Download App
50.72% Daydreaming (Filipino) / Chapter 35: Chapter 35

Chapter 35: Chapter 35

Ang reception ng kasal nila ay hineld lang din sa function hall ng mismong resort na 'yon. It can hold up to a hundred guests which is only right for them kasi hindi naman sila aabot sa ganoong bilang. Nakabukas ang pintuan niyon pagkadating nila kaya napamangha talaga siya sa nakikita niyang designs sa loob na halatang pinaghirapan at pinagplanuhan talaga nina Cindy.

The said function hall was designed simple yet very elegant. Minix nina Cindy ang color white at powder blue sa mga decors. May malaking karatula pa na nakalagay ang pangalan nila ni Bryan na nilagay sa gitnang bahagi ng stage.

BRYAN and KYRA

Napangiti na lang siya habang tinitingnan 'yon. May puso-puso pa na design.

Doon rin daw sila sa stage mamaya uupo ni Bryan pagstart ng program sabi ni Cindy. Buong akala nga niya noong una ay plain white lang talaga katulad ng pinili ni Bryan, but this definitely looks way better.

Ang galing talaga ni Cindy.

Pinauna munang pumasok ang mga bisita nila sa loob bago sila. Nanatiling nakahawak ito sa kamay niya ng mahigpit. Pinipisil-pisil rin 'yon ni Bryan. Napabaling siya dito at nakangiti pala ito ng malawak sa kanya.

"Bryan! Papasok na kayo in 5, 4, 3, 2, 1." Pag-instruct sa kanila ni Cindy.

Gustong-gusto kasi nitong perpekto talaga ang video ng kasal nila.

Pagkapasok nila sa loob ay agad silang binati at pinalakpakan ng mga bisita nila.

"Congratulations Mr. and Mrs. Sevilla!"

Kumakaway at nagpapasalamat sila sa mga ito habang naglalakad silang dalawa, hanggang sa nakarating na sila sa stage. Inalalayan talaga siya nito ng mabuti. Ito pa ang naghawak ng train ng gown niya para hindi siya mahirapan sa pag-upo.

Hindi niya tuloy maiwasan ang sarili na kiligin sa ginagawa at pinapakita nito sa kanya. Sobrang saya ng puso niya.

Sana.. sana magtuloy-tuloy na.

Nagsimula na rin ang program ng wedding reception nila. Nagbigay ng mga message nila ang mga parents nila sa kanila. Naiiyak pa nga siya lalo na noong 'di maiwasan ng daddy niya ang pagtulo ng mga luha nito. Pagkatapos magbigay ng speech ng parents nila ay sinimulan na rin nila ang pagkain. May hinire ding singer na nag-eentertain sa kanila habang kumakain sila. May mga waiter rin na nag-aassist. She found out that most of the people who were hired for their wedding were paid triple para hindi lang ang mga ito magkalat tungkol sa kasal nila.

Bryan became so attentive on her. Chinicheck nito ang pagkain niya. Kahit ang pagsubo niya ay parang binibilang nito, naconscious tuloy siya. Noong nakita nitong naubos na niya ang fish fillet na may garlic sauce sa pinggan niya ay akmang ibibigay na nito sa kanya ang parte nito.

"Huwag na Bryan. Paano ka?" Pagpigil niya dito.

"No, I'm okay. Sige na." Pamimilit nito sa kanya.

"S-Sige.."

"Do you want more broccoli?" Tanong nito habang nililipat ang fish fillet nito sa pinggan niya.

"H-Huwag na! Okay na yan sa 'kin. You should eat too!" Sabi naman niya dito.

"You sure?" Tanong nito sabay tingin sa kanya sa mata.

Nahihiya lang siyang tumango dito.

"All right. Just tell me if you want more, okay? Papadagdag tayo." Sabi naman nito.

"S-Sige. Kain ka na din." Sabi niya at agad na binaba ang paningin niya sa pinggan niya.

"Hmm.. Ikaw sana gusto kong kainin." Pabulong na sabi nito.

"H-Huh?" Napamaang tuloy siya sabay baling ulit dito.

Dinig niya 'yon. My gosh! Napalunok tuloy siya.

Humalakhak lang ito.

