Download App

Chapter 5: Chapter 4: Match maker Friend

Habang kumakain ay biglang nagvibrate ang aming cellphone. Tiningnan ko iyon at nakita ang mensaheng galing sa aming Class President.

"Good day. We have a meeting at the Audio Visual Room at exactly 1:00 o'clock. Your presence is highly needed. --- from our ST Adviser," basa ko.

Napatingin sa relos si Kaycee. "9 pa lang. Anong gagawin natin?," tanong nito.

"Ewan ko sayo. Basta ako, babalik ako sa library at magbabasa," sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Sus! Babalikan mo lang yung macho eh," tukso ni Kaycee.

Nasamid ako sa sinabi niyang iyon.

"Ano ka ba? Hindi magandang biro iyan. Paano kung may makarinig sayo? At paano kung may girlfriend na iyong tao?"

"Ah, so kung walang girlfriend eh pwede?," lalo pang pang aasar nito sa akin.

Napaikot na lang mata ko sa sinabing iyon ni Kaycee saka umiling.

"Nangako ako sa Tatang na hindi muna ako magnonobyo," sagot ko.

"Eh, okay lang naman kay Mang Roman hindi ba? Sabi pa nga nya eh basta dadalhin mo agad sa inyo pag may nanligaw na sayo."

"Sinong nanliligaw?," sabat ni Tatang na nasa likod pala namin.

"Naku, tang. Iyang si Kaycee puro kalokohan. May nakilala kasi kaming bagong estudyante doon sa library kanina. Eh ang sabi ko babalik ako doon. Aba. At iyon daw ang dahilan kaya ako babalik," paliwanag ko kay Tatang na noon ay nakaupo na.

"Wala namang masama anak. Basta ay wag ka laang mag aasawa agad," natatawang sabi ni Tatang.

"Tang, pati ba naman kayo?"

"Sabi sayo bes eh," susog pa ni Kaycee.

"Gwapo ba iyan?," baling ni Tatang kay Kaycee.

"Naku, Mang Roman. Gwapo na'y macho pa," kinikilig namang sagot ni Kaycee.

"Hay naku. Sige pagtulungan nyo pa ako ha?"

Natawang muli si Tatang.

"Tapos na ba kayo? Ako na ang magdadala niyan doon," sabi ni Tatang.

"Sige, tang. Salamat."

"Mauna na po kaming umalis Mang Roman. Makikipagkita pa itong prinsesa nyo sa kanyang prinsipe," paalam ni Kaycee na siya namang ikinahalakhak ni Tatang.

Nahampas ko sa braso si Kaycee na tumatawa namang lumayo sa akin.

Pagdating sa library ay inilabas ko ang aking laptop pagkaalalang itutuloy ko nga pala ang ginagawa kong design ng aming Student Teaching Uniform.

Malamang ay ipe present namin ito mamaya sa meeting.

Samantala…

Pagpasok pa lang ni Xandy sa library ay nakita ko siya agad. Lumingon siya sa direksyon ko at ngumiti. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang umupo siya malapit sa bintana. Pagkatapos ay inilabas ang laptop saka seryosong nagsimula sa kanyang ginagawa.

Napangiti ako. Lalo siyang gumanda sa paningin ko.

"Ganda nya di ba?," si Kaycee iyon na may dalang libro.

"Nakakagulat ka naman," sabi ko.

"Asus, kanina pa ako dito noh? Busy ka lang titigan ang best friend ko kaya di mo ko napansin."

Napakamot ako sa ulo.

"Ano ba kelangan mo?," sa halip ay tanong ko.

"Hihiramin ko sana to," anitong ang tinutukoy ay ang hawak na libro.

"Mamayang 2:30 pa pwedeng mag out ng books."

"Pa reserve na lang."

"Sige. Fill up ka muna dito," pagkatapos ay iniabot ko ang form at isang ballpen.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login