Pagkahatid nina Manang Rosa sa kanya sa bahay ay dumiretso agad si Bryan sa kwarto niya. Hindi siya mapakali. Pero kinukumbinsi niya ang sarili na tama naman ang mga binitawan niyang mga salita kay Kyra kanina.
Unfair 'yong ginagawa niya, hindi lang kay Kyra kundi mas lalo na sa girlfriend niya. Hindi niya rin alam kung ano bang kademonyohan ang pumapasok sa isip niya at ginagawa niya 'yon sa babaeng hindi niya naman karelasyon at hindi niya mahal. Siguro makumundong pagnanasa lang talaga ang nanaig sa sistema niya kaya nagaganap ang mga 'yon sa kanila ni Kyra.
He already admitted to himself that he found his dad's nurse very attractive. Kahit hindi naman ito ganoon ka sexy at wala itong panama sa kasexyhan ng girlfriend niya. Maganda lang siya at mukhang anghel, pero hindi naman niya type ang mga ganoong mukha. Para sa kanya ay may tinatagong kulo ang mga babaeng ganoon ang mukha. For sure, ganoon din ang Kyra na 'yon.
But why did he allow himself to get intimate with her, to the point of losing himself and forgetting about the fact that he is already in a perfect relationship?
Simple.
Tigang siya and he's just fucking horny.
Its been three months noong last na nagsama at nagtalik sila ni Georgina. Namimiss niya lang ang girlfriend niya. Sobrang wild kasi nito sa kama na kahit maubusan na siya ng lakas ay nanghihingi pa rin ito ng isa pang round na binibigay niya naman hanggang sa maging satisfied na ito. Kaya nga siguro naging ganito siya kalibog na tao.
But he's still fucking confused with himself though. Kasi kay Kyra niya lang naramdaman ang ganoong klaseng kalibugan. Kahit marami na siyang naging karanasan, aside kay Georgina, ay mas gusto niyang patas lang ang pagpapaligaya nilang dalawa ng katalik niya.
But with Kyra? Mas ginaganahan siya kapag nakikita itong nilalabasan at nasasarapan na sa ginagawa niya. Kahit wala itong ginagawa sa kanya ay nakakaramdam na siya ng satisfaction.
Tanginang attraction 'to!
Tinitigasan na naman siya nang naalala ang nangyari sa kanila ni Kyra kanina.
Halos pokpokin na niya ang ulo sa naiisip kaya napagpasyahan na lang niyang lumabas ng kwarto at kumain na lamang. Baka gutom lang 'to.
Kanina pa siyang tapos kumain at napagpasyahang umikot-ikot muna sa garden ng mansiyon. Ayaw niyang bumalik muna sa kwarto at baka ano na naman ang pumasok sa isip niya. Napangiti siya ng nakita ang mga paboritong bulaklak ng namayapang ina. Namamasa pa ang mga 'yon dahil sa ulan which makes the flower plants to look picturesque.
Pinapahalagahan pa din pala ni Mr. Sevilla ang mga ito. Nangingiti na lang siya ng naalala ang galak sa mukha ng ina niya habang nagtatanim ito sa mga 'yon, habang siya naman ay dinidiligan na ang mga natapos nito. Sobrang namimiss niya pa din talaga ang mommy niya kahit mag labing isang taon na noong pumanaw ito. Kaya napagpasyahan niyang bisitahin ang puntod nito ngayon pagkatapos maligo.
Nakaakyat na siya sa kwarto at papasok na sana sa CR ng biglang tumunog ang kahoy na tukador malapit sa kama niya kung saan pala niya naiwan ang cellphone niya kahapon.
Kanina pa siya nakauwi pero nakaligtaan niyang icheck 'yon. Iba-iba kasi ang naiisip niya eh. Tss.
Kinabahan tuloy siya na baka si Georgina 'yon. Paniguradong galit ito sa kanya.
Pero nakahinga siya ng maluwag ng nakitang si Justin pala 'yong tumatawag. Ang bunso nila sa grupo.
"Big brooooo!!!!" Pasigaw na bati nito pagkasagot niya.
Nilayo niya tuloy ang cellphone niya, feeling niya mabibingi siya sa tinis ng boses nito.
