang boses nito at hindi ito magaling sumayaw ay nasayahan pa din siya at nalibogan na naman lalo na noong tinitingnan niya ang pwet nito habang gumigiling.
Damn!
Kaso..
Mas gumulo ang isip niya kanina lalo na noong sinabi ng ama niya na pupunta ito sa sementeryo at gusto din ng asawa niya na sumama sila. Wala pa siyang pinapakilala sa ina niya na babae. Kahit si Georgina ay hindi pa niya nadadala sa sementeryo kung saan nakahimlay ang ina niya. Plano niyang gawin 'yon kung magpapakasal na sila ni Georgina, kaso eto nga ang nangyari at ibang babae ang pinakasalan niya.
Then, his mother made this spooky appearance on his wife. Kaso hindi pa kasi siya sigurado sa nararamdaman niya dito. Oo, gusto niya si Kyra, at oo, asawa niya ito. Pero hindi naman kasi nakaplano ang kasal nila, at napilitan lang siyang magpakasal dito, 'di ba? Kaya tumanggi siyang sumama si Kyra sa ama niya, kasi ang gusto niya ay ang babaeng ipapakilala lang niya sa ina niya ay ang babaeng mahal niya talaga.
And that should be Georgina..
But his wife is still Kyra at nagpakita na nga ang ina niya dito. 'Di ba mas dapat lang na si Kyra ang isama niya doon sa sementeryo at pormal na ipakilala sa yumao niyang ina?
Shit!
Naguguluhan na talaga siya. Parang ayaw niya rin namang tawagan si Georgina but he needs to divert his attention to something else. 'Yong mga kagrupo na lang niya siguro ang tatawagan niya. Kaso kailangan niya pang kunin ang phone niya sa kwarto niya at mawawala na naman siya sa sarili kapag makita na niya ang misis niya.
Fuck! Thinking about the way they made love..
What did I just say? Made love?
Have sex pala! Tangina!
Pero bigla niyang naramdaman ang lakas ng pagkabog ng dibdib niya kanina noong naisip 'yon.
'Nahuhulog na ba ako sa asawa ko?'
Bigla niyang sinapok ang sariling ulo sa naisip. Gusto niyang murahin ang isip niya para ayusin nito ang pagfunction nito. Parang tinatama kasi ng isip niya ang gustong palabasin ng mga kaibigan niya na mababaw lang ang nararamdaman niya kay Georgina.
Kung tama nga ang mga ito, ang ibig sabihin niyon ay hindi siya marunong magmahal? At mali siya noong sinabi niyang mahal niya si Georgina?
Tangina!
Gusto niya ulit sapukin ang sariling ulo kaso nakarinig siya ng tunog ng cellphone na papalapit sa pwesto niya. Pag-angat niya ng ulo ay nakita niya ang mala-anghel na itsura ng misis niya. Pero naasar pa kasi siya sa sarili kaya mabilis siyang umiwas ng tingin dito.
"U-Uhm.. May tumatawag sa 'yo, hubby." Sabi nito at nilahad ang phone niya sa kanya.
Padarag na inabot niya 'yon sa kamay nito at hindi man lang tumingin at nagpasalamat dito. Pagtingin niya sa screen ng cellphone niya ay nakita niyang si Georgina pala 'yong tumatawag. "Babe" ang pangalan nito sa contacts niya.
Mabagal niyang inangat ang tingin niya sa asawa niya pero tumalikod na ito sa kanya.
Fuck!
Hindi niya tuloy alam kung sasagutin niya ba ang tawag o hahabulin ang asawa niya.
Pero..
Pero naguguluhan kasi siya ngayon. Kinasusuklaman niya rin ang sarili niya at baka dito pa niya maibaling ang galit niya. Napabuga muna siya ng hangin bago niya sinagot ang tawag ni Georgina.
"Hey, honey!" Masiglang bati ni Georgina sa kanya. "You're at the gazebo, right now?"
"H-Hey, babe.. Ah. Yeah. How'd you know?"
"Well.. Your wife was the one who answered my second call!" Tapos humagikhik ito sa kabilang linya.
Shit! Nataranta tuloy siya na parang gusto na niyang ibaba ang tawag at puntahan si Kyra sa loob.
"And I reminded her about your divorce. I just wanna check if you did told her about it, and she said yes. So, that means we don't have any problems anymore, honey! She seems nice pala, 'coz I asked her kasi to bring you your phone and she did naman. We can hire her as the private nurse or yaya of our children in the future, what do you think?" Sabi nito sabay tawa.
