Download App

Chapter 3: Love is in the Air

Pagkalabas ni Xandy sa library ay napakamot na lang ako. Nagulat pa ako ng lumingon sya at kumaway saka tuluyang umalis. Napangiti ako.

Ako nga pala si Alexander Gray Saavedra. 5th year engineering student. Transferee ako dahil dito na sa probinsya nakadestino si Papa. Isa siyang pulis at housewife naman si Mama.

Student assistant ako at dito ako sa library naassign.

Destiny ata na dito ako inilagay dahil mukhang nakilala ko na ang aking The One.

Morena, hindi katangkaran, matangos na ilong, mapupungay na mga mata at malalantik na pilik mata. Higit sa lahat ay tila palaging nakangiti.

"I can smell something," taas kilay na untag sa akin ni Ma'am.

Napangiti ako.

"Inspirasyon lang Ma'am. Kakakilala pa lang namin eh. Pag pwede na, liligawan ko yun."

"Naku. Mabait na bata iyon. At kung papalarin ka eh ikaw ang unang magiging nobyo noon."

"Talaga ma'am? Paano nyo nalaman?," nahihiwagaang tanong ko.

"Halos dito na lumaki iyan. Ang kanyang ama ay empleyado rito. Driver ng school ng halos dalawampung taon na," kwento ni Ma'am. "Madalas siyang isama ng kanyang ama dito kaya kilalang kilala ko iyan. Tsaka hindi siya kagaya ng iba na pag may bakanteng oras ay kung saan saan pumupunta. Ang tambayan niya ay itong library."

Napangiti ako sa isiping makikita ko sya madalas. Matagal na panahon na rin mula ng makaramdam ako ng ganito.

Samantala…

"Uy, friend. Macho yun ah. Bagong student ba yun?," tila kinikilig na tanong ni Kaycee.

"Sa tingin ko. Ngayon ko lang sya nakita eh," kaswal na sagot ko.

"Mukhang bet ka nun," komento nito na nakapagpakunot ng aking noo.

"Pano mo naman nasabi?," nagtatakang tanong ko.

"Ang lagkit ng tingin sayo bes. Kahit ako ang kausap sayo nakatingin."

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Kaycee. Gayon pa man ay kumabog ang dibdib ko.

"Hindi naman siguro. Bilisan mo na nga. Nagugutom na ko eh."

"Basta, bes. Love is in the air. Bagay naman kayo eh," pagkasabi niyon ay humagikhik ito.

Nailing na lang ako.

"Order ka na. Hanap lang ako ng table natin. Bread roll, sopas at Sprite ang sa akin," sabi ko saka dito inabot ang isang daang piso.

Dahil maaga pa ay walang masyadong kumakain sa canteen kaya naman agad akong nakahanap ng magandang pwesto. Pinili kong maupo sa tabi ng bintana kung saan kitang kita ang isang magandang man-made pond.

Maka ilang minuto pa ay narinig kong tinatawag na ako ni Kaycee. Tumayo ako at tinulungan ko siyang magdala ng mga pagkain.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login