"Nothing." Pero may malokong ngiti na nakapaskil sa mga labi nito.

Shocks, Bryan! Enebe!

"May we request the groom, Justin, Russel, Wilbert, and Nathaniel to perform for us?"

Napatili tuloy siya sa narinig. Napatingin rin si Bryan sa kanya na parang namamangha sa pagkaka fan girl niya.

Shocks! This will be her first time to watch them perform live! Siyempre magiging excited talaga siya!

"Fan girl." Tukso nito sa kanya sabay iling ng paulit-ulit.

"Pretty please! First time ko 'to na makakapanood sa inyo live." Pagmamakaawa niya.

"Really?"

Tumango siya ng paulit-ulit at tumingin dito na ginaya na naman ang mga mata ni Puss in Boots sa shrek.

Napahalakhak ito. "Oo na." Sabi nito ng nakangiti at tumayo.

Pero bago ito humakbang paalis sa tabi niya ay tumingkayad muna ito at pinatakan muna siya ng mabilis na halik sa labi.

Nagugulat talaga siya sa mga pinapakita ni Bryan. Sobrang nagagalak talaga ang puso niya. Napahawak siya sa dibdib niya at sobrang lakas talaga ng tibok ng puso niya na parang lalabas na sa rib cage niya.

My ghad!

Nasa baba na ang mga ito ng stage at nag-usap-usap pa kung anong kanta ang ipeperform ng mga ito. Noong nakapagdesisyon na ay sinabi nila 'yon sa emcee at agad na pumwesto na ang mga ito. Binigyan ang mga ito ng tig-iisang mikropono. Bago nagsimula ang instrumental ay tumingin muna si Bryan sa kanya at kinindatan siya.

Ramdam niya ang pagpula ng mga pisngi niya at agad ring pumalakpak ng nagsimula na ang mga itong sumayaw at kumanta. Napapatili talaga siya sa mga ito pero mas tinutok lang niya ang mga mata kay Bryan.

Kay Bryan na pinaka idol niya sa lahat.

Kay Bryan na crush niya.

Ang lalaking naging laman ng panaginip niya.

Ang lalaking nagturo sa kanyang magmahal.

Ang lalaking nagpapatibok sa puso niya.

Ang lalaking nananakit sa kanya pero patuloy niya pa ring minamahal ng buong-buo.

Ang lalaking nagpalasap sa kanya ng langit-

Hala! Ano ba yan?! Naging mahalay ang pag-iisip niya bigla!

Jusko! Sana walang may nakabasa ng iniisip niya kasi sobra talagang nakakahiya!

'Grabe ka, Kyra Mae! Excited ka sa honeymoon niyo? Wow ha! Reception pa lang 'te! Reception pa lang!' Pagsesermon niya sa sarili.

Agad niyang ipinilig ang ulo para mawala muna 'yon sa isip niya.

Nakakahiya talaga!

Agad niyang binalik ang mga mata niya kay Bryan, pero wala na pala ito doon sa baba. Palapit na pala ito sa kanya habang patuloy na kumakanta. Nangingiti nitong nilahad ang kamay nito sa kanya, like he's urging her to reach for it. And so she did.

He forcefully pulled her from her seat. Napatili tuloy siya sa pag aakalang matutumba siya pero sinalo siya ng katawan nito. Agad na pumaikot ang kamay nitong humila sa kanya papunta sa bewang niya and he continue singing while rocking her gently. He's also towering over her and looking at her intently while he's singing his lines.

Shocks! Papatayin yata siya sa kilig ni Bryan. Huhu!

Noong natapos na ang kanta ay agad itong yumuko at nilapa na naman ang mga labi niya. Everyone around them cheered for them and that makes her cheeks blushed. Hindi lang dahil nahihiya siya kundi dahil kinikilig siya ng sobra.

Magkahinang pa rin ang mga labi nila ng bigla silang makarinig ng ingay sa labas ng function hall. May commotion doon. Agad silang napabaling doon ni Bryan, kahit ang mga bisita nila ay napatigil din at napatingin doon.

Nakikita niya ang dalawang guards ng mismong resort na parang may pinipigilan ang mga itong isang tao. The guards were instructed na huwag papasukin ang kung sino mang wala sa guest lists. Baka kasi may press or paparazzi na nakatunog ng kasal nila ni Bryan and that would eventually ruin his career.