Natataranta na talaga siya at gusto na lang niyang biglang patayin ang tawag pero shit! Hindi pa kasi siya sigurado!
Make up your mind, Edward Bryan! Asshole!
"Honey?" Tawag nito sa kanya.
"Ah. I'm sorry, babe. I-I have something to do. I'll call you later." Sabi niya habang lumalakad na.
"Oh, okay. I love-" Sabi pa nito pero binaba na niya ang tawag.
Nagmamadali siyang umakyat sa kwarto niya. Gusto niyang makausap ang asawa niya! Shit! Pero nakaramdam siya ng kaba ng hindi niya makita ang asawa niya sa loob kahit sa CR. Mabilis rin siyang umakyat sa taas sa dating kwarto nito. Baka kasi pumunta ito doon pero wala pa rin ito. Mas lalo siyang nataranta at kinabahan kaya tinakbo niya ang pababa galing third floor papunta sa dining area at hinihingal na siya noong nakarating na siya sa kusina at wala pa rin ito doon.
"Senyorito?" Tawag sa kanya ni Manang Rosa na kakapasok lang sa kusina at nagulat na makita siyang sobrang hinihingal. "Nag-eexercise po kayo? Inom po muna kayo ng tubig." Sabi nito at agad nagsalin ng tubig sa isang baso.
Hinahabol pa niya ang hininga niya habang binend niya ang likod niya at nakahawak ang dalawang kamay niya sa tuhod niya. "N-Nakita niyo po ang asawa ko, Manang?"
"Si Kyra? Nasa kwarto ng ama mo, bakit?"
Fuck! Ba't hindi man lang niya naisip 'yon? Naramdaman na niya ang sobrang pagod niya, lalo na ng mga paa niya. Kalahati kasi ng mansiyon nila ang inikot niya. Tangina! Pero nakahinga na rin siya ng maluwag ng malamang hindi ito umalis.
Hindi siya nito iniwan.
Noong umayos na ang paghinga niya ay ininum na niya ang basong binigay ni Manang Rosa sa kanya. Nagpasalamat na siya dito at iniwan itong naguguluhan sa inakto niya. Mabagal na siyang naglakad papunta sa kwarto ng ama niya.
Gusto lang niya makita ang asawa niya para mas lalong mapanatag ang puso niya. Kumatok muna siya ng dalawang beses bago pumasok at nakahinga na talaga siya ng maluwag ng makitang tumatawa ito sa pinapanood ng mga ito sa TV ng ama niya. Nakaupo ang mga ito sa sofa.
"Oh, anak." Tawag sa kanya ng ama niya. "Puno ka yata ng pawis?" Dagdag ng ama niya ng napuna nito ang noo at leeg niya at T-shirt niyang basa.
"Y-Yeah. Nag-exercise lang ako." Sabi niya dito at agad na inilipat ang tingin niya sa asawa niyang ngumiti ng tipid at agad na iniwas ang tingin sa kanya.
Hindi niya naiwasang kabahan sa pag-iwas nito. Lumapit siya dito at umupo sa tabi nito.
"M-Magpunas ka muna ng pawis." Sabi nito sabay layo sa kanya.
Hinawakan niya ang braso nito para hilahin at agad na niyakap ito patalikod.
"K-Kuha muna ako ng towel at pamalit mo, basa ka ng pawis, Bryan." Sabi nito at agad na tinanggal ang kamay niyang nakayakap dito. "Labas muna ako, dad." Pagpapaalam nito.
She didn't call me hubby..
Agad rin siyang sumunod dito palabas ng kwarto ng ama niya. Agad itong pumasok sa CR para kumuha ng face towel at binigay sa kanya na hindi nakatingin sa mga mata niya.
"B-Balik na ako ulit sa kabila.." Pagpaalam nito pero mabilis niya itong hinila palapit sa kanya at niyakap ito ng mahigpit.
"I'm sorry, wife.." Sabi niya dito sabay pinatakan ito ng isang halik sa mga labi nito.
"H-Huh? Sorry saan?" Nangingiting sabi nito na halatang pilit naman. "B-Balik na ako. Tsaka wala 'yon. Alam ko kung saan ako lulugar.." Sabi nito at agad na tinanggal ang kamay niya na nakayap dito.
Mabilis din itong lumabas ng kwarto nila at hindi na niya ito napigilan.
Paragraph comment
Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.
Also, you can always turn it off/on in Settings.
GOT IT