"Big bro?" Tanong ulit nito ng hindi siya sumagot.
"Grabeng boses 'yan! Sumakit 'yong tenga ko!" Reklamo niya dito.
Narinig na lang niya na nagtawanan sa background. Nakaloudspeaker yata ito at ang apat na kuging ay magkasama.
"Sorry naman, big bro! Excited ako eh!"
"Bakit? May girlfriend ka na? 'Yong matrona ba? Baka basted ka na naman?" Pang aalaska niya dito.
Nagtawanan ang tatlong kasama nito.
"Ulol!"
"Akin na nga! Ako na kakausap kay Bryan!" Dinig niyang sabi ni Nathaniel ang pinakamatanda sa grupo nila. "Bry!"
"Yo, Nath! Anong atin?"
"Kamusta na ang daddy mo?"
"He's okay. Akala ko ba magbabakasyon din kayong apat? Sayang ang isang linggo! Ba't magkakasama naman kayo? Ano yan foursome?"
"Ulol! Gago!" Dinig niyang reklamo ng apat tapos nagtawanan na lang din sila.
"Magbabakasyon nga kami, big bro! Diyan sa bahay niyo! Miss ka namin eh! I miss you!" Sigaw ni Justin.
"Ano?!"
"Sige na, 'tol! Baka maraming chix diyan pakilala mo kami!" Dinig naman niyang sabi ni Russell ang pinakaplayboy sa kanilang lima.
"Mag-alaga ka na lang ng manok na malapit ng mangitlog para magkaroon ka ng maraming chix, gago!"
"Tangina mo!" Tapos tawanan na naman sila.
Naririnig din niya ang malakas na tawa ng pinakatahimik sa grupo nila, si Wilbert. Pabulong lang ito minsan magsalita pero kung tumawa talaga ito parang naka super megaphone ang lakas.
"Pero babakasyon talaga kayo dito? Pwede naman. Kailan ba plano niyo?"
"YES!!!" Sabay-sabay na sigaw ng apat sa kabilang linya.
"Bukas, Bry!" Sagot ni Nathaniel.
"Sige, 'tol!"
Binigay niya sa mga ito ang address nila at ang tamang direksyon papunta dito pero hinaluan niya ng kalokohan. Kaya gagamit na lang daw ang mga ito ng GPS para makarating rito ng maayos bukas kaysa makinig sa kanya. Gusto daw talaga nilang pumunta kasi alam nilang tahimik ang lugar at ng makaexperience din daw ang mga ito ng tahimik na bakasyon na walang fans na gumugulo sa mga ito.
Pagkababa ng tawag ay napangiti na lang siya. Binigyan sila ng isang linggong pahinga ng manager nilang si Lander Manzano. Hiningi niya 'yon kahapon at pinagbigyan naman siya nito. Kaya sobrang saya nga ng lahat na makapagpahinga sila kasi pagkatapos ng bakasyon na 'to ay magiging busy na naman sila sa promotion, concert tours, and etc. May nakaplano pa silang international tour. Alam na din ng mga ito ang tunay na rason kung bakit niya hiningi 'yon. Wala siyang tinatago sa mga ito, kahit 'yong paglalayas niya at ang problema niya sa ama niya. He treats them as his real family, lalo na ang apat at ang mga taong naging rason kung bakit siya nakapasok sa industriya ng musika.
Tiningnan niya ulit ang phone niya at nagulantang. May 57 missed calls and 110 messages pala siya. At mas lalo siyang kinabahan nung nakitang galing lahat 'yon sa girlfriend niya. Kagabi pa ang unang tawag nito at kaninang 7am ang panghuli.
'He's a dead meat!'
Bago niya ito tatawagan ay nag isip muna siya ng magandang rason. He wouldn't dare to tell her about the stupid mistakes that he's been doing a couple of times already with a person he barely know. Baka iwan siya nito! Baka mawala ang taong mahal niya at nagmamahal sa kanya ng totoo! Mag sisinungaling siya, and that's being unfaithful as well, but he's gonna consider these as white lies! Fuck!