"Let go of me! I'm invited here!!" Dinig niyang nakasigaw na boses ng isang babae. "I said let me go, assholes!!"

Napamaang na lang siya ng makilala na niya kung sino 'yon.

Hindi 'yon press or part ng paparazzi.

Hindi rin 'yon boses ng kung sino mang babae..

Its Georgina.

'Shit!'

'Yon agad ang nausal ni Bryan sa isip nang nakita niya ang girlfriend niya na pinipigilan ng mga guards sa labas. He can't just fucking stay here and do nothing!

That's his fucking girlfriend!

Ang babaeng mahal niya!

Tangina!

Agad siyang tumakbo ng mabilis para puntahan ito.

"Stay where you are, anak!" Agad na sabi ng ama niya para pigilan siya pero hindi siya nakinig dito. "Bryan!"

Nilampasan niya lang ito at dumiretso na kay Georgina. Apat na ang guards na humahawak kay Georgina para pigilan ito sa pagpasok. Agad uminit ang ulo niya nang makita ang kalagayan ng girlfriend niya.

"Let her go!" Agad niyang sigaw sa mga guards.

"P-Pero, Sir." Apila pa noong isang guard.

"I said let her fucking go! Hindi mo ba ako narinig?!" Galit na sabi niya at gusto na sanang suntukin ang guard na 'yon pero buti na lang at nakinig naman ang mga ito sa kanya.

Agad niyang hinawakan ang mga braso ni Georgina para sana tingnan kung nagkapasa ito pero bigla siya nitong sinampal ng malakas. Singhapan agad ng mga tao ang narinig niya.

"Fuck you!" Mura nito sa kanya at akmang tatalikod na sana pero mabilis niya itong hinawakan sa kamay at hinila palayo sa lugar na 'yon.

Dinala niya ito sa likod ng isang malayong cottage at agad naman itong nagpumiglas sa pagkahawak niya. Napahikbi ito pagkatapos and it fucking broke his heart to see his girl cry.

"B-Babe, I'm sorry." Agad niyang sinabi dito at niyakap ito ng mahigpit.

"I hate you! I hate you! You're fucking lips are swollen, you asshole! I know you kissed her! I saw it with my own eyes! I hate you so much!" Sabi ni Georgina sa kanya sabay paulit-ulit na sinuntok ang dibdib niya.

"N-No, babe.. I'm sorry..I-Its all part of the s-show.."

Fuck! Hindi niya alam kung ano ang irarason niya sana buti na lang at nakaisip siya. Kasi tangina malalagot talaga siya.

"I don't fucking believe you! W-When I asked you days ago where the wedding is going to be held, you were very hesitant to tell me! I can hear it on your voice! Now, I saw you kissing her on that stupid stage? You even enjoyed it! Damn you!" Akusa nito sa kanya. "I already told you that she's just using you and your father, and you're falling for her trap! You're a fucking idiot, Bryan!" Napapahikbi ito ng malakas habang sinasabi 'yon kaya mas lalong sumakit ang puso niya.

Nakokonsensya talaga siya because what she said is fucking true!

Tanga siya!

Gago siya!

'Di ba, Bryan, may plano ka? Ba't ka nagpapadala sa isang bagay na ikakasira ng buhay mo. Si Georgina ang buhay mo, pero tingnan mo ang ginagawa mo? You're fucking hurting her! You're making her cry!' Pagsesermon niya sa sarili.

"I'm sorry, babe.. Please.. Please, forgive me. Just please trust me that I love you so fucking much!" Sabi niya. "And everything you've saw back there is just nothing, babe. Its just all for the show, babe."

'Tangina! Siya na talaga ang pinakasinungaling sa lahat ng sinungaling! Pero kailangan niya talagang mag sinungaling para maging maayos lang sila ng babaeng mahal niya!

Because this is really fucking insane!

"A-Are you saying the truth, h-honey?" Nahihikbing tanong sa kanya ni Georgina.

"Yes." Sagot niya at agad na hinalikan ito sa labi.

'Tapos gago na naman siya kasi ibang lasa ang gusto niya! Ganito na ba talaga siya ka walang-hiya? Potangina mo, Bryan!'

"I hope so, honey, and I hope you still remember your promise." Agad na sabi nito pagkatapos nilang maghalikan.

"O-Of course, babe."

"Promise me again. I wanna hear you say it." She urged him.

"I promise, babe. Just trust me on this. I will do everything so she will be forced to divorce me." Diretsong sabi niya dito. "I promise." Ulit niya para ipakita dito na totoo ang sinabi niya.

She squealed and kissed him again on the lips. "Thank you, honey."

They hug once more, and they talk for a while before she bade goodbye kasi alam naman daw nitong hindi ito welcome sa kasal niya. Ayaw rin daw nito makita ang ama niya. But before she go, Georgina reminded him again about his promise and he did assure her that he's definitely going to do his part to make everything work on their favor.

Inaamin niya, he fucking likes Kyra.

Hindi lang 'to simpleng atraksiyon lang.

But to Georgina..

Siya ang buhay niya and mahal na mahal niya ito.

And he promised to himself that he's absolutely gonna stick to his promise for now on.

Ayaw na niya ulit makita ang pag iyak ng babaeng mahal niya. He just needs to focus again to his goals and plans, and the best way to do that is to remove his stupid attraction towards Kyra. He knows he will succeed after this day ends.

May plano siya.

This plan may sound too evil but he know this will fucking work!

He's gonna make sure that it will work!

He needs to take control of his life again, and he can only do that if he got rid of Kyra first.

Now, he'll make sure that Kyra will regret it for not calling-off their wedding, and he's going to make her pay big time!


Chapter 36: Chapter 36

Kyra was stunned on her feet when she saw Bryan run so fast towards Georgina. Naramdaman na naman niya ang pagkapira-piraso ng puso niya lalo na ng hinila nito palayo si Georgina pagkatapos nitong masampal ng huli.

Bryan is still in love with Georgina.

No, scratch that!

He will always be in love with Georgina and she will never replace her in Bryan's heart.

Akala niya kasi may pag-asa. Akala niya panibagong simula na 'yon para sa kanila because of the things and acts he did for her a while ago. Pero parang hiniram na pagkakataon lang pala 'yon.

Reality hits her really hard that she feel like she's going to die as of this moment. She looks around her and almost all of the guests, the four boys, and Mr. Sevilla, her father-in-law, are staring at her with sadness written all over their faces. Some are even murmuring something.

Only her parents went on her side to comfort her and are also confused to who that unwelcomed guest is. She then answered them truthfully but still lied in the end.

"She's Bryan's ex-girlfriend." Napahugot muna siya ng hininga bago dinagdagan 'yon at ngumiti pa sa mga ito. "But don't worry daddy, mommy, nagbreak na sila bago pa nagpropose si Bryan. He loves me now." She assured them.

Sobrang naguilty siya, lalo na ng hinaplos ng daddy niya ang buhok niya, and they believed her lies again.

"Anyway.." Napatikhim muna siya at agad na pinasigla ang itsura niya. "Let's continue the party!" She giggled after that but she can feel her heart churning painfully.

Bumalik na din ulit sa pagsasaya ang iba, though there are still some guests who keeps on glancing at her pero nginingitian lang niya ang mga ito. Nagsimula ulit ang pagtugtog, and the foods and drinks were being served again.

Niloloko lang niya ang sarili niya. Ang masakit pa ay pati ang mga magulang niyang mahal na mahal siya ay niloloko niya.

But what can she do, now?

Kasal na sila.

If only she can change the heart of Bryan, but that's next to impossible.

Sobrang imposible talaga.

For now, she needs to pretend that she's happy. Niyakap niya ang daddy at mommy niya at niyaya ang mga itong isayaw siya. And she did a great job pretending, because their guests are now enjoying themselves. Napasayaw na din ang mga ito.

She was still laughing noong inikot siya ng daddy niya nang masulyapan niya ang pagbabalik ni Bryan sa loob ng function hall. Mukha itong pinagbagsakan ng langit noong una, pero ng nilapitan ito ng ama nito ay agad itong napangiti pero halatang pilit lang 'yon.