Nag-iisip pa siya ng scenario sa magiging rason niya, but then, his phone rang and it's his girlfriend on the other line. Napabuga muna siya ng hangin bago niya sinagot 'yon.
"H-Hey babe! I miss you. S-Sorry I was-"
"Don't hey babe me! Where have you been?! I've been calling and texting you endlessly last night! I even texted Lander about your whereabouts but they just told me you already went home after asking for a break! And that's all they know! So, where were you huh?!" Hysterical na pagkasabi nito. Galit nga talaga.
"I'm sorry, babe, please calm down. I-I went to the hospital to check on my f-father and I forgot to bring my phone with me.. I didn't know that its going to rain hard last night, and my car broke down in the middle of the road. So, I-I stayed in a room, I mean, my car the whole night."
Fuck! Pumasok na naman sa isip niya ang mukha ng nurse kaya namali ang pagrason niya buti nabawi niya agad. Tss. Sana hindi mapansin ni Georgina kundi patay siya. Tangina!
"What?!! Fine! But anyway! I was desperately trying to reach you 'coz you remember Benedict Jones? Our future business partner here in the US?"
Phew! Hindi nga niya napansin.
"Ah. Yeah! Why babe?"
"Well, he's kinda pressuring me about our plans. He wants to know if its a definite one. He wants assurance from us if we're really gonna push this through! 'Coz if not then he'll find another business venture to partner with. So what should I tell him, honey?"
Sa totoo lang hindi talaga siya sigurado sa Benedict Jones na 'yon. As much as he wanted to trust him he can't seem to do so. But Georgina assured him that he's really a capable businessman. And since he trust her girlfriend's words then he's willing to go on with the partnership.
"Well, tell Benedict to give us a couple more days. My dad is still in the hospital. Let's just wait after he got discharged. Okay, babe?"
Narinig niyang napabuntong-hininga ito ng malakas sa kabilang linya.
"Fine!" Tipid na sagot nito. Galit pa din yata.
"Are you still mad at me? Don't you miss me?"
"Of course I miss you! I love you, honey." Malambing ng sagot nito.
"Me too.. I love you.." Pero bigla na namang may pumasok na imahe sa isip niya.
What the fuck is wrong with me?! Mangkukulam ba ang nurse na 'yon? Ginayuma siya?
"Hey, honey? Are you still there?" Tanong nito sa kanya.
"Yeah." Mahinang sagot niya.
"Hmm.. By the way, Lander told me last night that you have a week off from work. I don't have any upcoming shoots too. Should I come over? I miss you so much.. I miss you fucking me.. I miss you banging me fast and hard. I miss how we lick each other dry.. I miss the taste of your cum.. Oh.. Don't you miss my wet cunt, honey?"
'Oh fuck!'
Napalunok siya sa sinabi nito. Ramdam niya ang pagkabuhay ng alaga niya. Tigang nga talaga siya at miss na miss niya lang talaga ang girlfriend niya. Eto na rin ang pagkakataon niya para makalimutan ang atraksiyon niya kay Kyra. That's it! The presence of his girl is the answer!
"Damn! I can feel my dick aching and twitching right now, babe. So, go ahead and book an early flight tomorrow!"
"Alright, honey. Be prepared for some hardcore action! My cunt is fucking wet just thinking about your huge... Oh. I'm sticking my finger inside, honey.. Lets go facetime, now!"
'Fuck!'
Hindi alam ni Kyra kung bakit hindi na niya ulit mapigilan ang pagsungaw ng mga luha niya ngayong nasa loob na siya ng taxi at pauwi na sa bahay nila. Pagkaalis niya doon sa parke ng hospital ay napigil naman niya pansamantala. Kasi halos lahat ng taong nadadaanan niya ay napapatingin sa kanya. Kahit 'yong guard kung saan niya pansamantalang iniwan ang maleta niya ay parang naaawa sa kanya.
Alam niyo 'yong pakiramdam na parang hinatulan ka ng kamatayan? Tapos bibitayin ka kahit wala kang kasalanan pero dahil wala ka ng choice kundi ang magpatianod na lang sa naging hatol sa'yo? Or 'yong pakiramdam na may malubha kang sakit, tapos wala pang lunas ang sakit na 'yon at ilang araw na lang ay mamamatay ka na, kaya wala ka ng magagawa kundi tanggapin ang kapalaran mo?