Kita niyang kinakausap pa ito ng ama nito, pero iniwan na ito ni Bryan. Wala ng nagawa si Mr. Sevilla kahit na naging malungkot ang mukha nito habang nakatingin sa likod ng anak.

Hindi man lang ito tumingin sa gawi niya. Dumiretso ito malapit sa emcee at hiniram ang microphone. Nanghingi ito ng pasensiya sa mga bisita nila at sa mga magulang niya sa nangyari. Kahit parang sincere ito sa paghingi ng tawad ay alam niyang inutusan lang ito ni Mr. Sevilla.

Lumapit ito sa kanya nang nakangiti pero kitang kita niya kung gaano ka-peke 'yon. Wala ng ningning 'yon hindi katulad kanina. Hinawakan siya nito sa braso at muntik na siyang mapangiwi ng humigpit ang mga daliri nito doon. Pinilit niya talaga ang sarili na hindi ituloy ang pagngiwi niya. Masakit 'yon but she will handle the pain para wala lang mapansin ang mga tao sa paligid nila, lalo na ang mga magulang niya.

The emcee then told them na magstart na raw ang cake cutting. Iginiya siya ni Bryan doon sa harap ng cake at parang tinatamad na tiningnan ang cake nila na maganda sana ang pagkakagawa at paniguradong masarap din. Pero mukhang magiging matabang 'yon pagkakain nila.

Lumapit sa kanila si Cindy at kita niya na parang sinusubukan nitong basahin ang mukha ni Bryan. Narinig agad niya ang malakas na pagbuga ni Cindy ng hangin.

"Y-You should cut the cake together, Kyra, Bryan." Sabi ni Cindy at agad na binigay ang kutsilyo sa kanila.

Hindi gumalaw si Bryan at napayuko lang.

"Bryan!" Saway ni Cindy dito.

"Okay, Cinds!" Nanunuyang sabi ni Bryan at napangisi pa.

Inabot nito ang kutsilyo galing sa kamay ni Cindy. Parang nagdadalwang isip pa siyang humawak sa kamay ni Bryan pero si Cindy na mismo ang humawak sa kamay niya at ipinatong 'yon sa taas ng kamay ni Bryan.

"Tss." Dinig niyang palatak ni Bryan.

"On the count of five doon na kayo humiwa, ha?" Instruct pa sa kanila ni Cindy.

Pero sa kalagitnaan pa lang ng pagbibilang ni Cindy ay inumpisahan na agad ni Bryan ang paghiwa. He then served the small slice of their wedding cake on a small plate.

"Let's get on with this para matapos na." Mariin na sabi ni Bryan at agad na ginamit ang kutsara para kumuha ng piraso at kinain 'yon.

"Bryan! That's not how it should be! Ano ba!" Cindy hissed at him in a lower voice.

Lumapit ulit ito sa kanila at agad na pinagsalikop ang mga braso nila. Ito na rin ang naglagay ng maliit na piraso sa mga kutsara nila then instructed them to feed each other that way.

"Ang pathetic nito, Cinds!" Natatawang sabi ni Bryan pero agad ding tumino ng si Mr. Sevilla na ang sumaway dito.

Nagpapasalamat na lang siya at hindi na lumapit ang mga magulang niya at ang ibang bisita nila. At least they won't get caught in such an awkward situation.

Kyra just bit her lower lip after they were asked to go back on their seat on the center of the stage. May slideshow presentation kasi na ipapakita sa mga guests nila. Tahimik nga silang bumalik sa gitna and this time Bryan didn't help her with her gown, nor held her hand. The slideshow presentation is hers and Bryan's pictures when they were little. Everybody was awed and amazed with their pictures, especially with their baby pics. Sobrang saya ng mga tao habang habang nanonood doon, tapos sila ni Bryan ay tahimik lang.

Kahit masakit ang puso niya, alam niyang the show must go on and she badly needs to continue pretending. Pinilit ulit niya ang sarili na ngumiti, at sinabayan ang kasiyahan ng mga bisita nila. Hindi na niya tiningnan ulit si Bryan para hindi siya maging malungkot ulit. Kahit sobrang hirap 'yon kasi katabi lang niya ito.

Gago na siya kung gago but Bryan needs to do and show this act to control himself. If he won't do this paniguradong mawawala na naman siya sa sarili. Sabi nga niya, he already made up his mind and this is the first step for that. He needs to show Kyra na mas matimbang talaga si Georgina kaysa dito. Baka kasi isipin pa nito na may pag-asang magtatatagal ang pag-aasawa nila. This marriage will only be a short-lived one. Kung gusto ni Kyra na huwag na ito masaktan pa ay kailangan nga nitong sundin ang plano niya at pakawalan siya. Pero kung tatanggi ito, then kasalanan na 'yon ni Kyra.

Hinding-hindi siya titingin dito kahit katabi pa niya ito. Kasi kung gagawin niya 'yon paniguradong mabibihag na naman siya sa mga mata nito. At sabi nga niya mawawala na naman siya sa sarili niya at kailangan talaga niyang pigilan na mangyari 'yon kung gusto niyang ituloy ang plano niya.

Natapos na yata ang slideshow presentation, kaya napaharap na naman ang mga bisita nila sa gawi nila. Napilitan tuloy siyang ngumiti sa mga ito para ipakitang okay lang sila. Kinausap siya ng ama niya kanina pagkabalik niya dito sa function hall. Pinagbantaan na naman siya nito tungkol sa kontrata nila at plano pa nito'y dagdagan ang ikakaso sa girlfriend niya.

Tangina niya.

"May we call on the bride and groom to get off the stage for the throwing of bouquet and garter!" Maligayang sabi ng emcee sa kanila.

Napilitan tuloy silang tumayo ni Kyra. Plano niya'y hahawakan niya sana ang kamay nito pagkatayo niya pero mabilis na itong nauna sa pagtayo, kinuha ang bouquet nito sa mesa at nagmamadali ng bumaba ng stage. Sumunod na rin siya at agad tumabi dito.

Narinig niya ang pagtikhim ng emcee nila. "Uhm.. Sa mga single ladies diyan. Hali na kayo dito sa gitna! Baka chance niyo na 'to na ikakasal sa susunod na buwan! Malay niyo!" Natatawang sabi ng emcee nila.

"Grace!!! Yoohoo!" Dinig niyang tawag ni Kyra sa kaibigan nito.

Napatingin siya sa pwesto niyong Grace. His friend, Wilbert, was smiling from ear to ear beside her. In love talaga ang gago!

"Ayoko..." Dinig niyang pagtanggi ni Grace sa pakiusap ni Kyra, but Kyra went to her and pulled her to go with the single ladies who are already forming a line facing them.

Kyra then went to the front but she stood away from him, which is good. At least nakakaintindi na ito sa sitwasyon nila ngayon. Hindi naman pala ito manhid para hindi malaman kung ano ang kailangan nitong gawin.

Pero tangina lang, because it bothered him.

Iba ang sinasabi ng isip niya sa nararamdaman niya, but he instantly brushes it off from his system.

'Tama 'to Bryan. Tama 'tong nangyayari, maniwala ka tangina mong gago ka!' Saway niya sa sarili.

"Okay! On the count of three, ihahagis mo na sa likod mo, okay, Kyra?" Sabi ng emcee.

Natatawang tumango si Kyra bilang sagot.

"All right! Ready single ladies! 1... 2... 3!"

Pero hindi niya 'yon tinapon para lokohin ang limang babae. Natawa agad siya ng malakas ng nagreklamo ang mga ito, habang natatawa naman ang ibang bisita.

"Ulit!" Sigaw niya at siya na ang nagbilang. "1... 2... 2 and 1/2... 2 and 3/4...3!!" At tinapon na nga niya ang bouquet.

Agad siyang bumaling sa mga ito at natuwa siya ng makitang si Grace nga ang nakakuha niyon. Galing talaga niyang tumarget!

"Yehey!" Sigaw niya at agad pumalakpak.

Pero bigla na lang nawala ang tuwa niya ng sinabihan siya ng emcee na umupo muna. Kasi kukunin daw ni Bryan gamit ang ngipin nito ang garter niya.

'Hala!' Napakagat-labi tuloy siya.

"Ayiiie! Nahihiya pa ang bride, oh! Dali na!" Agad na sigaw ng emcee at nilapitan na siya para umupo na siya sa itinalagang upuan sa kanya.