Sa totoo lang may choice pa siya. Pwede siyang magpakalayo at hindi na magpakita kay Mr. Sevilla. Pero hindi niya kayang gawin 'yon. Naiisip niya pa lang gawin 'yon ay kinakain na siya ng konsensiya.
Nasa loob na siya ng subdivision nila at imbes na magpahatid sa taxi driver sa tapat mismo ng bahay nila ay nagpababa muna siya dito sa clubhouse. Maraming tao doon ngayon, mga batang naglalaro at nagtatawanan sa playground, 'yong iba naman ay nagkakatuwaan sa swimming pool.
Mas gusto niya munang manatili dito para kahit paano ay guminhawa ang pakiramdam niya. Ayaw niya pa dumiretso sa bahay nila at baka mag-alala lang ang mga magulang niya sa kanya. Baka magtanong pa ang mga ito at hindi niya mapigilan ang sarili at maisilawat ang problemang kinakaharap niya ngayon.
Umupo siya sa isang bench na medyo malayo sa mga tao. Nakatanaw siya sa mga bata na bakas sa mga mukha ang kasiyahan at kainosentehan. Napapangiti na lang siya habang nakatingin sa mga ito. Salamat naman at mawawaglit muna sa isip niya ang problema.
"Ang gwapo talaga ni Bryan Lopez, girl! Nag-order na ko ng ticket para sa concert nila sa Araneta! My gosh! Hindi na nga ako makatulog sa sobrang excited!"
"Hala! Ang daya! Bilhan mo din ako! Babayaran kita next week! Sige na! Bias ko yang si Bryan tsaka si Russel! Sige na!"
'Bryan Lopez na naman!! Ano ba?! Hindi niyo lang alam kung gaano kasama ang ugali ng taong 'yon! Please umalis kayo!!'
Napabaling tuloy siya sa mga ito at tiningnan ang mga ito ng masama. Dalawang teenager 'yong nakikita niyang nag-uusap. Naglalakad ang mga ito habang nagkikwentuhan. Grabeng timing naman at dito pa talaga malapit sa kanya napiling magtopic ng ganoon. Ang laki ng clubhouse eh!
"Bahala ka diyan! Akin si Bryan kay Russel ka na lang!" Sabay tawa ng babaeng nagsabi niyon.
Bigla itong natigilan sa pagtawa noong dumapo ang tingin nito sa kanya. Tinitingnan niya pa din kasi ang mga ito ng masama.
"Hala! Tara na!" Natatakot na sabi noong dalagitang fan ni Bryan sabay talikod at hila sa kasama.
"Bakit? Ano nangyari?"
"Ang sama ng tingin sa 'kin noong babae, girl. Patay na patay din yata kay Bryan kaya nagalit."
"Hoy! Dati 'yon, hindi na ngayon!!" Galit na bulyaw niya sa mga ito.
Kumaripas tuloy ng takbo ang dalawa.
"Sus! Kung alam mo lang kung gaano kasama ang ugali ng taong 'yon. Naku! Magsisisi ka talaga na 'yon pa naging idol mo! Dapat kay Justin na lang kayo! Huwag na kay Bryan!" Dagdag pa niya.
Tapos bigla siyang natawa at umiyak. Baliw na yata siya?
Baka tuluyan na talaga siyang mabaliw kung maging asawa na niya si Bryan. Napangiwi siya sa naisip.
"Kailangan ko na talagang iready ang sarili ko kung magpapakasal na ako sa halimaw na 'yon. Ilang beses ko na nga sinabihan ang sarili kong kakalimutan at iiwasan ko na siya eh! Pero wala! Eto na yata talaga ang kapalaran ko." Tapos natawa na lang siya kasi kinakausap niya ng malakas ang sarili. Buang na talaga siya.