"Do I really have to do this?" Parang naiinis na tanong ni Bryan. "Baka pwedeng hubarin na lang niya." Sabi nito sabay turo sa kanya pero nanatiling nakatingin sa emcee.

"O-Oo nga." Pag-sang ayon naman niya.

"Ano ba! Its tradition na, nu! Sige na!" Pagpipilit ni Cindy sa kanila ng lumapit ito. "Ano ka ba, Bryan! Mabilis lang gawin 'yan! Just do it fast para matapos na!"

"Fine!" Galit na anas ni Bryan at agad na lumuhod sa harap niya.

"T-Teka lang. Ibaba ko lang ng konti." Sabi niya dito.

Hindi ito sumagot at hinayaan lang siya sa gusto niya. Mabuti na lang at lumayo sa tabi nila si Cindy, at least hindi ito magrereklamo sa gagawin niya. Pasimpleng inabot niya 'yong garter at binaba below her knee.

"Game." Nangingiting sabi niya at agad na umiwas ng tingin dito.

Kahit ito ay hindi rin nakatingin sa kanya.

Agad na silang pinastart ng emcee at mabilis nitong hinawakan ang paa niya. Kinagat nga nito ang garter at kahit na sa baba lang 'yon ng tuhod niya ay nakaramdam pa rin siya ng kakaiba. Lalo na ng naramdaman niya ang init ng paghinga nito.

'Stop, Kyra! Please be numb!' Saway niya agad sa sarili niya.

"Ay, ang daya! Ba't sobrang baba na niyan?" Reklamo ng emcee nila.

Pero tinawanan lang niya ito para ipakitang parang pinlano lang talaga nila 'yon ni Bryan. Mabilis na ring tinanggal ni Bryan ang garter sa paa niya at agad rin itong tumayo.

"Okay! Mga single men diyan, its your time to shine!" Masayang sabi ng emcee nila.

Natawa siya kina Wilbert at Justin, kasi tumayo ang mga ito ng sabay.

"Huwag ka ng sumali!" Agad na sita ni Wilbert kay Justin kulit at agad hinarangan ito.

Pero yumuko si Justin at dumaan sa baba ng mga kamay ni Wilbert at agad na dumiretso sa mga single na lalaking nakapila na.

"Justin!" Sigaw ni Wilbert at agad na nagmartsa palapit dito.

Pero nilabas lang ni Justin kulit ang dila nito kay Wilbert.

Pasaway talaga!

Tawang-tawa tuloy siya. Kahit si Bryan ay natawa na rin.

"Pwesto na! 1, 2...."

Sa 2 pa lang ay agad ng tinapon ni Bryan ang garter nito. Kitang-kita niya tuloy ang pagkataranta ni Wilbert pero si Justin na ang nakakuha niyon. Agad na tumakbo ito para hindi siya makutusan ni Wilbert. Tawang-tawa tuloy sila at ang mga bisita nila.

"Justin! Give it to me, damn!"

"Bleh, bleh!" Sabi pa ni Justin.

"Papatayin kita kung hahawakan mo ang girlfriend ko!" Galit na anas ni Wilbert.

Napanganga tuloy siya at agad na pumalakpak. "Oh my ghad!"

Nilapitan niya si Grace na naging kamatis na at agad na niyakap ito. "Ang dami mong kailangang ikwento sa 'kin, ha?" Tukso niya pa dito.

Nangiti lang ito sa kanya at sa huli ay itinapon nga ni Justin ang garter kay Wilbert. Bumalik na lang ulit ito sa inuupuan nito at agad na sumimangot.

Loko-loko talaga!

Grabeng hiyaw ang ginawa niya noong sinuot na ni Wilbert ang garter sa paa ni Grace. At pumalakpak pa siya ng malakas noong pinatakan ni Wilbert ng isang halik si Grace sa sentido nito. Sobrang namula tuloy ang kaibigan niya pero halata namang masaya ito.

Kakilig sobra.

Sana all.

Hays.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C35
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank 200+ Power Ranking
Stone 0 Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login

tip Paragraph comment

Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.

Also, you can always turn it off/on in Settings.

GOT IT