"Pero at least 'di ba, Kyra? Inamin niya sa'yo na may girlfriend na siya. Naging honest siya kahit paano. Eh 'yon na nga eh! May girlfriend nga siya eh! Kaya paano ako magpapakasal kay Bryan, huh? Kamumuhian lang ako ng taong 'yon. Baka saktan pa niya ako! Pero parang hindi naman yata siya nananakit? Nanghahalik lang siya eh! 'Di ba, Kyra? Hay naku! Baka pwede kong mapakiusapan ang taong 'yon kung magpapakasal nga kami. Baka pwede naman kami maging friends? Best friends? Kaso muntik na nga kaming nag ano.. Pero may girlfriend naman siya 'di ba? Makapagpigil naman yata ang taong 'yon eh na walang mangyayaring tot-tot sa amin habang kasal kami. Baka kaya ko namang maging diborsiyada. Kyra, isang diborsiyada! Nag rhyme pa! Basta eto lang Kyra, ha! Tutulungan mo lang si Uncle para matupad na ang happy ever after nila ni Ma'am Selena at maging okay sila ng anak niyang halimaw! Doon ka magfocus! Focus! Focus!" Nilagay pa niya ang pointy finger at middle finger ng kanang kamay niya sa gitna ng noo.
"Mamaaa! Baliw po 'tong babae oh! Nagsasalita po siyang mag-isa!" Rinig niyang sigaw ng isang batang lalaki na apat or limang taong gulang pa lang yata na nakatayo sa gilid niya. Nakaturo pa ito sa kanya. Kanina pa yata ito dito pero hindi niya man lang napansin.
Kasi nga naka focus focus siya!
Nakita niyang may tumatakbong babae na nanay siguro ng bata palapit sa kanila. Nanghingi agad ito ng sorry sa kanya habang hinihila ang anak nito palayo.
"Tumahimik ka nga!" Singhal ng nanay nito.
"Pero mama! Nagsasalita po talaga siyang mag-isa!" Dinig pa niyang sigaw ulit ng bata.
Nakatalikod na ang nanay habang hinihila ang anak pero nanatiling nakatingin sa kanya ang bata. Binelatan niya tuloy ito. Natakot yata ang bata at ito na tuloy ang umakay sa ina palayo sa kanya.
Natawa tuloy siya sa nangyari. Pero at least nakaramdam siya ng ginhawa sa ginawang pakikipag usap sa sarili. Minsan kailangan mo talagang mag self-contemplation. Pak ganern!
"Mommy! Daddy! I'm home!" Magiliw na sigaw niya pagkapasok sa bahay nila.
Tapos narinig na lang niya ang nagmamadaling mga yabag na galing sa ikalawang palapag ng bahay nila. Mas lalo siyang napangiti ng nakita ang magandang mukha ng mommy niya.
"Oh, my baby girl! Miss na miss kita, anak! Kumusta ka na? Mabuti at nakauwi ka na din!" Sabi ng mommy niya at agad siyang niyakap at pinugpog ng halik sa mukha ng tuluyan na itong nakalapit.
"I'm a-okay, Mommy! Kayo po? I miss you too po sobra!" Sagot niya dito sabay balik ng yakap dito. "Saan po si Daddy, 'My?"
"Alam mo naman 'yang Daddy mo kahit retired na ay bumibisita pa rin sa mga kumpare niya sa NAIA. Maya-maya uuwi na 'yon! Miss na miss ka na din niyon kaya nga nagtatampo eh!" Sabi ng Mommy niya habang inaakay siya papunta sa kitchen. "Nakakain ka na ba, anak? What do you want to eat? Magbake ako ng favorite mo!"
"Si Daddy talaga!" Sabi niya na napalabi pero napangiti din ng nakita ang Mommy niyang nagpiprepare na ng mga ingredients ng paborito niyang chocolate cake.
Her daddy Mark Joseff used to work as a pilot, while her mommy Katherine used to be a flight attendant. Noong nagpakasal na ang mga ito ay pinatigil na ng daddy niya ang mommy niya sa pagtatrabaho and she became a full-time housewife. Kahit may kaya ang pamilya niya, lalo na sa side ng daddy niya, ay tinuruan siya ng mga ito na mamuhay ng simple.
Sobrang istrikto nga ng daddy niya sa kanya na halos pinagbawalan siya nitong makipagbonding sa mga classmates niya, unless its school-related. Naiintindihan naman niya 'yon kasi nga nag-iisang anak lang siya ng mga ito at babae pa. Kaya nga wala siya masyadong naging kaibigan, tapos hindi rin siya nagkaroon ng boyfriend. Hindi naman sa pagmamayabang pero marami talaga ang sumubok na manligaw sa kanya lalo na noong highschool at college pero hindi na ng mga ito tinutuloy kasi natakot nga sa daddy niya. Tapos hatid-sundo pa siya ng mommy niya sa school. So, eto at NBSB talaga siya.
Ang mommy naman niya ay bini-baby siya, kahit ngayong twenty-three years old na siya and its totally fine with her. Her mommy is also her bestfriend, kaya nga lahat ng sekreto niya ay alam nito. Sinuportahan din siya nito sa pagkakaroon niya ng crush at pag fa-fan girling niya kay Bryan. Pero tinatago lang nila 'yon sa daddy.
Sa totoo lang muntik ng hindi pumayag ang daddy niya na magtrabaho siya as private nurse kay Mr. Sevilla, pero pinilit nila ito ng mommy niya. Lalo pa't nakataya ang career niya at gusto niya ding maranasan ang maging independent sana. Pero ngayon, eto siya, nagkakaproblema na dahil sa pamimilit na 'yon.
Hays.
"Anak?" Tawag sa kanya ng mommy niya, napabaling tuloy siya dito. Parang nababahala ang itsura nito. "May problema ka ba? Care to tell mommy, anak?"
"H-Huh? Wala po, 'My!" Sabi niya sabay ngiti dito.
"You sure? Napabuntong-hininga ka, anak? Okay naman ba 'yong pasyente mo? Tinatrato ka ba nila ng maayos doon?"
"Ay! Naisip ko lang po kasi kung gaano ako kaswerte na kayo ni daddy ang naging parents ko." Sabi niya dito.
"Asus! Mas swerte kami anak at ikaw ang naging baby girl namin." Sabi nito sabay yakap ulit sa kanya at haplos sa buhok niya.
Habang nagmimix ito ng mga ingredients ay kinwento na din niya 'yong tungkol sa pagtira niya sa mga Sevilla, pero 'yong masasaya lang ah, at 'yong pagkaadmit din ni Mr. Sevilla sa hospital kaya nakauwi siya ngayon. Hindi na niya kinwento dito 'yong tungkol kay Bryan na anak ito ni Mr. Sevilla and 'yong iba pang nangyari na dapat niya munang kalimutan.
"Oh, thank God he's okay. Heart attacks are really scary, anak. Minsan biglaan na lang 'yan. Kaya nga 'yong daddy mo parati ko ng sinasaway sa kinakain niya. Mabuti na lang at nakikinig naman."
"Oo, 'My! Natakot nga po ako eh. Mabuti na lang at naagapan din si Uncle." Sabi niya dito pero bigla siya napahikab.
Ngayon lang siya nakaramdam ng pagod sa biyahe and sa pag-iyak kanina.
"Anak, matulog ka muna. Gigisingin na lang kita mamaya pag matapos na 'tong binibake ko or pag nakauwi na ang daddy mo. Sige na anak, alam kong pagod ka sa biyahe. I love you, baby anak. Itetext ko na din ang daddy mo, paniguradong uuwi agad 'yon kapag nalamang nakauwi ka."
"Sige po, Mommy. I love you po." Sabi niya dito at humalik sa pisngi nito bago siya umakyat sa kwarto niya buhat-buhat ang maleta.
Pagkabukas niya sa pinto ng kwarto niya ay napangiti siya ng malawak. Miss na miss niya din ang kwarto niya. Lumapit siya sa paborito niyang stuffed toy na Hello Kitty at niyakap 'yon ng mahigpit.
"Home sweet home!"
Doon niya lang naalala ang cellphone niyang hindi pa rin pala nakacharge simula pa kanina. Kaya hinanap muna niya ang extra charger bago sinaksak 'yon sa cellphone niya. Naalala pa nga niya si Arthur, pero parang hinihila na talaga siya ng kama niya kaya nahiga na lang siya doon at tuluyan ng nakatulog.
Paragraph comment
Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.
Also, you can always turn it off/on in Settings.
GOT IT